SlideShare a Scribd company logo
Ano ang Wika?
 Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito
ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa
pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig,
depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o
kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang
siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang
nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang
salitang lengguwahe.
Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language -
tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang
lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na
nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa
paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog,
samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan -
ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o
ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas
kadalasang mayroon
Lahat ng tao ay may unang wikang
kinagisnan at natutunan pero sa panahon
ngayon madali nang makarating sa ibat
ibang lugar. Malamang na ang marami sa
atin ay mayroong pangalawa,pangatlo, o
pang apat na wikang ginagamit sa ibat-
ibang pagkakaton sa araw-araw nating
buhay. Ang Pilipinas ay isang bansang may
napakaraming wika kaya bihira na ang
pilipinong monolinggwal.
 Sa ating wika tayo nakapagpapahayag ng ating mga
damdamin. Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-
iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa
ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili. Sa
medaling salita ang wika ang behikulo ng ating
ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.
Batay sa popular at nagging tradisyunal na depinisyon,
ang wika ay system ng mga arbitraryong vocal-symbol na
ginagamit ng mga myembro ng isang komyuniti sa
kanilang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa isat-isa.
Sistem ng mga rul
 Kapag bumubuo tayo ng sentens, hindi lamang ito isang
simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga salita. Halimbawa
sa pag-aaral natin ng pangalawang wika, hindi ito kaso sa
pagpili lamang ng mga salita sa isang diksyunaryo na basta
na lang pagdudugtong-dugtungin. Kailangan malaman muna
natin ang system sa pagbuo ng tama o gramatikal at
makabuluhang sentens sa wikang pinag-aaralan dahil bawat
wika ay may kanya-kanyang pamamaraan para dito. Sa
tagalog at iba pang wika ng Pilipinas (WP) ay may ilang mga
salitang nagpapakita ng relasyon ng iba pang mga salita sa
loob ng isang sentens tulad ng makikita sa sumusunod:
1.a.
Lumalakad nang paluhod si Ana sa simbahn ng Quiapo tuwing Byernes.
Ang mga salitang katulad ng nang, si, sa, ng ay may mga espisipik na fangsyon
na syang dahilan para maging tama at makabuluhan ang binuong sentens. Para
naman maintindihan ang tinutukoy na mga fangsyon ng mga salitang ito,
tingnan kung tama at makabuluhan pa ang kinalabasan ng sentens 1.a sa
binagong pagkakasunod-sunod ng mga salita nito sa sentens 1b. Kumbenasyon
ang paggamit ng asterisk para sa mga di-gramatikal, hindi tanggap o hindi na
naririnig na mga anyo ng wika.
1.b.
*Lumalakad si paluhod nang Ana sa tuwing simbahan Quiapo ng Byernes.
Halimbawa 2.
2a. Pinatay ni Cain si Abel.
2b. Pinatay ni Abel si Cain.
Sa mga halimbawa,alam natin kung sino ang pinatay at pumatay hindi
lamang dahil sa verb kundi dahil sa paggamit ng mga salitang ni at si. Sa
Ingles, ang katumbas ng 2 sentens na ito ay Cain killed Abel at Abel killed
Cain.
Sa Filipino, nalaman natin kung sino ang mamamatay-tao dahil sa paggamit
ng ni.
Sa Ingles naman, nalaman natin kung sino ang pumatay at pinatay dahil sa
pusisyon sa loob ng sentens;nasa unahan ng verb ang taong pumatay at
nasa hulihan naman nito ang taong pinatay.Ibig sabihin,iba ang
pamamaraan ng Filipino at Ingles para ipakita ang relasyon ng mga salitang
nakapaloob sa sentens.
Isang katiyakan nang masasabi na may
pamamaraang sinusunod o nasusunod sa wika na
hindi lamang lumalabas sa pagbubuo ng mga
sentens kundi sa pagbuo ng mga salita at sa
pagkakasunod-sunod ng mga tunog sa mga
salita. Kung sa Ingles lahat ng sentens ay
kelangang may verb, sa mga WP katulad ng
tagalog may mga sentens tayong hindi
nangangailangan ng verb, halimbawa:
3a. Ana is kind and intelligent.
3b. Matalino at mabait si Ana.
 Sa pusisyon naman ng mga tunog sa isang salita, sa wikang Ingles,
walang salitang pwedeng magsimula sa tunog na nirerepresent ng
sinusulat na ng na pwede lamang Makita sa gitna o sa hulihan ng mga
salita.
Halimbawa:
singing “kumakanta”
Sa tagalog, ang tunog na ito ay pwedeng bigkasin sa simula, sa gitna o
sa hulihan ng salita.
Halimbawa:
ngayon, bangin, saging.
Ibig sabihin kahit na magkapareho ang tunog, magkaiba ang system o
pattern ng mga tunog sa Ingles at Tagalog kaya naman mapapansin
nating hirap bigakasin ng mga neytiv-spiker ng Ingles ang mga salita sa
