SlideShare a Scribd company logo
1 of 68
Download to read offline
BAHAGI NG
PANANALITA
( Part of Speech )
1. Pangngalan (Noun)
2. Panghalip (Pronoun)
3. Pang-uri (Adjective)
4. Pandiwa (Verb)
5. Pang-abay (Adverb)
6. Pangatnig (Conjunction)
7. Pang-angkop ()
8. Pang-ukol (Preposition)
A. Pangngalan (Noun) - bahagi ng pananalita na
nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook o lugar,
hayop, pangyayari, damdamin, kaisipan o ideya.
Uri ng Pangngalan
1. Pantangi (Proper Noun) - nagsasaad ng tanging pangalan
ng tao, hayop at bagay at isinusulat sa malaking titik
(capital letter) ang unang letra o titik ng salita.
Hal: Tsina, Judy Ann, monggol
2. Pambalana (Common Noun) - tawag sa karaniwang
pangalan.
Hal: bansa, artista, lapis
Kayarian ng Pangngalan
1. Payak - mga salitang likas at katutubong atin na maaaring
mapag-isa
Hal: lilo, lila, lambat, silo, ilog
2. Maylapi - ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na
nagtataglay ng panlapi sa unahan, gitna o hulihan man.
Hal:
ganda - kagandahan
isda - palaisdaan
away - mag-away
sayaw - sumayaw
3. Inuulit - mga pangngalang inuulit ang salitang ugat
o ang salitang maylapi. Ang unang dalawang pantig
lamang ang inuulit kapag ang pangngalan ay may tatlo
o higit pang pantig.
Hal: tatay-tatayan, sabi-sabi , biru-biruan
Tandaan: May mga pangngalang ang anyo ay mga
salitang inuulit ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang
inuulit na mga pantig ay walang katuturan kapag
napag-isa. Ang kabuuan ng mga salitang ito ay
itinuturing na mga salitang ugat.
Hal: gamugamo, guniguni, alaala
Klase ng mga pangngalang inuulit
a. Pag-uulit na Parsyal - bahagi lang ng
salitang-ugat ang inuulit.
Hal: ari-arian, tau-tauhan
b. Pag-uulit na Ganap - inuulit ang buong
salita
Hal: sabi-sabi, sari-sari
4. Tambalan - mga pangngalang
binubuo ng dalawang magkaibang
salita na ipinapalagay na isa na lamang.
Hal: hampaslupa, sampay-bakod
akyat-bahay, bahay-aliwan
kapit-tuko
Kasarian ng Pangngalan (Gender of Noun)
1. Pambabae
Hal: ate, nanay, Gng. Cruz
2. Panlalaki
Hal: kuya, tatay, G. Santos
3. di-tiyak
Hal: doktor, titser, huwes, punong-
guro,
4. walang kasarian
Hal: silya, lobo, puno
Uri ng Pangngalan ayon sa Gamit
1. Basal - pangngalang hindi nakikita o nahahawakan
ngunit nadarama, nasa gawi at kaisipan,
Hal: katalinuhan, pagmamahal, pagdurusa
2. Tahas - mga pangngalang nakikita o nahahawakan
Hal: pula, ulap
3. Lansak - mga pangngalang nagsasaad ng pagsasama-
sama, kumpol, grupo o pangkat.
Hal: kawan, buwig, pulutong, batalyon
B. Panghalip ( pronoun) - ay bahagi ng
pananalita na inihahali o ipinapalit sa
pangngalan (noun) upang mabawasan ang
paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi
magandang pakinggan.
Hal: Ibigay mo ang mga aklat kay Rosa.
(Ibigay mo ang mga ito sa kanya.)
Kay Mila at Maria ang mga rosas na
nasa mesa.
(Sa kanila ang mga iyan.)
Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun) – ay
ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong
kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang
panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan,
dalawahan at maramihan.
Taong Nagsasalita
Isahan: Ako, akin, ko
Dalawahan: kita, kata
Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin
Taong Kausap
Isahan: Ikaw, ka
Dalawahan: kita, kata
Maramihan: Kayo, inyo, ninyo
Taong Pinag-uusapan
Isahan: Siya, niya, kanya
Dalawahan: kita, kata
Maramihan: Sila, kanila, nila
2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative
Pronoun)– ay inihalili sa pangngalang nagtuturo
ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili
rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa
nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
Malapit sa Nagsasalita
Hal: ito/ ire, heto, dito
Malapit sa Kausap
Hal: iyan, hayan/ ayan, diyan
Malayo sa Nag-uusap
Hal: iyon , hayun/ ayun, doon
3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)-
ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at
dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan.
Nagsasaad ng Kaisahan
Hal: Isa, isapa, iba, bawat isa,
Nagsasaad ng dami o kalahatan
Hal: lahat, tanan, pulos, balana, pawang,
madla
4. Panghalip na Pananong - inihahalili
sa pangngalan kung nagtatanong.
Hal:
a. pangtao (sino, kanino)
b. bagay, hayop, lugar (ano, alin)
c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)
5. Panghalip na Patulad – ay inihalili
sa itinutulad na bagay.
Hal:
Ganito/Ganire - Malapit sa
nagsasalita
Ganyan - Malapit sa kausap
Ganoon - Malayo sa nag-uusap
Kaukulan ng Panghalip
1. Kaukulang palagyo- kung ang
panghalip ay ginagamit bilang
simuno(subject) ng pangungusap.
Hal:
1. Siya ay tutungo sa kapitolyo
upang ilatag sa gobernador ang
ating mga kahilingan.
2. Kaukulang Paari - Ito ay nagsasaad
ng pang-aangkin nag isang bagay sa
loob ng pangungusap.
Hal:
1. Ang bahay nila ay malapit sa
paaralang iyong papasukan.
3. Kaukulang Palayon - ginagamit na
layon ng pang-ukol (preposition) o
pandiwa (verb).
Hal:
1. Ang batas na ito ay makasasama
para sa madla.
C. Pang-uri (Adjective) – ay mga salitang
naglalarawan o nagbibigay katangian sa
isang pangngalan o panghalip.
Hal:
1. Matamis ang inihaing mangga ni
Aling Ising.
2. Napakaganda nga ng bistidang iyan!
Uri ng Pang-uri
Ang pang-uri ay may dalawang uri:
1. Panlarawan - mga salitang naglalarawan.
Hal:
a. Matamis ang tinda niyang mangga.
b. Rosas at itim ang motif ng kanilang
kasal.
2. Pamilang - mga salitang nagsasaad ng bilang
Hal:
a. Sanlaksa ang mga daga sa tumana.
b. Si Mang Baste ay nag-iisang lumaban sa
asong-ulol.
Kaantasan ng Pang-uring Panlarawan
1. Lantay – nagbibigay ng simple o payak na
paglalarawan.
Hal:
a. Si Amelia ay maganda.
2.Pahambing – naglalarawan sa dalawang
pangngalan o tinutukoy, maaaring pareho o ang
isa ay nakahihigit ang katangian.
Hal:
a. Si Alma ay higit na maganda kaysa kay
Amelia.
3. Pasukdol – pagbibigay ng sukdulang
paglalarawan o katangiang nakahihigit
sa lahat.Ang panghahambing ay higit sa
dalawa.
Hal:
a. Pinakamaganda si Anna sa
kanilang lahat.
D. PANDIWA (VERB)- ay bahagi ng pangungusap na
nagpapahayag ng kilos, gawa o kalagayan,
Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan
1. Payak - ipinalalagay na ito ang simuno (subject).
Hal: Lubos na maghirap ang nangungurakot sa kaban ng bayan.
2. Katawanin - may simuno ito nguni't walang layong tumatanggap.
Hal: Ang mabait at magalang ay pinagpapala.
3. Palipat - may simuno at tuwirang layon (direct object). Ang layong
ito ay pinangungunahan ng mga katagang ng, mga, kay at kina.
Hal: Nagsampay ng damit si Maria.
4. Tahasan - ginaganap ng simuno ang
isinasaad ng pandiwa.
Hal: Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli
Me Tangere.
5. Balintiyak - hindi ang simuno ang
gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.
Hal: Ang pagtatayo ng gusali ay
pinasinayahan ng punong-lungsod
Mga Aspekto ng Pandiwa
1. Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo (Past Tense) -
nagpapahayag ng kilos o gawang natapos na.
Hal: Nagpirito ng isda si Mang Kulas.
2. Pangkasalukuyan/Imperpektibo (Present Tense) -
nagsasaad ng pagkilos na nasimulan na subali't hindi pa
natatapos.
Hal: Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog.
