SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
Download to read offline
Spearheaded by: Merlie J. Rubio, EdD, EPS-Filipino
Designed by: Vincent D. Lausa, Administrative Officer IV and Reden B. Aguadera, Teacher I
Quality Assured by: Shirley A. De Juan, EPS-LRMS
Catalogued by: Glenn P. Dollete, PDO II
Segundina F. Dollete, EdD. Jose Niro R. Nillasca
Chief Education Supervisor, CID Asst. Schools Division Superintendent
Salvador O. Ochavo, Jr, EdD, CESO V
Schools Division Superintendent
BANGHAY ARALIN SA
FILIPINO 11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Isinulat ni: Arlene A. Luces
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG CAPIZ
Curriculum Implementation Division
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS)
Banica, Roxas, City
Karapatang- ari 2022
“ Seksiyon 9, Atas ng Pangulo Blg. 49”
“Walang karapatang-ari ang anumang akda ng Republika ng Pilipinas. Gayunman, kung
kakalakalin ito, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na gumawa
nito.”
Ang kagamitang ito ay pinaunlad na Banghay- Aralin sa Filipino- 11 sa pagpapatupad ng Curriculum
Implementation Division ( CID ) ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Capiz. Maaaring maparami
para sa planong pagkatuto ng mga mag- aaral. Maaaring batayan ng mga panibagong instrukyunal na
kagamitan upang mapagaan ang pagtuturo at magkaroon ng de- kalidad na edukasyon. Ang pagrebisa
ng nasabing sanayang- aralin ay nangangailangan ng pormal na pahintulot mula sa mga kinauukulan.
Walang anumang gawa na halaw sa materyal na ito ang maaaring ipagbili.
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 11
Isinulat ni: Ilustrator/Photographer Visual Graphic Artist:
ARLENE A. LUCES CATHERINE MAE P. DELA TORRE LALINE H. LUCES
Teacher III Teacher I Master Teacher I
Masusuing sinuri nina:
GEMMA B. OBSIANA CATHERINE D. DIAZ SUSAN J. QUISTADIO, EdD
MT-II-CLANHS Head Teacher V-Capiz NHS MT-II-VASNHS
LILIBETH D. MELITON
T- III Leodegario Deocampo Sr. NHS
MERLIE J. RUBIO SHIRLEY A. DE JUAN
Pansangay na Tagamasid sa Filipino Pansangay na Tagamasid sa LRMDS
SEGUNDINA F. DOLLETE, EdD
Hepe ng CID
JOSE NIRO R. NILLASCA SALVADOR O. OCHAVO JR EdD, CESO V
Katuwang na Tagapamanihalang mga Paaralan Pansanagay na Tagapamanihala ng mga Paaralan
Baitang 11 Wika: Filipino
Ang kauna-unahang dihital na edisyon ay nailimbag para ipamahagi online ng Kagawaran ng
Edukasyon sa pamamagitan ng Learning Resource Management and Development System
(LRMDS) Rehiyon VI.
1
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 11
GRADO: GRADE 11- SENIOR HIGH SCHOOL
ASIGNATURA: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
MARKAHAN: Ikalawang Semestre/ Ikatlong Markahan
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN:
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
B. PAMANTAYAN SA
PAGGANAP:
Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.
C. MGA KASANAYAN
SA PAGKATUTO:
D. KONTEKSTWAL NA
LAYUNIN:
a. F11PB – IIIa – 98 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang
tekstong binasa.
b. F11PU – IIIb – 89 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri
ng teksto (Tekstong Deskriptibo).
Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong
Mambusaonon na binasa
II.NILALAMAN Tekstong Deskriptibo
Hutik et Kahapon – Tula
Hiyas ng Mambusao - Lathalain
Kagamitang Panturo A.Sanggunian:
Hutik et Kahapon (Luces, Arlene A., 2019)
Hiyas ng Mambusao (Luces, Arlene A., 2019)
B. Iba pang Kagamitang Panturo:
Power Point Presentation, TV, laptop, chalk
III. PAMAMARAAN:
A. Balik-aral
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin
1. Pagbibigay-kahulugan sa salita gamit ang Web.
2. Paano magagamit ang isip, damdamin at kilos sa pagbuo ng
tekstong impormatibo?
Isahang Gawain.
(Pumili ng ilang mag-aaral upang magbahagi sa klase.)
Maghanap ng bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. Ilarawan ang
sarili gamit ang isang bagay na maaaring magrepresenta sa iyong mga
katangiang pisikal at iba pang katangian tulad ng pag-uugali, pananaw, at
mga adhikain sa buhay.
T
Te
ek
ks
st
to
on
ng
g
I
Im
mp
po
or
rm
ma
at
ti
ib
bo
o
2
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin.
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #1
1. Mula sa napakinggang paglalahad ng ilang mag-aaral, isa-isahin
ang mga salita o pahayag na ginamit bilang paglalarawan ng
sarili.
2. Iugnay ang mga nabanggit na pahayag sa bagong aralin na
tatalakayin.
1. Pangkatang pagbasa ng teksto.
A. Halimbawa ng Obhetibo o Kongkretong Paglalarawan
Hutik et Kahapon
ni: Arlene A. Luces
Akon ginabinag-binag ag ginabalikan,
Hutik et kahapon sa dalunggan mabatian,
Kasulhayon nga pangabuhi sa bukid nadumduman,
Lakâ mga panimalay pero indi madula ong pag-abyanan.
Sa kagab-ihanon sirom-sirom nagapahanumdom,
Orasyon nga pangagdion kinahanglan dikuton,
Adobong takway haunon para sa masadya nga ihapon,
Nilagpang nga gusaw, ay abaw kanamit higupon!
Tukturiok et manok, magaaga ong tanda,
Mahumot nga sara-sara sa lamesa nagaagda,
Makita matam-is nga yuhom ni Nanay,
Sa nilab-uhan nga sab-a konsuylo ni Tatay.
Masadya nga pag-ilimawan ag pag-abyanay,
Et mga pamatan-on nga alalangay,
Maligos ag magpuaw-puaw sa malapad nga suba,
Mamanlaw ag magharakhak sa matin-aw nga sapa.
Pangabuhi sa bukid indi ko gid sarang igbaylo,
Sa syudad owa gakilalahanan et husto,
Sa bukid malinong, sa Dios hugot ong pagto-o,
Paghigugma ong sadsaran et kada tawo.
Huo…kauswagan aton mabatyagan,
Pero diin eon ong manami nga pamatasan?
Respeto nalipatan bangud kwarta ginasandigan,
Hutik et kahapon kon pwede eang balikan.
(Pagsasalin sa Filipino)
Bulong Ng Kahapon
ni: Arlene A. Luces
Mataman kong pinag-iisipan at binabalikan,
Sa’king tainga’y bulong ng kahapon ang naulinigan,
Nagunita ang mapayapang pamumuhay sa kabukiran,
Sa kabila ng agwat ng kabahayanan, naghahari’y pagkakaibigan.
3
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #2
Kuliglig sa gabi’y may ibig alalahanin,
Takipsilim na panalangin kailangan nang usalin,