Tagalog na ngiti, nganga,ngipin.
Kapag nagsasalita tayo, ang bawat salitang binibigkas
natin ay isang serye ng mga tunog na kumakatawan sa
isang bagay (lapis, turumpo), ideya (pag-aaral,
katotohanan), o isang fangsyon (si, nang, ni).
Sinasabing vokal ang mga simbol na ito dahil ang
kabuuan ng bawat isa ay bunga ng galaw ng mga vocal-
organ natin kapag nagsasalita tayo.
Matagal ding pinag aksayan ng panahon ng mga greek
filosofer nung mga unang panahon ang pagtatalo ungkol
sa kung anong mayroon bang natural na koneksyon ang
isang simbol sa kung anumang ipinahahayag nito.
Sa hinaba-haba ng kanilang pagtatalo, ang
lumabas ay walang natural na koneksyon
sa pagitan ng symbol at sa ipinapahayag
nitong kahulugan dahil bunga ito ng
kaugalian. Ibig sabihin, arbitrary ang mga
symbol tulad ng paggamit ng tagalog
bahay, Kastila casa, Franses miason,
Hapon uchi, at Ingles house
Pagkamalikhain ng Wika
 Ang pagakamalikhain ng wika o pamamaraan ng
ekspresyon ang sinasabing pinakamahalagang katangian
nito. Ayon kay Chomsky (1965) ang pagkamalikhain ng
wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa
ibang nilalang. Naipapahayag ng tao sa wikang
kinagisnan at natutunan ang kabuuan ng kanyang
karanasan, damdamin at pag-iisip batay sa hinihingi ng
ibat-ibang pagkakataon at mga pangangailangan,
maliwanag na dahilan para sabihing ang wika ay isang
katangian na yunik sa tao lamang.
May eksperiment na ginagawa
para malaman kung ang
komunikasyon nga bang mga
hayop ay katulad ng sa wika ng
tao, pero magpahanggang ngayon
ay hindi pa ito napapatunayan.
Halimbawa sa Tagalog, magkaiba ang kahulugan
ng dalawang magkasunod na sentens at depende
sa hinihingi ng pagkakataon ang gagamiting
paliwanag tulad sa sitwasyon ng napakagabi
nang pag-uwi ng bahay ng isang tao.
Hal.
a. Nagpahatinggabi na ako sa opisina.
b. Hinatinggabi na ako sa opisina.
Bawat spiker ng wika ay may kakayahang bumuo at
umunawa ng mga sentens sa kanyang wika. May
kakayahan din syang magsabi kung tama o mali ang
isang sentens. Ang kakayahang ito ang tinatawag na
kanyang linggwistik-kompitens (Chomsky 1965) at meron
sya nito dahil nasa kanyang sabkonsyus ang kabuuan ng
pamamaraan ng pagbuo ng salita, sentens, at
kombinasyon ng mga ito. Samakatuwid, ang mga rul sa
pagbuo ng mga sentens ang grammar ng isang wika.
Kaugnay nito, mahalagang maintindihan na lahat ng
wika ay may grammar at itoy nahahati sa sumusunod:
1.Fonetiks – ay may kinalaman sa artikulasyon ng
mga tunog.
2.Fonoloji – ay tungkol naman sa pagpapatern o
kumbinasyon ng mga tunog na ito sa loob ng
isang wika.
3.Morfoloji – ay may kinalaman sa pagbuo ng mga
salita.
4.Sintaks – sa pagbubuo ng mga sentens
5.Semantiks – ay may kinalaman sa interpretasyon
ng mga kahulugan ng mga salita at sentens.
Walang katotohanan ang isa pang koment na nagsasabing
primitive o mababa ang grammar ng ibang wika. Hanggat
naipapahayag ng mga spiker ng isang wika ang anumang
gusto nilang ipahayag hindi pwedeng sabihing primitive ang
grammar ng wika nila. Maaaring may mga kulturang
sinasabing primitive dahil degri ng kabihasnan o standard ng
isang kultura ang pinagbabatayan pero hindi ito
nangangahulugang primitive din ang grammar ng wika nila.
Kung sapat na natutugunan ng kanilang wika ang
kinakailangan nila sa pakikihalubilo sa loob nag kanilang
kulturang kinabibilangan, hindi pwedeng sabihing primitiv o
mababa ang grammar ng wika nila.
Ang pinakamadaling maapektuhan ng pagbabago ng wika ay
ang bokabularyo nito. Sa kaso sa Pilipinas, ang matagal na
ding impluwensya ng ibang bansa ay nagdadagdag sa
bokabularyo ng ating mga wika ng mga salitang hiram na
galing sa Instik, Arabik, Kastila, Ingles, at Hapon,
Halimbawa:
Pansit, lomi, syopaw,swerte,sibuyas, mansanitas,
magkodakan, kompyuter, siroks, tempura, japayuki atbp.
Querida – kerida
Boundary( hangganan) – Bawnderi(perang ibinabayad ng
drayber sa may-ari sa pagpasada ng kanyang taxi.)
Linggwistiks
Ang linggwistiks ay ang sayantific na pag-aaral ng mga
wika ng tao.
Linggwist - ang taong ang pangunahing inters sa pag-
aaral ng wika ay ang maanalays at madeskrayb ang
nakapaloob na system ng rul sa wika sa sistematikong
paraan.
Mayroon ding mga linggwist na may inters na pag-aralan
ang kasaysayan o historical-development ng mga system
ng wika pati na rin ang namamagitang relasyon ng mga ito
sa isat-isa.
Poliglot – tawag sa taong maraming wika.
Napakatagal nang panahon na pinag-aralan ang mga wika ng tao.
Bahagi ng mga unang pag-aaral ang nabanggit na sa itaas na mahabang
pagtatalong namagitan sa mga Greek Filosofer nun tungkol sa
pagkakaron o di pagkakaron ng natural na koneksyon ng isang salita at
kahulugan nito (mga natyuralist kontra mga konvensyonalist).
Nasundan ito ng mahaba pa ring pagtatalo tungkol naman sa pagiging
regular o di regularng mga wika (mga analojist kontra mga anomalist)