3. Panghinaharap/Gaganapin o Kontemplatibo (Future
Tense) - nagpapahayag na ang kilos o gawa ay mangyayari pa
lamang.
Hal: Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon.
KAILANAN NG PANDIWA
1. Isahan - ang pandiwa ay nasa payak na
anyo.
Hal: Ang guro ay nagtuturo sa mga bata.
2. Maramihan - marami ang simuno at
kilos na isinasaad.
Hal: Nagsisipalakpakan ang mga
manonood sa programa.
Pokus ng Pandiwa- ay ang relasyon ng pandiwa
sa paksa ng pangungusap.
Uri ng Pokus ng Pandiwa
1. Aktor-pokus / Pokus sa Tagaganap - Ang
paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng
pandiwasa pangungusap; sumasagot sa tanong
na “sino?”
[mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- ,
maki- ,magpa-]
Hal:
Naglunsad ng proyektoang mga kabataan
2. Pokus sa Layon / Gol Pokus - Ang paksa
ang layon ng pandiwa sapangungusap;
sumasagot sa tanong na“ano?”
[-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an]
Sa Ingles, ito ay ang direct object
Hal:
Nasira mo ang mga props para sa play.
3. Lokatibong Pokus / Pokus sa Ganapan -
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng
pandiwa sapangungusap; sumasagot sa tanong
na“saan?”
[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an ,
mapag-/-an]
Hal:
Pinagtaniman namin ang bukiran ng
maraming gulay.
4. Benepaktibong Pokus o Pokus sa
Tagatanggap - Ang paksa ang tumatanggap sa
kilos ng pandiwa sapangungusap; sumasagot sa
tanong na “para kanino”
[i- , -in , ipang- , ipag-]
Sa Ingles, ito ay ang indirect object
Hal:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na
ulam.
5. Instrumentong Pokus / Pokus sa Gamit - Ang
paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit
upangmaisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap;sumasagot sa tanong na
“sa pamamagitan ng ano?”/ “ano ang gamit”
[ipang- , maipang-]
Hal:
Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng
masarap na ulam para sa amin.
6. Kosatibong Pokus / Pokus sa sanhi - Ang
paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos
ng pandiwasa pangungusap; sumasagot sa
tanong na “bakit?”/ “ano ang dahilan”
[i- , ika- , ikina-]
Hal:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng
masarap naulamng aming nanay.
7. Pokus sa Direksyon -Ang paksa ang
nagsasaad ng direksyon ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na “tungo saan/kanino?”
[-an , -han , -in , -hin]
Hal:
Pinuntahan ni Henry ang tindahan
para mamiling kagamitan.
Kaganapan ng Pandiwa - ay tumutukoy sa
bahagi ng pangunahingnagpapahayag ng ganap
na kahulugan sa pandiwa.
Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
1. Kaganapang Tagaganap- bahagi ito ng
panaguri na gumaganap sa kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Hal:
Ikinatuwa ng mga mamamayan ang
maringal na pagdiriwang ngkalayaan ng
bansa.
2. Kaganapang Layon – bahagi ng
panaguri na nagsasaad ng bagayna
tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
Hal:
Naghanda ng palatuntunan ang
mga guro at mag-aaral, sa
pagdating ng mga panauhin.
3. Kaganapang Tagatanggap– bahagi
ng panaguri nanagpapahayag kung sino
ang nakikinabang sa kilos na isinasaad
ng pandiwa.
Hal:
Nagbigay ng donasyon ang
kanilang samahan para sa
mgabiktima ng sunog.
4. Kaganapang Ganapan – bahagi ng
panaguri na nagsasaad nglugar na
siyang pinaggaganapan ng kilos na
ipinahayag ng pandiwa
Hal:
Nanood ng pagtatanghal sa plasa
ang mga kabataan.
5. Kaganapang Kagamitan – bahagi ng
panaguri na nagsasaad kunganong
bagay o kagamitan ang ginagamit
upang maisagawa angkilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Hal:
Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa
pamamagitan ng lapis.
6. Kaganapang Direksyunal - bahagi ng
panaguri na nagsasaad ng direksyong
isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng
pandiwa.
Hal:
Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong
araw.
7. Kaganapang Sanhi – bahagi ng
panaguri na nagsasaad ng dahilanng
pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Hal:
Nagwagi sila sa pakikihamok dahil
sa katatagan ng kanilang loob.
E. Pang-abay (Adverb ) - ay mga salitang
naglalarawan (words that describe) o
nagbibigay-turing sa pang-uri (adjective),
pandiwa (verb) at kapwa pang-abay.
Hal:
A. Panturing sa Pang-uri
1. Ang manggang itinitinda ni
Maria ay masyadong maasim.
B. Panturing sa Pandiwa
1. Dahan-dahan siyang umakyat ng
hagdan para hindi magising ang
kanyang natutulog na ina.
C. Panturing sa kapwa Pang-abay
1. Talagang mabagal umunlad ang
mga taong tamad.
Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan (Adverb of Manner)
- naglalarawan sa pandiwa.
Hal: Mahinahon niyang sinagot ang mga
akusa sa kanya.
2. Pang-abay na Panlunan (Adverb of Place) -
nagsasaad kung SAAN naganap,ginaganap o
gaganapin ang isang pangyayari o kilos. Ito ay
kadalasang pinangungunahan ng katagang SA.
Hal: Tumira siya sa gubat ng labimpitong
taon.
3. Pang-abay na Pamanahon (Adverb of Time) -
nagsasaad kung KAILAN naganap, ginaganap at
gaganapin ang isang pangyayari o kilos.
Hal: Pupunta ako bukas sa palengke.
* Ang pang-abay na pamanahon ay maaaring
may pananda, walang pananda o nagsasaad ng
dalas.
May Pananda
(Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing,
buhat, mula, umpisa, hanggang)
Walang pananda
(Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas,
sandali, atb.)
Nagsasaad ng dalas
(Araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)
*Ang pang-abay na pamanahon ay may apat na uri:
Payak: bukas, mamaya, ngayon
Maylapi: kagabi, samakalawa
Inuulit: araw-araw, gabi-gabi, taun-taon
Parirala: noong nagdaang buwan, sa darating na
Kuwaresma, sa pagdating ng panahon
4. Pang-abay na Pang-agam - nagbabadya ng
di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Hal: Marahil ay matututo na siyang
magtanda.
5. Pang-abay na Panang-ayon - nagsasaad ng
pagsang-ayon (tunay, sadya, talaga, oo, opo)
Hal: Opo, magsisimba ako bukas.
6. Pang-abay na Pananggi - nag-sasaad ng
pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw
Hal: Hindi pa lubusang nalulusaw ang yelo
sa pitsel.
7. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat -
nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa
tanong na gaano o magkano.
Hal:Naragdagan ang timbang ko nang pitong
kilo.
8. Pang-abay na Pananong - ginagamit sa
pagtatanong ukol sa panahon, lunan, pook,
bilang o halaga.
a. Ilan taon ka na?
9. Pang-abay na Benepaktibo - nagsasaad
ng kagalingang dulot para sa isang tao - ang
tagatanggap ng kilos.
a. Nagluto ng sopas ang nanay para kay
Celso.
10. Pang-abay na Kawsitibo o Kusatibo -
nagsasaad ng dahilan. Ito ay binubuo ng sugnay
o pariralang nagsisimula sa dahil sa, sapagkat
atbp.
Hal: Siya ay nagkasakit dahil sa ambon.
11. Pang-abay na Pangkaukulan -
pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.
Hal: Ang seminar ay hinggil sa pagpaplano ng
pamilya.
12. Pang-abay na kundisyunal - nagsasaad
ng kundisyon para maganap ang pandiwa.
Hal: Bubuti ang iyong buhay kung
ikaw ay mag-aaral.
13. Katagang pang-bay o Ingklitik - na,
naman, man
Hal: Si Kiray ay darating na.
F. Pangatnig - ay ang mga kataga o
lipon ng mga salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala sa kapwa
