SlideShare a Scribd company logo
1 of 8
DISIPLINA
FILIPINO BILANG WIKA NG IBA’T IBANG
PANGKAT ISA (1)
Pagbabalik Tanaw sa Filipino Bilang Wika sa Iba’t Ibang
Disiplina at Asignatura
Noong panahon ng mga Kastila, wikang katutubo
ang gamit sa edukasyon upang malapit ang mga
Kastila sa mga Pilipino. Ginawang opisyal na wika
ang Tagalog noong 1899 sa konstitusyon ng Biak na
Bato. Binanggit naman ni Presidente McKinley sa
unang komisyon sa Pilipinas sa pamumuno ni
Hukom W. Howard Taft na bigyan ng espesyal na
atensiyon ang pagtuturo ng Ingles sa Pilipinas at
libreng edukasyon sa kanilang wika. Sa pangunguna
rin ni Jacob Schurman, inilabas ang batas Blg 74
noong Marso, 1901 na kung saang itinatakda na ang
Ingles ang siyang gagamiting wika sa edukasyong
primarya.
• Ayon kay Constantino (2008), nabanggit
na 1940 pa nagsimula ang paggamit ng
Filipino sa pagtuturo sa pampribado at
pampublikong paaralan at magiging
dagdag na asignatura sa mga
sekondaryang paaralan alinsunod sa
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263.
Taong 2009, ipinatupad ng Departamento
ng Edukasyonang Kautusan Blg 74 serye 2009
na kung saan itinatadhana nito ang paggamit
ng unang wika ng mga mag-aaral bilang
wikang midyum ng pagtuturo. Maraming
tumutol na mga edukador dito sapagkat ayon
sa kanila, maaaring maapektuhan ang
pagkatuto o masteri ng mga mag-aaral sa
Matematika, Siyensiya, Humanidades at iba
pang larang.
Kaugnay nito, matapang na nagpahayag si Dr. Florentino H. Hornedo sa
Timbreza (1999) na walang nakikitang problema sa paggamit ng wikang Filipino sa
mga disiplina tulad ng siyensiya, teknolohiya at humanidades sapagkat ang wikang
ito ay mapang-ampon. Ang kaampunang tinutukoy niya ay ang kakayahan ng
wikang Filipino sa pagtanggap ng mga terminolohiya mula sa banyaga, sa pagiging
bukas nito lagi sa pagbabago, at sa patuloy na intelektuwalisasyon. Kung
pagsusumikapan ng mga gurong ituro ang ibang disiplina sa wikang Filipino, tulad
halimbawa ng Pilosopiya, hindi mamamalayan ng gurong unti-unti na rin siyang
namimilosopiya, nag-iisip at nakapagpapahayag sa Filipino.
Hindi lahat ng bansa ay gumagamit ng wikang Ingles sa pag-aaral ng Matematika,
Siyensiya, Humanidades at iba pang larang. Ang bansang Malaysia ay nakaranas ng
maraming pagbabago sa kanilang pamumuhay mula nang mapalaya sa Britain
noong 1957. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang implementasyon ng tuntunin
kaugnay ng edukasyon at ang midyum ng pagtuturo sa iba‘t ibang asignatura.
Nabanggit sa pag-aaral ni Darus (2009), dumaan sa maraming pagbabago ang
kanilang sistema ng edukasyon. Noon, naging multilingguwal ang kanilang sistema
kaya‘t naisama sa pagtuturo ang English, Malay, Mandarin at Tamil. Isa sa kahanga-
hanga sa Malaysia ay bagamat bukas ang kanilang bansa sa pagtanggap ng iba‘t
ibang wika ay hindi nila kinakalimutan ang kanilang unang wika. Bagamat
umusbong na rin at lumaganap ang pagpapalit-koda ng kanilang wika na tinatawag
na Bahasa Rojak (Ingles at Malay).
Sa kasalukuyan, ang mga guro sa Matematika at sa iba pang asignatura, maliban sa mga
asignatura ng komunikasyon na Ingles at Filipino, ay gumagamit ng modang code-switching
(Tag-lish) sa pagtuturo upang maituro ang araling makaaagapay at makatutulong sa higit
na madali at payak na pagkakaunawa ng mga mag-aaral. Hindi ito maiiwasan dahil sa
kahingian ng pagkakataon at patuloy na humahanap ng mga praktikal na paraan ang mga
guro at mag-aaral upang mapadali ang daloy ng pagkatuto. Binanggit sa pag-aaral ni Abad
(2009) na kahit na ang mga mag-aaral sa elitistang paaralang pampribado ay gumagamit
ng Taglish, lalo na sa kalakhang Maynila.
ILAN SA MGA SALITANG MADALAS NA GINAGAMIT
SA CODE-SWITCHING
• Algebra - Panandaan
• Geometry - Sukgisan
• Physics - Liknayan
• Statistics - Palautatan
• lotion
• link
• keyboard
• toothpaste
• xylophone
• x-ray
PAGSASALIN AT ANG MGA KATANGIANG
DAPAT TAGLAYIN NG TAGASALIN
Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o
mensaheng isinasaad ng tekstong isinasalin.
Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika.
A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin:
Kailangang maging malawak at sapat ang kaalaman ng tagapagsalin sa dalawang wikang
kasangkot sa pagsasaling-wika. Hangga‘t maaari, ang wikang pagsasalinan ay dapat na
siyang unang wika ng tagapagsalin. Dapat nating tandaan na sa kahit anong bagay, ang
kakarampot na kaalaman ay magiging mapanganib.
B. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin:
Nagiging mahusay at maayos ang pagsasalin kung ang tagapagsalin ay may malawak na
kaalaman sa paksang tinatalakay. Kailangang interesado rito ang tagasalin.Makatutulong din
nang malaki kung makikipag-ugnayan ang tagapagsalin sa awtor.
C. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin:
Bawat wika ay nakaugnay sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Filipino
ay wikang gamit natin sa pagpapahayag ng ating kultura at saloobin; Ang Ingles naman ay
wikang gamit ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura at saloobin. Ang
dalawang bansang ito ay lubhang malaki ang pagkakaiba sa kani-kanilang kultura.
Mahihinuhang ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa
pagpapahayag ng sariling kulturang kinabibilangan nito. Kaya‘t marapat lamang na, upang
maging makabuluhan at mabisa ang pagsasalin ay magkaroon ng malawak at sapat na
kaalaman ang tagapagsalin sa kultura ng dalawang bansang kasangkot sa pagsasaling-wika.

