2. Ang sanaysay ay "essay" sa Wikang Ingles. Ito ay isang
uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng
nagsulat nito. Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang
diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may layong
magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng
nararamdaman, magbahagi ng opinyon, manghikayat ng
ibang tao, at iba pa.
3. Kasaysayan:
Ito ay nagmula sa salitang Latin na exagium na nanggaling naman sa
pandiwa na exagere na nangangahulugang “gawin, magpaalis,
magtimbang, magbalanse.”
Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon, sa pamamagitan ng
inilathalang sulatin ng Pranses na si Michel Eyquiem de Montaigne
na pinamagatang Essais, naitakda ang kahulugan ng essay ayon sa
naging hangarin ng manunulat na maging isang pagtatangka na
makapagpahayag ng mga kuro-kuro at karanasan ang sulatin.
4. Ang “sanaysay” naman sa Filipino ay salitang likha ni Alejandro
G. Abadilla. Pinagsanib niya ang mga salitang “pagsasalaysay ng
isang sanay” o “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.” Ang sanaysay ay isang malayang pagpapahayag ng
karanasan, damdamin, kuro-kuro ng isang manunulat at ito’y
inilalahad sa isang malinaw, lohikal at nakakahikayat na
pamamaraan.
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang
naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
5. Kahulugan ng Sanaysay:
•Kilala ang sanaysay bilang "essay" sa Ingles.
•Ito ay isang uri ng sulatin o komposisyon na naglalayong
maibahagi ang saloobin ng nagsulat nito. Ito rin ay maaaring
magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman,
magbahagi ng opinyon o damdamin, manghikayat ng ibang tao, at
iba pa.
•Ang isang sanaysay ay maaaring tumalakay ng iba't ibang paksa
gaya ng pag-ibig, kapaligiran, pamilya, lipunan, mundo, at iba pa.
6. Dalawang Uri ng Sanaysay
1.Pormal (Maanyo o Impersonal) na Sanaysay:
Ang pormal na sanaysay ay may maayos na pagkakasunud-sunod at
gumagamit ito ng mga salitang akma sa paksa. Ito ay batay sa
pananaliksik at pag-aaral. May seryoso o pormal na tono ito ukol sa
paksa nito.
Ito ay maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman
sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales
tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan
sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya
mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at
matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay
obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso,
paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.
7. 2. Di-Pormal ( Pamilyar o Palagayan) na Sanaysay:
Sa kabilang banda, ang di-pormal na sanaysay naman ay batay sa
mga opinyon at pananaw ng nagsulat nito. Ito ay maaaring galing sa
karanasan o obserbasyon ng may-akda. Ang mga paksa ng mga di-
pormal na sanaysay ay pang-karaniwan, personal, at pang-araw-araw.
Bukod dito, hindi kinakailangang seryoso ang di-pormal na sanaysay.
Ito rin ay mas madaling maintindihan at sundan.
8. Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod
sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw
at personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga
isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring
empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya.
Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng
magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang
tagapakinig, kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono
nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan.
Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda
ang pananaw.
9. Mga Bahagi ng Sanaysay
May tatlong bahagi ang mga sanaysay. Narito ang mga bahagi ng sanaysay na
maaaring makatulong sa iyo sa paggawang ng mga sanaysay:
1. Panimula o Simula: Ito ang pinakamahalaga dahil kinukuha nito ang atensyon ng
mga mambabasa. Dito nagbibigay ng ideya ang may-akda tungkol sa paksa ng
sanaysay.
2. Gitna o Katawan: Dito naman sinasalaysay ang mga mahahalagang ideya
tungkol sa paksa. Dito nagbibigay ng paliwanag o halimbawa ukol sa paksa.
3. Wakas: Ito ang huling bahagi ng sanaysay na nagtatapos sa sanaysay. Dito
nagbibigay ng hamon ukol sa paksa ang may-akda sa kanyang mga mambabasa.
Ito ay para maisakatuparan ang mga nabanggit na puntos sa katawan ng sanaysay.