na syang nagbibigay-daan para maaydentifay ang mga bahagi ng
pananalita sa wikang Greek. Nang mabuo na ang pag-aaral ng mga
Greek na gramaryan para sa grammar ng kanilang wika, inadap naman
ng mga Romano ang gramatikal-patern ng Greek sa pagtuturo at
pagpapalaganap nila ng wikang Latin. Ang nabuong grammar ng Latin
ang ginawa naming modelo sa pagtuturo ng iba pang wika lalo na sa
Europe sa loob ng mahabang panahon na kinilala ngayong tradisyunal
na grammar.
Sa pagtatapos ng ikalabinsiyam na sentyuri itinatakda ang sinasabing
pagsisimula ng mga unang linggwistiks na pag-aaral ng mga wika.
Bago pa man nabuo ang tradisyunal na grammar ng latin sa Europe na
mayroon nang nagawang mahalagang pag-aaral ng grammar ng
wikang Sankrit na umabot sa kaalaman ng mga Europeyo. Isa sa may
malalim na interes sa pag-aaral ng wikang Sankrit ay si Sir William
Jones (1786) na nagsabi nun na ang nakita nyang pagkakapareho nito
sa mga wikang Latin at Greek ay sapat na dahilan para ipalagay na
ang tatlong wikang ito ( na sinasalita sa magkakalayong mga lugar) ay
may iisang pinagmulan. Ito ang dahilan kung bakit nagging abala ang
mga iskolar ng wika nang mga panahong iyon na pag-aralan ang
relasyon ng mga wikang hindi lamang nabibilang sa mga siasalita sa
Europe kundi ng iba pang mga wika sa mundo. Ang mga ganitong pag-
aaral ay tumuloy sa pagtatag ng historical at komparativ na pag-aaral
sa linggwistiks.
Sa pagsisimula ng ikadalawampung siglo, napablis ang Cours de
Linguistique Generale ni Ferdinand de Saussure (1916) na binuo ng mga
dati nyang estudyante buhat sa kanyang mga lektyur nang siyay
nabubuhay pa.Ilan sa mahahalagang konseptong tinalakay ni Saussure ay
ang pagkakaiba ng parole at langue, at ng singkronik at dayakronik na
pag-aaral ng wika. Para kay Saussure,
Ang beysik na element ng langue ay mga (tunog, mga salita, at mga
gramatikal-fityur) ay mga magkakaugnay na straktyur.
Ang parole – ay ang mismong naririnig nating binibigkas ng spiker ng
wika.
Ang singkronik – ay ang pag-aaral naman ay ang pag-analays at
pagkumpara ng mga straktyur ng wika sa pagbabago nito sa paglipas ng
panahon.
Ang singkronik – ay ang pag-aaral ng straktyur
ng wika sa isang panahon.
Ang dayakronik – na pag-aaral naman ay ang
pag-aanalays at pagkumpara ng mga straktyur
ng wika sa pagbabago nito sa paglipas ng
panahon.
Nasundan ang libro ni Saussure ng pablikeysyon ng
librong Language ni Leonard Bloomfield (1933) at
mula noon ay tuluyan ng tumatag ang sayantific na
pag-aaral ng wika. Tugma ang mga sinulat ni
Boomfield sa pananaw ni Saussure (1916) na bawat
wika ay may magkakaugnay na straktyur kaya
sinasabing bawat wikay may isang system na
katangi-tangi sa kanya. Magkatugmang pananaw na
nagging simula ng straktyuralis na pamamaraan sa
pag-aaral at pag-aanalays ng wika.
Sa kalagitnaan ng nakaraang siglo napablis ang
Syntactic Structures ni Noam Chomsky (1957) na nagbigay
ng paghamon sa sinundan nitong straktyuralis na pag-aaral
ng mga wika. Ipinahayag ni Chomsky sa librong ito ang
sinasabi niyang sentraliti ng sintaks, ibig sabihin,
ipinapalagay niyang ang sintaktik relasyon sa mga ito ang
pinakasentro sa mga wika. Dito rin niya sinimulang
ipaliwang ang sa kanya’y pinadistink at pinakamahalagang
aspeto ng wika ng tao: ang pagkamalikhain ng wika
Ayon kay Chomsky, sa pag-aaral ng sintaks o kung pano
nabubuo ang mga sentens ng isang wika maiintindihan ang
sinasabi niyang malikhaing kapasidad ng nagsasalita ng
wika.
Iniba ni Chomsky ang pamamaraan ng
linggwistik analisis nang iintrodyus nya
ang kanyang transformational generative
grammar (TG) na dapat ituring na mga
instraksyon sa pagbuo ng lahat ng
posibleng magawang tama, makabuluhan,
at tanggap na mga sentens sa wikang
alam o pinag-aaralan
Sa sumunod na taon napablis ang Aspects of the Theory of Syntax
ni Chomsky (1965) kung saan pormal nyang binigyan ng distingksyon
ang kanyang mga term na linggwistik-kompitens at performans. Ang
depinisyon nya para sa una ay ang kaalaman at kakayahan ng
tagapagsalita sa kanyang wika at sa pangalawa naman ay ang aktwal
na mga sinasabi/binibigkas sa spesipikong sitwasyon. Ang nabuong
modelo ng pag-aanalays ng wika na hango sa librong ito ay tinawag
ni Chomsky na standard theory na nirevays din pagkaraan lang ng
ilang taon na tinawag naming extended standard theory. Hindi pa rin
natapos ang mga pagbabago sa pamamaraan ng linggwistik-analisis
na ipinopropos ni Chomsky. Mula 1980’s mas dumami pa ang mga
reserts at tumuon na ngayon ang focus ng reserts sa pagbuo ng mga
prinsipol. Ang mga prinsipol na ito ang ipinapalagay na syang
nagdedefayn ng tinatawag na core grammar ng wika.
Ang isang naging puna sa tyuri ni
Chomsky ay ang pag-aaral ng wika
nang hindi isinasaalang-alang ang
konsepto nito. Pinag-aaralan ang wika
labas sa reyalidad ng pakikipag-uasp.
Wika at linggwistiks

