Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
• Ang Komunikasyon ay anumang senyas o simbulo na
ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang inisip at
pinapahalagahan, ...
• Sa pamamagitan ng Komunikasyon ,naipapahayag ng
mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga
pangangailangan, ninanais, at ang...
• Mas malaking hamon ang pagkakaroon ng mabisang
komunikasyon sa pamilya sa modernong panahon.
• Ang pamilya ay nahaharap ...
• Ang ilan naman sa mga negatibo ay negatibo ay ang
entitlement mentality, kawalang galang sa awtoridad at
nakatatanda, an...
• Ang pinkamabisang tugon dito ay ang pag unawa sa
tunay na kahulugan ng komunikasyon sa pagitan ng tao.
• Ang tunay na ko...
• Ang diyalogo ay nagsisimula sa sining ng pakikinig.
• Ang dalawang tao ay dumudulog sa diyalogo nang may
lubos na pagbub...
• Ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng
taong kadiyalogo.
• Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na...
• Ang Komunikasyong ito ay posible lamang sa pagitan
ng mga tao. Natutuwa tayo sa ating alaga kung kaya
nitong ipaalam sa ...
• Bukod sa siya’y may kakayahang magwika, kaya niya
ring maging mapanlikha o malikhain sa pagpapahayag
ng kaniyang iniisip...
• Ang isa sa pinakamalaking suliranin sa pamilya ngayon
ang kawalan ng tunay na komunikasyon sa pagitan ng
mag asawa, mga ...
• Ang diyalogo ay nararapat na higit na madali para sa
isang pamilya kaysa sa hindi magkakapamilya.
• Kailangan lamang na ...
• Mas magiging madali ang maging bukas at magtiwala.
Mas magiging madali at umunawa hindi lamang sa
sinasabi kundi sa mga ...
• Sa huli’y balikan natin ang aral ng gurong Hindu
tungkol sa komunikasyon. Ang pagmamahal ang
pinakamabisang paraan ng ko...
Kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya

14,759 views

Published on

Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya

Published in: Education
  • Be the first to comment

Kahalagahan ng komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya

  1. 1. • Ang Komunikasyon ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang inisip at pinapahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa. • Maging ang katahimikan ay may ipinahihiwatig. • Nagpapahayag tayo hindi lamang sa pamamagitan ng ating sinasabi o ginagawa kundi maging sa kung sino tayo at paano tayo namumuhay. • Mahalaga sa atin ang katapatan at integridad hindi lamang sa salita kundi sa gawa.
  2. 2. • Sa pamamagitan ng Komunikasyon ,naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais, at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t isa. • Ang Komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di- pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. • Isang mahalagang kasanayan sa komunikasyon ang kakayahan na magbibigay ng tuon sa iniisip at sa nadarama ng kapwa. • Hindi nakapagtataka na ang hindi maayos na komunikasyon sa pamilya ay nagiging sanhi ng hindi mabuting ugnayan ng mga kasapi nito.
  3. 3. • Mas malaking hamon ang pagkakaroon ng mabisang komunikasyon sa pamilya sa modernong panahon. • Ang pamilya ay nahaharap sa maraming pagbabago. • Ang mga pagbabagong ito ay nakaaapekto sa daloy ng komunikasyon at sa uri ng ugnayan ng mga kasapi ng pamilya. • Ang ilan ay mga positibong pagbabago at ang ilan naman ay mga hamong kailangang malampasan nito. • Ilan sa mga positibong pagbabago ay ang pagkakaroon ng mga kasapi nito ng kamalayan tungkol sa kanilang kalayaan bilang tao, kamalayan tungkol sa kanilang pakikipagkapwa, mapanagutang pagmamagulang, at
  4. 4. • Ang ilan naman sa mga negatibo ay negatibo ay ang entitlement mentality, kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda, ang mga kahirapan sa pagsasalin ng pagpapahalaga, ang legal na paghihiwalay ng mga mag- asawa o pagsasawalang bisa ng matrimonya ng kasal, pagpapalaglag, at kahirapan o kasalatan sa buhay. • Nag-uugat ang mga negatibong pagbabagong ito sa pamilya sa labis na materyalismo at pangingibabaw ng paghahangad sa panariling kapakanan bago ang pamilya. • Natural lamang na kung sira ang ugnayan sa pamilya, sira rin ang komunikasyon at gayon din naman kung sira ang komunikasyon ay sira rin ang ugnayan ng pamilya.
  5. 5. • Ang pinkamabisang tugon dito ay ang pag unawa sa tunay na kahulugan ng komunikasyon sa pagitan ng tao. • Ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay tintawag ni Martin Buber na “Diyalogo” • Ang tunay na diyalogo ay hindi lamang pag-uusap o pakikipagtalastasan. Hindi ito tulad ng teknikal na pakahulugan dito. • Hindi ito pakikipagkasundo o pakikipagpalitan ng impormasyon upang makumbinsi ang kapwa na magkaroon ng katulad na pananaw.
  6. 6. • Ang diyalogo ay nagsisimula sa sining ng pakikinig. • Ang dalawang tao ay dumudulog sa diyalogo nang may lubos na pagbubukas ng sarili at tiwala sa isa’t isa. • Hindi ito pagkumbinsi, kundi ang pakikinig sa kapwa upang maunawaan ang kaniyang pananaw at pinanggagalingan at pagpapahayag naman ng sariling pananaw sa kapwa. • Sa huli’y hindi nila kailangang magkaroon ng parehong pananaw o kompromiso tungkol sa isang bagay. • Katarungan ang pinakamababang hatid ng tao sa diyalogo at pagmamahal naman ang pinakamataas.
  7. 7. • Ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadiyalogo. • Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa nang may paggalang sa kaniyang dignidad kaya’t inilalagay mo ang iyong sarili at binibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo sa kaniya. • Kaya nga sa diyalogo nakahanda kang tumayo sa tinatawag na narrow ridge o makipot na tuntungan. Ito ang tinatawag ni Buber na ugnayang I-thou.
  8. 8. • Ang Komunikasyong ito ay posible lamang sa pagitan ng mga tao. Natutuwa tayo sa ating alaga kung kaya nitong ipaalam sa atin ang kanilang pangangailangan. Halimbawa ang asong nais pumasok ng bahay na marunong kumatok, o binibitbit ang kaniyang kainan papunta sa atin kung ito’y nagugutom na, o kaya’y kusang pumapasok sa palikuran upang magbawas at umihi, at marunong pang mag-flush ng toilet! Bagama’t nagagawa ito ng aso wala itong kamalayan na tulad ng sa tao. Hindi niya alam ang mga bagay na ito. Ginagawa niya ito dahil epektibo ang mga kilos na ito upang makuha niya ang kaniyang mga kailangan. Tinatawag itong conditioning ng psychologist na si Ivan Pavlov.
  9. 9. • Bukod sa siya’y may kakayahang magwika, kaya niya ring maging mapanlikha o malikhain sa pagpapahayag ng kaniyang iniisip at nadarama. • Halimbawa, kung nais niyang suyuin ang isang kaibigan, maaaring bigyan niya ito ng bulaklak o ipagluluto kaya ng masarap na pagkain. • Sa isang banda, ang tao sa komunikasyon ay may kaalaman at kamalayan. • Kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili, o kung ang pakay ay marinig lamang at hindi ang makinig , hindi ito nasa isang diyalogo kundi monologo. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais. Ito ang tinatawag na ugnayang I – it.
  10. 10. • Ang isa sa pinakamalaking suliranin sa pamilya ngayon ang kawalan ng tunay na komunikasyon sa pagitan ng mag asawa, mga magulang, at mga anak. Madalas na sa pakikipag usap sa mga anak, mas mahalaga sa magulangang maipaunawa ang nais nila para sa kanilang anak, hindi ang pakikinig sa nais ng mga anak. • Ang mga anak naman tinitingnan ang mga magulang bilang mga taong walang kakayahang making at umunawa kaya’t mas minamabuti pa ang manahimik at itago ang tunay na nararamdaman.
  11. 11. • Ang diyalogo ay nararapat na higit na madali para sa isang pamilya kaysa sa hindi magkakapamilya. • Kailangan lamang na pairalin ang pagmamahal na natural na nagbibigkas sa mga kasapi nito. • Kung mas pinahahalagahan natin ang pamilya natin at ang kapamilya kaysa ating sarili, mas magiging medaling dumulog sa isang diyalogo nang may kababaang-loob at kahandaang umunawa. • Minsan mas madali ang magpanggap kaysa magpakatotoo sa loob ng pamiilya. • Labis na nakalulungkot ang katotohanan na maging sa loob ng pamilya ay kadalasang hindi nakukumpirma ang atiing pagkatao.
  12. 12. • Mas magiging madali ang maging bukas at magtiwala. Mas magiging madali at umunawa hindi lamang sa sinasabi kundi sa mga hindi masabi ng kapamilya. Sa diyalogo ang mga anak ay pinakikinggan at inuunawa. Madalas din sila’y bibigyan ng kalayaang lumahok sa paggawa ng pasiya at tumulong sa paglutas ng mga problema. Sa diyalogo walang maliit o Malaki, mataas o mababa. Lahat ay magkakatulad na tao, may dignidad at sariling isip at kalooban. Ang mga magulang naman ay tinitingnan ng mga anak bilang mga taong bukas at may pag unawa at buong pagtitiwalang ipinahahayag ng mga anak ang kanilang isip at damdamin sa kanila. Ang diyalogo ay kailangan ng mag asawa upang hindi nila malimot na bagama’t ipinagkaloob na nila ang sarili sa isa’t isa sa pag ibig at matrimonya ng kasal, sila rin ay indibidwal na may sariling isip at kalooban.
  13. 13. • Sa huli’y balikan natin ang aral ng gurong Hindu tungkol sa komunikasyon. Ang pagmamahal ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon, sapagkat ang tunay na pagmamahal ay ang pagkakaisa ng isip at puso ng dalawang tao. • Samakatwid, hindi ito nangangailangan pa ng salita. Napakatahimik at payapa marahil ng mundo kung ang lahat ay nagmamahalan.

×