2. Saligan ng pag-aaral
Ang pagsasalin sa mga akdang pampanitikan ay
mahalaga lalong-lalo na sa mga guro at mag-aaral na
silang mga pangunahing kasangkot sa pagtuturo at
pagkatuto. Nagsisilbing mga kagamitan ang mga ito
upang ipaunawa sa mga mag-aaral ang nilalaman ng
bawat akda lalong lalo na sa mga mag-aaral.
3. Saligan ng pag-aaral
Ayon kina Panganiban et al., (2000), sa pagbanggit ni
Catipay (2019), ang panitikang Filipino ay pahayag na
pasalita at pasulat ng damdaming Pilipino hinggil sa
pamumuhay, pag-uugaling panglipunan, paniniwalang
pampolitika at pananampalatayang niyakap ng mga
Pilipino.
4. Saligan ng pag-aaral
Dahil sa pagiging isang kapuluan ng Pilipinas, maraming
mga magagansang dulot na namutawi sa sitwasyong ito.
Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng magkakaibang
kultura ng mga Pilipinong naninirahan dito. Maraming mga
pangkat etniko at mga lahi ang nakikinabang sa yaman at
ganda ng bansa.
5. Saligan ng pag-aaral
Sa pagkakaroon ng mayamang kultura ay kasabay na rin
ng pagsabi sa mayamang panitikan na nakapaloob sa
mga lugar na ito. Sa kanila ng kaalamang ito, marami pa
ring mga katutubong mga panittikan ang patuloy na
nakakubli at nakatago sa mga mata ng nakararami.
6. Saligan ng pag-aaral
Ayon kay Lumbera (2008), sa pagbanggit ni Santos (2008),
maraming mga salik ang nakakaapekto sa pagsulong ng
literaturang Filipino. Kabilang rito ang outlet, edukasyon,
ekonomiya, at politika. Isang malaking problema ng
panitikang Filipino ang outlet para sa mga akdang nasa
wikang Filipino. Noon, mayroong mga popular na
naglalathala ng mga kuwento, tula, at sanaysay sa
Filipino. Ngayon, napakalilitado na ang mga ito.
7. Saligan ng pag-aaral
Sa pag-aaral ni Linnel (1995), tuluyang mawawala ang
panitikan kung patuloy itong babalewalain ng mga
kabataan dahil kahit ito nasa kurikulum ay hindi ito
masyadong pinagtutuunan ng pansin ng mga mag-aaral
at tanging dala na lamang ng pangangailangan kung
kaya’t ito ay kanilang pinag-aaralan.
8. Saligan ng pag-aaral
Ayon sa pag-aaral nina Macaltao at Cordenete (2020),
isang malaking dagok para sa mga guro na tagapagdaloy
ng kaalaman ang pagtuturo sa mga panitikan. Una, dahil
sa ito ay mahaba hindi sapat ang isang buong markahan
upang talakayin ang iba’t ibang panitikan. Ikalawa, hindi
masyadong ginagamit ang mga aktibidad o Gawain sa
aklat sapagkat ito ay hindi nawatasan ng mga mag-aaral
at hindi nakaangkla sa Curriculum Code,
9. Saligan ng pag-aaral
At ikatlo, kakulangan sa mga materyales na maaring
gamitin ng mga mag-aaral. Sa madaling salita,
kinakailangang maging malikhain ng isang guro sa
pagtuturo upang mapanatili ang iteres ng mga mag-aaral
sa tinatalakay na paksa sapagkat nagsisilbing
tagapamaneho ang guro sa loob ng silid-aralan na siyang
maghahatid ng impormasyon sa mga mag-aaral na
pasahero.
10. Paradim ng pag-aaral
1. Curriculum Guide
2. Batayang aklat sa Filipino 7
3. Most Essential Learning
Competencies (MELCS) ng Filipino 7
sa Panitikang Filipino.
INPUT
Pagsusuri sa:
1. Mga akdang mula sa Cebuano na
maaring magamit sa pagtuturo ng
Panitikang Filipino.
