SlideShare a Scribd company logo
1 of 18
Ang Pamilya Bilang
Natural na Institusyon
II. LAYUNIN
Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan,
pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang
nakasama, naobserbahan o napanood.
Balik-aral :
1. Gamit ang hashtag(#), ano ang
mahalagang aral na iyong natutunan sa
nakaraang modyul?
Gawain:
1. Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang mga
sumusunod na salita. Iugnay ito sa nangyayaring pandemya
sa kasalukuyan, ang COVID-19.
a. PAGMAMAHAL
b. PAGTUTULUNGAN
c. PANANAMPALATAYA
Batang May Kapansanan
Nagsilang ng isang sanggol na lalaki ang maybahay ni Herbert
Braun. Nang pumunta siya sa ospital nang sumunod na araw
upang dalawin ang kanyang mag-ina ay kinausap siya ng doktor
upang ipaalam ang kalagayan ng sanggol. Dinala siya sa nursery
kung saan ito naroon.
“Ginoong Braun,” wika ng doktor “ikinalulungkot kong sabihin na ang
iyong anak ay isinilang na may depekto. Kung pagmamasdan ninyo,
wala siyang tainga at malakas ang hinala kong siya’y may Mongolism,
ikinalulungkot ko po.”
Malungkot na ibinalita ni Herbert sa kanyang asawa ang napag-
usapan nila ng doktor. Hindi nila napigilang mapaluha sa kapalarang
sinapit ng kanilang anak.
Iniisip nila kung bakit nagkaganoon samantalang buwan-buwan ay
nagpapa-check-up naman sila. Wala rin silang maisip na medical
history ng Mongolism sa kani-kanilang pamilya.
Nasagot ang kanilang mga katanungan ng ilang linggo matapos
isilang ang sanggol nang malathala sa pahayagan ang balitang ito:
thousands of German babies born deformed due to mother’s use of
the sedative Thalidomide.
Matapos ang matagal na panalangin ng mag-asawa ay
natanggap na nila ang katotohanan. Isang araw pag-uwi ni
Herbert galing trabaho, sinorpresa niya ang kanyang asawa
nang sabihin niyang “Huwag kang mag-alala, mabubuhay
ang ating anak na parang normal na bata at titiyakin kong
magiging mabuting ama ako sa kanya.”
Ibinigay ng mag-asawa ang lahat ng suporta at pagmamahal sa
kanilang anak na si Christopher. Makalipas ang pitong taon, madalas
makita ang mag-anak sa may baybay-dagat at naglalaro.
Maligaya si Christopher sa piling ng kanyang mga magulang. Sa
kabila ng kakulangan, hindi nadama ng bata na hindi siya normal sa
suporta ng kaniyang pamilya.
Mga Tanong :
1. Paano nakaimpluwensiya kay Christopher ang suporta at
pagmamahal ng kanyang ama at ina?
2. Paano ipinakita ang pagmamahal at suporta ng magulang ni
Christopher sa kanya?
3. Ano ang mahalagang mensaheng ipinahihiwatig sa kuwento?
Ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan ay may malaking
gampanin na maging modelo sa mga mahahalagang
pagpapahalaga na dapat maitanim sa puso at isip ng kanilang
mga anak. Sila ang salamin ng mabubuting gawain na
kailangang matutunan mo bilang anak tungo sa mabuting
pakikipagkapuwa. Ang mga pagpapapahalagang naitanim sa
puso mo ng iyong mga magulang ang magsisilbing gabay na
maging maingat at maayos ka sa pagpapasiya sa araw-araw
ng iyong buhay. Ang mga pagpapahalagang ito na kailangang
malinang saiyo ng iyong pamilya ay ang pagmamahal,
pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos.
1. Pagmamahal. Sa pamilya, binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa
pagiging tao niya, hindi dahil sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa
pamilya. Ang ugnayang dugo ang likas na dahilan kung bakit itinuturing
ang kapamilya bilang parang sarili (another self), may dignidad at may
karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kung anong
mayroon siya
Umiiral sa pamilya ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay
na kapalit (radical and unconditional love).
Kagaya ng isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng
ina ay minamahal ng kaniyang mga magulang kahit hindi pa
nila nakikita
ang kaniyang anyo – ang mensahe ng pagmamahal na ipinararating
sa pamamagitan ng haplos, ang pag-aalaga sa kalusugan ng ina dahil
alam na ito ay para rin sa kapakanan ng batang nasa sinapupunan,
at ang pagtitiis sa matinding kirot bunga ng panganganak dahil alam
na pagkatapos nito ay hindi maipaliwanag na kaligayahan dahil
masisilayan na ang pinakahihintay – lahat ito ay dahil sa
pagmamahal na hindi nakabatay sa kaanyuan, katangian, at
kakayahan.
2. Pagtutulungan. Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya
sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng
buong pamilya. Kilala ang mga Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak.
Palaging handang tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan ng
bawat isa.
Katulad ng ibang pagpapahalaga, itinuturo din ng magulang sa anak
na mula pa nang sila ay maliliit, sinasanay na sa paghahati-hati ng
mga gawaing bahay, binibigyan ng tungkulin ang mga mas
nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid, at
nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin. Dito
makikita kung gaano kahalaga ang pagtutulungan sa pamilya.
3. Pananampalataya.Ang pagsasabuhay ng bawat miyembro ng
pamilya ng mga aral at kautusan ng kanilang pananampalataya ay
lubhang mahalaga. Ito ang siyang magbubuklod sa kanila upang sila ay
maging buo at matatag. Sabi nga sa isang kasabihan, “Ang pamilyang
nagsasama-sama sa isang panalangin at pananampalataya ay
manatiling magkakasama.”
Marahil ito ang dahilan kung bakit marami sa atin ang mas nanaising
makasama sa buhay ang may kaparehong pananampalataya. Ngunit
kung minsan ay hindi nga lamang nangyayari ito sapagkat
makapangyarihan ang pag-ibig. Ganunpaman anoman ang uri ng
relihiyon mayroon ang bawat isa higit sa lahat ay may kinikilalang
Diyos ang isang pamilya na maging sentro ng kanilang buhay.
Mga Tanong:
1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan?
Bakit?
2. Bakit mahalagang malinang sa isang pamilya ang
pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos?
3. Paano mo mapauunlad sa iyong sariling pamilya ang mga
pagpapahalagang ito?

