2. Sa ikaapat na pagkakataon muling nirebisa ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Alpabetong
Filipino pati na ang mga tuntunin sa pagbabaybay nito.
Tinawag itong “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino.”
Ang muling pagrebisa ay ibinunsod ng di ganap na
pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987. Marami
ring pumuna sa umano’y napakahigpit at di
makatotohanang mga tunutunin sa ispeling na pinalabas ng
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) sa paggamit ng
walong (8) dagdag na letra. Nalimitahan din umano ang
gamit sa mga hiram na salitang nabibilang sa kategoryang
sumusunod: pangngalang pantangi, teknikal na
terminolohiya at sa mga salitang may natatanging
pangkulturang kahulugan.
3. Lumilitaw din ang iba-ibang disenyo sa sistema ng
ispeling mula sa mga institusyong pang-edukasyon at
grupong propesyonal dahil sa kakulangan ng mga tuntunin
sa paggamit ng mga karaniwang salita. Nabuo ang
maraming variant o pagkakaiba-iba ng ispeling na
nagpawalang bisa sa pambansang pagsisikap para sa
kodipikasyon, estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng
pambansang wika.
4. Pinaluwag sa 2001 Alpabeto ang gamit ng walong dagdag
na letra. Nangangahulugan na maaari ring gamitin sa lahat
ang mga hiram sa salita, pormal o di teknikal na barayti, o
sa mga karaniwang salita. Hinati rin sa dalawang grupo ang
walong letra. Ang F, J, V, at Z ay gagamitin sa
pagbabaybay ng mga karaniwang salitang hiram na binago
ang ispeling sa Filipino.
Samantalang ang C, N, Q, X na itinuturing na redundant ay
hindi ipinagagamit sa pagbabaybay ng mga hiram na salitang
karaniwan. Ito ay sa dahilang ang bawat isa ay may
kinakatawan o katunog na letra sa Filipino gaya ng letrang
C, maaaring S o ang fonim na /s/ at letrang k o fonim na
/k/.
5. Halos dalawang taon din ang ginugol sa
pagbuo, mula sa kalahatian ng mga taong
1999 hanggang Agosto 2001. At sa bisa
ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s,
2001, inilunsad ang 2001 Revisyon ng
Alfabetong Filipino at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino noong Agosto
17, 2001 na may lagda ng Pangalawang
Kalihim Isagani R. Cruz ng Departamento
ng Edukasyon, Kultura at Isports. Ang
Alfabeto ay binubuo pa rin ng 28 letra
at bibigkasin gaya ng Apfabetong Ingles
maliban sa /ñ/ na bigkas Español.
7. TUNTUNING PANLAHAT SA PAGBABAYBAY
A. Pasalitang Pagbabaybay
Paletra ang pasalitang pagbabaybay sa Filipino.
Ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang
salita, pantig, daglat,akronim, inisyal, simbolong pang-
agham, atbp.
Halimbawa:
Salita: boto tunog lakas
plano kapalaran tao
adhikain wika bayani
layunin dagat lawak
sagot langit kapital
liham bulak tuktok
8. Akronim: MERALCO (Manila Electric Company)
MWSS (Metropolitan Waterwork
& Sewerage System)
ARMM (Automous Region of Muslim
Mindanao)
ASEAN ( Association of Southeast
Asian Nation)
MILF (Moro Islamic Liberation Front)
9. Daglat: Bb. (Binibini) Dr. (Doktor)
G. (Ginoo) Kgg. (Kagalang-galang)
Gng. (Ginang)
Inisyal ng Tao: MLQ ( Manuel L. Quezon)
FVR ( Fidel V. Ramos)
GMA (Gloria Macapagal Arroyo)
Inisyal ng Samahan / Institusyon:
KWF ( Komisyon sa Wikang Filipino)
KBP (Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas)
NGO (Non-Government Organization)
LGU (Local Government Unit)
10. Simbolong Pang-agham / Pangmatematika
Fe (iron) H2O (water)
kg. (kilogram) NaCI (sodium)
lb. (pound)
B. Pasulat na Pabaybay
b.1. Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga
salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas
Halimbawa:
vakul (Ivatan) panakip sa ulo na yari sa
palmera na ginagamit bilang pananggalang sa ulan at
init ng araw.
payyo / payew (Ifugaw) pangkalahatang tawag
sa palayan ng mga Ifugaw.
butanding (Bicol) sa halip na “whale shark”
cabalen (Pampango) kababayan
11. b.2. sa pagbabaybay ng mga hiram na salita mula sa
mga banyagang wika, panatilihin ang orihinal
nitong anyo.