More Related Content

What's hot

Mga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng KomunikasyonMga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng Komunikasyon
deathful
 
Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)
NeilStephen19
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
John Ervin
 
Ang linggwistika at ang guro
Ang linggwistika at ang guroAng linggwistika at ang guro
Ang linggwistika at ang guro
RosalynDelaCruz5
 
Sintaks
SintaksSintaks
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Ida Regine
 
Kahulugan ng dayalek at idyolek
Kahulugan ng dayalek at idyolekKahulugan ng dayalek at idyolek
Kahulugan ng dayalek at idyolek
Moroni Chavez
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
Christopher E Getigan
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
JoshuaBalanquit2
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
Manuel Daria
 
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang PagsasalitaPANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
John Lester
 
Ang ponolohiya o palatunugan
Ang ponolohiya o palatunuganAng ponolohiya o palatunugan
Ang ponolohiya o palatunugan
Mariz Balasoto
 

What's hot (20)

Mga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng KomunikasyonMga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng Komunikasyon
 
Fil1 morpema
Fil1 morpemaFil1 morpema
Fil1 morpema
 
Wika todo
Wika todoWika todo
Wika todo
 
Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)Ponolohiya (FIL 101)
Ponolohiya (FIL 101)
 
Katuturan ng wika
Katuturan ng wikaKatuturan ng wika
Katuturan ng wika
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
 
Ang linggwistika at ang guro
Ang linggwistika at ang guroAng linggwistika at ang guro
Ang linggwistika at ang guro
 
Attachments 2012 06_29
Attachments 2012 06_29Attachments 2012 06_29
Attachments 2012 06_29
 
Sintaks
SintaksSintaks
Sintaks
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
 
Kahulugan ng dayalek at idyolek
Kahulugan ng dayalek at idyolekKahulugan ng dayalek at idyolek
Kahulugan ng dayalek at idyolek
 
Pares minimal
Pares minimalPares minimal
Pares minimal
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
Ortograpiya
OrtograpiyaOrtograpiya
Ortograpiya
 
Varayti ng wika
Varayti ng wikaVarayti ng wika
Varayti ng wika
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang PagsasalitaPANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
 
Ang ponolohiya o palatunugan
Ang ponolohiya o palatunuganAng ponolohiya o palatunugan
Ang ponolohiya o palatunugan
 