Sa masayang hapunan, adobong takway nakahandang ihain,
Kinilaw na dalag, o kaysarap higupin!
Sa pagtilaok ng manok bagong umaga ang tanda,
Nakaeenganyong amoy ng tsa-a sa mesa’y nag-aanyaya,
Mababanaag matamis na ngiti sa labi ni Nanay,
Nilagang saging tanging pampalakas ni Tatay.
Masayang samahan at pagkakaibigang tunay,
Ng mga kabataang hinulmang magkakabagay,
Maligo at magpapatianod sa ilog na malawak,
Sa malinaw na sapa magbanlaw at humalakhak.
Pamumuhay sa bukid ‘di ko ipagpapalit,
Sa lungsod karamiha’y hindi magkakakilala ng husto,
Sa bukid payapa, sa Diyos mahigpit na nananampalataya,
Pagmamahalan ang tanging pundasyon ng bawat tao.
Oo, tunay nga na kaunlaran ay mararamdaman,
Pero nasaan na ang magandang kaasalan?
Respeto’y sadyang nakalimutan ‘pagkat pera ang sinasandalan,
Bulong ng kahapon kung maaari lamang balikan.
Mga Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang tulang binasa?
2. Ilarawan ang nilalaman ng tula sa bawat saknong sa pamamagitan
ng larawang diwa na hatid nito.
3. Bakit mas pinipili ng may-akda na mamuhay sa nayon kaysa sa
lungsod?
4. Isa-isahin ang mga salita o pahayag na ginamit sa teksto na
nagpapakilala ng mga halimbawa ng konkretong paglalarawan.
B. Halimbawa ng Subhetibo o Masining na Paglalarawan
1. Pangkatin ang mag-aaral sa apat na pangkat.
2. Basahin sa pamamagitan ng pasalitang pagbasa sa teksto ng bawat
pangkat.
Pangkat 1
Hiyas ng Mambusao
Lathalain ni: Arlene A. Luces
Kasabay ng bukang liwayway ay ang maningning na kayamanan na
bumabandila sa balintataw ng mga taong hanap ay simpleng kapaligiran.
Subalit higit ang nasasaksihan dahil sa mga pambihirang pinagdaanan na
inukit ng kalikasan at panahon. Kahit sumapit ang dapit-hapon ay patuloy
na nagmamalaki na tila sa bawat paglubog at pagsikat ng araw ay lalo
itong kahalina-halina sa sinumang magagawi rito.
Ito ang Mambusao… isa sa mga pinagpalang bayan sa lalawigan ng
4
Capiz dahil sa mga nakakubling hiyas nito na patuloy na
pinangangalagaan at nililinang. Hitik at puspos ng kasaysayang tiyak
ipinagmamalaki ng mga naninirahan dito. Pinagbubuklod-buklod ng mga
paniniwala at kaugaliang minana sa mga ninunong taglay lamang ng isang
Mambusaonon kaya’t patunay lang na hatid nito ay karangalan.
Pangkat 2
(kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre)
Sa larangan ng imprastraktura, pinanday na simbahang simbolo
ng kabanalan kung saan masisilayan ang patron na pinakaiingatan, ang
imahe ni Santa Catalina na dinadagsa sa tuwing ika-25 ng Nobyembre.
Ito ang nagsisilbing ilaw na nagbibigay tanglaw sa mga tao upang
ipagpatuloy ang mahigpit na pananampalataya sa Diyos sa harap ng
maraming pagsubok sa buhay na hatid ay pag-asa sa puso ng bawat isa.
Ipinagmamalaki din ng Mambusaonon ang isa sa mga natatanging kultura
nito, ang Inilusan kung saan bukas ang dibidib sa pagbibigayan ng
pagkain o “ilos” mula sa hapag kainan sa mga kapit-bahay. Tradisyong
kinagisnan din na dahilan upang dalhin sila sa mabulaklak na landas ng
pamumuhay.
Pangkat 3
(kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre)
Ang kagyat na pagnanasa sa mga magagandang lugar saan mang
panig ng mundo ang nag-uudyok sa tao upang maglakbay. Pagnanasa na
sadyang nagbubunga ng matatamis na alaala ng kahapon kapag ito’y
napuntahan at naramdaman ang kagandahan ng pook.
Pigura 2. Kuweba ng Kipot
Pigura 1. Santa Catalina de Alexandria
5
Ang Mambusao ay hindi pahuhuli sa mga toursist attractions ng
bansa. Kung biyaya ng kalikasan ang pag-uusapan, nariyan ang Kuweba
ng Kipot (Kipot Cave) na animo’y sadyang hinubog upang mahulma ang
pambihirang hugis ng mga bato sa kaloob-looban nito na siyang
nagpapatingkad sa kagandahan. Nakatago ito sa pusod ng Barangay
Burias. Matitirik at masisikip na daan at pagkakataong kailangan ang
mala-ahas na kilos bago marating ang nasabing kuweba. Katulad ng
lagaslas ng tubig, magpatianod lamang dahil ang hamon sa pagpasok sa
dulo’y tiyak na mamamangha sa masisilayan.
Pangkat 4
(kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre)
Isa rin sa mga kilalang destinasyon ay ang Paraiso del Rio. Dito
mahihikayat kang lumangoy dahil sa tila magkarugtong na kulay bughaw
na kalangitan at tubig. Ang kalinawan nito ay nag-aanyaya upang malasap
ang malamig na tubig na regalo ng lumikha sa atin. Mayroon ding mga
maliliit na bangka upang malayang mamasdan ang kapaligiran habang
binabagtas ang kaparangan.
(kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre)
Sa daraanan ay matutunghayan ang napakapayapang kabukiran.
Luntiang kapatagan ang hatid ng mga palay na kahit hitik sa bunga at
mistulang palumpong ng halaman ay nakukuha pa ring sumayaw sa ihip
ng hangin at nagdadala ng preskong pakiramdaman. Patunay lamang na
ang bayan ng Mambusao ang tinaguriang “Rice Granary” ng Capiz.
Pigura 3. Paraiso del Rio
Pigura 4. Malawak na Palayan
Palayan
6
F. Paglinang ng Kabihasaan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Mga gabay na tanong.
1. Tungkol saan ang akdang binasa?
2. Ano-anong magagandang lugar ang binanggit sa teksto?
Ilahad ang bawat isa.
3. Bakit nasabi ng may-akda na sa Mambusao ay may mga
nakatagong hiyas?
4. Paano inilarawan ng may-akda ang mga nabanggit na lugar sa
Mambusao?
5. Ilahad ang mga salitang ginamit sa masining na paglalarawan.
Dagdag Kaalaman
Talakayin ang kahulugan ng Tekstong Deskriptibo at ang mga
Uri ng Paglalarawan
Tekstong Deskriptibo
• detalyadong teksto ng paglalarawan.
• naglalaman ng mga impormasyon upang tukuyin ang katangian ng tao,
bagay, hayop, lugar at pangyayari.
• madalas ginagamitan ng mga salitang pang-abay o pang-uri.
Mga Uri ng Paglalarawan
A. Obhetibo o Kongkretong Paglalarawan
• karaniwang anyo ng paglalarawan batay sa naobserbahan.
• direktang paglalarawan ng impormasyon ayon sa kabuuang perspekto.
• walang halong anumang emosyon, saloobin, at pananaw.
Halimbawa: 1. Si Rosing ay matanda na.
2. Siya ay mabagal na kung lumakad.
B. Subhetibo o Masining na Paglalarawan
• napapalooban ng damdamin at pananaw ukol sa nais na ilarawan.