Halimbawa:
status quo pizza French Fries
bouquet samurai spaghetti
b.3. sa pagbabaybay ng mga salitang mula sa Español,
baybayin ito ayon sa ABAKADA
Halimbawa:
baño - banyo
cheque - tseke
paño - panyo
familia - pamilya
12. b.4 sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig
na e hindi ito pinapalitan ng letrang I. Kinakabitan ito
ng pag-ugnay / linker (ng) at ginagamitan ng gitling sa
pagitan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
berde - berdeng-berde
kape - kapeng-kape
karne - karneng-karne
b.5 sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa
patinig na o hindi ito pinapalitan ng letrang u.
Halimbawa:
ano - ano-ano pito - pito-pito
sino - sino-sino piso - piso-piso
13. * May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na
hindi ginagamitan ng gitling. Ang hindi paggamit ng gitling
ay nagpapahiwatig na hindi na taglay ng salitang-ugat ang
kahulugan nito, at sa halip, nagkakaroon na ng bagong
kahulugan ang nabuong salita tulad ng sumusunod:
Halimbawa:
haluhalo (pagkain) salusalo (piging/handaan)
batubato (isang uri ng ibon)
b.6. sa mga salitang may o sa huling pantig inuulit man o
inuunlapian, nananatili ang letrang o. Ginagamit ang
gitling sa pagitan ng mga salitang-ugat.
Halimbawa: bukod - bukod-bukod
kahon - kahon-kahon
sunod - sunod-sunod
14. b.7 Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat
na nagtatapos sa e, ito ay nagiging i at ang o ay u.
Halimbawa:
balde - baldehin kape - kapihan
bayo - bayuhin handog - handugan
laro - laruan hinto - hintuan
• Sinusunod din ang tuntuning ito sa mga salitang-ugat na
may panlaping kabilaan (unlapi at hulapi)
Halimbawa: bukod - pagbukod-bukurin
dugtong - pagdugtong-dugtungin
• Gayunman, may ,ga salitang nananatili ang e kahit
hinuhulapian.
Halimbawa: sine - sinehan base - basehan
bote - botehan onse - onsehan
15. b.8 Gayunman, hindi pwedeng palitan ng i ang e at o sa
u. Dapat pa ring gamitin ang baybay ba matagal na o
lagi nang ginagamit.
Halimbawa: babae - hindi babai
buhos - hindi buhus
sampu - hindi sampo
16. ANG PANGHIHIRAM
Ang mga tuntunin sa panghihiram at pagbabaybay ng
mga hiram na salita ay ang mga sumusunod:
1. Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga
salitang hiram o banyaga.
Halimbawa:
rule - tuntunin
narrative - salaysay
skill - kasanayan
banquet - salosalo
tranquil - panatag, tiwasay, tahimik,
payapa
budget - laang-gugulin
17. Panuto: Isalin sa Filipino ang sumusunod na salitang
hiram o banyaga:
1. house 6. high
2. room 7. office
3. company 8. department
4. word 9. school
5. mountain 10. fight
18. 2. Gamitin ang natatanging mga salita mula sa mga
katutubong wika sa Pilipinas at panatilihin ang orihinal
na baybay.
Halimbawa:
bana - tawag sa asawang lalaki (Hiligaynon at
Sugbuanong Binisaya)
butanding - whale shark (Bicol)
imam - Muslim priest (Tausug)
canao – panseremonyang sayaw (Igorot)
banhaw – muling pagkabuhay (Visaya)
gahum – kapangyarihan (Cebuano, Waray,
Hiligaynon)
19. 3. Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA
Halimbawa:
vocabulario - bokabularyo
telefono - teleponon
celebracion - selebrasyon
maquina - makina
4. Sa mga salitang hiram sa Espanol na may e, panatilihin
ang e.
Halimbawa:
estudyante - hindi estudyanti
estilo - hindi istilo
espiritu - hindi ispiritu
espesyal - hindi ispesyal
20. 5. Sa mga salitang hiram sa Espanol na may o, panatilihin
ang o.