More Related Content

What's hot

Esp 8 pamilya modyul 1
Esp 8 pamilya modyul 1Esp 8 pamilya modyul 1
Esp 8 pamilya modyul 1Ivy Bautista
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganJared Ram Juezan
 
Pag unawa sa konsepto ng pakikipagkapwa
Pag unawa sa konsepto ng pakikipagkapwaPag unawa sa konsepto ng pakikipagkapwa
Pag unawa sa konsepto ng pakikipagkapwaYhanzieCapilitan
 
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxAng Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxShannenMayGestiada3
 
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng PamilyaModule 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng PamilyaLUDIVINABAUTISTA
 
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptxESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptxANDREWADALID3
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...MaamAraJelene
 
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEs p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEdna Azarcon
 
Ang mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipinoAng mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipinoJames Malicay
 
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng PagpapahalagaESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng PagpapahalagaRoselle Liwanag
 
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaG8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaRodel Sinamban
 
ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptxESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptxHappieMontevirgenCas
 
Kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya
Kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilyaKahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya
Kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilyaJam Lacanlale
 

What's hot (20)

Esp 8 pamilya modyul 1
Esp 8 pamilya modyul 1Esp 8 pamilya modyul 1
Esp 8 pamilya modyul 1
 
ESP 8 Modyul 11
ESP 8 Modyul 11ESP 8 Modyul 11
ESP 8 Modyul 11
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
 
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptxESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
ESP 8 Modyul 5 & 6 - EMOSYON.pptx
 
Pag unawa sa konsepto ng pakikipagkapwa
Pag unawa sa konsepto ng pakikipagkapwaPag unawa sa konsepto ng pakikipagkapwa
Pag unawa sa konsepto ng pakikipagkapwa
 