More Related Content

Similar to PANGKAT-ISA-GEFILDIS (3).pptx

PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdfPRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
JosephRRafananGPC
 
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptxUNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
EverDomingo6
 

Similar to PANGKAT-ISA-GEFILDIS (3).pptx (20)

WEEK 1- day2.pdf
WEEK 1- day2.pdfWEEK 1- day2.pdf
WEEK 1- day2.pdf
 
Unang wika
Unang wikaUnang wika
Unang wika
 
ARALIN 3 at 4-KKF.pptx
ARALIN 3 at 4-KKF.pptxARALIN 3 at 4-KKF.pptx
ARALIN 3 at 4-KKF.pptx
 
WIKANG PAMBANSA.pptx
WIKANG PAMBANSA.pptxWIKANG PAMBANSA.pptx
WIKANG PAMBANSA.pptx
 
2_Q1-Komunikasyon.pptx
2_Q1-Komunikasyon.pptx2_Q1-Komunikasyon.pptx
2_Q1-Komunikasyon.pptx
 
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdfPRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
PRELIM --1.1 FIL 212 BARAYTI SA BARYASYONG WIKA.pdf
 
Aralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptx
Aralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptxAralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptx
Aralin 5- Kasaysayan ng Wika.pptx
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang PambansaKasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
 