Halimbawa: politika - hindi pulitika
opisina - hindi upisina
tradisyonal - hindi tradisyunal
koryente - hindi kuryente
6. Sa mga salitang hiram sa Espanol na may o at
sinusundan ng n, nagbabago ang kasunod na katinig,
ang o ay nagiging u at ang n nagiging m.
Halimbawa: conferencia - kumperensiya
convento - kumbento
confianza - kumpiyansiya
convulsion - kumbulsiyon
convention - kumbensiyon
confortable - kumportable
21. 7. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang
pantangi, panteknikal, pang – agham at mga simbolong
pang-agham at matematika.
Halimbawa:
Manuel L. Quezon, Rizal Provincial Hospital,
Castillo Bldg., Dasmarinas City
tape recorder, video tape, cellphone, loudspeaker
chlorophyll, chloroform, chemotheraphy
Fe (iron), c (carbon), ZnO (Zinc oxide)
22. 8. Ginigitlingan ang pangngalang pantangi at salitang
hiram kapag inuunlapian.
Halimbawa: maka – Diyos, maka – Ingles, pa – Davao
* sa aspektong kontemplatibo (panghinaharap), inuulit
ang unang katinig at patinig (KP) ng salita.
Halimbawa: magpa-PAL, magvi-Vios, maglo-loan
Mga dapat tandaan sa pangmaramihang
anyo ng mga salita sa pagsulat
1. Ginagamit ang “mga” sa pagsulat ng maramihang anyo
ng salita
Halimbawa:
mga painting mga kompyuter
mga opisyal mga drawing
23. 2. Hindi ginagamitan ng “mga” ang salitang hiram
na nasa anyong maramihan.
Halimbawa:
paintings - hindi mga paintings
opisyales - hindi mga opisyales
3. Hindi ginagamitan ng pamilang at “mga” ang mga salitang
hiram na nasa anyong maramihan.
Halimbawa:
kalalakihan - hindi mga kalalakihan
kababaihan - hindi mga kababaihan
kaguruan - hindi mga kaguruan
kabataan - hindi mga kabataan
24. 4. Sa mga salitang hiram na may “ch” tatlong paraan
ang maaaring gamitin.
* panatilihin ang orihinal na anyo
halimbawa: chunks, chess, charger, chimes, chips
* palitan ng ts ang ch at baybayin sa Filipino
halimbawa: chinelas – tsinelas, chart - tsart
chapter – tsapter, cheque – tseke
* palitan ang k ng ch at baybayin sa Filipino
halimbawa: machine - makina
scholar - iskolar
chemical - kemikal
25. 5. Mga salitang sh
* panatilihin ang orihinal na anyo
halimbawa: shower, shop, shuttle, showcase
* palitan ng sy ang sh at baybayin sa Filipino
halimbawa: workshop – worksyap
shooting – syuting
censorship – sensorsyip
scholarship - iskolarsyip
26. Mga Bantas na Gamitin
Kailangan ang mga bantas para sa malinaw na
pagpapahayag. Ginagamit ang mga ito sa paghihiwa-hiwalay
ng mga pangungusap, parirala, o salita para sa nasabing
layunin.
Narito ang mga bantas na malimit gamitin sa mga
pagsulat.
A. Tuldok (.)
Ginagamit ang tuldok:
1. sa hulihan ng isang buong pangungusap
halimbawa:
Isulat nang maayos ang liham.
Umaambon.
Ipinagdiriwang ngayon ang kanyang kaarawan.
27. 2. sa hulihan ng “Oo” o “Hindi” kung ang mga ito’y nag-
iisa at sumasagot sa tanong.
halimbawa:
Nabasa mo na ba ang memorandum? Oo.
Dumalo ba ang tatay mo sa pulong? Hindi.
3. sa pagdadaglat ng mga salita, ng panahon, buwan at
pantawag o titulo.
halimbawa:
halimbawa - hal.
ng umaga - n.u.
Disyembre - Dis.
Doktor - Dr.
Attorney - Atty.
28. 4. Kapag ang letra o bilang ay ipinaloob sa panaklong,
hindi na nilalagyan ng tuldok.
halimbawa: (1) tuldok
(2) tutuldok
B. Tandang Pananong
* ginagamit sa hulihan ng pangungusap na patanong
* pagkaraan ng isang parirala o termino bilang
pahiwatig ng di katiyakan o pagdududa
halimbawa:
Tungkulin ng MTCRB na salain ang uri ng mga
palabas sa telebisyon, pati na ang mga babasahin.
