2. Maituturing na pinakamatandang sining ang tula sa
kulturang Pilipino.
Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay
may likas na kakayahang magpahayag ng kanilang
kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos
sa isang maanyong paraan kayâ kinakitaan ng
sukat at tugma.
Ayon kay Abadilla, "Bawat kibot ng kanilang bibig ay may
ibig sabihin at may katuturan."
4. SUKAT
Isang mahalagang elemento ng tula ay ang sukat o
ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng
saknong. Karaniwang gamitin ang labindalawa, labing-
anim, at ang labingwalong pantig.
Ang saglit na tigil sa pagpapantig ay tinatawag na
sesura.
5. TUGMA
-Isa sa pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula ay
ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga
panghuling salita ng taludtod. Tinatawag itong tugma. Ang
panghuling pantig sa dulo ng taludtod ay maaaring
nagtatapos sa patinig o katinig at binibigkas nang mabilis,
malumay, o may impit sa lalamunan.
6. TALINGHAGA
Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pang
karaniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang
pagpapahayag.
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.
Bumaha ng dugo nang ang bayan ay lumaya.
Ang baya'y umiiyak dahil ito'y may tanikala.
7. LARAWANG-DIWA
(IMAGERY)
Ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng
malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Aking dinarama sa hanging habagat
Mga alaala ng halik mo’t yakap
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap
8. SIMBOLISMO
Ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa
mapanuring isipan ng mambabasa.
punò – buhay
tinik - pagsubok/hirap
Bathala - panginoon
ilaw-pag-asa
9. KARIKTAN
-Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaaring bigkasin
ang isang hanay-hanay ng mga talatang tugma-tugma
ang mga dulo at sukat-sukat ang mga bilang ng pantig
ngunit di pa rin matatawag na tula kung hindi
nagtataglay ng kariktan.
10. Ang kariktan ay nangangahulugang kagandahan,
karilagan o kahali-halina sa paningin ng isang tao.
Ito ay nagmula sa salitang marikit.
May mga tulang walang sukat at tugmang sinusunod
subalit matatawag pa ring tula sapagkat pilimpili ang
mga salita, kataga, parirala, imahen o larawang-diwa,
tayutay o talinghaga, at mensaheng taglay na siyang
lalong nagpapatingkad sa katangian nito bilang tula at
pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa.
11. SA HULING SILAHIS
Sulat ni Avon Adarna
Inaabangan ko doon sa Kanluran
Ang huling silahis ng katag-arawan
Iginuguhit ko ang iyong pangalan
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.
Aking dinarama sa hanging habagat
Mga alaala ng halik mo’t yakap
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo
Ang iyong larawan at mga pagsuyo
Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
Sa pag-aagawan ng araw at buwan
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
Ang iyong pag-iral, hindi na babalik
Kahit na ako’y lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.
13. Kasingkahulugan o Kasalungat
Sa pamamagitan ng kasingkahulugan at kasalungat na salita ay
maiparara ting ang mensaheng nais sabihin sa tulang gagawin.
Ang paggamit ng mga salitang magkakasingkahulugan pareho
ang ibig sabihin ay makapagpapatibay sa mensahe ng tula.
Ang paggamit naman ng mga salitang magkasalungat o
hindi pareho ang ibig sabihin ay nakatutulong upang
maipakita ang ugnayang nais ipahayag sa tula.
14. Idyoma
Sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng
isang wika.
balát-sibuyas – maramdamin
basáng sisiw - kaawa-awa; api
buto’t-balát - payat na payat
Huling hantungan - libingan
15. Konotasyon o Denotasyon
Ang denotasyon ay karaniwang kahulugang mula sa diksiyonaryo o
salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Ang paggamit ng mga salitang magkakasingkahulugan pareho
ang ibig sabihin ay makapagpapatibay sa mensahe ng tula.
Ang paggamit naman ng mga salitang magkasalungat o
hindi pareho ang ibig sabihin ay nakatutulong upang
maipakita ang ugnayang nais ipahayag sa tula.
16. Tindi ng Kahulugan o Clining
Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng
kahulugang nais ipahiwatig.
Pikon-(damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lámang)
Tampo-(munting galit na madaling mawala)
Inis-(tumatagal na tampo)
Galit-(tumatagal na inis)
Suklam-(matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala)
Poot-(matinding galit na halos gusto nang makapanakit)