EsP 8 Modyul 2
EsP 8 Modyul 2EsP 8 Modyul 2
EsP 8 Modyul 2
 
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxAng Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
 
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng PamilyaModule 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
Module 4 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya
 
EsP 8 Modyul 9
EsP 8 Modyul 9EsP 8 Modyul 9
EsP 8 Modyul 9
 
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptxESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
ESP-8-....-WEEK-1-Q2.pptx
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
 
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEs p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
 
Ang mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipinoAng mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipino
 
Ang sekswalidad ng tao
Ang sekswalidad ng taoAng sekswalidad ng tao
Ang sekswalidad ng tao
 
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng PagpapahalagaESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
ESP 7 Modyul10 Hirarkiya ng Pagpapahalaga
 
ESP 8 Modyul 10
ESP 8 Modyul 10ESP 8 Modyul 10
ESP 8 Modyul 10
 
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaG8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
 
Esp modyul 3 presentation.
Esp modyul 3 presentation.Esp modyul 3 presentation.
Esp modyul 3 presentation.
 
ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptxESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
ESP MODULE 1(PAMILYA BILANG ISANG NATURAL NA INSITUSYON SA LIPUNAN).pptx
 
Kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya
Kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilyaKahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya
Kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya
 

Similar to Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon.pptx

EsP-SLM-1.2.pdf
EsP-SLM-1.2.pdfEsP-SLM-1.2.pdf
EsP-SLM-1.2.pdfErwinEnaje
 
Mission Impossible Part 2 EsP 8 Modyul 2
Mission Impossible Part 2 EsP 8 Modyul 2Mission Impossible Part 2 EsP 8 Modyul 2
Mission Impossible Part 2 EsP 8 Modyul 2Edna Azarcon
 
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunanPagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunanMartinGeraldine
 
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxDay-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxSahleeGabiaBaja
 
Aralin 2 ESP Grade 8.pptx
Aralin 2 ESP Grade 8.pptxAralin 2 ESP Grade 8.pptx
Aralin 2 ESP Grade 8.pptxRowellRizalte
 
ESP 8 QUARTER 1 ARALIN 3: KOMUNIKASYON SA PAMILYA
ESP 8 QUARTER 1 ARALIN 3: KOMUNIKASYON SA PAMILYAESP 8 QUARTER 1 ARALIN 3: KOMUNIKASYON SA PAMILYA
ESP 8 QUARTER 1 ARALIN 3: KOMUNIKASYON SA PAMILYAChristineDomingo16
 
Istraktura at kasaysayan ng Pamilya.pptx
Istraktura at kasaysayan ng Pamilya.pptxIstraktura at kasaysayan ng Pamilya.pptx
Istraktura at kasaysayan ng Pamilya.pptxJuvy41
 
Modyul 2 ESP Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
Modyul 2 ESP  Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng PamilyaModyul 2 ESP  Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
Modyul 2 ESP Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng PamilyaLUDIVINABAUTISTA
 
ANG MISYON NG PAMILYA.pptx
ANG MISYON NG PAMILYA.pptxANG MISYON NG PAMILYA.pptx
ANG MISYON NG PAMILYA.pptxEVELYNGAYOSO2
 
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptxESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptxRiaPerez4
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanowshii
 
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxAng Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxMariaAnnalizaMallane
 
Tungkulin ng Pamilya - EsP8 Modyul 2-Pang-CO
Tungkulin ng Pamilya - EsP8 Modyul 2-Pang-COTungkulin ng Pamilya - EsP8 Modyul 2-Pang-CO
Tungkulin ng Pamilya - EsP8 Modyul 2-Pang-COESMAEL NAVARRO
 
modyul sa Filipino 7 PowerPoint presentation_grade_7.pptx
modyul sa Filipino 7 PowerPoint presentation_grade_7.pptxmodyul sa Filipino 7 PowerPoint presentation_grade_7.pptx
modyul sa Filipino 7 PowerPoint presentation_grade_7.pptxLolita Gomez
 