Ikaw?
29. C. Kuwit
Ginagamit ang kuwit:
* sa pagsulat ng kompletong adres – upang paghiwa-
hiwalayin ang pangalan ng gusali, kalye, bayan,
lungsod, lalawigan, bansa
halimbawa:
Watson Bldg., 1610 J. P. Rizal, San Miguel,
Manila
* sa paghihiwalay ng mga salita, parirala, atpb.sa isang
pangungusap.
halimbawa:
Bibigyang-pansin ng kanyang administrasyon
ang pabahay, edukasyon, pagkain, at seguridad ng
bansa.
30. * sa pagitan ng mga sugnay sa isang pangungusap
halimbawa:
Gawa rin dito sa Pilipinas, aywan ko kung napansin mo,
ang mga damit na binili mo sa Amerika.
* upang ihiwalay ang mga bulalas o kataga o pahayag sa iba
pang bahagi sa loob ng pangungusap
halimbawa:
A, wala pa ring pagbabago sa set-up ng opisina.
* upang ihiwalay ang katungkulan sa pangalan ng isang tao
halimbawa:
Noong Disyembre 30, 1937, nilagdaan ni Manuel L.
Quezon, pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasaad na ang Tagalog ay
kilalaning batayan ng Wikang Pambansa.
31. D. Tuldok-kuwit o semikolon(;)
* sa pagitan ng malalayang sugnay ng mahahalagang
tambalang pangungusap na walang pangatnig
halimbawa:
Sa pag-upo sa katungkulan ng bagong pangulo, unang
inaasam ng karaniwang mamamayan ang pag-angat ng
kabuhayan ng bansa; ito’y ayon sa pangakong binitiwan
niya noong panahon ng kanyang pangangampanya; trabaho
para sa masa at kontra pagtaas ng presyo; tiyak na
hihintayin at aasahan ng publiko ang pangakong ito.
32. E. Tutuldok o kolon (:)
Ginagamit ang tutuldok:
* sa hulihan ng bating pambungad ng pormal na liham
* sa pagsulat ng oras – sa pagitan ng oras at minuto
halimbawa: ika – 5:00 n.g.
* sa pagbibigay ng halimbawa o paglalahad ng mga
aytem sa isang detalye
halimbawa:
Mga dumalo: Punong Komisyoner, Direktor IV,
mga Puno ng Sangay, at mga Puno ng Yunit.
33. F. Gitling
Ang gitling ay ginagamit:
* sa pag-uulit ng mga salita
* kapag ang panlapi ay nagtatapos sa katinig at salitang
nilalapian ay nagsisimula sa patinig
halimbawa: pag-asa, mag-ama, mag-asawa
* kapag ang salitang nilapian ay pangngalang pantangi
halimbawa: maka-Filipino, mag-Sturbucks
* sa paghahati ng salita sa dulo ng linya
halimbawa:
Dumagsa sa Maynila ang mga laruang inangkat sa
China.
* kapag ang ika – ay sinusundan ng numero
halimbawa: ika – 9 ng Abril
34. G. Panaklong o Parentesis ( )
Ginagamit ang panaklong:
* na pangkulong ng numero o letra sa isang
enumerasyon
halimbawa:
Ilan sa mga samahang pangwika na nasa ilalim ng
Language Education Council of the Philippines (LEDCO)
ay ang:
* na pangkulong sa taon at pahina ng binanggit na
sanggunian sa teksto
halimbawa:
Ayon kay S.C. Samonte (1989:445), ang tawag
na chamber theater ay walang katumbas sa Filipino.
35. H. Kudlit o Apostrope (‘)
Ginagamit ang kudlit o apostrope:
* bilang pamalit sa nawawalang letra kapag may dalawa
o higit pang salitang pinagsama
halimbawa:
Kailanma’y (kailanman ay) hindi kita malilimot.
Wika’t panitikan (wika at panitikan)
I. Panipi ( “ “ )
Ginagamit ang panipi:
* upang kulungin ang tuwirang sinabi ng nagsasalita
36. * upang kulungin ang pamagat ng isang artikulo o
kuwento na hango sa isang katipunan
halimbawa:
Isa sa kuwentong nakapaloob sa Umaga sa Dapithapon
at iba pang may mga akda ni S.P. Bisa ay ang “Ulan.”