parirala at sugnay sa kapwa sugnay
upang maipakita ang dalawa o higit
pang kaisipan sa loob ng pangungusap.
Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga
pangungusap na tambalan, hugnayan
at langkapan.
Uri ng Pangatnig
1. Panapos - pangatnig na nagsasaad na
malapit nang matapos ang pagsasalita o
ang nais ipahiwatig ng pangungusap. (sa
wakas, sa lahat ito, di-kawasa, sa bagay na
ito)
Hal:
Makukuha ko na rin sa wakas ang
inaasam kong promosyon sa trabaho.
2. Pananhi - nagsasaad ng kadahilanan
o katuwiran para sa natapos na kilos.
(kasi, dahil, palibhasa, sapagkat)
Hal:
Sumakit ang kanyang lalamunan
dahil sa kasisigaw.
3. Pamukod - pangatnig na ginagamit
sa pagbukod o pagtatangi. (o, ni,
maging)
Hal:
Kung ikaw o si Liza ang bibigyan ng
parangal ay wala akong tutol.
4. Paninsay - pangatnig na sinasalungat
ng naunang parte ng pangungusap ang
ikalawang bahagi nito. (ngunit, subalit,
datapwat, habang, bagaman)
Hal:
Nakatakda siyang umani ng
tagumpay kahit (kahit na)
maraming naninira sa kanya.
5. Panubali - nagsasaad ito ng pag-
aatubili o pag-aalinlangan o
alternatibong pagpipilian. ( kung,
kapag, pag)
Hal:
Hindi tayo matutuloy sa sine kapag
hindi umuwi nang maaga ang tatay.
6. Panimbang - pangatnig na gamit
kung naghahayag ng karagdagang
impormasyon at kaisipan. (pati,
anupa’t, saka)
Hal:
Anupa't pinagbuti niya ang
kanyang pag-aaral para makaahon
sa kahirapan.
7. Pamanggit - pangatnig na gumagaya
o nagsasabi lamang ng iba. ( raw, sa
ganang akin,di umano)
Hal:
Siya raw ang hari ng sablay
8. Panulad - gumagaya o tumutulad ng
mga pangyayari, kilos o gawa.
Hal:
Kung ano ang itinanim, siya ring
aanihin.
9. Panlinaw - gamit ang pangatnig na
panlinaw upang ipaliwanag ang bahagi
o kabuuan ng isang banggit. (kaya,
kung gayon, sana)
Hal:
Nahuli na ang tunay na maysala
kaya makakawala na si Berto.
G. PANG-ANGKOP - ay mga katagang
idinudugtong sa pagitan ng dalawang
salita upang maging kaaya-aya ang
pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng
ugnayang panggramatika. Ito ay
maaaring matagpuan sa pagitan ng
pang-uri at pangngalan. Ang pang-
angkop ay ang mga katagang na, ng at
g.
* NA – ginagamit kung ang nauunang salita
ay iuugnay sa sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig (consonant) maliban
sa titik na n. Ito rin ang ginagamit sa mga
salitang English na inuulit.
Hal:
malalim – bangin => malalim na
bangin
mataas – tao =>mataas na tao
* NG – ginagamit kung ang unang salita ng
iuugnay ay nagtatapos sa patinig (vowel).
Hal:
malaya – isipan ===> malayang isipan
malaki – bahay ===>malaking bahay
* G – ginagamit an gang iuugnay na
unang salita sa sinusundan nito ay
nagtatapos sa katinig na n.
Hal:
aliwan – pambata => aliwang
pambata
balon – malalim =>balong malalim
H. Pang-ukol (Preposition) ay bahagi ng pananalitang nag-
uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na
pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.
Dalawang Pangkat ng Pang-ukol
1. Ginagamit bilang pangngalang pambalana (common
noun) - mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay
para sa lahat o balana.
Hal:
1. Ang tema ng talakayan ay ukol sa kahalagahan ng
edukasyon.
2. Ang mga donasyong ibinigay ng mga pulitiko ay
para sa mga nasunug
2. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging
tao - mga pantuloy na ang layon, gawa, kilos o
ari ay para sa tanging ngalan ng tao.
Hal:
1. Ang librong kanyang binabasa ay ukol
kay Imelda Marcos.
2. Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ang
pag-asa ng bayan.
Iba Pang Uri ng Pang-ukol
1. sa , sa mga
2. ng, ng mga
3. ni, nina
4. kay, kina
5. sa, kay

