9. Unang Pag-aaral sa Baybáyin
•Pedro Andres de Castro
OrtograpiyaatmgaTuntuninsaPagsulatng
WikangTagalog
•Trinidad Pardo H. de Tavera
Mga Ambag sa Pag-aaral n
g Sinaunang
AlpabetongmgaFilipino
10. 20
Trinidad Pardo de Tavera (1884)
“Contribucion para el estudio antiguos alfabetos filipinos”
11.
12.
13.
14.
15.
16. •Pinakaunang aklat na nalathala
sa Pilipinas na akda ni Padre
Juan de Plasencia
•Nakasulat sa Español at Tagalog
(alpabetong Romano at Baybaying
Tagalog)
19. Sa loob at labas, ng bayan cong saui
caliluha,i, siyang nangyayaring hari
cagalinga,t, bait ay nalulugami ininis sa
hucay nang dusa,t, pighati.
Ang magandang asal ay ipinupucol
sa laot ng dagat ng cut-ya,t, lingatong
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na ualang cabaong.
20. Mga Katangian ng Alpabetong Romano
na pinalaganap ng mga Español
1.Walang K, pinalitan ng C at QU.
2.Walang W, ipinakatawan sa U.
3. Alpabeto alinsunod sa gamit ng
Español.
22. Repormang Rizal
A. “Sobre la nueva ortografia de la lengua tagala”
(1890)
1. Paggamit ng K at W.
2. Pagsasaayos ng pantig na GUI at QUI.
3. Pagsasaayos ng diptonggo na AO.
B. “Estudios sobre la lengua tagala” (1899)
1. Alpabetong may 20 titik.
2. Limang patinig, labinlimang katinig.
C.Tungo sa abakadang Tagalog ni Lope K. Santos
25. • Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa: 1939-1959 (pag-iwas sa
baybay Español)
–Pilipino: 1959-1973, 20 titik
–Filipino: 1977, 31 titik
–Filipino: 1987, 28 titik
–Filipino: 2013, 28 titik
26. Alpabetong PILIPINO / ABAKADA
20 titik: 5 patinig, 15 katinig
bawat katinig ay binabasang may kasamang “a”
30. (1) Ang pagbuo ng panuto ay kailangang
patnubayan ng matiyagang paglingon sa
kasaysayan upang masipat ang anumang
tradisyon ng nagdaang paraan ng pagsulat sa wika,
mula sa panahon ng baybáyin, sa panahon ng
pagpapalaganap sa alpabetong Romano, sa
panahon ng abakada, at hanggang sa paggamit ng
modernisadong alpabetong Filipino.
31. (2) Kailangang ibatay ito sa mataas na
modelo ng paggamit ng wika. Tinutukoy nitó ang
dagdag na pagsuri sa nakasulat na panitikan upang
paghugutan ng mga panutong ortograpiko bukod sa
pagmamatyag sa nagaganap na pagbabago sa
wikang pabigkas.
Mahigpit ding kaugnay ito ng katatalakay na mithing
hanguin ang tuntuning ortograpiko mula sa
karanasang pangkasaysayan.
32. (3) Kailangang episyente ang ortograpiya o
kailangang nakatutugon ito sa mga pangangailangan
sa pagsulat.
Ang pagdaragdag ng mga titik para sa
modernisadong alpabeto ay isang maliwanag na pag-
angkop ng wikang Filipino sa mga gawaing hindi na
káyang tupdin ng lumang abakada.
33. (4) Kailangang pleksible ang ortograpiya
upang magampanan ang lumalawak (pambansa) na
gamit ng wikang Filipino.
Masisinag sa kasalukuyang gabay ang pagsisikap na
ipaloob ang ibang katangian ng mga wikang katutubo
na walâ sa batayang korpus (ang Tagalog) ng
abakada.
34. (5) Kailangang madalî itong gamitin.
Ang bagay na ito ang maipagmamalaki ng baybáyin
at abakada.
