KAHULUGAN AT
KABULUHAN NG
WIKA
ANO NGA BA ANG WIKA?
 Ang Wika ang isa sa pinakadakilang biyaya ng
Poong Maylikha. Ito ang kasangkapan upang
mapadama ng tao sa kaniyang kapwa ang
anumang kaniyang naiisip, nadarama, at nakikita
tungkol sa kaniyang paligid. Nang dahil sa wika
nasasalamin ng tao ang uri ng pamumuhay ng mga
ninunong pinagmulan ng mga mamamayan ng
isang bansa.
 Ang Wika ang namamagitan upang maunawaan
ang sarili, karanasan, kapwa tao, paligid, mundo,
obhektibong realidad, politika, ekonomik, at kultura.
Ito ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang
lahi, lipi, at lipunan.
 Ayon kay Marquez Jr. sa taong 2016, bawat
bansang malaya, tulad ng Pilipinas, ay nagnanais
magkaroon ng isang panlahat na wikang
pambansang may silbi bilang: a. isang simbolo ng
pambansang dangal, b. isang simbolo ng
pambansang pagkakakilanlan, c. kasangkapang
pambuklod ng mga grupong may iba’t ibang sosyo-
kultural at lingguwistikang pinagmulan, at d. isang
paraan ng komunikasyong inter-aksiyonal at
interkultural.
WIKA AT KOMUNIKASYON
 Ang wika ay isang mahalagang salik ng pagiging tao na
nagpapaangat sa kahit anong likha. Ang wika ng tao ang siyang
nagpapatunay na ang tao ay tao. May sariling wika at may sariling
katha na siyang nagbibigay boses sa kahit anumang likha sa
daigdig.
 Ang wika ay masistemang balangkas na ginagamit sa
pagpapahayag ng kuro-kuro at damdamin sa pamamagitan ng
pasalita at pasulat na paraan upang magkaunawaan ang lahat. Ayon
sa aklat ni Nuncio (2016) ipinahayag ni Constantino, isang
dalubwika, “ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag
ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan.”
 Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan,
kapwa tao, paligid, mundo, obhektibong realidad, politika, ekonomik,
at kultura. Ito ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi,
lipi, at lipunan. Ayon kay Hutch (1991), “ito ay isang sistema ng mga
tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao”. Ayon
naman nina Emmert at Donagby (1981), “isang sistema ng mga
sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na
iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang
tao.”
HENRY ALLAN GLEASON
Ang wika ay masistemang
balangkas ng mga sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo na ginagamit
sa pakikipagkomunikasyon ng
mga taong kabilang sa isang
kultura.
SAPIRO
Ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin, at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kusang-
loob na kaparaanan na lumikha
ng tunog.
HEMPHILL
Ang wika ay masistemang kabuoan ng
mga sagisag na sinasalita o binibigkas
na pinagkaisahan o kinaugalian ng
isang pangkat ng mga tao, at sa
pamamagitan nito ay nagkakaugnay,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
mga tao.
TANDAAN!
 Sa lingguwistikong paliwanag, tinatawag na wika
ang sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa
tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat,
at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na
ginagamit sa komunikasyon (Bloch at Trager 1942;
Peng 2005).
 Ang wika ay Arbitraryo o nagbabago-bago ang wika
depende sa pook, panahon, at kulturang
kinabibilangan ng tao.
MGA TEORYA SA PINAGMULAN NG WIKA
Teorya ang tawag sa maka-agham na pag-aaral
sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na
may mga batayan subalit hindi pa lubusang
napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente ang
pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba
ay maka-agham ang paraan ng pagdulog
samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang
nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng
koneksiyon sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang
teorya ng wika.
MGA KATANGIAN NG WIKA
 1. Dinamiko ang wika. Patuloy itong nagbabago, dumarami,
at nadaragdagan.
 2. May antas. Ang wika ay maaring pormal o di-pormal.
 3. Ang wika ay komunikasyon. Mahalagang gamitin sa
pakikipagtalastasan.
 4. Ang wika ay malikhain at natatangi. Walang dalawang
wikang magkatulad. May kanikaniyang katangian ang mga ito
na dahilan upang mamukod at maiba sa karamihan.
 5. Ang wika ay kaugnay ng kultura. Ang iba’t ibang
larangan ng sining, paniniwala, kaugalian, karunungan, at
kinagawian ang bumubuo sa kultura. Ang mga taong
kabahagi sa isang kultura ay lumilinang ng isang wikang
naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.
