2. Ang salitang konsiyensiya ay hango sa salitang Latin
na cum na ang ibig sabihin ay with o may/mayroon at
salitang scientia na ang kahulugan ay knowledge o
kaalaman.
Ang konsiyensiya ay may kaugnayan sa Likas na
Batas Moral. Sa tulong ng konsiyensiya, nababatid ng tao
na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa. Maari ring
may nagawa kang maayos o hindi; mabuti o masama.
3. Bawat isa ay nangangailangan ng gabay upang
makatulong sa kaniya sa araw-araw sa pagdedesisyon o
pagpapasiya. Ito ang kanilang paraan upang makatiyak na
ang gagawing pagkilos ay tama o mali. Ang pamantayan
ay payak o simple lamang para sa lahat upang madaling
maunawaan o maintindihan. Ang gabay o pamantayang
ito ay tinatawag na batas.
Ang salitang batas ay mula sa salitang Latin na lex na
ang kahulugan ay bigkis o tali.
4. Ito ay may Apat na Sangkap:
1. Pagpapahintulot
2. Pinag-iisipan
3. Pinapalaganap at Pinatutupad
4. Layunin ng Batas
5. Ang tao ay may kalayaan – ang kakayahang
magkaroon ng layunin sa buhay at gumawa upang
matamo o maabot ito. Ang bawat isa ay may kalayaan
ding magdesisyong/magpasiyang kumilos o hindi
kumilos at pumili.
Ang kilos at pagpapasiya ng tao ay dumadaan sa daloy
ng pag-iisip. Kaya mahalaga ang batas dahil ito ang
nagbibigay direksiyon o patnubay sa kilos ng tao.
6. Ang Likas na Batas Moral ay ipinagkaloob sa
tao mula noong siya ay isinilang.
Ito ay nagpapatunay na ang tao ay nakikibahagi sa
karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa
pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may
kakayahang mabatid ang masama at mabuti; ang
mali at tama.