• ginagamitan ng pang-abay, pang-uri, idyoma, o tayutay.
• pinupukaw at pinapalawak ang imahinasyon at guniguni ng mambabasa.
• madalas gamitin sa pagsulat ng mga tula, nobela at maikling kuwento.
Halimbawa: 1. Si Rosing ay lipas na sa panahon.
2. Mahina na ang kaniyang mga tuhod para
libutin ang lalawigan ng Capiz.
Malayang Talakayan
1. Ano-ano ang mga katangian at kalikasan na dapat taglayin ng
tekstong deskriptibo?
2. Bakit kailangan na ilarawan ang isang bagay o lugar?
3. Paano makakatulong ang paglalarawan sa iyong sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig?
4. Balikan at magtala ng limang mga salitang naglalarawan na
makukuha sa nabasang akda na pinamagatang Hutik et Kahapon
at Hiyas ng Mambusao. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
7
G. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Akda Obhetibo o
Karaniwang
Paglalarawan
Masining na
Paglalarawan
“Hutik et
Kahapon” 1.
2.
3.
4.
5.
“Hiyas ng
Mambusao” 1.
2.
3.
4.
5.
I-Konek Mo!
Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Pipili ang
bawat pangkat ng lider at tagapag-ulat.
Bawat pangkat ay gagawa ng isang talata na binubuo lamang ng
limang pangungusap gamit ang Obhetibo at Subhetibong
paglalarawan na iuulat pagkatapos ng 10 minuto. Gawing gabay
ang Rubrik at tema sa ibaba.
Nilalaman Kabuoang
Puntos
Marka
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat
ng teksto 5
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin
Himay-himay na nailahad ang mga suportang
ideya
5
Wastong paggamit ng masining na
paglalarawan
Akma ang aspekto o katangiang binigyang-
diin sa paglalarawan upang suportahan ang
pangunahing ideya
5
Malinaw ang imahe o impresyong nabuo sa
paglalarawan 5
Kabuoan 20 puntos
1. Pangangalaga sa Kapaligiran
Pagbabahagi ng awput ng bawat pangkat sa klase.
8
H. Paglalahat ng aralin
I. Ebalwasyon
Paano magagamit ang isip, damdamin, at kilos sa pagbuo ng
tekstong deskriptibo?
Para sa iyo,paano makatutulong ang tekstong deskriptibo sa
pagsulong at pagpapasigla ng turismo at kultura ng ating
bayan?
Pamilya ko, Ipagmamalaki Ko!
Sumulat ng tekstong deskriptibo na naglalarawan sa iyong
pamilya at ilahad ito sa paraang obhetibo at subhetibo.
Gawing gabay ang Rubriks sa ibaba.
Rubriks
Nilalaman Kabuoang
Puntos
Marka
Malinaw na nailahad ang layunin sa
pagsulat ng teksto 5
Lantad ang pangunahing ideya na
tatalakayin
Himay-himay na nailahad ang mga
suportang ideya
5
Wastong paggamit ng masining na
paglalarawan
Akma ang aspekto o katangiang
binigyang-diin sa paglalarawan
upang suportahan ang pangunahing
ideya
5
Malinaw ang imahe o impresyong
nabuo sa paglalarawan 5
Kabuoan 20 puntos
J. Karagdagang Gawain Atin Ito!
Magdala ng kuhang-larawan na maituturing mong hiyas ng inyong
barangay. Gumawa ng maikling paglalarawan at ibahagi sa klase nang
pasalita.
Rubriks
Nilalaman Kabuoang
Puntos
Marka
Malinaw na nailahad ang teksto. 5
Gumamit ng wastong salita sa paglalarawan. 5
Nailahad ang katangian o kabuoan ng
larawang ipinakita.
5
Malinaw ang imahe o larawang kuha 5
Kabuoan 20 puntos
9
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG CAPIZ
Curriculum Implementation Division
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS)
Banica, Roxas, City
Gawaing Pahina sa Filipino 11
(Tekstong Deskriptibo)
Paraiso del Rio
Santa Catalina de Alexandria
Kuweba ng Kipot
Malawak na Palayan
10
MGA GAWAIN
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo Sa Pananaliksik
Tekstong Deskriptibo
Layunin:
Gawain 1. Isahang Gawain
(Pumili ng ilang mag-aaral upang magbahagi sa klase.)
1. F11PB – IIIa – 98 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
2. F11PU – IIIb – 89 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
1. Maghanap ng bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. Ilarawan ang
sarili gamit ang isang bagay na maaaring magrepresenta sa iyong mga
katangiang pisikal at iba pang katagian tulad ng pag-uugali, pananaw, at mga
adhikain sa buhay.
2. Isa-isahin ang mga salita o pahayag na ginamit sa paglalarawan ng sarili.
11
Gawain 2.
Pagbasa ng malakas sa halimbawa ng Obhetibo o Kongkretong Paglalarawan
a. Unang pagbasa - Guro.
b. Pangkatang pagbasa - Mga mag-aaral
c. Huling pagbasa – Guro at mga mag-aaral
Hutik et Kahapon
ni: Arlene A. Luces
Akon ginabinag-binag ag ginabalikan,
Hutik et kahapon sa dalunggan mabatian,
Kasulhayon nga pangabuhi sa bukid nadumduman,
Lakâ mga panimalay pero indi madula ong pag-abyanan.
Sa kagab-ihanon sirom-sirom nagapahanumdom,
Orasyon nga pangagdion kinahanglan dikuton,
Adobong takway haunon para sa masadya nga ihapon,
Nilagpang nga gusaw, ay abaw kanamit higupon!
Tukturiok et manok, magaaga ong tanda,
Mahumot nga sara-sara sa lamesa nagaagda,
Makita matam-is nga yuhom ni Nanay,
Sa nilab-uhan nga sab-a konsuylo ni Tatay.
Masadya nga pag-ilimawan ag pag-abyanay,
Et mga pamatan-on nga alalangay,
Maligos ag magpuaw-puaw sa malapad nga suba,
Mamanlaw ag magharakhak sa matin-aw nga sapa.
Pangabuhi sa bukid indi ko gid sarang igbaylo,
Sa syudad owa gakilalahanan et husto,
Sa bukid malinong, sa Dios hugot ong pagto-o,
Paghigugma ong sadsaran et kada tawo.
Huo… kauswagan aton mabatyagan,
Pero diin eon ong manami nga pamatasan?
Respeto nalipatan bangud kwarta ginasandigan,
Hutik et kahapon kon pwede eang balikan.
Gawain 3: Sagutin ang mga gabay na tanong. (Tanong –Sagot)
1. Tungkol saan ang tulang binasa?
2. Ilarawan ang nilalaman ng tula sa bawat saknong sa pamamagitan ng larawang
diwa na hatid nito?
3. Bakit mas pinipili ng may-akda na mamuhay sa bukid kaysa sa lungsod?
4. Isa-isahin ang mga salita o pahayag na ginamit sa teksto na nagpapakilala ng
mga halimbawa ng kongretong paglalarawan.
12
Gawain 4: Dugtungang Pagbasa ng mga mag-aaral sa halimbawa ng Subhetibo o
Masining na Paglalarawan
Pangkat 1
Hiyas ng Mambusao
Lathalain ni: Arlene A. Luces
Kasabay ng bukang liwayway ay ang maningning na kayamanan na bumabandila sa
balintataw ng mga taong hanap ay simpleng kapaligiran. Subalit higit ang nasasaksihan dahil sa mga