 6. Ang wika ay gamit sa lahat ng uri ng disiplina o
propesyon. May isang tiyak na wikang ginagamit sa bawat
disiplina o propesyon. Ito ang nagpapalawak sa gamit ng wika
upang maging mabisang kasangkapan sa pagsulong ng isang
lahi.
DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN SA WIKA
 1.Ang lahat ng wika ng tao ay nagsisimula sa tunog.
 2. Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit,
o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.
 3. Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat tulad ng
paggamit ng Cuneiform o Tablet ng mga Sumerian, Papyrus
ng mga Egyptian, at ang paglitaw ng mga Hieroglyph sa
sinaunang Ehipto at ng Alpabetong Phoenician, Griyego, at
Romano. Sa atin, nandiyan ang Baybayin ng mga Tagalog at
Buhid ng mga Mangyan sa Mindoro.
 4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas
ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na
nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
 5. Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng
isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag-awit, pagtulong sa
tumatawid sa daan, at iba pa.
MGA GAMIT NG WIKA
 1. Gamit sa talastasan
 2. Lumilinang ng pagkatuto
 3. Saksi sa panlipunang pagkilos
 4. Lalagyan o imbakan ng kaalaman ng isang
bansa
 5. Tagapagsiwalat ng damdamin
 6. Gamit sa imahinatibong pagsulat
ANTAS NG KOMUNIKASYON
 1. Intrapersonal Komunikasyong nakatuon sa
sarili o paraan ng pakikipag-usap sa sarili sa
pamamagitan ng dasal, meditasyon, at pagninilay-
nilay.
 2. Interpersonal Komunikasyong nagaganap sa
pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
 3. Organisasyonal Komunikasyong nagaganap
sa loob ng isang organisasyon tulad ng paaralan,
kompanya, simbahan, at pamahalaan sa pagitan ng
mga taong may iba’t ibang posisyon, obligasyon, at
responsibilidad.
ANG PANGKARANIWANG MODELO NG
KOMUNIKASYON
 Ang tagapagpadala (sender) ang pinagmumulan ng
mensahe. Dumadaan ang mensahe sa isang tsanel
(channel) upang maihatid ito sa patutunguhang tao o
destinasyon. 7 Tagatanggap (receiver) ang tao o
institusyong pinadadalhan ng mensahe. Nagkakaroon
ng tugon, puna, o reaksiyon (feedback) ang
institusyong pinadadalhan ng mensahe ng
tagapagpadala. Ito ay bumabalik sa tagapagdala. Sa
nagpapaabot ng mesahe, maaring hindi ito maintindihan
dahil sa ingay. Ang ingay ang nagiging hadlang sa
komunikasyon dahil maari itong ingay na likha ng
kapaligiran, ng mga tao, at mga bagay. Maari rin
namang internal ang ingay o sikolohikal dulot ng
bagabag sa sarili, pag-aalala, at kalituhan ng
tagapagdala o tagatanggap (Nuncio 2016).
1. PORMAL
Pormal ang wika na kinikilala at
ginagamit ng higit na nakararami, sa
pamayanan, bansa, o isang lugar.
Madalas ginagamit sa mga paaralan at
opisina
KATEGORYA AT KAANTASAN NG WIKA
MAY DALAWANG ANTAS ANG PORMAL NA
WIKA
 A. Opisyal na Wikang Pambansa at Panturo
Ito ay ginagamit sa pamahalaan, mga aklat
pangwika, at panturo sa paaralan. Ito ang wikang
ginagamit sa buong bansa.
 Wikang Pambansa Wikang pinagtibay ng
pambansang pamahalaan ang wikang pambansa
ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa
mamamayang kaniyang sakop.
WIKANG PANTURO
 Ginagamit upang makatulong sa pagtatamo ng
antas ng edukasyon. Gaya ng isinasaad sa
Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang-
batas ng 1987, Seksyon 6 kaugnay ng wikang
panturo na: “Sek.6 –Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.
Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod
ang Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.”
A.WIKANG OPISYAL
 Ang pangunahing wikang ginagamit sa edukasyon,
sa pamahalaan, at sa politika, sa komersiyo at
industriya.“Sek.7 ng Artikulo XIV ng Saligang-batas
ng 1987 na: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana na
batas, Ingles”. Tinatanggap din ang Ingles bilang
isa sa mga wikang opisyal maliban sa Filipino.
Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at
edukasyon, hangga’t walang batas nagbabawal
gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon,
kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal.
B. WIKANG PAMPANITIKAN
 Masining at malikhain ang kahulugan ng mga
salitang ito. Halimbawa nito ay ang wikang
ginagamit sa mga akdang tuluyan at patula.
TATLONG ANTAS
 a. Wikang Panlalawigan – mga salitang diyalektal
 b. Wikang Balbal – ang katumbas ng slang sa
Ingles. Ito ang mga nababago 8 sa pag-usad ng
panahon. Salitang lansangan Hal. Chichi (pagkain),
epal (mapapel), utol (kapatid)
 c. Wikang Kolokyal – mga salitang ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipag-usap Halimbawa:
ewan, kelan, musta, meron
2. DI- PORMAL –
Madalas ginagamit sa pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan.

ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx

  • 1.
  • 2.
    ANO NGA BAANG WIKA?  Ang Wika ang isa sa pinakadakilang biyaya ng Poong Maylikha. Ito ang kasangkapan upang mapadama ng tao sa kaniyang kapwa ang anumang kaniyang naiisip, nadarama, at nakikita tungkol sa kaniyang paligid. Nang dahil sa wika nasasalamin ng tao ang uri ng pamumuhay ng mga ninunong pinagmulan ng mga mamamayan ng isang bansa.  Ang Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao, paligid, mundo, obhektibong realidad, politika, ekonomik, at kultura. Ito ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi, at lipunan.
  • 3.
     Ayon kayMarquez Jr. sa taong 2016, bawat bansang malaya, tulad ng Pilipinas, ay nagnanais magkaroon ng isang panlahat na wikang pambansang may silbi bilang: a. isang simbolo ng pambansang dangal, b. isang simbolo ng pambansang pagkakakilanlan, c. kasangkapang pambuklod ng mga grupong may iba’t ibang sosyo- kultural at lingguwistikang pinagmulan, at d. isang paraan ng komunikasyong inter-aksiyonal at interkultural.
  • 4.
    WIKA AT KOMUNIKASYON Ang wika ay isang mahalagang salik ng pagiging tao na nagpapaangat sa kahit anong likha. Ang wika ng tao ang siyang nagpapatunay na ang tao ay tao. May sariling wika at may sariling katha na siyang nagbibigay boses sa kahit anumang likha sa daigdig.  Ang wika ay masistemang balangkas na ginagamit sa pagpapahayag ng kuro-kuro at damdamin sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan upang magkaunawaan ang lahat. Ayon sa aklat ni Nuncio (2016) ipinahayag ni Constantino, isang dalubwika, “ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.”  Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapwa tao, paligid, mundo, obhektibong realidad, politika, ekonomik, at kultura. Ito ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi, at lipunan. Ayon kay Hutch (1991), “ito ay isang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao”. Ayon naman nina Emmert at Donagby (1981), “isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.”
  • 5.
    HENRY ALLAN GLEASON Angwika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
  • 6.
    SAPIRO Ang wika ayisang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang- loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.
  • 7.
    HEMPHILL Ang wika aymasistemang kabuoan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao, at sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao.
  • 8.
    TANDAAN!  Sa lingguwistikongpaliwanag, tinatawag na wika ang sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon (Bloch at Trager 1942; Peng 2005).  Ang wika ay Arbitraryo o nagbabago-bago ang wika depende sa pook, panahon, at kulturang kinabibilangan ng tao.
  • 9.
    MGA TEORYA SAPINAGMULAN NG WIKA Teorya ang tawag sa maka-agham na pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayan subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay maka-agham ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyon sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng wika.
  • 10.
    MGA KATANGIAN NGWIKA  1. Dinamiko ang wika. Patuloy itong nagbabago, dumarami, at nadaragdagan.  2. May antas. Ang wika ay maaring pormal o di-pormal.  3. Ang wika ay komunikasyon. Mahalagang gamitin sa pakikipagtalastasan.  4. Ang wika ay malikhain at natatangi. Walang dalawang wikang magkatulad. May kanikaniyang katangian ang mga ito na dahilan upang mamukod at maiba sa karamihan.  5. Ang wika ay kaugnay ng kultura. Ang iba’t ibang larangan ng sining, paniniwala, kaugalian, karunungan, at kinagawian ang bumubuo sa kultura. Ang mga taong kabahagi sa isang kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.  6. Ang wika ay gamit sa lahat ng uri ng disiplina o propesyon. May isang tiyak na wikang ginagamit sa bawat disiplina o propesyon. Ito ang nagpapalawak sa gamit ng wika upang maging mabisang kasangkapan sa pagsulong ng isang lahi.
