Aralin 1 katutubong sining

13,652 views

Published on

Mga Katutubong Sining

Published in: Education
  • Be the first to comment

Aralin 1 katutubong sining

  1. 1. ARALIN 1: KATUTUBONG SINING (FOLK ART) Inihanda ni: Sir Neri
  2. 2. ANG MGA KATUTUBONG SINING (FOLK ART) NA MAITUTURING NA PAMANA NG LAHI AY MAIPAGMAMALAKI NG ATING BANSA. ITO AY TUMUTUKOY SA SINING NA NILIKHA NG MGA MALILIKHAING PANGKAT NG PILIPINO NA NAGTATAGLAY NG KAKAIBANG KAGANDAHAN AT DISENYO NA HANGGANG SA KASALUKUYAN AY LUMALAGANAP PA RIN.  Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming tribong- etniko tulad ng Ifugao, Bontoc, Tboli, Bagobo, Marano, Yakan at iba pang pankat na may sari- sariling kultura na pinagyayama n.
  3. 3. Hagdang Hagdang Palayan ng Banaue Ipinahayag ng UNESCO ang lugar na ito bilang Pamanag Lugar sa Mundo (World Heritage Site) at natanyag din bilang 8th Wonders of the World.
  4. 4. 1. BULUL (Bul-ul) Ang Bulul (Rice god) ay nililok na anyong tao tao na may kaugnayan sa kanilang anito o dios – diosan.
  5. 5. Bulul sa mga tahanan
  6. 6. 2. POON AT IMAHEN NG PAETE LAGUNA
  7. 7. MANLILILOK NG PAETE Ang Paete ay isang maliit na bayan sa lalawigan ng Laguna na matatagpuan sa hilagang silangang bahagi nito malapit sa Laguna de Bay.Unang tinawag na Pueblo De San Lorenzo ang lalawigan mula sa pangalan ng kanilang patron na si San Lorenzo na ibingay ng mga misyonerong pari Di nagtagal pinalitan ito ng salitang “Paete”na hango naman sa salitang “Paet’ (Chisel) na isang pangunahing kagamitan sa pag-ukit o wood carving. "Wood Carving Capital" Ang bayan ay lalong naging tanyag hindi lamang sa bansa kundi pati sa buong mundo dahil sa dami ng mga tao naging dalubhasa sa larangan ng Paglililok ng kahoy (wood carving) Itinuring na “Carving Capital of the Philippines” ang Paete, Laguna noong Marso 15, 2005 sa bisa ng Presidential Proclamation No. 809 na pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
  8. 8. TAKA Isa pang kilalang sining na gawa sa Paete ang laruang “Taka” o paper mache sa hubog ng tao at mga hayop ( karaniwang manok, kabayo at kalabaw.)
  9. 9. 3. Okkir ng Maranao Ang mga Maranao ay naging tanyag dahil sa kanilang kakaibang disenyo na tinatawag na “Okkir”. Ito ay tumutukoy sa geometriko at paikot-ikot na halamang baging na disenyo na ginagamit bilang motif sa sining at kagamitan ng Maranao at iba pang muslim sa Mindanao. Makikita ang okkir sa mga sumusunod na sining :
  10. 10. A. Sarimanok Pangunahing sagisag ng kultura ng Maranao. Sinasabing ang ibong may isda sa bibig ay naglalarawan ng maunlad nabuhay at kultura ng Maranao sa tabi ng Lawa ng Lanao. B. Torogan at Panulong Makikita pa ang istilong Okkir sa Torogan o tahanan ng mga Maranao na may matataas na katayuan sa lipunan. Sinasagisag nito ang katanyagan at karangyaan. C. Malong Ang Malong ay nagtataglay ng disenyong ‘Okkir”
  11. 11. 4. Vinta ng Zamboanga Ang vinta na kilala rin sa mga tawag na lepa-lepa at sakayan ay isang tradisyunal na bangkang matatagpuan sa pulo ng Mindanao na sumusimbolo sa makulay at mayamang kultura at kasaysayan ng mga naninirahan sa kapuluan ng Sulu.
  12. 12. 5. Pabalat ng “Pastillas” ng San Miguel, Bulacan Kilala ang mga taga-Bulacan sa paggawa ng makukulay na pabalat sa Pastillas na kung tawagin ay borlas de pastillas. Ito ay kadalasang yari sa papel de hapon.
  13. 13. 6. Kiping ng Lucban, Quezon Ito ang pangunahing dekorasyon ng mga taga Lucban Quezon tuwing Pahiyas Festival tuwing Mayo 15. KIPING ay hugis ng dahon na nilalagyan ng iba’t-ibang kulay. Ito ay gawa sa malagkit (rice paste).
  14. 14. 7. Muwebles ng Betis, Pampanga Ang Muebles ng Pampanga ay kilala dahil sa madami at magaganda nitong ukit.
  15. 15. 8. Parol ng San Fernando, Pampanga Ang lungsod ay binansagang “Christmas Capital of the Philippines” dahil mga makukulay ay higanteng parol dito. Ang taunang Giant Lantern dito ay isinasagawa tuwing Disyembre
  16. 16. ATING BALIKAN 1. BULUL (Bul-ul) ng Ifugao Mga Katutubong Sining (Folk Art) 2. POON AT IMAHEN NG PAETE LAGUNA 3. Okkir ng Maranao A. Sarimanok 4. Vinta ng Zamboanga 5. Pabalat ng “Pastillas” ng San Miguel, Bulacan 6. Kiping ng Lucban, Quezon 7. Muwebles ng Betis, Pampanga 8. Parol ng San Fernando, Pampanga
  17. 17. Quiz tommorow

×