Similar to Wika at linggwistiks

PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptxPAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
johndavecavite2
 
wer
werwer
Filipino 101
Filipino 101Filipino 101
Filipino 101
Kelly Alviar
 
PPT KOM ARALIN 1.pptx
PPT KOM ARALIN 1.pptxPPT KOM ARALIN 1.pptx
PPT KOM ARALIN 1.pptx
ChristianMarkAlmagro
 
PPT KOM ARALIN 3.pptx
PPT KOM ARALIN 3.pptxPPT KOM ARALIN 3.pptx
PPT KOM ARALIN 3.pptx
ChristianMarkAlmagro
 
Katuturanngwika 120629072007-phpapp01
Katuturanngwika 120629072007-phpapp01Katuturanngwika 120629072007-phpapp01
Katuturanngwika 120629072007-phpapp01
Cee Jay Molina
 
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Shirley Veniegas
 
Wikang Filipino
Wikang FilipinoWikang Filipino
Wikang Filipino
ErikaJaneDiongson
 
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptxKOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
ZendrexIlagan2
 
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docxUnang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
LouiseFurio
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx
Marife Culaba
 
aralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
aralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
Introdusyon sa Pag-aaral ng WikaIntrodusyon sa Pag-aaral ng Wika
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
JerlieMaePanes
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
kennjjie
 
wika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptxwika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
WIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).pptWIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).ppt
MariaAngelicaSandoy
 
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanAng wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanMarygrace Cagungun
 

Similar to Wika at linggwistiks (20)

PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptxPAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
 
wer
werwer
wer
 
Filipino 101
Filipino 101Filipino 101
Filipino 101
 
PPT KOM ARALIN 1.pptx
PPT KOM ARALIN 1.pptxPPT KOM ARALIN 1.pptx
PPT KOM ARALIN 1.pptx
 
PPT KOM ARALIN 3.pptx
PPT KOM ARALIN 3.pptxPPT KOM ARALIN 3.pptx
PPT KOM ARALIN 3.pptx
 
Katuturanngwika 120629072007-phpapp01
Katuturanngwika 120629072007-phpapp01Katuturanngwika 120629072007-phpapp01
Katuturanngwika 120629072007-phpapp01
 
Wika
WikaWika
Wika
 
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
 
Wikang Filipino
Wikang FilipinoWikang Filipino
Wikang Filipino
 
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptxKOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
 
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docxUnang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx
 
aralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptx
 
aralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptx
 
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
Introdusyon sa Pag-aaral ng WikaIntrodusyon sa Pag-aaral ng Wika
Introdusyon sa Pag-aaral ng Wika
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 
wika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptxwika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptx
 
WIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).pptWIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).ppt
 
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanAng wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
 
