2. Baybayin: Ang Katutubong Paraan
ng Pagsulat
Ang Baybayin o "baybay" na ang ibig
sabihin ay ispeling, ay ang unang sistema
ng pagsulat na ginamit ng mga Pilipino sa
Pilipinas. Ito ay binubuo ng 17 titik kung
saan 14 dito ay katinig at 3 patinig. Ito
ang ginagamit noon ng ating mga ninuno
bago pa man dumating ang mga kastila.
Karaniwang tumutukoy sa tawag na
Baybayin ang Alibata o ang mga unang titik
ng Arabe na alif at bata. Ang Baybayin ay
isang alphasyllabary (Abugida) o ang
paggamit ng syllable sa pagbuo ng mga
salita.
3. Dalawa ang teorya ng pinagmulan ng baybayin. Ayon kay
Gregorio F. Zaide (Kasaysayan ng Republika ng
Pilipinas, 1989), ito raw ay nagmula sa alpabetong Asoka
ng India. Sa kabilang dako, itinuturing naman ni
Mahistrado Villamor Alejandro at Pineda (1978) na ang
abakadang Pilipino ay nagbuhat sa matandang
abakadang Malayo. Gayunman iisa sila sa pagsasabing
ang naturang baybayin ay may tatlo lamang na patinig (a,
e-I, o-u) at labing-apat na katinig.
4.
5. Ang Sistema ng Pagsulat
Sa matandang sistema ng pagsulat, mapapansing tatlo lamang
ang bantas na ginagamit noon. Ayon nga kay Garcia et. Al., (2010)
ito ang mga sumusunod: ang dalawang guhit na patindig (ll) na
kumakatawan sa tuldok sa pagtatapos ng bawat pangungusap; ang
krus sa ibaba ng isang titik kung nais pawiin ang ponemang /a/;
at ang tuldok (tinatawag na corlit ng mga Espanyol at maaaring
ang kudlit naman sa mga katutubo) na inilalagay sa ibabaw ng
katinig kung sinusundan ng ponemang /e/-/i/ at sa ilalim naman
kung ang tunog ay/o/-/u/. Dahil nga sa tatlo lamang ang mga patinig
noon, ang bigkas sa salitang “bobo” (dull) ay maaaring /bobo/,
/bubu/, /bobu/ at /bubo/; at sa salitang bibi (duck) ay maaaring
/bibi/, /bebe/, /bebi/, /bibe/.
7. Ang Abecedario ng
Mananakop
Nang dumating ang mga Espanyol sa ating bansa, nagkaroon ng Romanisasyon
at pinalitan nila ang Alibata ng Alpabetong Romano o Abecedario. Sila rin ang
maituturing na unang nag-aral ng wika ng mga katutubo. Ganito ang tawag sa
mga titik sa Abecedario:
8. Ang Abakadang Tagalog
Sa aklat ni Garcia et. Al. (2010) ang tinatawag na Abakada ay iyong unang
naging alpabeto ng wikang pambansa ayon sa alibatang Tagalog ngunit nilapatan
na ng ilang prinsipyong pangwika ni Lope K. Santos, ang tinaguriang Ama ng
Balarilang Tagalog. Ang pangalan nito ay hango sa unang tatlong titik ng
alpabeto na lahat ng mga katinig ay may katambal na tunog na /a/. Kung kaya
ang B ay /ba/, ang K ay/ka/at ang D ay /da/. Ang mga patinig lamang ang walang
katambal na tunog, at mangyari pa, hindi kasama sa alpabetong ito ang mga
itinuturing na hiram na titik.
Lima (5) ang patinig nito. Bagay na ikinaiba na agad sa lumang alibata. Hiwalay
na ang mga tunog na /e/ - /i/ at ang /o/ - /u/. Samantala labinlima (15) ang mga
katinig. Tunghayan ang pagkakasunod-sunod ng mga titik at ang ngalan o
pagbigkas sa mga ito:
9.
10. Ang walong letrang dagdag, kasama na ang tatlong digrapo ng
Espanyol ay itinuring noong hiram o banyaga kaya hindi isinama sa
Abakada at ginagamit lamang noon sa mga pangngalang pantangi.
Halimbawa:
C — Cristo Q — Quezon
F — Fernando V — Valenzuela
J — Jomar X — Xavier
Z — Zambales Ñ — El Niño
LL — Llanera RR — Azcarraga
CH — Chikito
11. Ang Bagong
Alpabetong Pilipino
Sa bisa ng Memorandum Pangkagawaran Blg. 194, s. 1976 ng Kagawaran ng
Edukasyon, at Kultura, pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay sa
mabilis na pag-unlad at pagbabago ng wikang Pilipino. Tinawag itong ang bagong
alpabetong Pilipino.