2. Pagsasalin sa akdang Cebuano na
magagamit sa pagtuturo ng ng
Panitikang Filipino.
PROSESO
1. Kalipunan ng mga piling mitolohiyang
Cebuano na naisalin sa Filipino
AWTPUT
11. Mga tiyak na katanungan
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makapagsalin ng
mga piling metolohiyang Cebuano na maaring magamit sa
pagtuturo ng Panitikang Filipino.
Ninanais din nitong masagot ang mga tiyak na
katanungan:
12. Mga tiyak na katanungan
1. Ano ang nilalaman ng mga maikling kuwento na ituturo
sa panitikang Filipino?
2. Anong mga maikling kwento ng Cebuano ang maaaring
maisalin sa Filipino na magagamit sa pagtuturo ng
Panitikang Filipino batay sa mga natuklasang
katangian?
3. Ano ang antas ng balidasyon ng mga guro sa salin ng
mga piling maikling kwento?
13. DISENYO SA PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng pinahalong
kuwantitatibo at kuwalitatibong pamamaraan ng
pananaliksik. Sinuri ang mga nakalap na datos gamit ang
disenyong conventional at summative content analysis.
14. Populasyon at lokasyon ng pag-aaral
Sa pag-aaral na ito, binigyang pansin ang akdang
pampanitikan ng Cebuano particular ang mga maikling
kuwento.
15. Instrumento sa paglikom ng datos
Ang pangunahing kagamitan sa paglikom ng mga datos
ay ang batayang aklat, curriculum Guide (CG) at ang Most
Essential Learning Competencies (MELCS) sa Panitikang
Filipino at instrument sa pagtataya para makuha ang
antas ng pagtanggap ng mga babuong salin.
16. Paraan ng paglikom ng datos
Para makuha ang mga kinakailangang datos sinuri ng
mananaliksik ang mga katangian ng mga akdang
pampanitikan na itinuro sa Panitikang Filipino sa
pamamagitan ng batayang aklat, Curricul Guide (CG), at
Most Essential Learning Competencies (MELCS) at mga
piling akda na ginagamit sa pagtuturo ng Panitikang
Filipino. Pagkatapos ay naghanap o nagsaliksik ang
mananaliksik ng mga akdang Cebuano na nagtataglay ng
mga natukoy na katangian.
17. Paraan ng paglikom ng datos
Sa kasalukuyang pag-aaral, hinananp muna ang mga
maikling kuwento na itinuturo sa ika-7 na baiting.
Pagkatapos masuri ang mga ito, isinasagawa ang
pangalawang hakbang ang paghahanap ng mga maikling
kuwento ng Cebuano na nakasulat sa wikang Bisaya.
18. Paraan ng paglikom ng datos
Isinalin ng mananaliksik sa wikang Filipino ang mga
nahanap na akdang Cebuano na nakasulat sa wikang
Bisaya. Para matiyak ang pagiging balido ng mga
naisaling akdang pampanitikan ipinasuri sa mga guro na
nagtuturo ng Filipino sa ikawalo na baiting at iba pang
mga eksperto sa pagsasalin ang akdang naisalin ng
mananaliksik.
19. Paraan ng paglikom ng datos
Isinalin ng mananaliksik sa wikang Filipino ang mga
nahanap na akdang Cebuano na nakasulat sa wikang
Bisaya. Para matiyak ang pagiging balido ng mga
naisaling akdang pampanitikan ipinasuri sa mga guro na
nagtuturo ng Filipino sa ikawalo na baiting at iba pang
mga eksperto sa pagsasalin ang akdang naisalin ng
mananaliksik.
20. Pagtrato sa mga datos
Ang mga impormasyong nakuha tungkol sa nilalaman ng
mga akdang itinuturo sa Panitikang Filipino ay isinailalim
sa coding at tematisasyon. Ang mga katangiang nabuo ay
ginagamit sa pagpili ng mga akdang mula sa Cebuano.
Ang mga nalikom na maikling kuwento ng Cebuano ay
sinuri sa pamamagitan ng pag-aanalisa sa nilalaman
(contest analysis)/