Wika
WikaWika
Wika
 

Wika at linggwistiks

  • 1.
  • 2. Ano ang Wika?  Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.
  • 3. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon
  • 4. Lahat ng tao ay may unang wikang kinagisnan at natutunan pero sa panahon ngayon madali nang makarating sa ibat ibang lugar. Malamang na ang marami sa atin ay mayroong pangalawa,pangatlo, o pang apat na wikang ginagamit sa ibat- ibang pagkakaton sa araw-araw nating buhay. Ang Pilipinas ay isang bansang may napakaraming wika kaya bihira na ang pilipinong monolinggwal.
  • 5.  Sa ating wika tayo nakapagpapahayag ng ating mga damdamin. Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag- iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili. Sa medaling salita ang wika ang behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit. Batay sa popular at nagging tradisyunal na depinisyon, ang wika ay system ng mga arbitraryong vocal-symbol na ginagamit ng mga myembro ng isang komyuniti sa kanilang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa isat-isa.
  • 7.  Kapag bumubuo tayo ng sentens, hindi lamang ito isang simpleng pagdudugtong-dugtong ng mga salita. Halimbawa sa pag-aaral natin ng pangalawang wika, hindi ito kaso sa pagpili lamang ng mga salita sa isang diksyunaryo na basta na lang pagdudugtong-dugtungin. Kailangan malaman muna natin ang system sa pagbuo ng tama o gramatikal at makabuluhang sentens sa wikang pinag-aaralan dahil bawat wika ay may kanya-kanyang pamamaraan para dito. Sa tagalog at iba pang wika ng Pilipinas (WP) ay may ilang mga salitang nagpapakita ng relasyon ng iba pang mga salita sa loob ng isang sentens tulad ng makikita sa sumusunod:
  • 8. 1.a. Lumalakad nang paluhod si Ana sa simbahn ng Quiapo tuwing Byernes. Ang mga salitang katulad ng nang, si, sa, ng ay may mga espisipik na fangsyon na syang dahilan para maging tama at makabuluhan ang binuong sentens. Para naman maintindihan ang tinutukoy na mga fangsyon ng mga salitang ito, tingnan kung tama at makabuluhan pa ang kinalabasan ng sentens 1.a sa binagong pagkakasunod-sunod ng mga salita nito sa sentens 1b. Kumbenasyon ang paggamit ng asterisk para sa mga di-gramatikal, hindi tanggap o hindi na naririnig na mga anyo ng wika. 1.b. *Lumalakad si paluhod nang Ana sa tuwing simbahan Quiapo ng Byernes.
  • 9. Halimbawa 2. 2a. Pinatay ni Cain si Abel. 2b. Pinatay ni Abel si Cain. Sa mga halimbawa,alam natin kung sino ang pinatay at pumatay hindi lamang dahil sa verb kundi dahil sa paggamit ng mga salitang ni at si. Sa Ingles, ang katumbas ng 2 sentens na ito ay Cain killed Abel at Abel killed Cain. Sa Filipino, nalaman natin kung sino ang mamamatay-tao dahil sa paggamit ng ni. Sa Ingles naman, nalaman natin kung sino ang pumatay at pinatay dahil sa pusisyon sa loob ng sentens;nasa unahan ng verb ang taong pumatay at nasa hulihan naman nito ang taong pinatay.Ibig sabihin,iba ang pamamaraan ng Filipino at Ingles para ipakita ang relasyon ng mga salitang nakapaloob sa sentens.
  • 10. Isang katiyakan nang masasabi na may pamamaraang sinusunod o nasusunod sa wika na hindi lamang lumalabas sa pagbubuo ng mga sentens kundi sa pagbuo ng mga salita at sa pagkakasunod-sunod ng mga tunog sa mga salita. Kung sa Ingles lahat ng sentens ay kelangang may verb, sa mga WP katulad ng tagalog may mga sentens tayong hindi nangangailangan ng verb, halimbawa: 3a. Ana is kind and intelligent. 3b. Matalino at mabait si Ana.
  • 11.  Sa pusisyon naman ng mga tunog sa isang salita, sa wikang Ingles, walang salitang pwedeng magsimula sa tunog na nirerepresent ng sinusulat na ng na pwede lamang Makita sa gitna o sa hulihan ng mga salita. Halimbawa: singing “kumakanta” Sa tagalog, ang tunog na ito ay pwedeng bigkasin sa simula, sa gitna o sa hulihan ng salita. Halimbawa: ngayon, bangin, saging. Ibig sabihin kahit na magkapareho ang tunog, magkaiba ang system o pattern ng mga tunog sa Ingles at Tagalog kaya naman mapapansin nating hirap bigakasin ng mga neytiv-spiker ng Ingles ang mga salita sa Tagalog na ngiti, nganga,ngipin.
  • 12.
  • 13. Kapag nagsasalita tayo, ang bawat salitang binibigkas natin ay isang serye ng mga tunog na kumakatawan sa isang bagay (lapis, turumpo), ideya (pag-aaral, katotohanan), o isang fangsyon (si, nang, ni). Sinasabing vokal ang mga simbol na ito dahil ang kabuuan ng bawat isa ay bunga ng galaw ng mga vocal- organ natin kapag nagsasalita tayo. Matagal ding pinag aksayan ng panahon ng mga greek filosofer nung mga unang panahon ang pagtatalo ungkol sa kung anong mayroon bang natural na koneksyon ang isang simbol sa kung anumang ipinahahayag nito.