Ang dalawampung (20) letra ay dinagdagan ng labing-isang letra kaya’t naging
tatlumpu’t isa. Kabilang sa mga dinagdag ang mga letra at digrapo: C, F, J, Ñ, Q,
X, V, Z, CH, LL, RR. Subalit hindi ito nagtagumpay dahil sa ilang kahinaan at
kalituhan sa paggamit.
Hindi binanggit sa tuntunin ang pagtawag sa mga letra at ayos ng pagkakasunod-
sunod ng mga letra. Hindi rin malinaw ang paraan ng pagbigkas at pagbaybay
(papantig o patitik) sa mga letra.
12. Ang Alpabetong
Filipino
Bilang pagtugon sa tadhana ng
Konstitusyon ng 1986 hinggil sa mabilis
na pagbabago, pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng Filipino bilang
wikang pambansa at pampamahalaang
wika at pagtupad pa rin sa Patakaran
ng Edukasyong Bilingguwal, muling
nireporma ang alpabetong Pilipino
gayundin ang mga tuntunin sa
ortograpiyang Pilipino.
13. Batay sa masusing pag-aaral ng noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP), napagkaisahan
mula sa isang simposyum na ginanap, una sa Asian Institute of Tourism at ikalawa sa National
Teachers College na ang alpabetong Filipino ay bubuuin na lamang ng dalawampu’t walong letra
(28):
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, N, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Maaari itong tawagin sa dalawang paraan: pa-Abakada o pa Ingles. Ang walong dagdag na letra ay:
C, F, J, N, Q, X, V, Z. Tatlong taon ang lumipas bago nailabas ang unang borador noong Agosto 15,
1986. Napagkasunduan na ang mga letra ay bibigkasin na lamang nang gaya sa Ingles, maliban sa
ñ na bibigkasin sa Kastila. Upang matiyak ang kawastuhan, iniharap ito sa iba’t ibang kapulungan at
konggresong pangwika gaya ng: Taunang Kumbensyon ng LEDCO na binubuo ng pambansang
samahang pangwika, Pebrero 26, 1987; Taunang Kumperensiya ng PASATAF, Abril 6, 1987;
Taunang Kumbensiyon ng PSLF, Mayo 18, 1987.
Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura
at Isports, ang “1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” ay pormal na inilunsad
ng LWP noong Agosto 19, 1987. Ang paglulunsad ay isinabay sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa na idinaos sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
14. 2021 Revisyon ng Alpabetong Filipino
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (dating LWP) ay muling nagrebisa ng
alpabetong Filipino at mga tuntunin sa pagbaybay. Ito ay dahil sa hindi ganap na
pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987 at mga puna sa mga tuntunin
ng ispeling. Nalimitahan din ang paggamit ng mga hiram na salita sa mga
kategorya tulad ng pangngalang pantangi, teknikal na terminolohiya, at mga
salita na may natatanging kahulugan sa kultura. Dahil dito, nagkaroon ng iba’t
ibang disenyo ng ispeling mula sa mga institusyong pang-edukasyon at
propesyonal. Noong 2001, pinahintulutan ang paggamit ng walong dagdag na
letra sa alpabeto. Subalit, may mga grupo ng letra na hindi dapat gamitin sa
pagbaybay ng mga karaniwang hiram na salita. Dahil sa kalituhan na ito,
naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng kautusang nag-uutos na irebyu
ang mga tuntunin sa ispeling noong 2006.
15. 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino
Noong 2006, bumuo ang Komisyon sa Wikang Filipino ng Lupon sa
Ortograpiya upang tugunan ang mga reaksyon at katanungan tungkol
sa paggamit ng 2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino. Ang lupon ay
binubuo ng mga eksperto sa wika at mga konsultant. Matapos ang
tatlong taon ng pagsusuri at pagtanggap ng mga mungkahi mula sa
iba’t ibang panig ng Pilipinas, inilabas nila ang gabay noong 2009. Ang
gabay na ito ang kasalukuyang batayan sa ortograpiyang Filipino. Ayon
kay Dr. Leticia F. Macaraeg, Tagapangulo ng Lupon, ang pagbabago
at pagpapahusay sa ortograpiya ay patuloy na proseso. Ang panahon
lamang ang makakapagsabi kung magkakaroon tayo ng isang wikang
estandardisado na tatanggapin ng lahat.