  • 11.
    DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGANSA WIKA  1.Ang lahat ng wika ng tao ay nagsisimula sa tunog.  2. Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.  3. Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng Cuneiform o Tablet ng mga Sumerian, Papyrus ng mga Egyptian, at ang paglitaw ng mga Hieroglyph sa sinaunang Ehipto at ng Alpabetong Phoenician, Griyego, at Romano. Sa atin, nandiyan ang Baybayin ng mga Tagalog at Buhid ng mga Mangyan sa Mindoro.  4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.  5. Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng pag-awit, pagtulong sa tumatawid sa daan, at iba pa.
  • 12.
    MGA GAMIT NGWIKA  1. Gamit sa talastasan  2. Lumilinang ng pagkatuto  3. Saksi sa panlipunang pagkilos  4. Lalagyan o imbakan ng kaalaman ng isang bansa  5. Tagapagsiwalat ng damdamin  6. Gamit sa imahinatibong pagsulat
  • 13.
    ANTAS NG KOMUNIKASYON 1. Intrapersonal Komunikasyong nakatuon sa sarili o paraan ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng dasal, meditasyon, at pagninilay- nilay.  2. Interpersonal Komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.  3. Organisasyonal Komunikasyong nagaganap sa loob ng isang organisasyon tulad ng paaralan, kompanya, simbahan, at pamahalaan sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang posisyon, obligasyon, at responsibilidad.
  • 14.
    ANG PANGKARANIWANG MODELONG KOMUNIKASYON  Ang tagapagpadala (sender) ang pinagmumulan ng mensahe. Dumadaan ang mensahe sa isang tsanel (channel) upang maihatid ito sa patutunguhang tao o destinasyon. 7 Tagatanggap (receiver) ang tao o institusyong pinadadalhan ng mensahe. Nagkakaroon ng tugon, puna, o reaksiyon (feedback) ang institusyong pinadadalhan ng mensahe ng tagapagpadala. Ito ay bumabalik sa tagapagdala. Sa nagpapaabot ng mesahe, maaring hindi ito maintindihan dahil sa ingay. Ang ingay ang nagiging hadlang sa komunikasyon dahil maari itong ingay na likha ng kapaligiran, ng mga tao, at mga bagay. Maari rin namang internal ang ingay o sikolohikal dulot ng bagabag sa sarili, pag-aalala, at kalituhan ng tagapagdala o tagatanggap (Nuncio 2016).
  • 15.
    1. PORMAL Pormal angwika na kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, sa pamayanan, bansa, o isang lugar. Madalas ginagamit sa mga paaralan at opisina KATEGORYA AT KAANTASAN NG WIKA
  • 16.
    MAY DALAWANG ANTASANG PORMAL NA WIKA  A. Opisyal na Wikang Pambansa at Panturo Ito ay ginagamit sa pamahalaan, mga aklat pangwika, at panturo sa paaralan. Ito ang wikang ginagamit sa buong bansa.  Wikang Pambansa Wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang pambansa ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop.
  • 17.
    WIKANG PANTURO  Ginagamitupang makatulong sa pagtatamo ng antas ng edukasyon. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang- batas ng 1987, Seksyon 6 kaugnay ng wikang panturo na: “Sek.6 –Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
  • 18.
    A.WIKANG OPISYAL  Angpangunahing wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, at sa politika, sa komersiyo at industriya.“Sek.7 ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987 na: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana na batas, Ingles”. Tinatanggap din ang Ingles bilang isa sa mga wikang opisyal maliban sa Filipino. Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t walang batas nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal.
  • 19.
    B. WIKANG PAMPANITIKAN Masining at malikhain ang kahulugan ng mga salitang ito. Halimbawa nito ay ang wikang ginagamit sa mga akdang tuluyan at patula.
  • 20.
    TATLONG ANTAS  a.Wikang Panlalawigan – mga salitang diyalektal  b. Wikang Balbal – ang katumbas ng slang sa Ingles. Ito ang mga nababago 8 sa pag-usad ng panahon. Salitang lansangan Hal. Chichi (pagkain), epal (mapapel), utol (kapatid)  c. Wikang Kolokyal – mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap Halimbawa: ewan, kelan, musta, meron 2. DI- PORMAL – Madalas ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.