More Related Content

What's hot

Liham pangalakal ppt.
Liham pangalakal ppt.Liham pangalakal ppt.
Liham pangalakal ppt.mhhar
 
Aralin 2 fil 4 - gamit ng pangngalan
Aralin 2   fil 4 - gamit ng pangngalanAralin 2   fil 4 - gamit ng pangngalan
Aralin 2 fil 4 - gamit ng pangngalanRedenMariSanPedro
 
Kailanan ng panghalip
Kailanan ng panghalipKailanan ng panghalip
Kailanan ng panghalipMailyn Viodor
 
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
Dalawang Bahagi ng PangungusapDalawang Bahagi ng Pangungusap
Dalawang Bahagi ng PangungusapMAILYNVIODOR1
 
Uri ng pangungusap ayon sa gamit
Uri ng pangungusap ayon sa gamitUri ng pangungusap ayon sa gamit
Uri ng pangungusap ayon sa gamitMs. Wallflower
 
Pangngalan ni Joemel M. Rabago
Pangngalan ni Joemel M. RabagoPangngalan ni Joemel M. Rabago
Pangngalan ni Joemel M. RabagoJoemel Rabago
 
analohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docxanalohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docxCyrisFaithCastillo
 
Mga Panlaping Makauri
Mga Panlaping MakauriMga Panlaping Makauri
Mga Panlaping Makaurieneliaabugat
 
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyon
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyonPagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyon
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyonAnnaLynPatayan
 
Group 6 mga salitang pangnilalaman
Group 6   mga salitang pangnilalamanGroup 6   mga salitang pangnilalaman
Group 6 mga salitang pangnilalamanJohn Ervin
 

What's hot (20)

Liham pangalakal ppt.
Liham pangalakal ppt.Liham pangalakal ppt.
Liham pangalakal ppt.
 
Epp v 3rd grading
Epp v 3rd gradingEpp v 3rd grading
Epp v 3rd grading
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
Aralin 2 fil 4 - gamit ng pangngalan
Aralin 2   fil 4 - gamit ng pangngalanAralin 2   fil 4 - gamit ng pangngalan
Aralin 2 fil 4 - gamit ng pangngalan
 
Kailanan ng panghalip
Kailanan ng panghalipKailanan ng panghalip
Kailanan ng panghalip
 
Final demo
Final demoFinal demo
Final demo
 
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
Dalawang Bahagi ng PangungusapDalawang Bahagi ng Pangungusap
Dalawang Bahagi ng Pangungusap
 
Uri ng pangungusap ayon sa gamit
Uri ng pangungusap ayon sa gamitUri ng pangungusap ayon sa gamit
Uri ng pangungusap ayon sa gamit
 
Pangngalan ni Joemel M. Rabago
Pangngalan ni Joemel M. RabagoPangngalan ni Joemel M. Rabago
Pangngalan ni Joemel M. Rabago
 
analohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docxanalohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docx
 
ELEMENTO NG ALAMAT.pptx
ELEMENTO NG ALAMAT.pptxELEMENTO NG ALAMAT.pptx
ELEMENTO NG ALAMAT.pptx
 
Mga Panlaping Makauri
Mga Panlaping MakauriMga Panlaping Makauri
Mga Panlaping Makauri
 
Ed tech
Ed techEd tech
Ed tech
 
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyon
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyonPagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyon
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyon
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
Pantukoy
Pantukoy   Pantukoy
Pantukoy
 
Pagsulat ng Liham
Pagsulat ng LihamPagsulat ng Liham
Pagsulat ng Liham
 
Group 6 mga salitang pangnilalaman
Group 6   mga salitang pangnilalamanGroup 6   mga salitang pangnilalaman
Group 6 mga salitang pangnilalaman
 
Panghalip
PanghalipPanghalip
Panghalip
 
Powerpoint!!
Powerpoint!!Powerpoint!!
Powerpoint!!
 

Similar to pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf

Similar to pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf (20)

Filipino grace
Filipino graceFilipino grace
Filipino grace
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 
Kaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa PagsasalinKaalaman sa Pagsasalin
Kaalaman sa Pagsasalin
 
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINOSINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
Pandiwa..97
Pandiwa..97Pandiwa..97
Pandiwa..97
 
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.pptKABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
 
Kakayahang_gramatikal.ppt
Kakayahang_gramatikal.pptKakayahang_gramatikal.ppt
Kakayahang_gramatikal.ppt
 
Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)
 
Sintaks
SintaksSintaks
Sintaks
 
Pokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwaPokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwa
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
digestive system
digestive systemdigestive system
digestive system
 
Fil101 istruktura ng wika
Fil101 istruktura ng wikaFil101 istruktura ng wika
Fil101 istruktura ng wika
 
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanAng wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
 
komuniskasyon ppt.pptx
komuniskasyon ppt.pptxkomuniskasyon ppt.pptx
komuniskasyon ppt.pptx
 
g8 pang abay.pptx
g8 pang abay.pptxg8 pang abay.pptx
g8 pang abay.pptx
 
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdfmgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
mgabahagingpananalita-140706023238-phpapp01.pdf
 