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptxLesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptxAprilKyla
 

Similar to Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon.pptx (20)

EsP-SLM-1.2.pdf
EsP-SLM-1.2.pdfEsP-SLM-1.2.pdf
EsP-SLM-1.2.pdf
 
ESP-G8.pptx
ESP-G8.pptxESP-G8.pptx
ESP-G8.pptx
 
Mission Impossible Part 2 EsP 8 Modyul 2
Mission Impossible Part 2 EsP 8 Modyul 2Mission Impossible Part 2 EsP 8 Modyul 2
Mission Impossible Part 2 EsP 8 Modyul 2
 
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunanPagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
 
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxDay-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
 
Ang Misyon ng Pamilya.pptx
Ang Misyon ng Pamilya.pptxAng Misyon ng Pamilya.pptx
Ang Misyon ng Pamilya.pptx
 
Aralin 2 ESP Grade 8.pptx
Aralin 2 ESP Grade 8.pptxAralin 2 ESP Grade 8.pptx
Aralin 2 ESP Grade 8.pptx
 
EsP 8 Concepts 8
EsP 8 Concepts 8EsP 8 Concepts 8
EsP 8 Concepts 8
 
ESP 8 QUARTER 1 ARALIN 3: KOMUNIKASYON SA PAMILYA
ESP 8 QUARTER 1 ARALIN 3: KOMUNIKASYON SA PAMILYAESP 8 QUARTER 1 ARALIN 3: KOMUNIKASYON SA PAMILYA
ESP 8 QUARTER 1 ARALIN 3: KOMUNIKASYON SA PAMILYA
 
Istraktura at kasaysayan ng Pamilya.pptx
Istraktura at kasaysayan ng Pamilya.pptxIstraktura at kasaysayan ng Pamilya.pptx
Istraktura at kasaysayan ng Pamilya.pptx
 
Modyul 2 ESP Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
Modyul 2 ESP  Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng PamilyaModyul 2 ESP  Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
Modyul 2 ESP Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
 
module 2.ppt
module 2.pptmodule 2.ppt
module 2.ppt
 
ANG MISYON NG PAMILYA.pptx
ANG MISYON NG PAMILYA.pptxANG MISYON NG PAMILYA.pptx
ANG MISYON NG PAMILYA.pptx
 
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptxESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
ESP8 WEEK 1-PAMILYA BILANG ISANG INSTITUSYON.pptx
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
 
g8.pptx
g8.pptxg8.pptx
g8.pptx
 
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptxAng Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon.pptx
 
Tungkulin ng Pamilya - EsP8 Modyul 2-Pang-CO
Tungkulin ng Pamilya - EsP8 Modyul 2-Pang-COTungkulin ng Pamilya - EsP8 Modyul 2-Pang-CO
Tungkulin ng Pamilya - EsP8 Modyul 2-Pang-CO
 
modyul sa Filipino 7 PowerPoint presentation_grade_7.pptx
modyul sa Filipino 7 PowerPoint presentation_grade_7.pptxmodyul sa Filipino 7 PowerPoint presentation_grade_7.pptx
modyul sa Filipino 7 PowerPoint presentation_grade_7.pptx
 
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptxLesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
 

More from DenMarkTuazonRaola2

The Teacher, The Learner, and The Learning Process _MA203 (Rañola).pptx
The Teacher, The Learner, and The Learning Process _MA203 (Rañola).pptxThe Teacher, The Learner, and The Learning Process _MA203 (Rañola).pptx
The Teacher, The Learner, and The Learning Process _MA203 (Rañola).pptxDenMarkTuazonRaola2
 
2022 PPT-SCHOOL SAFEGUARDING.pptx
2022 PPT-SCHOOL SAFEGUARDING.pptx2022 PPT-SCHOOL SAFEGUARDING.pptx
2022 PPT-SCHOOL SAFEGUARDING.pptxDenMarkTuazonRaola2
 
Western classical art traditions.pptx
Western classical art traditions.pptxWestern classical art traditions.pptx
Western classical art traditions.pptxDenMarkTuazonRaola2
 