pambihirang pinagdaanan na inukit ng kalikasan at panahon. Kahit sumapit ang dapit-hapon ay
patuloy na magmamalaki na tila sa bawat paglubog at pagsikat ng araw ay lalo itong kahalina-halina
sa sinumang magagawi rito.
Ito ang Mambusao… isa sa mga pinagpalang bayan sa lalawigan ng Capiz dahil sa mga
nakakubling hiyas nito na patuloy na pinangangalagaan at nililinang. Hitik at puspos ng kasaysayang
tiyak ipinagmamalaki ng mga naninirahan dito. Pinagbubuklod-buklod ng mga paniniwala at
kaugaliang minana sa mga ninunong taglay lamang ng isang Mambusaonon kaya’t patunay lang na
hatid nito ay karangalan.
13
Pangkat 2
(kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre)
Sa larangan ng imprastraktura, pinanday na simbahang simbolo ng kabanalan kung saan
masisilayan ang patron na pinakaiingatan, ang imahe ni Santa Catalina na dinadagsa sa tuwing ika-
25 ng Nobyembre. Ito ang nagsisilbing ilaw na nagbibigay tanglaw sa mga tao upang ipagpatuloy ang
mahigpit na pananampalataya sa Diyos sa harap ng maraming pagsubok sa buhay na hatid ay pag-asa
sa puso ng bawat isa. Ipinagmamalaki din ng Mambusaonon ang isa sa mga natatanging kultura nito,
ang Inilusan kung saan bukas ang dibidib sa pagbibigayan ng pagkain o “ilos” mula sa hapag kainan
sa kapit-bahay. Tradisyong kinagisnan din na dahilan upang dalhin sila sa mabulaklak na landas ng
pamumuhay
Pigura 1. Sta.Catalina de Alexandria
14
Pangkat 3
(kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre)
Ang kagyat na pagnanasa sa mga magagandang lugar saan mang panig ng mundo ang nag-
uudyok sa tao upang maglakbay. Pagnanasa na sadyang nagbubunga ng matatamis na alaala ng
kahapon kapag ito’y napuntahan at naramdaman ang kagandahan ng pook.
Ang Mambusao ay hindi pahuhuli sa mga toursist attractions ng bansa. Kung biyaya ng
kalikasan ang pag-uusapan, nariyan ang Kuweba ng Kipot (Kipot Cave) na animo’y sadyang hinubog
upang mahulma ang pambihirang hugis ng mga bato sa kaloob-looban nito na siyang nagpapatingkad
sa kagandahan. Nakatago ito sa pusod ng Barangay Burias. Matitirik at masisikip na daan at
pagkakataong kailangan ang mala-ahas na kilos bago marating ang nasabing kuweba. Katulad ng
lagaslas ng tubig, magpatianod lamang dahil ang hamon sa pagpasok sa dulo’y tiyak na mamamangha
sa masisilayan.
Pigura 2. Kuweba ng Kipot (Kipot Cave)
15
Pangkat 4
(kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre)
Isa rin sa mga kilalang destinasyon ay ang Paraiso del Rio. Dito mahihikayat kang
lumangoy dahil sa tila magkarugtong na kulay bughaw na kalangitan at tubig. Ang kalinawan nito ay
nag-aanyaya upang malasap ang malamig na tubig na regalo ng lumikha sa atin. Mayroon ding mga
maliliit na bangka upang malayang mamasdan ang kapaligiran habang binabagtas ang kaparangan.
(kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre)
Sa daraanan ay matutunghayan ang napakapayapang kabukiran. Luntiang kapatagan ang
hatid ng mga palay na kahit hitik sa bunga at mistulang palumpong ng halaman ay nakukuha
pa ring sumayaw sa ihip ng hangin at nagdadala ng preskong pakiramdaman. Patunay
lamang na ang bayan ng Mambusao ang tinaguriang “Rice Granary” ng Capiz.
Pigura 3. Paraiso del Rio
Pigura 4. Malawak na Palayan
16
Gawain 5. Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Tungkol saan ang akdang binasa?
2. Ano-anong magagandang lugar ang binanggit sa teksto? Ilahad ang bawat isa.
3. Bakit nasabi ng may-akda na sa Mambusao ay may mga nakatagong hiyas?
4. Paano inilarawan ng may-akda ang mga nabanggit na lugar sa Mambusao?
5. Ilahad ang mga salitang ginamit sa masining na paglalarawan.
Gawain 6. Paghahambing
1. Magtala ng limang salitang naglalarawan na makukuha sa nabasang akda na pinamagatang
“Hutik et Kahapon” at “Hiyas ng Mambusao”. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
2. Paghambingin ang mga ginamit na salita sa paglalarawan.
Akda Obhetibo o Karaniwang
Paglalarawan
Masining na Paglalarawan
“Hutik et Kahapon”
1.
2.
3.
4.
5.
“Hiyas ng Mambusao” 1.
2.
3.
4.
5.
17
Gawain 7. I-Konek Mo!
Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Pipili ang bawat pangkat ng lider at
tagapag-ulat.
Bawat pangkat ay gagawa ng isang (1) talata na binubuo lamang ng limang (5) pangungusap
gamit ang obhetibo at subhetibong paglalarawan na may temang “Pagmamahal Sa
Magulang”. Gawing gabay ang rubriks na makikita sa ibabang bahagi.
Rubriks
Nilalaman Kabuoang
Puntos
Marka
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto
25
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin
Himay-himay na nailahad ang mga suportang ideya 25
Wastong paggamit ng masining na paglalarawan
Akma ang aspekto o katangiang binigyang-diin sa
paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya
25
Malinaw ang imahe o impresyong nabuo sa paglalarawan 25
Kabuoan 100 puntos
18
Gawain 8. Pamilya ko, Ipagmamalaki Ko!
Sumulat ng tekstong deskriptibo na naglalarawan sa iyong pamilya at ilahad ito sa
obhetibo at subhetibo na paraan.
Rubriks
_______________________
Pamagat
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Nilalaman Kabuoang
Puntos
Marka
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto 25
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin
Himay-himay na nailahad ang mga suportang ideya
25
Wastong paggamit ng masining na paglalarawan
Akma ang aspekto o katangiang binigyang-diin sa
paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya
25
Malinaw ang imahe o impresyong nabuo sa paglalarawan 25
Kabuoan 100 puntos
19
Gawain 9. Atin ito!
Magdala ng kuhang-larawan na maituturing mong hiyas ng inyong barangay. Idikit
sa papel at gumawa ng maikling paglalarawan. Ibahagi sa klase nang pasalita.
Rubriks (May kalayaan ang guro na baguhin ang panukatan)
____________________
Pamagat
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Nilalaman Kabuoang
Puntos
Marka
Malinaw na nailahad ang teksto. 25
Gumamit ng wastong salita sa paglalarawan. 25
Nailahad ang katangian o kabuoan ng larawang ipinakita. 25
Malinaw ang imahe o larawang kuha 25
Kabuoan 100 puntos
Kuhang Larawan
20