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.pptpdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
pdfslide.net_mga-bahagi-ng-pananalita-558492b745a65.ppt
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 

pdfcoffee.com_bahagi-ng-pananalita-pdf-free.pdf

  • 2. 1. Pangngalan (Noun) 2. Panghalip (Pronoun) 3. Pang-uri (Adjective) 4. Pandiwa (Verb) 5. Pang-abay (Adverb) 6. Pangatnig (Conjunction) 7. Pang-angkop () 8. Pang-ukol (Preposition)
  • 3. A. Pangngalan (Noun) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, pangyayari, damdamin, kaisipan o ideya. Uri ng Pangngalan 1. Pantangi (Proper Noun) - nagsasaad ng tanging pangalan ng tao, hayop at bagay at isinusulat sa malaking titik (capital letter) ang unang letra o titik ng salita. Hal: Tsina, Judy Ann, monggol 2. Pambalana (Common Noun) - tawag sa karaniwang pangalan. Hal: bansa, artista, lapis
  • 4. Kayarian ng Pangngalan 1. Payak - mga salitang likas at katutubong atin na maaaring mapag-isa Hal: lilo, lila, lambat, silo, ilog 2. Maylapi - ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na nagtataglay ng panlapi sa unahan, gitna o hulihan man. Hal: ganda - kagandahan isda - palaisdaan away - mag-away sayaw - sumayaw
  • 5. 3. Inuulit - mga pangngalang inuulit ang salitang ugat o ang salitang maylapi. Ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit kapag ang pangngalan ay may tatlo o higit pang pantig. Hal: tatay-tatayan, sabi-sabi , biru-biruan Tandaan: May mga pangngalang ang anyo ay mga salitang inuulit ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang inuulit na mga pantig ay walang katuturan kapag napag-isa. Ang kabuuan ng mga salitang ito ay itinuturing na mga salitang ugat. Hal: gamugamo, guniguni, alaala
  • 6. Klase ng mga pangngalang inuulit a. Pag-uulit na Parsyal - bahagi lang ng salitang-ugat ang inuulit. Hal: ari-arian, tau-tauhan b. Pag-uulit na Ganap - inuulit ang buong salita Hal: sabi-sabi, sari-sari
  • 7. 4. Tambalan - mga pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita na ipinapalagay na isa na lamang. Hal: hampaslupa, sampay-bakod akyat-bahay, bahay-aliwan kapit-tuko
  • 8. Kasarian ng Pangngalan (Gender of Noun) 1. Pambabae Hal: ate, nanay, Gng. Cruz 2. Panlalaki Hal: kuya, tatay, G. Santos 3. di-tiyak Hal: doktor, titser, huwes, punong- guro, 4. walang kasarian Hal: silya, lobo, puno
  • 9. Uri ng Pangngalan ayon sa Gamit 1. Basal - pangngalang hindi nakikita o nahahawakan ngunit nadarama, nasa gawi at kaisipan, Hal: katalinuhan, pagmamahal, pagdurusa 2. Tahas - mga pangngalang nakikita o nahahawakan Hal: pula, ulap 3. Lansak - mga pangngalang nagsasaad ng pagsasama- sama, kumpol, grupo o pangkat. Hal: kawan, buwig, pulutong, batalyon
  • 10. B. Panghalip ( pronoun) - ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan (noun) upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan. Hal: Ibigay mo ang mga aklat kay Rosa. (Ibigay mo ang mga ito sa kanya.) Kay Mila at Maria ang mga rosas na nasa mesa. (Sa kanila ang mga iyan.)
  • 11. Mga Uri ng Panghalip 1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun) – ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan. Taong Nagsasalita Isahan: Ako, akin, ko Dalawahan: kita, kata Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin
  • 12. Taong Kausap Isahan: Ikaw, ka Dalawahan: kita, kata Maramihan: Kayo, inyo, ninyo Taong Pinag-uusapan Isahan: Siya, niya, kanya Dalawahan: kita, kata Maramihan: Sila, kanila, nila
  • 13. 2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)– ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap. Malapit sa Nagsasalita Hal: ito/ ire, heto, dito Malapit sa Kausap Hal: iyan, hayan/ ayan, diyan Malayo sa Nag-uusap Hal: iyon , hayun/ ayun, doon
  • 14. 3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)- ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan. Nagsasaad ng Kaisahan Hal: Isa, isapa, iba, bawat isa, Nagsasaad ng dami o kalahatan Hal: lahat, tanan, pulos, balana, pawang, madla
  • 15. 4. Panghalip na Pananong - inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong. Hal: a. pangtao (sino, kanino) b. bagay, hayop, lugar (ano, alin) c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)