  • 14. Sa hinaba-haba ng kanilang pagtatalo, ang lumabas ay walang natural na koneksyon sa pagitan ng symbol at sa ipinapahayag nitong kahulugan dahil bunga ito ng kaugalian. Ibig sabihin, arbitrary ang mga symbol tulad ng paggamit ng tagalog bahay, Kastila casa, Franses miason, Hapon uchi, at Ingles house
  • 15. Pagkamalikhain ng Wika  Ang pagakamalikhain ng wika o pamamaraan ng ekspresyon ang sinasabing pinakamahalagang katangian nito. Ayon kay Chomsky (1965) ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang. Naipapahayag ng tao sa wikang kinagisnan at natutunan ang kabuuan ng kanyang karanasan, damdamin at pag-iisip batay sa hinihingi ng ibat-ibang pagkakataon at mga pangangailangan, maliwanag na dahilan para sabihing ang wika ay isang katangian na yunik sa tao lamang.
  • 16. May eksperiment na ginagawa para malaman kung ang komunikasyon nga bang mga hayop ay katulad ng sa wika ng tao, pero magpahanggang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan.
  • 17. Halimbawa sa Tagalog, magkaiba ang kahulugan ng dalawang magkasunod na sentens at depende sa hinihingi ng pagkakataon ang gagamiting paliwanag tulad sa sitwasyon ng napakagabi nang pag-uwi ng bahay ng isang tao. Hal. a. Nagpahatinggabi na ako sa opisina. b. Hinatinggabi na ako sa opisina.
  • 18.
  • 19. Bawat spiker ng wika ay may kakayahang bumuo at umunawa ng mga sentens sa kanyang wika. May kakayahan din syang magsabi kung tama o mali ang isang sentens. Ang kakayahang ito ang tinatawag na kanyang linggwistik-kompitens (Chomsky 1965) at meron sya nito dahil nasa kanyang sabkonsyus ang kabuuan ng pamamaraan ng pagbuo ng salita, sentens, at kombinasyon ng mga ito. Samakatuwid, ang mga rul sa pagbuo ng mga sentens ang grammar ng isang wika. Kaugnay nito, mahalagang maintindihan na lahat ng wika ay may grammar at itoy nahahati sa sumusunod:
  • 20. 1.Fonetiks – ay may kinalaman sa artikulasyon ng mga tunog. 2.Fonoloji – ay tungkol naman sa pagpapatern o kumbinasyon ng mga tunog na ito sa loob ng isang wika. 3.Morfoloji – ay may kinalaman sa pagbuo ng mga salita. 4.Sintaks – sa pagbubuo ng mga sentens 5.Semantiks – ay may kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga salita at sentens.
  • 21.
  • 22. Walang katotohanan ang isa pang koment na nagsasabing primitive o mababa ang grammar ng ibang wika. Hanggat naipapahayag ng mga spiker ng isang wika ang anumang gusto nilang ipahayag hindi pwedeng sabihing primitive ang grammar ng wika nila. Maaaring may mga kulturang sinasabing primitive dahil degri ng kabihasnan o standard ng isang kultura ang pinagbabatayan pero hindi ito nangangahulugang primitive din ang grammar ng wika nila. Kung sapat na natutugunan ng kanilang wika ang kinakailangan nila sa pakikihalubilo sa loob nag kanilang kulturang kinabibilangan, hindi pwedeng sabihing primitiv o mababa ang grammar ng wika nila.
  • 23.
  • 24. Ang pinakamadaling maapektuhan ng pagbabago ng wika ay ang bokabularyo nito. Sa kaso sa Pilipinas, ang matagal na ding impluwensya ng ibang bansa ay nagdadagdag sa bokabularyo ng ating mga wika ng mga salitang hiram na galing sa Instik, Arabik, Kastila, Ingles, at Hapon, Halimbawa: Pansit, lomi, syopaw,swerte,sibuyas, mansanitas, magkodakan, kompyuter, siroks, tempura, japayuki atbp. Querida – kerida Boundary( hangganan) – Bawnderi(perang ibinabayad ng drayber sa may-ari sa pagpasada ng kanyang taxi.)
  • 26. Ang linggwistiks ay ang sayantific na pag-aaral ng mga wika ng tao. Linggwist - ang taong ang pangunahing inters sa pag- aaral ng wika ay ang maanalays at madeskrayb ang nakapaloob na system ng rul sa wika sa sistematikong paraan. Mayroon ding mga linggwist na may inters na pag-aralan ang kasaysayan o historical-development ng mga system ng wika pati na rin ang namamagitang relasyon ng mga ito sa isat-isa. Poliglot – tawag sa taong maraming wika.
  • 27.
  • 28. Napakatagal nang panahon na pinag-aralan ang mga wika ng tao. Bahagi ng mga unang pag-aaral ang nabanggit na sa itaas na mahabang pagtatalong namagitan sa mga Greek Filosofer nun tungkol sa pagkakaron o di pagkakaron ng natural na koneksyon ng isang salita at kahulugan nito (mga natyuralist kontra mga konvensyonalist). Nasundan ito ng mahaba pa ring pagtatalo tungkol naman sa pagiging regular o di regularng mga wika (mga analojist kontra mga anomalist) na syang nagbibigay-daan para maaydentifay ang mga bahagi ng pananalita sa wikang Greek. Nang mabuo na ang pag-aaral ng mga Greek na gramaryan para sa grammar ng kanilang wika, inadap naman ng mga Romano ang gramatikal-patern ng Greek sa pagtuturo at pagpapalaganap nila ng wikang Latin. Ang nabuong grammar ng Latin ang ginawa naming modelo sa pagtuturo ng iba pang wika lalo na sa Europe sa loob ng mahabang panahon na kinilala ngayong tradisyunal na grammar.