Gayunman, sa kabilâ ng pumasok na salimuot mula
sa mga tunog ng modernisadong alpabeto ay
maipagmamalaki pa rin na madalîng ituro (lalò na sa
paaralan) at palaganapin ang kasalukuyang gabay sa
ortograpiya ng wikang Filipino.
35. (5) Kailangang madalî itong gamitin.
Ang bagay na ito ang maipagmamalaki ng baybáyin
at abakada.
Gayunman, sa kabilâ ng pumasok na salimuot mula
sa mga tunog ng modernisadong alpabeto ay
maipagmamalaki pa rin na madalîng ituro (lalò na sa
paaralan) at palaganapin ang kasalukuyang gabay sa
ortograpiya ng wikang Filipino.
42. Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na
tuntuning “Kung ano ang bigkas,
siyáng sulat” sa pagbaybay na pasulat.
Siyempre, hindi ito nasusunod sa mga na isang
pagpapaikli sa lumang anyo nitóng “manga” at
ginagamit noon hanggang sa bungad ng ika-20 siglo.
43. a. Gamit ng Walong Bagong Titik
Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na pasulat
ang paggamit ng walong (8) dagdag na titik sa
modernisadong alpabeto: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z.
Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng
mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita
mula sa mga katutubong wika ng Pilipinas.
44. b. Bagong Hiram na Salita
Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa
mga bagong hiram na salita mulang Espanyol,
Ingles, at ibang wikang banyaga.
Tandaan: mga bagong hiram. Ang ibig sabihin,
hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang
mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay
ng mga ito alinsunod sa abakada.
45. Halimbawa, hindi dapat ibalik ang F ng orihinal
na forma sa Espanyol dahil ginagamit nang
matagal ang pórma pati ang mga deribatibo
nitóng pormál, impormál, pormalísmo,
pormalidád, depormidád, atbp.
Hindi rin dapat ibalik ang pírma sa firma, ang
bintanà sa ventana, ang kálye sa calle, ang
tséke sa cheque, ang pinyá sa piña, ang hamón
sa jamon, ang eksisténsiyá sa existencia, ang
sapátos sa zapatos
46. c. Lumang Salitang Espanyol
Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang
salita mulang Espanyol ang mga nakalista sa
Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro
Serrano-Laktaw hanggang sa mga entri sa
Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni
Jose Villa Panganiban.
47. Nakatanghal sa inilistang mga lumang hiram na
salita mulang Espanyol ang naganap na
pagsasa-abakada ng mga tunog na banyaga
gayundin ang pagbaluktot sa anyo ng mga
orihinal na salita, gaya sa:
bakasyón (vacacion), kabáyo (caballo),
kandilà (candela), puwérsa (fuerza),
letsón (lechon), lisénsiyá (licencia),
sibúyas (cebolla+s), siláhis (celaje+s),
48. d. Di Binabagong Bagong Hiram
Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada sa
mga idinadagdag ngayong salita mulang
Espanyol. Maituturing na bagong hiram ang mga
salita na hindi pa matatagpuan sa dalawang
binanggit.
49. Halimbawa, maaaring hiramin nang buo at
walang pagbabago ang fútbol, fertíl, fósil, vísa,
vertebrá, zígzag.
Samantala, dahil sa walong dagdag na titik,
maraming salita mulang Ingles ang maaaring
hiramin nang hindi nangangailangan ng
pagbago sa ispeling, gaya ng fern, fólder, jam,
jar, lével (na hindi dapat bigkasing mabilis—
“lebél”—gaya ng ginagawa ng mga nag-
aakalang isa itong salitang Espanyol), énvoy,
devélop, ziggúrat, zip.
52. Ibigay ang tamang baybay ng mga
numero / oras na nakasulat sa ibaba:
1. 45
2. 38
3. 5:20
4. 1:15
5. 72
6. 51
7. 3:30
8. 87
53. 15 points
Ang magandang asal ay ipinupucol
sa laot ng dagat ng cut-ya,t, lingatong
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na ualang cabaong.