1. KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
Dalumat Ng/Sa Filipino
Bachelor of Science in Computer Science
2nd Semester, S.Y. 2022 - 2023
CAVITE STATE UNIVERSITY
BACOOR CITY CAMPUS
Presented to:
Juris Dr. Christian S. Castillo,
LPT, MA.ED. - EA,
Ph.D. DA.EG. (Cand.)
Presented by:
Leader:
Almonicar, Ma. Nicole E.
Group Members:
Aguilar, Jave Mikey S.
Apun, Kurt Jason D.
2. PANAHON NG MGA KASTILA
Hindi itinanim ng mga
dayuhang Kastila sa isipan ng
mga Pilipino ang kahalagahan
ng isang wikang magbibigkis
ng kanilang mga damdamin.
Ang mga prayleng Kastila ang
mga nag-aral ng katutubong
wika ng iba’t ibang etnikong
grupo.
Ang wika ng mga katutubo
ang naging midyum ng
komunikasyon sa panahong
ito.
3. PANAHON NG PROPAGANDA
Taong 1872
Tagalog ang wikang ginamit sa mga
pahayagan
Pinagtibay ng Konstitusyon ng
Biak-na-Bato noong 1899 ang
wikang Tagalog bilang wikang
opisyal.
4. PANAHON NG MGA
AMERIKANO
Ingles ang wikang ginamit
na midyum ng pagtuturo
sa mga paaralang-
pampubliko.
Sa panahong ito,
ipinagbawal ang pag-
aaral sa ano mang bagay
na Pilipino.
Ito ang simula ng pagkakaroon
ng kolonyal na mentalidad ng
mga katutubong mamamayan at
itinaguyod ng mga Pilipino
hanggang sa kasalukuyang
henerasyon.
5. 1925
Napatunayang may
kakulangan sa paggamit ng
Ingles bilang wikang
panturo sa mga eskwelahan
sa pamamagitan ng sarbey
ng Komisyong Monroe.
1931
Si George Butte ay
nagpanukalang
gawing bernakular
ang pagtuturo sa
primarya.
6. Maraming sumulat tungkol sa gramar ng
Tagalog, kasama na ang paggawa ng
diksyunaryo. Nais nilang ipakitang ang
wikang Tagalog ay isang mayamang wika
na maaaring gamitin bilang wikang panturo,
at higit na lahat, bilang wikang pambansa
(Rubin at Silapan, 1989:6).
problema tungkol
sa wika
7. Bumuo sila ng mga samahang pupuna
sa wikang Ingles.
Sumulat sila ng tungkol sa iba’t ibang
sangay ng panitikan tulad ng: sanaysay,
maikling kuwento, nobela, tula at dula.
Nahati ang mga manunulat sa
dalawang grupo; manunulat sa
panitikan at manunulat sa wika.
(Magracia at Santos, 1988)
mga hakbang na ginawa upang
punahin ang wikang Ingles
8. Noong 1934, lubusang pinag-usapan sa
Kumbensyong Konstitusyunal ang
hinggil sa wika. Sumasang-ayon ang
maraming delegado sa iba’t ibang
panig ng kapuluan na dapat wikang
bernakular ang maging wikang
pambansa ngunit matatag na
sinalungat ito ng mga tumataguyod sa
wikang Ingles.
9. Artikulo XIV ng Konstitusyon ng
Pilipinas ng 1935
“ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang
tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na wikang katutubo. Hangga’t
hindi itinatakda ng batas, ang wikang
Ingles at Kastila ang siyang
mananatiling mga opisyal na wika.”
10. Ayon kina...
Ayon kina Prop. Emma Magracia at Prop. Angelina Santos ng MSU- IIT (1988.7)
batay nga sa probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng Asemblea ng
Komonwelt ng Pilipinas ang Batas Komonwelt Bilang 184 na nagtatag ng isang
Surian ng Wikang Pambansa na ang tanging gawain ay ang pag-aaral ng mga
wikang pangunahing ginagamit sa Pilipinas at pumili ng isang panlahat na
wikang pambansa batay sa isa sa pinakamaunlad na umiiral na katutubong wika
ayon sa balangkas , mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng
nakararaming Pilipino. Sa pag-aaral na isinagawa ng mga kagawad ng Surian,
kanilang napagkasunduan na Tagalog ang gawing batayan ng wikang pambansa
dahil ang naturang wika ay tumugma, pumasa at umayon sa pamantayang
kanilang binuo.Noong Nobyembre 9, 1937, isinubmite ng miyembro ng Surian
ang anilang rekomendasyon kay Presidente Quezon na Tagalog ang napiling
maging batayan ng wikang pambansa. Lumabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Bilang 134 noong Disyembre 30, 1939, makaraan ang dalawang
taon, nagkabisa ang kautusang ito.
11. Abril 1, 1940
hunyo 19, 1940
Diksyunaryo at Gramar
ng wikang pambansa.
Sinimulang ituro ang wikang
pambansa na batay sa Tagalog
sa mga paarang pampubliko at
pribado.
12. Hulyo 4, 1946
marso 26, 1951
Sa panahong ito nabalam na
naman ang pagpapaunlad sa
wikang pambansa dahil muling
namayagpag ang wikang Ingles
bilang midyum ng komunikasyon
sa mga pahayagan at pamahalaan.
Nilagdaan ni Presidente Ramon
Magsaysay ang Proklamasyon
BIlang 12 at sa pamamagitan nito,
ipinagdiwang ang Linggo ng
Wikang Pambansa.
13. october 12, 1986
PEBRERO 1987
Pinagtibay ng Komisyon ang
implementasyon sa paggamit ng
Wikang Filipino. Ang nasabing
Komisyon ay binuo ni dating
Presidente Corazon C. Aquino na
tinatawag na Komisyong
Konstitusyunal ng 1986. Ang
nasabing Komisyon ay may 48
miyembro.
Niratipika ng mga mamamayang
Pilipino ang probisyon ng 1986
Konstitusyon at tinawag itong
1987 Konstitusyon.
14. Nagpalabas si Dr. Lourdes Quisumbing,
ang dating Sekretarya ng Edukasyon,
Kultura at Isports ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 32, serye ng
1987, na pinamagatang “Patakaran sa
Edukasyong Bilinggwal ng 1987.” Ito ay
nagsasaad ng “pagpapalaganap ng
Filipino bilang wika ng literasi” at ang
paggamit ng Ingles bilang “di-
eklusibong wika ng siyensya at
teknolohiya.”
Lumabas ang kasunod na Kautusang
Pangkagawaran Bilang 54, serye ng 1987, na
pinamagatang “Panuntunan ng
Implementasyon ng Patakaran sa Edukasong
Bilinggwal ng 1987” , at naglalahad ng mga
dapat isagawa ng iba-ibang ahensyang pang-
edukasyon sa Pilipinas para sa
implementasyon ng Patakaran sa edukasong
bilinggwal ng bansa.
Mayo 21, 1987
Mayo 27, 1987