More Related Content

Similar to Fil 11 DLP Luces SDO Capiz.pdf

Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa FilipinoFilipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipinoasa net
 
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's Module
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's ModuleK - 12 Grade 9 Filipino Learner's Module
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's Modulecyle01
 
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdh
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdhDLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdh
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdhRosendaMohana
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAPreSison
 
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan IAraling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan IMavict De Leon
 
9 filipino lm q3
9 filipino lm q39 filipino lm q3
9 filipino lm q3Nheng Bongo
 
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5LheaColiano
 
Dll araling panlipunan 3 q3_w2
Dll araling panlipunan 3 q3_w2Dll araling panlipunan 3 q3_w2
Dll araling panlipunan 3 q3_w2jessicaivory4
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxEDNACONEJOS
 
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul  pdfHalimbawa sa paggawa ng modyul  pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdfRosemaeJeanDamas
 
ang pang-uri classroom observation 2.pptx
ang pang-uri classroom observation 2.pptxang pang-uri classroom observation 2.pptx
ang pang-uri classroom observation 2.pptxJOHNRUBIEINSIGNE1
 
Grade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino ModuleGrade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino ModuleEarl Estoque
 

Similar to Fil 11 DLP Luces SDO Capiz.pdf (20)

Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa FilipinoFilipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
 
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's Module
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's ModuleK - 12 Grade 9 Filipino Learner's Module
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's Module
 
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdh
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdhDLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdh
DLL_FILIPINO 5_Q3_W2.docxndhhdhdhdddvdvdvhdh
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
 
Filipino 7 u1 exeed
Filipino 7 u1 exeedFilipino 7 u1 exeed
Filipino 7 u1 exeed
 
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docxMITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
MITO-ALAMAT-KWENTO-DLP-G7.docx
 
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan IAraling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
 
9 filipino lm q3
9 filipino lm q39 filipino lm q3
9 filipino lm q3
 
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
 
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYAKATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
KATUTURAN AT LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
 
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
(KOMPAN) FIL11-JC.pdf
 
DLL_FILIPINO 5_Q3_W10.docx
DLL_FILIPINO 5_Q3_W10.docxDLL_FILIPINO 5_Q3_W10.docx
DLL_FILIPINO 5_Q3_W10.docx
 
IM AP8Q1W8D3.pptx
IM AP8Q1W8D3.pptxIM AP8Q1W8D3.pptx
IM AP8Q1W8D3.pptx
 
Dll araling panlipunan 3 q3_w2
Dll araling panlipunan 3 q3_w2Dll araling panlipunan 3 q3_w2
Dll araling panlipunan 3 q3_w2
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
 
2 ap lm tag u3
2 ap lm tag u32 ap lm tag u3
2 ap lm tag u3
 
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul  pdfHalimbawa sa paggawa ng modyul  pdf
Halimbawa sa paggawa ng modyul pdf
 
TmLHT sa Filipino 6
TmLHT sa Filipino 6TmLHT sa Filipino 6
TmLHT sa Filipino 6
 
ang pang-uri classroom observation 2.pptx
ang pang-uri classroom observation 2.pptxang pang-uri classroom observation 2.pptx
ang pang-uri classroom observation 2.pptx
 
Grade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino ModuleGrade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino Module
 

Recently uploaded

kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGeizukiTaro
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONSaadaGrijaldo1
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxRoldanVillena1
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdfNonieAnnGalang
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 

Recently uploaded (20)

kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 

Fil 11 DLP Luces SDO Capiz.pdf

  • 1. Spearheaded by: Merlie J. Rubio, EdD, EPS-Filipino Designed by: Vincent D. Lausa, Administrative Officer IV and Reden B. Aguadera, Teacher I Quality Assured by: Shirley A. De Juan, EPS-LRMS Catalogued by: Glenn P. Dollete, PDO II Segundina F. Dollete, EdD. Jose Niro R. Nillasca Chief Education Supervisor, CID Asst. Schools Division Superintendent Salvador O. Ochavo, Jr, EdD, CESO V Schools Division Superintendent BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Isinulat ni: Arlene A. Luces
  • 2. Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon VI- Kanlurang Visayas SANGAY NG CAPIZ Curriculum Implementation Division LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS) Banica, Roxas, City Karapatang- ari 2022 “ Seksiyon 9, Atas ng Pangulo Blg. 49” “Walang karapatang-ari ang anumang akda ng Republika ng Pilipinas. Gayunman, kung kakalakalin ito, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na gumawa nito.” Ang kagamitang ito ay pinaunlad na Banghay- Aralin sa Filipino- 11 sa pagpapatupad ng Curriculum Implementation Division ( CID ) ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Capiz. Maaaring maparami para sa planong pagkatuto ng mga mag- aaral. Maaaring batayan ng mga panibagong instrukyunal na kagamitan upang mapagaan ang pagtuturo at magkaroon ng de- kalidad na edukasyon. Ang pagrebisa ng nasabing sanayang- aralin ay nangangailangan ng pormal na pahintulot mula sa mga kinauukulan. Walang anumang gawa na halaw sa materyal na ito ang maaaring ipagbili. BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 11 Isinulat ni: Ilustrator/Photographer Visual Graphic Artist: ARLENE A. LUCES CATHERINE MAE P. DELA TORRE LALINE H. LUCES Teacher III Teacher I Master Teacher I Masusuing sinuri nina: GEMMA B. OBSIANA CATHERINE D. DIAZ SUSAN J. QUISTADIO, EdD MT-II-CLANHS Head Teacher V-Capiz NHS MT-II-VASNHS LILIBETH D. MELITON T- III Leodegario Deocampo Sr. NHS MERLIE J. RUBIO SHIRLEY A. DE JUAN Pansangay na Tagamasid sa Filipino Pansangay na Tagamasid sa LRMDS SEGUNDINA F. DOLLETE, EdD Hepe ng CID JOSE NIRO R. NILLASCA SALVADOR O. OCHAVO JR EdD, CESO V Katuwang na Tagapamanihalang mga Paaralan Pansanagay na Tagapamanihala ng mga Paaralan Baitang 11 Wika: Filipino Ang kauna-unahang dihital na edisyon ay nailimbag para ipamahagi online ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Rehiyon VI.
  • 3. 1 BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 11 GRADO: GRADE 11- SENIOR HIGH SCHOOL ASIGNATURA: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK MARKAHAN: Ikalawang Semestre/ Ikatlong Markahan I. LAYUNIN A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto. C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO: D. KONTEKSTWAL NA LAYUNIN: a. F11PB – IIIa – 98 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa. b. F11PU – IIIb – 89 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto (Tekstong Deskriptibo). Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong Mambusaonon na binasa II.NILALAMAN Tekstong Deskriptibo Hutik et Kahapon – Tula Hiyas ng Mambusao - Lathalain Kagamitang Panturo A.Sanggunian: Hutik et Kahapon (Luces, Arlene A., 2019) Hiyas ng Mambusao (Luces, Arlene A., 2019) B. Iba pang Kagamitang Panturo: Power Point Presentation, TV, laptop, chalk III. PAMAMARAAN: A. Balik-aral B. Paghahabi sa layunin ng aralin 1. Pagbibigay-kahulugan sa salita gamit ang Web. 2. Paano magagamit ang isip, damdamin at kilos sa pagbuo ng tekstong impormatibo? Isahang Gawain. (Pumili ng ilang mag-aaral upang magbahagi sa klase.) Maghanap ng bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. Ilarawan ang sarili gamit ang isang bagay na maaaring magrepresenta sa iyong mga katangiang pisikal at iba pang katangian tulad ng pag-uugali, pananaw, at mga adhikain sa buhay. T Te ek ks st to on ng g I Im mp po or rm ma at ti ib bo o
  • 4. 2 C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin. D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 1. Mula sa napakinggang paglalahad ng ilang mag-aaral, isa-isahin ang mga salita o pahayag na ginamit bilang paglalarawan ng sarili. 2. Iugnay ang mga nabanggit na pahayag sa bagong aralin na tatalakayin. 1. Pangkatang pagbasa ng teksto. A. Halimbawa ng Obhetibo o Kongkretong Paglalarawan Hutik et Kahapon ni: Arlene A. Luces Akon ginabinag-binag ag ginabalikan, Hutik et kahapon sa dalunggan mabatian, Kasulhayon nga pangabuhi sa bukid nadumduman, Lakâ mga panimalay pero indi madula ong pag-abyanan. Sa kagab-ihanon sirom-sirom nagapahanumdom, Orasyon nga pangagdion kinahanglan dikuton, Adobong takway haunon para sa masadya nga ihapon, Nilagpang nga gusaw, ay abaw kanamit higupon! Tukturiok et manok, magaaga ong tanda, Mahumot nga sara-sara sa lamesa nagaagda, Makita matam-is nga yuhom ni Nanay, Sa nilab-uhan nga sab-a konsuylo ni Tatay. Masadya nga pag-ilimawan ag pag-abyanay, Et mga pamatan-on nga alalangay, Maligos ag magpuaw-puaw sa malapad nga suba, Mamanlaw ag magharakhak sa matin-aw nga sapa. Pangabuhi sa bukid indi ko gid sarang igbaylo, Sa syudad owa gakilalahanan et husto, Sa bukid malinong, sa Dios hugot ong pagto-o, Paghigugma ong sadsaran et kada tawo. Huo…kauswagan aton mabatyagan, Pero diin eon ong manami nga pamatasan? Respeto nalipatan bangud kwarta ginasandigan, Hutik et kahapon kon pwede eang balikan. (Pagsasalin sa Filipino) Bulong Ng Kahapon ni: Arlene A. Luces Mataman kong pinag-iisipan at binabalikan, Sa’king tainga’y bulong ng kahapon ang naulinigan, Nagunita ang mapayapang pamumuhay sa kabukiran, Sa kabila ng agwat ng kabahayanan, naghahari’y pagkakaibigan.
  • 5. 3 E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Kuliglig sa gabi’y may ibig alalahanin, Takipsilim na panalangin kailangan nang usalin, Sa masayang hapunan, adobong takway nakahandang ihain, Kinilaw na dalag, o kaysarap higupin! Sa pagtilaok ng manok bagong umaga ang tanda, Nakaeenganyong amoy ng tsa-a sa mesa’y nag-aanyaya, Mababanaag matamis na ngiti sa labi ni Nanay, Nilagang saging tanging pampalakas ni Tatay. Masayang samahan at pagkakaibigang tunay, Ng mga kabataang hinulmang magkakabagay, Maligo at magpapatianod sa ilog na malawak, Sa malinaw na sapa magbanlaw at humalakhak. Pamumuhay sa bukid ‘di ko ipagpapalit, Sa lungsod karamiha’y hindi magkakakilala ng husto, Sa bukid payapa, sa Diyos mahigpit na nananampalataya, Pagmamahalan ang tanging pundasyon ng bawat tao. Oo, tunay nga na kaunlaran ay mararamdaman, Pero nasaan na ang magandang kaasalan? Respeto’y sadyang nakalimutan ‘pagkat pera ang sinasandalan, Bulong ng kahapon kung maaari lamang balikan. Mga Gabay na Tanong: 1. Tungkol saan ang tulang binasa? 2. Ilarawan ang nilalaman ng tula sa bawat saknong sa pamamagitan ng larawang diwa na hatid nito. 3. Bakit mas pinipili ng may-akda na mamuhay sa nayon kaysa sa lungsod? 4. Isa-isahin ang mga salita o pahayag na ginamit sa teksto na nagpapakilala ng mga halimbawa ng konkretong paglalarawan. B. Halimbawa ng Subhetibo o Masining na Paglalarawan 1. Pangkatin ang mag-aaral sa apat na pangkat. 2. Basahin sa pamamagitan ng pasalitang pagbasa sa teksto ng bawat pangkat. Pangkat 1 Hiyas ng Mambusao Lathalain ni: Arlene A. Luces Kasabay ng bukang liwayway ay ang maningning na kayamanan na bumabandila sa balintataw ng mga taong hanap ay simpleng kapaligiran. Subalit higit ang nasasaksihan dahil sa mga pambihirang pinagdaanan na inukit ng kalikasan at panahon. Kahit sumapit ang dapit-hapon ay patuloy na nagmamalaki na tila sa bawat paglubog at pagsikat ng araw ay lalo itong kahalina-halina sa sinumang magagawi rito. Ito ang Mambusao… isa sa mga pinagpalang bayan sa lalawigan ng