  • 29. Sa pagtatapos ng ikalabinsiyam na sentyuri itinatakda ang sinasabing pagsisimula ng mga unang linggwistiks na pag-aaral ng mga wika. Bago pa man nabuo ang tradisyunal na grammar ng latin sa Europe na mayroon nang nagawang mahalagang pag-aaral ng grammar ng wikang Sankrit na umabot sa kaalaman ng mga Europeyo. Isa sa may malalim na interes sa pag-aaral ng wikang Sankrit ay si Sir William Jones (1786) na nagsabi nun na ang nakita nyang pagkakapareho nito sa mga wikang Latin at Greek ay sapat na dahilan para ipalagay na ang tatlong wikang ito ( na sinasalita sa magkakalayong mga lugar) ay may iisang pinagmulan. Ito ang dahilan kung bakit nagging abala ang mga iskolar ng wika nang mga panahong iyon na pag-aralan ang relasyon ng mga wikang hindi lamang nabibilang sa mga siasalita sa Europe kundi ng iba pang mga wika sa mundo. Ang mga ganitong pag- aaral ay tumuloy sa pagtatag ng historical at komparativ na pag-aaral sa linggwistiks.
  • 30. Sa pagsisimula ng ikadalawampung siglo, napablis ang Cours de Linguistique Generale ni Ferdinand de Saussure (1916) na binuo ng mga dati nyang estudyante buhat sa kanyang mga lektyur nang siyay nabubuhay pa.Ilan sa mahahalagang konseptong tinalakay ni Saussure ay ang pagkakaiba ng parole at langue, at ng singkronik at dayakronik na pag-aaral ng wika. Para kay Saussure, Ang beysik na element ng langue ay mga (tunog, mga salita, at mga gramatikal-fityur) ay mga magkakaugnay na straktyur. Ang parole – ay ang mismong naririnig nating binibigkas ng spiker ng wika. Ang singkronik – ay ang pag-aaral naman ay ang pag-analays at pagkumpara ng mga straktyur ng wika sa pagbabago nito sa paglipas ng panahon.
  • 31. Ang singkronik – ay ang pag-aaral ng straktyur ng wika sa isang panahon. Ang dayakronik – na pag-aaral naman ay ang pag-aanalays at pagkumpara ng mga straktyur ng wika sa pagbabago nito sa paglipas ng panahon.
  • 32. Nasundan ang libro ni Saussure ng pablikeysyon ng librong Language ni Leonard Bloomfield (1933) at mula noon ay tuluyan ng tumatag ang sayantific na pag-aaral ng wika. Tugma ang mga sinulat ni Boomfield sa pananaw ni Saussure (1916) na bawat wika ay may magkakaugnay na straktyur kaya sinasabing bawat wikay may isang system na katangi-tangi sa kanya. Magkatugmang pananaw na nagging simula ng straktyuralis na pamamaraan sa pag-aaral at pag-aanalays ng wika.
  • 33. Sa kalagitnaan ng nakaraang siglo napablis ang Syntactic Structures ni Noam Chomsky (1957) na nagbigay ng paghamon sa sinundan nitong straktyuralis na pag-aaral ng mga wika. Ipinahayag ni Chomsky sa librong ito ang sinasabi niyang sentraliti ng sintaks, ibig sabihin, ipinapalagay niyang ang sintaktik relasyon sa mga ito ang pinakasentro sa mga wika. Dito rin niya sinimulang ipaliwang ang sa kanya’y pinadistink at pinakamahalagang aspeto ng wika ng tao: ang pagkamalikhain ng wika Ayon kay Chomsky, sa pag-aaral ng sintaks o kung pano nabubuo ang mga sentens ng isang wika maiintindihan ang sinasabi niyang malikhaing kapasidad ng nagsasalita ng wika.
  • 34. Iniba ni Chomsky ang pamamaraan ng linggwistik analisis nang iintrodyus nya ang kanyang transformational generative grammar (TG) na dapat ituring na mga instraksyon sa pagbuo ng lahat ng posibleng magawang tama, makabuluhan, at tanggap na mga sentens sa wikang alam o pinag-aaralan
  • 35. Sa sumunod na taon napablis ang Aspects of the Theory of Syntax ni Chomsky (1965) kung saan pormal nyang binigyan ng distingksyon ang kanyang mga term na linggwistik-kompitens at performans. Ang depinisyon nya para sa una ay ang kaalaman at kakayahan ng tagapagsalita sa kanyang wika at sa pangalawa naman ay ang aktwal na mga sinasabi/binibigkas sa spesipikong sitwasyon. Ang nabuong modelo ng pag-aanalays ng wika na hango sa librong ito ay tinawag ni Chomsky na standard theory na nirevays din pagkaraan lang ng ilang taon na tinawag naming extended standard theory. Hindi pa rin natapos ang mga pagbabago sa pamamaraan ng linggwistik-analisis na ipinopropos ni Chomsky. Mula 1980’s mas dumami pa ang mga reserts at tumuon na ngayon ang focus ng reserts sa pagbuo ng mga prinsipol. Ang mga prinsipol na ito ang ipinapalagay na syang nagdedefayn ng tinatawag na core grammar ng wika.
  • 36. Ang isang naging puna sa tyuri ni Chomsky ay ang pag-aaral ng wika nang hindi isinasaalang-alang ang konsepto nito. Pinag-aaralan ang wika labas sa reyalidad ng pakikipag-uasp.