SlideShare a Scribd company logo
1 of 10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1-Modyul 1
(Linggo1.2)
Ang Pamilya Bilang Natural na
Institusyon
8
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Markahan- Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang – aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.
Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Regional Director: Gilbert T. Sadsad
Assistant Regional Director: Jessie L. Amin
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Celna T. Dumdum
Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
1
I.PANIMULA
Ang pamilya na itinuturing na pinakamaliit ngunit pinakamahalagang institusyon sa
lipunan ay may malaking tungkulin na dapat gampanan. Bilang munting paaralan ng buhay,
ito ang siyang ugat at unang gabay ng iyong pagkatao. Dito unang naranasan ang iba’t-
ibang pagpapahalaga na maaaring magamit bilang gabay sa iyong pakikipagkapuwa. Sa
modyul na ito, masusuri mo naman ang kahalagahan ng pagmamahalan, pagtutulungan, at
pananampalataya na umiiral sa iyong pamilya.
II. LAYUNIN
Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang
pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood.
III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Balik-aral :
1. Gamit ang hashtag(#), ano ang mahalagang aral na iyong natutunan sa
nakaraang modyul?
________________________________________________________________
Gawain:
1. Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Iugnay
ito sa nangyayaring pandemya sa kasalukuyan, ang COVID-19.
a. PAGMAMAHAL
b. PAGTUTULUNGAN
c. PANANAMPALATAYA
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2
IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA
Gawain 1 :
Basahin mo ang kuwento at sagutin ang mga tanong.
Batang May Kapansanan
Nagsilang ng isang sanggol na lalaki ang maybahay ni Herbert Braun. Nang
pumunta siya sa ospital nang sumunod na araw upang dalawin ang kanyang mag-ina ay
kinausap siya ng doktor upang ipaalam ang kalagayan ng sanggol. Dinala siya sa nursery
kung saan ito naroon.
“Ginoong Braun,” wika ng doktor “ikinalulungkot kong sabihin na ang iyong anak ay
isinilang na may depekto. Kung pagmamasdan ninyo, wala siyang tainga at malakas ang
hinala kong siya’y may Mongolism, ikinalulungkot ko po.”
Malungkot na ibinalita ni Herbert sa kanyang asawa ang napag-usapan nila ng
doktor. Hindi nila napigilang mapaluha sa kapalarang sinapit ng kanilang anak.
Iniisip nila kung bakit nagkaganoon samantalang buwan-buwan ay nagpapa-check-
up naman sila. Wala rin silang maisip na medical history ng Mongolism sa kani-kanilang
pamilya.
Nasagot ang kanilang mga katanungan ng ilang linggo matapos isilang ang sanggol
nang malathala sa pahayagan ang balitang ito: thousands of German babies born deformed
due to mother’s use of the sedative Thalidomide.
Matapos ang matagal na panalangin ng mag-asawa ay natanggap na nila ang
katotohanan. Isang araw pag-uwi ni Herbert galing trabaho, sinorpresa niya ang kanyang
asawa nang sabihin niyang “Huwag kang mag-alala, mabubuhay ang ating anak na parang
normal na bata at titiyakin kong magiging mabuting ama ako sa kanya.”
Ibinigay ng mag-asawa ang lahat ng suporta at pagmamahal sa kanilang anak na si
Christopher. Makalipas ang pitong taon, madalas makita ang mag-anak sa may baybay-
dagat at naglalaro.
Maligaya si Christopher sa piling ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng
kakulangan, hindi nadama ng bata na hindi siya normal sa suporta ng kaniyang pamilya.
(Halaw mula sa: The Next 500 Stories ni Fr. Frank Mihalic)
3
Mga Tanong :
1. Paano nakaimpluwensiya kay Christopher ang suporta at pagmamahal ng
kanyang ama at ina?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Paano ipinakita ang pagmamahal at suporta ng magulang ni Christopher sa
kanya?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Ano ang mahalagang mensaheng ipinahihiwatig sa kuwento?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
V. PAGPAPALALIM
Ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan ay may malaking gampanin na maging
modelo sa mga mahahalagang pagpapahalaga na dapat maitanim sa puso at isip ng
kanilang mga anak. Sila ang salamin ng mabubuting gawain na kailangang matutunan mo
bilang anak tungo sa mabuting pakikipagkapuwa. Ang mga pagpapapahalagang naitanim
sa puso mo ng iyong mga magulang ang magsisilbing gabay na maging maingat at maayos
ka sa pagpapasiya sa araw-araw ng iyong buhay. Ang mga pagpapahalagang ito na
kailangang malinang saiyo ng iyong pamilya ay ang pagmamahal, pagtutulungan at
pananampalataya sa Diyos.
1. Pagmamahal. Sa pamilya, binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao niya,
hindi dahil sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya. Ang ugnayang dugo