  • 6. 4 Capiz dahil sa mga nakakubling hiyas nito na patuloy na pinangangalagaan at nililinang. Hitik at puspos ng kasaysayang tiyak ipinagmamalaki ng mga naninirahan dito. Pinagbubuklod-buklod ng mga paniniwala at kaugaliang minana sa mga ninunong taglay lamang ng isang Mambusaonon kaya’t patunay lang na hatid nito ay karangalan. Pangkat 2 (kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre) Sa larangan ng imprastraktura, pinanday na simbahang simbolo ng kabanalan kung saan masisilayan ang patron na pinakaiingatan, ang imahe ni Santa Catalina na dinadagsa sa tuwing ika-25 ng Nobyembre. Ito ang nagsisilbing ilaw na nagbibigay tanglaw sa mga tao upang ipagpatuloy ang mahigpit na pananampalataya sa Diyos sa harap ng maraming pagsubok sa buhay na hatid ay pag-asa sa puso ng bawat isa. Ipinagmamalaki din ng Mambusaonon ang isa sa mga natatanging kultura nito, ang Inilusan kung saan bukas ang dibidib sa pagbibigayan ng pagkain o “ilos” mula sa hapag kainan sa mga kapit-bahay. Tradisyong kinagisnan din na dahilan upang dalhin sila sa mabulaklak na landas ng pamumuhay. Pangkat 3 (kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre) Ang kagyat na pagnanasa sa mga magagandang lugar saan mang panig ng mundo ang nag-uudyok sa tao upang maglakbay. Pagnanasa na sadyang nagbubunga ng matatamis na alaala ng kahapon kapag ito’y napuntahan at naramdaman ang kagandahan ng pook. Pigura 2. Kuweba ng Kipot Pigura 1. Santa Catalina de Alexandria
  • 7. 5 Ang Mambusao ay hindi pahuhuli sa mga toursist attractions ng bansa. Kung biyaya ng kalikasan ang pag-uusapan, nariyan ang Kuweba ng Kipot (Kipot Cave) na animo’y sadyang hinubog upang mahulma ang pambihirang hugis ng mga bato sa kaloob-looban nito na siyang nagpapatingkad sa kagandahan. Nakatago ito sa pusod ng Barangay Burias. Matitirik at masisikip na daan at pagkakataong kailangan ang mala-ahas na kilos bago marating ang nasabing kuweba. Katulad ng lagaslas ng tubig, magpatianod lamang dahil ang hamon sa pagpasok sa dulo’y tiyak na mamamangha sa masisilayan. Pangkat 4 (kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre) Isa rin sa mga kilalang destinasyon ay ang Paraiso del Rio. Dito mahihikayat kang lumangoy dahil sa tila magkarugtong na kulay bughaw na kalangitan at tubig. Ang kalinawan nito ay nag-aanyaya upang malasap ang malamig na tubig na regalo ng lumikha sa atin. Mayroon ding mga maliliit na bangka upang malayang mamasdan ang kapaligiran habang binabagtas ang kaparangan. (kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre) Sa daraanan ay matutunghayan ang napakapayapang kabukiran. Luntiang kapatagan ang hatid ng mga palay na kahit hitik sa bunga at mistulang palumpong ng halaman ay nakukuha pa ring sumayaw sa ihip ng hangin at nagdadala ng preskong pakiramdaman. Patunay lamang na ang bayan ng Mambusao ang tinaguriang “Rice Granary” ng Capiz. Pigura 3. Paraiso del Rio Pigura 4. Malawak na Palayan Palayan
  • 8. 6 F. Paglinang ng Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) Mga gabay na tanong. 1. Tungkol saan ang akdang binasa? 2. Ano-anong magagandang lugar ang binanggit sa teksto? Ilahad ang bawat isa. 3. Bakit nasabi ng may-akda na sa Mambusao ay may mga nakatagong hiyas? 4. Paano inilarawan ng may-akda ang mga nabanggit na lugar sa Mambusao? 5. Ilahad ang mga salitang ginamit sa masining na paglalarawan. Dagdag Kaalaman Talakayin ang kahulugan ng Tekstong Deskriptibo at ang mga Uri ng Paglalarawan Tekstong Deskriptibo • detalyadong teksto ng paglalarawan. • naglalaman ng mga impormasyon upang tukuyin ang katangian ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. • madalas ginagamitan ng mga salitang pang-abay o pang-uri. Mga Uri ng Paglalarawan A. Obhetibo o Kongkretong Paglalarawan • karaniwang anyo ng paglalarawan batay sa naobserbahan. • direktang paglalarawan ng impormasyon ayon sa kabuuang perspekto. • walang halong anumang emosyon, saloobin, at pananaw. Halimbawa: 1. Si Rosing ay matanda na. 2. Siya ay mabagal na kung lumakad. B. Subhetibo o Masining na Paglalarawan • napapalooban ng damdamin at pananaw ukol sa nais na ilarawan. • ginagamitan ng pang-abay, pang-uri, idyoma, o tayutay. • pinupukaw at pinapalawak ang imahinasyon at guniguni ng mambabasa. • madalas gamitin sa pagsulat ng mga tula, nobela at maikling kuwento. Halimbawa: 1. Si Rosing ay lipas na sa panahon. 2. Mahina na ang kaniyang mga tuhod para libutin ang lalawigan ng Capiz. Malayang Talakayan 1. Ano-ano ang mga katangian at kalikasan na dapat taglayin ng tekstong deskriptibo? 2. Bakit kailangan na ilarawan ang isang bagay o lugar? 3. Paano makakatulong ang paglalarawan sa iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig? 4. Balikan at magtala ng limang mga salitang naglalarawan na makukuha sa nabasang akda na pinamagatang Hutik et Kahapon at Hiyas ng Mambusao. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
  • 9. 7 G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay Akda Obhetibo o Karaniwang Paglalarawan Masining na Paglalarawan “Hutik et Kahapon” 1. 2. 3. 4. 5. “Hiyas ng Mambusao” 1. 2. 3. 4. 5. I-Konek Mo! Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Pipili ang bawat pangkat ng lider at tagapag-ulat. Bawat pangkat ay gagawa ng isang talata na binubuo lamang ng limang pangungusap gamit ang Obhetibo at Subhetibong paglalarawan na iuulat pagkatapos ng 10 minuto. Gawing gabay ang Rubrik at tema sa ibaba. Nilalaman Kabuoang Puntos Marka Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto 5 Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin Himay-himay na nailahad ang mga suportang ideya 5 Wastong paggamit ng masining na paglalarawan Akma ang aspekto o katangiang binigyang- diin sa paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya 5 Malinaw ang imahe o impresyong nabuo sa paglalarawan 5 Kabuoan 20 puntos 1. Pangangalaga sa Kapaligiran Pagbabahagi ng awput ng bawat pangkat sa klase.
  • 10. 8 H. Paglalahat ng aralin I. Ebalwasyon Paano magagamit ang isip, damdamin, at kilos sa pagbuo ng tekstong deskriptibo? Para sa iyo,paano makatutulong ang tekstong deskriptibo sa pagsulong at pagpapasigla ng turismo at kultura ng ating bayan? Pamilya ko, Ipagmamalaki Ko! Sumulat ng tekstong deskriptibo na naglalarawan sa iyong pamilya at ilahad ito sa paraang obhetibo at subhetibo. Gawing gabay ang Rubriks sa ibaba. Rubriks Nilalaman Kabuoang Puntos Marka Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto 5 Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin Himay-himay na nailahad ang mga suportang ideya 5 Wastong paggamit ng masining na paglalarawan Akma ang aspekto o katangiang binigyang-diin sa paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya 5 Malinaw ang imahe o impresyong nabuo sa paglalarawan 5 Kabuoan 20 puntos J. Karagdagang Gawain Atin Ito! Magdala ng kuhang-larawan na maituturing mong hiyas ng inyong barangay. Gumawa ng maikling paglalarawan at ibahagi sa klase nang pasalita. Rubriks Nilalaman Kabuoang Puntos Marka Malinaw na nailahad ang teksto. 5 Gumamit ng wastong salita sa paglalarawan. 5 Nailahad ang katangian o kabuoan ng larawang ipinakita. 5 Malinaw ang imahe o larawang kuha 5 Kabuoan 20 puntos
  • 11. 9 Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon VI- Kanlurang Visayas SANGAY NG CAPIZ Curriculum Implementation Division LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS) Banica, Roxas, City Gawaing Pahina sa Filipino 11 (Tekstong Deskriptibo) Paraiso del Rio Santa Catalina de Alexandria Kuweba ng Kipot Malawak na Palayan
  • 12. 10 MGA GAWAIN Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik Tekstong Deskriptibo Layunin: Gawain 1. Isahang Gawain (Pumili ng ilang mag-aaral upang magbahagi sa klase.) 1. F11PB – IIIa – 98 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa 2. F11PU – IIIb – 89 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto 1. Maghanap ng bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. Ilarawan ang sarili gamit ang isang bagay na maaaring magrepresenta sa iyong mga katangiang pisikal at iba pang katagian tulad ng pag-uugali, pananaw, at mga adhikain sa buhay. 2. Isa-isahin ang mga salita o pahayag na ginamit sa paglalarawan ng sarili.