Electrical Tools and Equipment.pptx
Electrical Tools and Equipment.pptxElectrical Tools and Equipment.pptx
Electrical Tools and Equipment.pptxDenMarkTuazonRaola2
 

More from DenMarkTuazonRaola2 (8)

The Teacher, The Learner, and The Learning Process _MA203 (Rañola).pptx
The Teacher, The Learner, and The Learning Process _MA203 (Rañola).pptxThe Teacher, The Learner, and The Learning Process _MA203 (Rañola).pptx
The Teacher, The Learner, and The Learning Process _MA203 (Rañola).pptx
 
2022 PPT-SCHOOL SAFEGUARDING.pptx
2022 PPT-SCHOOL SAFEGUARDING.pptx2022 PPT-SCHOOL SAFEGUARDING.pptx
2022 PPT-SCHOOL SAFEGUARDING.pptx
 
NATURE-OF-COMMUNICATION.pptx
NATURE-OF-COMMUNICATION.pptxNATURE-OF-COMMUNICATION.pptx
NATURE-OF-COMMUNICATION.pptx
 
MAT1033.6.3.ppt
MAT1033.6.3.pptMAT1033.6.3.ppt
MAT1033.6.3.ppt
 
Western classical art traditions.pptx
Western classical art traditions.pptxWestern classical art traditions.pptx
Western classical art traditions.pptx
 
Electrical Tools and Equipment.pptx
Electrical Tools and Equipment.pptxElectrical Tools and Equipment.pptx
Electrical Tools and Equipment.pptx
 
PLATE TECTONICS.pptx
PLATE TECTONICS.pptxPLATE TECTONICS.pptx
PLATE TECTONICS.pptx
 
recognition 2022.pptx
recognition 2022.pptxrecognition 2022.pptx
recognition 2022.pptx
 

Recently uploaded

Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnAralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnCindyManual1
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeronapacibe55
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANLovelyAngelFrancia1
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 

Recently uploaded (20)

Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnAralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 

Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon.pptx

  • 1. Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon
  • 2. II. LAYUNIN Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood.
  • 3. Balik-aral : 1. Gamit ang hashtag(#), ano ang mahalagang aral na iyong natutunan sa nakaraang modyul?
  • 4. Gawain: 1. Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Iugnay ito sa nangyayaring pandemya sa kasalukuyan, ang COVID-19. a. PAGMAMAHAL b. PAGTUTULUNGAN c. PANANAMPALATAYA
  • 5. Batang May Kapansanan Nagsilang ng isang sanggol na lalaki ang maybahay ni Herbert Braun. Nang pumunta siya sa ospital nang sumunod na araw upang dalawin ang kanyang mag-ina ay kinausap siya ng doktor upang ipaalam ang kalagayan ng sanggol. Dinala siya sa nursery kung saan ito naroon.
  • 6. “Ginoong Braun,” wika ng doktor “ikinalulungkot kong sabihin na ang iyong anak ay isinilang na may depekto. Kung pagmamasdan ninyo, wala siyang tainga at malakas ang hinala kong siya’y may Mongolism, ikinalulungkot ko po.” Malungkot na ibinalita ni Herbert sa kanyang asawa ang napag- usapan nila ng doktor. Hindi nila napigilang mapaluha sa kapalarang sinapit ng kanilang anak. Iniisip nila kung bakit nagkaganoon samantalang buwan-buwan ay nagpapa-check-up naman sila. Wala rin silang maisip na medical history ng Mongolism sa kani-kanilang pamilya.
  • 7. Nasagot ang kanilang mga katanungan ng ilang linggo matapos isilang ang sanggol nang malathala sa pahayagan ang balitang ito: thousands of German babies born deformed due to mother’s use of the sedative Thalidomide. Matapos ang matagal na panalangin ng mag-asawa ay natanggap na nila ang katotohanan. Isang araw pag-uwi ni Herbert galing trabaho, sinorpresa niya ang kanyang asawa nang sabihin niyang “Huwag kang mag-alala, mabubuhay ang ating anak na parang normal na bata at titiyakin kong magiging mabuting ama ako sa kanya.”
  • 8. Ibinigay ng mag-asawa ang lahat ng suporta at pagmamahal sa kanilang anak na si Christopher. Makalipas ang pitong taon, madalas makita ang mag-anak sa may baybay-dagat at naglalaro. Maligaya si Christopher sa piling ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng kakulangan, hindi nadama ng bata na hindi siya normal sa suporta ng kaniyang pamilya.
  • 9. Mga Tanong : 1. Paano nakaimpluwensiya kay Christopher ang suporta at pagmamahal ng kanyang ama at ina? 2. Paano ipinakita ang pagmamahal at suporta ng magulang ni Christopher sa kanya? 3. Ano ang mahalagang mensaheng ipinahihiwatig sa kuwento?
  • 10. Ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan ay may malaking gampanin na maging modelo sa mga mahahalagang pagpapahalaga na dapat maitanim sa puso at isip ng kanilang mga anak. Sila ang salamin ng mabubuting gawain na kailangang matutunan mo bilang anak tungo sa mabuting pakikipagkapuwa. Ang mga pagpapapahalagang naitanim sa puso mo ng iyong mga magulang ang magsisilbing gabay na maging maingat at maayos ka sa pagpapasiya sa araw-araw ng iyong buhay. Ang mga pagpapahalagang ito na kailangang malinang saiyo ng iyong pamilya ay ang pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos.
  • 11. 1. Pagmamahal. Sa pamilya, binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao niya, hindi dahil sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya. Ang ugnayang dugo ang likas na dahilan kung bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili (another self), may dignidad at may karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kung anong mayroon siya Umiiral sa pamilya ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love).
  • 12. Kagaya ng isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng ina ay minamahal ng kaniyang mga magulang kahit hindi pa nila nakikita ang kaniyang anyo – ang mensahe ng pagmamahal na ipinararating sa pamamagitan ng haplos, ang pag-aalaga sa kalusugan ng ina dahil alam na ito ay para rin sa kapakanan ng batang nasa sinapupunan, at ang pagtitiis sa matinding kirot bunga ng panganganak dahil alam na pagkatapos nito ay hindi maipaliwanag na kaligayahan dahil masisilayan na ang pinakahihintay – lahat ito ay dahil sa pagmamahal na hindi nakabatay sa kaanyuan, katangian, at kakayahan.
  • 13.
  • 14. 2. Pagtutulungan. Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Kilala ang mga Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Palaging handang tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan ng bawat isa. Katulad ng ibang pagpapahalaga, itinuturo din ng magulang sa anak na mula pa nang sila ay maliliit, sinasanay na sa paghahati-hati ng mga gawaing bahay, binibigyan ng tungkulin ang mga mas nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid, at nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin. Dito makikita kung gaano kahalaga ang pagtutulungan sa pamilya.
  • 15.
  • 16. 3. Pananampalataya.Ang pagsasabuhay ng bawat miyembro ng pamilya ng mga aral at kautusan ng kanilang pananampalataya ay lubhang mahalaga. Ito ang siyang magbubuklod sa kanila upang sila ay maging buo at matatag. Sabi nga sa isang kasabihan, “Ang pamilyang nagsasama-sama sa isang panalangin at pananampalataya ay manatiling magkakasama.” Marahil ito ang dahilan kung bakit marami sa atin ang mas nanaising makasama sa buhay ang may kaparehong pananampalataya. Ngunit kung minsan ay hindi nga lamang nangyayari ito sapagkat makapangyarihan ang pag-ibig. Ganunpaman anoman ang uri ng relihiyon mayroon ang bawat isa higit sa lahat ay may kinikilalang Diyos ang isang pamilya na maging sentro ng kanilang buhay.
  • 17.
  • 18. Mga Tanong: 1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit? 2. Bakit mahalagang malinang sa isang pamilya ang pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos? 3. Paano mo mapauunlad sa iyong sariling pamilya ang mga pagpapahalagang ito?