ang likas na dahilan kung bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili (another
self), may dignidad at may karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa
kung anong mayroon siya (halimbawa: kapangyarihan, kagandahan, o talent).
Umiiral sa pamilya ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit
(radical and unconditional love). Kagaya ng isang sanggol na nasa sinapupunan pa
lamang ng ina ay minamahal ng kaniyang mga magulang kahit hindi pa nila nakikita
4
ang kaniyang anyo – ang mensahe ng pagmamahal na ipinararating sa
pamamagitan ng haplos, ang pag-aalaga sa kalusugan ng ina dahil alam na ito ay
para rin sa kapakanan ng batang nasa sinapupunan, at ang pagtitiis sa matinding
kirot bunga ng panganganak dahil alam na pagkatapos nito ay hindi maipaliwanag na
kaligayahan dahil masisilayan na ang pinakahihintay – lahat ito ay dahil sa
pagmamahal na hindi nakabatay sa kaanyuan, katangian, at kakayahan.
2. Pagtutulungan. Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat
kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
Kilala ang mga Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Palaging handang
tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan ng bawat isa. Katulad ng
ibang pagpapahalaga, itinuturo din ng magulang sa anak na mula pa nang sila ay
maliliit, sinasanay na sa paghahati-hati ng mga gawaing bahay, binibigyan ng
tungkulin ang mga mas nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid, at
nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin. Dito makikita kung
gaano kahalaga ang pagtutulungan sa pamilya.
3. Pananampalataya.Ang pagsasabuhay ng bawat miyembro ng pamilya ng mga aral
at kautusan ng kanilang pananampalataya ay lubhang mahalaga. Ito ang siyang
magbubuklod sa kanila upang sila ay maging buo at matatag. Sabi nga sa isang
kasabihan, “Ang pamilyang nagsasama-sama sa isang panalangin at
pananampalataya ay manatiling magkakasama.” Marahil ito ang dahilan kung bakit
marami sa atin ang mas nanaising makasama sa buhay ang may kaparehong
pananampalataya. Ngunit kung minsan ay hindi nga lamang nangyayari ito sapagkat
makapangyarihan ang pag-ibig. Ganunpaman anoman ang uri ng relihiyon mayroon
ang bawat isa higit sa lahat ay may kinikilalang Diyos ang isang pamilya na maging
sentro ng kanilang buhay.
Mga Tanong:
1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang malinang sa isang pamilya ang pagmamahal, pagtutulungan at
pananampalataya sa Diyos?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Paano mo mapauunlad sa iyong sariling pamilya ang mga pagpapahalagang ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5
VI- PAGSASAPUSO
Gawain 1: Natutuhan sa modyul
Gamit ang mga larawan sa ibaba sumulat ng mga konseptong nagpapahayag ng iyong
natutuhan sa modyul.
ph.lovepik.com clipartstation.com clipartstation.com
Konsepto:________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Gawain 2: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa ng modyul
1. Ano ang kabuluhan ng natutunan mong konsepto mula sa modyul sa iyong pag-
unlad bilang tao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ano ang maaari mong gawin upang mailapat mo ang iyong mga pagkatuto sa
modyul na ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
6
VII. PAGSASABUHAY
Suriin ang mga umiiral na pagpapahalaga sa pamilyang nakasama, naobserbahan o
napanood na nagpapakita ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya. Gumawa
ng plano kung paano mapapa-unlad ang mahalagang pagpapahalagang ito sa pamilya.
Gamitin ang kolum sa ibaba bilang gabay.
Mga Pagpapahalaga Dahilan Bakit ito ay
mahalagang mapaunlad sa
pamilya
Dapat Gawin Upang ito
ay Maisasagawa o
Maisakatuparan sa
Pamilya
Pagmamahal
Pagtutulungan
Pananampalataya
VIII. PAGTATAYA
Suriin ang pamilyang kinabibilangan mo. Umiiral ba ang pagmamahalan,
pagtutulungan at pananampalataya? Isulat ang iyong kasagutan sa ibaba.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
7
IX. KASUNDUAN
Gumawa ng photo journal ng iyong sariling pamilya na nagpapakita ng
pagmamahalan, pagtutulungan, at pananampatalaya. Maaring gumawa ng video
presentation kung mayroong laptop o cellphone o kung wala naman ay gumamit ng
mahabang bond paper.
8
Mga Sanggunian:
Learners Module sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul 1 : Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon
Pahina 1 – 28
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon-sa
pagpapakatao-learner-module
Daily Lesson Plan in EsP 8 Quarter 1
Pahina 6 - 20
https://bit.ly/2VJIAgm
EASE Module sa Edukasyon sa Pagpapahalaga II
Modyul Blg. 2 : Sa Pamilya Nagsisimula
https://bit.ly/2ybxiY1
Kaganapan sa Pakikipagkapwa II
Aralin 13 : Ako at ang Aking Pamilya sa Pananampalataya
Pahina 98-100
Mga clipart:
ph.lovepik.com
clipartstation.com