  • 13. 11 Gawain 2. Pagbasa ng malakas sa halimbawa ng Obhetibo o Kongkretong Paglalarawan a. Unang pagbasa - Guro. b. Pangkatang pagbasa - Mga mag-aaral c. Huling pagbasa – Guro at mga mag-aaral Hutik et Kahapon ni: Arlene A. Luces Akon ginabinag-binag ag ginabalikan, Hutik et kahapon sa dalunggan mabatian, Kasulhayon nga pangabuhi sa bukid nadumduman, Lakâ mga panimalay pero indi madula ong pag-abyanan. Sa kagab-ihanon sirom-sirom nagapahanumdom, Orasyon nga pangagdion kinahanglan dikuton, Adobong takway haunon para sa masadya nga ihapon, Nilagpang nga gusaw, ay abaw kanamit higupon! Tukturiok et manok, magaaga ong tanda, Mahumot nga sara-sara sa lamesa nagaagda, Makita matam-is nga yuhom ni Nanay, Sa nilab-uhan nga sab-a konsuylo ni Tatay. Masadya nga pag-ilimawan ag pag-abyanay, Et mga pamatan-on nga alalangay, Maligos ag magpuaw-puaw sa malapad nga suba, Mamanlaw ag magharakhak sa matin-aw nga sapa. Pangabuhi sa bukid indi ko gid sarang igbaylo, Sa syudad owa gakilalahanan et husto, Sa bukid malinong, sa Dios hugot ong pagto-o, Paghigugma ong sadsaran et kada tawo. Huo… kauswagan aton mabatyagan, Pero diin eon ong manami nga pamatasan? Respeto nalipatan bangud kwarta ginasandigan, Hutik et kahapon kon pwede eang balikan. Gawain 3: Sagutin ang mga gabay na tanong. (Tanong –Sagot) 1. Tungkol saan ang tulang binasa? 2. Ilarawan ang nilalaman ng tula sa bawat saknong sa pamamagitan ng larawang diwa na hatid nito? 3. Bakit mas pinipili ng may-akda na mamuhay sa bukid kaysa sa lungsod? 4. Isa-isahin ang mga salita o pahayag na ginamit sa teksto na nagpapakilala ng mga halimbawa ng kongretong paglalarawan.
  • 14. 12 Gawain 4: Dugtungang Pagbasa ng mga mag-aaral sa halimbawa ng Subhetibo o Masining na Paglalarawan Pangkat 1 Hiyas ng Mambusao Lathalain ni: Arlene A. Luces Kasabay ng bukang liwayway ay ang maningning na kayamanan na bumabandila sa balintataw ng mga taong hanap ay simpleng kapaligiran. Subalit higit ang nasasaksihan dahil sa mga pambihirang pinagdaanan na inukit ng kalikasan at panahon. Kahit sumapit ang dapit-hapon ay patuloy na magmamalaki na tila sa bawat paglubog at pagsikat ng araw ay lalo itong kahalina-halina sa sinumang magagawi rito. Ito ang Mambusao… isa sa mga pinagpalang bayan sa lalawigan ng Capiz dahil sa mga nakakubling hiyas nito na patuloy na pinangangalagaan at nililinang. Hitik at puspos ng kasaysayang tiyak ipinagmamalaki ng mga naninirahan dito. Pinagbubuklod-buklod ng mga paniniwala at kaugaliang minana sa mga ninunong taglay lamang ng isang Mambusaonon kaya’t patunay lang na hatid nito ay karangalan.
  • 15. 13 Pangkat 2 (kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre) Sa larangan ng imprastraktura, pinanday na simbahang simbolo ng kabanalan kung saan masisilayan ang patron na pinakaiingatan, ang imahe ni Santa Catalina na dinadagsa sa tuwing ika- 25 ng Nobyembre. Ito ang nagsisilbing ilaw na nagbibigay tanglaw sa mga tao upang ipagpatuloy ang mahigpit na pananampalataya sa Diyos sa harap ng maraming pagsubok sa buhay na hatid ay pag-asa sa puso ng bawat isa. Ipinagmamalaki din ng Mambusaonon ang isa sa mga natatanging kultura nito, ang Inilusan kung saan bukas ang dibidib sa pagbibigayan ng pagkain o “ilos” mula sa hapag kainan sa kapit-bahay. Tradisyong kinagisnan din na dahilan upang dalhin sila sa mabulaklak na landas ng pamumuhay Pigura 1. Sta.Catalina de Alexandria
  • 16. 14 Pangkat 3 (kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre) Ang kagyat na pagnanasa sa mga magagandang lugar saan mang panig ng mundo ang nag- uudyok sa tao upang maglakbay. Pagnanasa na sadyang nagbubunga ng matatamis na alaala ng kahapon kapag ito’y napuntahan at naramdaman ang kagandahan ng pook. Ang Mambusao ay hindi pahuhuli sa mga toursist attractions ng bansa. Kung biyaya ng kalikasan ang pag-uusapan, nariyan ang Kuweba ng Kipot (Kipot Cave) na animo’y sadyang hinubog upang mahulma ang pambihirang hugis ng mga bato sa kaloob-looban nito na siyang nagpapatingkad sa kagandahan. Nakatago ito sa pusod ng Barangay Burias. Matitirik at masisikip na daan at pagkakataong kailangan ang mala-ahas na kilos bago marating ang nasabing kuweba. Katulad ng lagaslas ng tubig, magpatianod lamang dahil ang hamon sa pagpasok sa dulo’y tiyak na mamamangha sa masisilayan. Pigura 2. Kuweba ng Kipot (Kipot Cave)
  • 17. 15 Pangkat 4 (kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre) Isa rin sa mga kilalang destinasyon ay ang Paraiso del Rio. Dito mahihikayat kang lumangoy dahil sa tila magkarugtong na kulay bughaw na kalangitan at tubig. Ang kalinawan nito ay nag-aanyaya upang malasap ang malamig na tubig na regalo ng lumikha sa atin. Mayroon ding mga maliliit na bangka upang malayang mamasdan ang kapaligiran habang binabagtas ang kaparangan. (kuha ni: Catherine Mae P. Dela Torre) Sa daraanan ay matutunghayan ang napakapayapang kabukiran. Luntiang kapatagan ang hatid ng mga palay na kahit hitik sa bunga at mistulang palumpong ng halaman ay nakukuha pa ring sumayaw sa ihip ng hangin at nagdadala ng preskong pakiramdaman. Patunay lamang na ang bayan ng Mambusao ang tinaguriang “Rice Granary” ng Capiz. Pigura 3. Paraiso del Rio Pigura 4. Malawak na Palayan
  • 18. 16 Gawain 5. Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Tungkol saan ang akdang binasa? 2. Ano-anong magagandang lugar ang binanggit sa teksto? Ilahad ang bawat isa. 3. Bakit nasabi ng may-akda na sa Mambusao ay may mga nakatagong hiyas? 4. Paano inilarawan ng may-akda ang mga nabanggit na lugar sa Mambusao? 5. Ilahad ang mga salitang ginamit sa masining na paglalarawan. Gawain 6. Paghahambing 1. Magtala ng limang salitang naglalarawan na makukuha sa nabasang akda na pinamagatang “Hutik et Kahapon” at “Hiyas ng Mambusao”. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. 2. Paghambingin ang mga ginamit na salita sa paglalarawan. Akda Obhetibo o Karaniwang Paglalarawan Masining na Paglalarawan “Hutik et Kahapon” 1. 2. 3. 4. 5. “Hiyas ng Mambusao” 1. 2. 3. 4. 5.
  • 19. 17 Gawain 7. I-Konek Mo! Pangkatin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Pipili ang bawat pangkat ng lider at tagapag-ulat. Bawat pangkat ay gagawa ng isang (1) talata na binubuo lamang ng limang (5) pangungusap gamit ang obhetibo at subhetibong paglalarawan na may temang “Pagmamahal Sa Magulang”. Gawing gabay ang rubriks na makikita sa ibabang bahagi. Rubriks Nilalaman Kabuoang Puntos Marka Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto 25 Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin Himay-himay na nailahad ang mga suportang ideya 25 Wastong paggamit ng masining na paglalarawan Akma ang aspekto o katangiang binigyang-diin sa paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya 25 Malinaw ang imahe o impresyong nabuo sa paglalarawan 25 Kabuoan 100 puntos
  • 20. 18 Gawain 8. Pamilya ko, Ipagmamalaki Ko! Sumulat ng tekstong deskriptibo na naglalarawan sa iyong pamilya at ilahad ito sa obhetibo at subhetibo na paraan. Rubriks _______________________ Pamagat ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Nilalaman Kabuoang Puntos Marka Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto 25 Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin Himay-himay na nailahad ang mga suportang ideya 25 Wastong paggamit ng masining na paglalarawan Akma ang aspekto o katangiang binigyang-diin sa paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya 25 Malinaw ang imahe o impresyong nabuo sa paglalarawan 25 Kabuoan 100 puntos
  • 21. 19 Gawain 9. Atin ito! Magdala ng kuhang-larawan na maituturing mong hiyas ng inyong barangay. Idikit sa papel at gumawa ng maikling paglalarawan. Ibahagi sa klase nang pasalita. Rubriks (May kalayaan ang guro na baguhin ang panukatan) ____________________ Pamagat ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ Nilalaman Kabuoang Puntos Marka Malinaw na nailahad ang teksto. 25 Gumamit ng wastong salita sa paglalarawan. 25 Nailahad ang katangian o kabuoan ng larawang ipinakita. 25 Malinaw ang imahe o larawang kuha 25 Kabuoan 100 puntos Kuhang Larawan
  • 22. 20