ANGKAN NG WIKA
ANGKAN NG WIKAANGKAN NG WIKA
ANGKAN NG WIKA
 
Komunikasyon_(1).pdf
Komunikasyon_(1).pdfKomunikasyon_(1).pdf
Komunikasyon_(1).pdf
 
Komunikasyon.pdf
Komunikasyon.pdfKomunikasyon.pdf
Komunikasyon.pdf
 
komunikasyon at pananaliksik sa kultura at wikang filipino
komunikasyon at pananaliksik sa kultura at wikang filipinokomunikasyon at pananaliksik sa kultura at wikang filipino
komunikasyon at pananaliksik sa kultura at wikang filipino
 
WEEK 4-wikang Pambansa.pptx
WEEK 4-wikang Pambansa.pptxWEEK 4-wikang Pambansa.pptx
WEEK 4-wikang Pambansa.pptx
 
Baylingwalismo
BaylingwalismoBaylingwalismo
Baylingwalismo
 
pananaw sikolohikal
pananaw sikolohikalpananaw sikolohikal
pananaw sikolohikal
 
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summarychapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
chapters in FILDIS_compilation BUOD /summary
 
Sitwasyong pangwika
Sitwasyong pangwikaSitwasyong pangwika
Sitwasyong pangwika
 
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptxESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
 
Q2-L2 Kasaysayan ng wikang Pambansa.pptx
Q2-L2 Kasaysayan ng wikang Pambansa.pptxQ2-L2 Kasaysayan ng wikang Pambansa.pptx
Q2-L2 Kasaysayan ng wikang Pambansa.pptx
 
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptxUNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
UNIBERSAL NA KATANGIAN NG WIKA.pptx
 

Recently uploaded (7)

ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 

PANGKAT-ISA-GEFILDIS (3).pptx

  • 1. DISIPLINA FILIPINO BILANG WIKA NG IBA’T IBANG PANGKAT ISA (1)
  • 2. Pagbabalik Tanaw sa Filipino Bilang Wika sa Iba’t Ibang Disiplina at Asignatura Noong panahon ng mga Kastila, wikang katutubo ang gamit sa edukasyon upang malapit ang mga Kastila sa mga Pilipino. Ginawang opisyal na wika ang Tagalog noong 1899 sa konstitusyon ng Biak na Bato. Binanggit naman ni Presidente McKinley sa unang komisyon sa Pilipinas sa pamumuno ni Hukom W. Howard Taft na bigyan ng espesyal na atensiyon ang pagtuturo ng Ingles sa Pilipinas at libreng edukasyon sa kanilang wika. Sa pangunguna rin ni Jacob Schurman, inilabas ang batas Blg 74 noong Marso, 1901 na kung saang itinatakda na ang Ingles ang siyang gagamiting wika sa edukasyong primarya.
  • 3. • Ayon kay Constantino (2008), nabanggit na 1940 pa nagsimula ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sa pampribado at pampublikong paaralan at magiging dagdag na asignatura sa mga sekondaryang paaralan alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263.
  • 4. Taong 2009, ipinatupad ng Departamento ng Edukasyonang Kautusan Blg 74 serye 2009 na kung saan itinatadhana nito ang paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral bilang wikang midyum ng pagtuturo. Maraming tumutol na mga edukador dito sapagkat ayon sa kanila, maaaring maapektuhan ang pagkatuto o masteri ng mga mag-aaral sa Matematika, Siyensiya, Humanidades at iba pang larang.
  • 5. Kaugnay nito, matapang na nagpahayag si Dr. Florentino H. Hornedo sa Timbreza (1999) na walang nakikitang problema sa paggamit ng wikang Filipino sa mga disiplina tulad ng siyensiya, teknolohiya at humanidades sapagkat ang wikang ito ay mapang-ampon. Ang kaampunang tinutukoy niya ay ang kakayahan ng wikang Filipino sa pagtanggap ng mga terminolohiya mula sa banyaga, sa pagiging bukas nito lagi sa pagbabago, at sa patuloy na intelektuwalisasyon. Kung pagsusumikapan ng mga gurong ituro ang ibang disiplina sa wikang Filipino, tulad halimbawa ng Pilosopiya, hindi mamamalayan ng gurong unti-unti na rin siyang namimilosopiya, nag-iisip at nakapagpapahayag sa Filipino. Hindi lahat ng bansa ay gumagamit ng wikang Ingles sa pag-aaral ng Matematika, Siyensiya, Humanidades at iba pang larang. Ang bansang Malaysia ay nakaranas ng maraming pagbabago sa kanilang pamumuhay mula nang mapalaya sa Britain noong 1957. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang implementasyon ng tuntunin kaugnay ng edukasyon at ang midyum ng pagtuturo sa iba‘t ibang asignatura. Nabanggit sa pag-aaral ni Darus (2009), dumaan sa maraming pagbabago ang kanilang sistema ng edukasyon. Noon, naging multilingguwal ang kanilang sistema kaya‘t naisama sa pagtuturo ang English, Malay, Mandarin at Tamil. Isa sa kahanga- hanga sa Malaysia ay bagamat bukas ang kanilang bansa sa pagtanggap ng iba‘t ibang wika ay hindi nila kinakalimutan ang kanilang unang wika. Bagamat umusbong na rin at lumaganap ang pagpapalit-koda ng kanilang wika na tinatawag na Bahasa Rojak (Ingles at Malay).
  • 6. Sa kasalukuyan, ang mga guro sa Matematika at sa iba pang asignatura, maliban sa mga asignatura ng komunikasyon na Ingles at Filipino, ay gumagamit ng modang code-switching (Tag-lish) sa pagtuturo upang maituro ang araling makaaagapay at makatutulong sa higit na madali at payak na pagkakaunawa ng mga mag-aaral. Hindi ito maiiwasan dahil sa kahingian ng pagkakataon at patuloy na humahanap ng mga praktikal na paraan ang mga guro at mag-aaral upang mapadali ang daloy ng pagkatuto. Binanggit sa pag-aaral ni Abad (2009) na kahit na ang mga mag-aaral sa elitistang paaralang pampribado ay gumagamit ng Taglish, lalo na sa kalakhang Maynila. ILAN SA MGA SALITANG MADALAS NA GINAGAMIT SA CODE-SWITCHING • Algebra - Panandaan • Geometry - Sukgisan • Physics - Liknayan • Statistics - Palautatan • lotion • link • keyboard • toothpaste • xylophone • x-ray
  • 7. PAGSASALIN AT ANG MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG TAGASALIN
  • 8. Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng isinasaad ng tekstong isinasalin. Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika. A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin: Kailangang maging malawak at sapat ang kaalaman ng tagapagsalin sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasaling-wika. Hangga‘t maaari, ang wikang pagsasalinan ay dapat na siyang unang wika ng tagapagsalin. Dapat nating tandaan na sa kahit anong bagay, ang kakarampot na kaalaman ay magiging mapanganib. B. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin: Nagiging mahusay at maayos ang pagsasalin kung ang tagapagsalin ay may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay. Kailangang interesado rito ang tagasalin.Makatutulong din nang malaki kung makikipag-ugnayan ang tagapagsalin sa awtor. C. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin: Bawat wika ay nakaugnay sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Filipino ay wikang gamit natin sa pagpapahayag ng ating kultura at saloobin; Ang Ingles naman ay wikang gamit ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura at saloobin. Ang dalawang bansang ito ay lubhang malaki ang pagkakaiba sa kani-kanilang kultura. Mahihinuhang ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabibilangan nito. Kaya‘t marapat lamang na, upang maging makabuluhan at mabisa ang pagsasalin ay magkaroon ng malawak at sapat na kaalaman ang tagapagsalin sa kultura ng dalawang bansang kasangkot sa pagsasaling-wika.