More Related Content

Similar to EsP-SLM-1.2.pdf

EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdfEsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
MarjhieValuis1
 
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfesp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
MaryGraceSepida1
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
owshii
 

Similar to EsP-SLM-1.2.pdf (20)

K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 
esp_learners_module.pdf
esp_learners_module.pdfesp_learners_module.pdf
esp_learners_module.pdf
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
 
ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
 
DLL ESP 8 Modyul 4 (1).pdf
DLL ESP 8 Modyul 4 (1).pdfDLL ESP 8 Modyul 4 (1).pdf
DLL ESP 8 Modyul 4 (1).pdf
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
 
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdfEsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
 
Grade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
Grade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - CompleteGrade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
Grade 8 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao - Complete
 
ESP-G8.pptx
ESP-G8.pptxESP-G8.pptx
ESP-G8.pptx
 
Ang Misyon ng Pamilya.pptx
Ang Misyon ng Pamilya.pptxAng Misyon ng Pamilya.pptx
Ang Misyon ng Pamilya.pptx
 
G8m1part1
G8m1part1G8m1part1
G8m1part1
 
EsP8week1.pptx
EsP8week1.pptxEsP8week1.pptx
EsP8week1.pptx
 
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterEsp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
 
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfesp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
Aralin 2 ESP Grade 8.pptx
Aralin 2 ESP Grade 8.pptxAralin 2 ESP Grade 8.pptx
Aralin 2 ESP Grade 8.pptx
 
Esp 8 lesson plan
Esp 8 lesson planEsp 8 lesson plan
Esp 8 lesson plan
 
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptxDay-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
Day-5-Thursday-Pamamahala-ng-Pagkakaiba-iba-ng-Pamilya.pptx
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
 

Recently uploaded (7)

ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 

EsP-SLM-1.2.pdf

  • 1. Edukasyon sa Pagpapakatao Kwarter 1-Modyul 1 (Linggo1.2) Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon 8
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Unang Markahan- Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang – aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito. Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Regional Director: Gilbert T. Sadsad Assistant Regional Director: Jessie L. Amin Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Celna T. Dumdum Editor: Jenith D. Canada Tagasuri: Gloria E. Fontelar Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar Tagalapat: Cynthia M. Bandol
  • 3. 1 I.PANIMULA Ang pamilya na itinuturing na pinakamaliit ngunit pinakamahalagang institusyon sa lipunan ay may malaking tungkulin na dapat gampanan. Bilang munting paaralan ng buhay, ito ang siyang ugat at unang gabay ng iyong pagkatao. Dito unang naranasan ang iba’t- ibang pagpapahalaga na maaaring magamit bilang gabay sa iyong pakikipagkapuwa. Sa modyul na ito, masusuri mo naman ang kahalagahan ng pagmamahalan, pagtutulungan, at pananampalataya na umiiral sa iyong pamilya. II. LAYUNIN Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood. III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Balik-aral : 1. Gamit ang hashtag(#), ano ang mahalagang aral na iyong natutunan sa nakaraang modyul? ________________________________________________________________ Gawain: 1. Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita. Iugnay ito sa nangyayaring pandemya sa kasalukuyan, ang COVID-19. a. PAGMAMAHAL b. PAGTUTULUNGAN c. PANANAMPALATAYA __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________
  • 4. 2 IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA Gawain 1 : Basahin mo ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Batang May Kapansanan Nagsilang ng isang sanggol na lalaki ang maybahay ni Herbert Braun. Nang pumunta siya sa ospital nang sumunod na araw upang dalawin ang kanyang mag-ina ay kinausap siya ng doktor upang ipaalam ang kalagayan ng sanggol. Dinala siya sa nursery kung saan ito naroon. “Ginoong Braun,” wika ng doktor “ikinalulungkot kong sabihin na ang iyong anak ay isinilang na may depekto. Kung pagmamasdan ninyo, wala siyang tainga at malakas ang hinala kong siya’y may Mongolism, ikinalulungkot ko po.” Malungkot na ibinalita ni Herbert sa kanyang asawa ang napag-usapan nila ng doktor. Hindi nila napigilang mapaluha sa kapalarang sinapit ng kanilang anak. Iniisip nila kung bakit nagkaganoon samantalang buwan-buwan ay nagpapa-check- up naman sila. Wala rin silang maisip na medical history ng Mongolism sa kani-kanilang pamilya. Nasagot ang kanilang mga katanungan ng ilang linggo matapos isilang ang sanggol nang malathala sa pahayagan ang balitang ito: thousands of German babies born deformed due to mother’s use of the sedative Thalidomide. Matapos ang matagal na panalangin ng mag-asawa ay natanggap na nila ang katotohanan. Isang araw pag-uwi ni Herbert galing trabaho, sinorpresa niya ang kanyang asawa nang sabihin niyang “Huwag kang mag-alala, mabubuhay ang ating anak na parang normal na bata at titiyakin kong magiging mabuting ama ako sa kanya.” Ibinigay ng mag-asawa ang lahat ng suporta at pagmamahal sa kanilang anak na si Christopher. Makalipas ang pitong taon, madalas makita ang mag-anak sa may baybay- dagat at naglalaro. Maligaya si Christopher sa piling ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng kakulangan, hindi nadama ng bata na hindi siya normal sa suporta ng kaniyang pamilya. (Halaw mula sa: The Next 500 Stories ni Fr. Frank Mihalic)
  • 5. 3 Mga Tanong : 1. Paano nakaimpluwensiya kay Christopher ang suporta at pagmamahal ng kanyang ama at ina? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ 2. Paano ipinakita ang pagmamahal at suporta ng magulang ni Christopher sa kanya? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ 3. Ano ang mahalagang mensaheng ipinahihiwatig sa kuwento? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ V. PAGPAPALALIM Ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan ay may malaking gampanin na maging modelo sa mga mahahalagang pagpapahalaga na dapat maitanim sa puso at isip ng kanilang mga anak. Sila ang salamin ng mabubuting gawain na kailangang matutunan mo bilang anak tungo sa mabuting pakikipagkapuwa. Ang mga pagpapapahalagang naitanim sa puso mo ng iyong mga magulang ang magsisilbing gabay na maging maingat at maayos ka sa pagpapasiya sa araw-araw ng iyong buhay. Ang mga pagpapahalagang ito na kailangang malinang saiyo ng iyong pamilya ay ang pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos. 1. Pagmamahal. Sa pamilya, binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao niya, hindi dahil sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya. Ang ugnayang dugo ang likas na dahilan kung bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili (another self), may dignidad at may karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kung anong mayroon siya (halimbawa: kapangyarihan, kagandahan, o talent). Umiiral sa pamilya ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love). Kagaya ng isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng ina ay minamahal ng kaniyang mga magulang kahit hindi pa nila nakikita
