Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga tunog na ginagamit sa komunikasyon at may malaking kahalagahan sa buhay ng tao sa pag-unawa at pagpapalaganap ng kultura. Mahalaga ito bilang instrumentong nagsisilbing tulay sa iba't ibang grupo ng tao at tagapag-ingat ng kaalaman. Ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas ay heterogenous, kung saan higit sa 180 wika ang sinasalita, at may iba't ibang modelo ng bilingguwalismo at multilingguwalismo sa edukasyon.