Gamit ng Malaking Titik
Isinusulat sa malaking titik:
* ang simula ng unang salita sa isang pangungusaa
Malaki ang pinsalang idinulot ng bagyong Sendong.
* ang buong pangalan, palayaw, alyas at inisyal ng isang tao.
Halimbawa: Maria Cleofas P. Castillo
Jeffrey, Mayor Ramon Ilagan
37. * sa apelyidong may kakabit na pang-ukol gaya ng ss:
John David del Castillo, Edna de la Cerna
Ricky de los Santos, Aiai de las Alas
* ang titulo o posisyon / katungkulan na sumusunod sa
pangalan ng tao
CarlitoD. Rocafort, Ed.D
Marites A. Ibanez, Ph.D
* ang pangalan ng araw, buwan at mga tangi at piling okasyon at
pagdiriwang o pista opisyal.
Linggo, Marso, Araw ng Kalayaan, Linggo ng Pamilya
(Gayunman, ang mga panahon (season) ay sa maliit na letra).
Halimbawa: tag-ulan, tag-init, taglamig
* ang iba’t ibang pangalan o tawag sa Diyos o sa kinikilalang lumikha
Halimbawa: Hesukristo, El Shaddai,
Kordero ng Diyos, Sugo ng Diyos, Emmanuel, Mesiyas
38. * gayundin ang pagbanggit sa Bibliya at nilalaman nito, iba’t ibang
uri ng dasal at iba pang may kaugnayan sa pananampalataya
Mabuting Balita Gloria ni Exelcis Misa de Gallo
Exodus Santa Misa Santo Rosario
* ang mga tanging ngalan ng lugar, kalye, gusali, tanggapan, paaralan,
tanghalan, at mga kahawig nito, gayundin, ang mga pangalan ng mga
pribadong kompanya
Epifanio de los Santos Avenue
Avenida Rizal, Lungsod ng Pasig
Kagawaran ng Edukasyon, Dasmarinas City
* ang mahahalagang salita ng pamagat ng tula, maikling kuwento,
sanaysay, bobela, dula, artikulo, at iba pa, gayundin ang pang-ukol at
pantukoy at pangatnig na simula ng pamagat
Sa mga Kuko ng Liwanag, Pilipino: Isang Depinisyon
39. * ang tawag na pampamahalaan, panrelihiyon, pangmilitar o
ang katungkulang hawak kapag isinusunod agad-agad ang
pangalan ng tao gayundin ang mga pantawag na pandangal
Senador Miriam Santiago
Mahal na Reyna
* ang pangalan ng lahi, angkan, tribu, pangkat, etniko,
pangkat na panrelihiyon at pangwika
Europeo, Mangyan, Sabadista, Aeta, Saksi ni
Jehovalat
Pagdadaglat:
* hindi nilalagyan ng tuldok ang mga daglat ng mga
organisasyon, samahan, unyon, tanggapan na kilala na
UN, CHED, DOLE, KWF, KASUGUFIL, PASATAF
40. Wastong Gamit ng Salita
Gamit ng Panlapi:
* Panlaping pam at mam (b at p)
pambata, pambato, pampukol, pampino, pampuwersa
mambabatas
* Panlaping pan at man (d,l,r,s,t)
pandukot, panlaro, panrelo, pansuot, pantaas
manlalaro, manlilikha
* Panlaping pang at mang (a,k,e,g,h,i,m,n,w,y)
- pang-asim, pangkagat, pang-examine, panggalaw,
panghakot, pang-inom, pang-mall, pang-nanay, pangwalis,
pangyero
- manggagawa, manghahalaman
41. Gamit ng nang at ng
Nang (bilang pang-abay na pamaraan at pamanahon
gayundin, bilang pangatnig sa pangungusap)
Halimbawa:
Lumakad siya nang paluhod sa simbahan
Gabi nang dumating ang tatay.
• Ng (bilang pantukoy at pang-angkop)
Halimbawa:
Sa naantalang ulat sa ipinadala ng RECOM 3, 100
pamilya ang inilikas sa mataas na lugar ng patuloy na
pagtaas ng tubig.
Labinlimang aplikante sa bakanteng posisyon ang
napili.