  • 6. 4 ang kaniyang anyo – ang mensahe ng pagmamahal na ipinararating sa pamamagitan ng haplos, ang pag-aalaga sa kalusugan ng ina dahil alam na ito ay para rin sa kapakanan ng batang nasa sinapupunan, at ang pagtitiis sa matinding kirot bunga ng panganganak dahil alam na pagkatapos nito ay hindi maipaliwanag na kaligayahan dahil masisilayan na ang pinakahihintay – lahat ito ay dahil sa pagmamahal na hindi nakabatay sa kaanyuan, katangian, at kakayahan. 2. Pagtutulungan. Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Kilala ang mga Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Palaging handang tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan ng bawat isa. Katulad ng ibang pagpapahalaga, itinuturo din ng magulang sa anak na mula pa nang sila ay maliliit, sinasanay na sa paghahati-hati ng mga gawaing bahay, binibigyan ng tungkulin ang mga mas nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid, at nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin. Dito makikita kung gaano kahalaga ang pagtutulungan sa pamilya. 3. Pananampalataya.Ang pagsasabuhay ng bawat miyembro ng pamilya ng mga aral at kautusan ng kanilang pananampalataya ay lubhang mahalaga. Ito ang siyang magbubuklod sa kanila upang sila ay maging buo at matatag. Sabi nga sa isang kasabihan, “Ang pamilyang nagsasama-sama sa isang panalangin at pananampalataya ay manatiling magkakasama.” Marahil ito ang dahilan kung bakit marami sa atin ang mas nanaising makasama sa buhay ang may kaparehong pananampalataya. Ngunit kung minsan ay hindi nga lamang nangyayari ito sapagkat makapangyarihan ang pag-ibig. Ganunpaman anoman ang uri ng relihiyon mayroon ang bawat isa higit sa lahat ay may kinikilalang Diyos ang isang pamilya na maging sentro ng kanilang buhay. Mga Tanong: 1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 2. Bakit mahalagang malinang sa isang pamilya ang pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 3. Paano mo mapauunlad sa iyong sariling pamilya ang mga pagpapahalagang ito? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________
  • 7. 5 VI- PAGSASAPUSO Gawain 1: Natutuhan sa modyul Gamit ang mga larawan sa ibaba sumulat ng mga konseptong nagpapahayag ng iyong natutuhan sa modyul. ph.lovepik.com clipartstation.com clipartstation.com Konsepto:________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ Gawain 2: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa ng modyul 1. Ano ang kabuluhan ng natutunan mong konsepto mula sa modyul sa iyong pag- unlad bilang tao? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 2. Ano ang maaari mong gawin upang mailapat mo ang iyong mga pagkatuto sa modyul na ito? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________
  • 8. 6 VII. PAGSASABUHAY Suriin ang mga umiiral na pagpapahalaga sa pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapakita ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya. Gumawa ng plano kung paano mapapa-unlad ang mahalagang pagpapahalagang ito sa pamilya. Gamitin ang kolum sa ibaba bilang gabay. Mga Pagpapahalaga Dahilan Bakit ito ay mahalagang mapaunlad sa pamilya Dapat Gawin Upang ito ay Maisasagawa o Maisakatuparan sa Pamilya Pagmamahal Pagtutulungan Pananampalataya VIII. PAGTATAYA Suriin ang pamilyang kinabibilangan mo. Umiiral ba ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya? Isulat ang iyong kasagutan sa ibaba. _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________
  • 9. 7 IX. KASUNDUAN Gumawa ng photo journal ng iyong sariling pamilya na nagpapakita ng pagmamahalan, pagtutulungan, at pananampatalaya. Maaring gumawa ng video presentation kung mayroong laptop o cellphone o kung wala naman ay gumamit ng mahabang bond paper.
  • 10. 8 Mga Sanggunian: Learners Module sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul 1 : Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon Pahina 1 – 28 https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon-sa pagpapakatao-learner-module Daily Lesson Plan in EsP 8 Quarter 1 Pahina 6 - 20 https://bit.ly/2VJIAgm EASE Module sa Edukasyon sa Pagpapahalaga II Modyul Blg. 2 : Sa Pamilya Nagsisimula https://bit.ly/2ybxiY1 Kaganapan sa Pakikipagkapwa II Aralin 13 : Ako at ang Aking Pamilya sa Pananampalataya Pahina 98-100 Mga clipart: ph.lovepik.com clipartstation.com