  • 16. 5. Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay. Hal: Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita Ganyan - Malapit sa kausap Ganoon - Malayo sa nag-uusap
  • 17. Kaukulan ng Panghalip 1. Kaukulang palagyo- kung ang panghalip ay ginagamit bilang simuno(subject) ng pangungusap. Hal: 1. Siya ay tutungo sa kapitolyo upang ilatag sa gobernador ang ating mga kahilingan.
  • 18. 2. Kaukulang Paari - Ito ay nagsasaad ng pang-aangkin nag isang bagay sa loob ng pangungusap. Hal: 1. Ang bahay nila ay malapit sa paaralang iyong papasukan.
  • 19. 3. Kaukulang Palayon - ginagamit na layon ng pang-ukol (preposition) o pandiwa (verb). Hal: 1. Ang batas na ito ay makasasama para sa madla.
  • 20. C. Pang-uri (Adjective) – ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay katangian sa isang pangngalan o panghalip. Hal: 1. Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising. 2. Napakaganda nga ng bistidang iyan!
  • 21. Uri ng Pang-uri Ang pang-uri ay may dalawang uri: 1. Panlarawan - mga salitang naglalarawan. Hal: a. Matamis ang tinda niyang mangga. b. Rosas at itim ang motif ng kanilang kasal. 2. Pamilang - mga salitang nagsasaad ng bilang Hal: a. Sanlaksa ang mga daga sa tumana. b. Si Mang Baste ay nag-iisang lumaban sa asong-ulol.
  • 22. Kaantasan ng Pang-uring Panlarawan 1. Lantay – nagbibigay ng simple o payak na paglalarawan. Hal: a. Si Amelia ay maganda. 2.Pahambing – naglalarawan sa dalawang pangngalan o tinutukoy, maaaring pareho o ang isa ay nakahihigit ang katangian. Hal: a. Si Alma ay higit na maganda kaysa kay Amelia.
  • 23. 3. Pasukdol – pagbibigay ng sukdulang paglalarawan o katangiang nakahihigit sa lahat.Ang panghahambing ay higit sa dalawa. Hal: a. Pinakamaganda si Anna sa kanilang lahat.
  • 24. D. PANDIWA (VERB)- ay bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng kilos, gawa o kalagayan, Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan 1. Payak - ipinalalagay na ito ang simuno (subject). Hal: Lubos na maghirap ang nangungurakot sa kaban ng bayan. 2. Katawanin - may simuno ito nguni't walang layong tumatanggap. Hal: Ang mabait at magalang ay pinagpapala. 3. Palipat - may simuno at tuwirang layon (direct object). Ang layong ito ay pinangungunahan ng mga katagang ng, mga, kay at kina. Hal: Nagsampay ng damit si Maria.
  • 25. 4. Tahasan - ginaganap ng simuno ang isinasaad ng pandiwa. Hal: Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere. 5. Balintiyak - hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa. Hal: Ang pagtatayo ng gusali ay pinasinayahan ng punong-lungsod
  • 26. Mga Aspekto ng Pandiwa 1. Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo (Past Tense) - nagpapahayag ng kilos o gawang natapos na. Hal: Nagpirito ng isda si Mang Kulas. 2. Pangkasalukuyan/Imperpektibo (Present Tense) - nagsasaad ng pagkilos na nasimulan na subali't hindi pa natatapos. Hal: Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog. 3. Panghinaharap/Gaganapin o Kontemplatibo (Future Tense) - nagpapahayag na ang kilos o gawa ay mangyayari pa lamang. Hal: Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon.
  • 27. KAILANAN NG PANDIWA 1. Isahan - ang pandiwa ay nasa payak na anyo. Hal: Ang guro ay nagtuturo sa mga bata. 2. Maramihan - marami ang simuno at kilos na isinasaad. Hal: Nagsisipalakpakan ang mga manonood sa programa.
  • 28. Pokus ng Pandiwa- ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap. Uri ng Pokus ng Pandiwa 1. Aktor-pokus / Pokus sa Tagaganap - Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwasa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?” [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- ,magpa-] Hal: Naglunsad ng proyektoang mga kabataan
  • 29. 2. Pokus sa Layon / Gol Pokus - Ang paksa ang layon ng pandiwa sapangungusap; sumasagot sa tanong na“ano?” [-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an] Sa Ingles, ito ay ang direct object Hal: Nasira mo ang mga props para sa play.
  • 30. 3. Lokatibong Pokus / Pokus sa Ganapan - Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sapangungusap; sumasagot sa tanong na“saan?” [pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an] Hal: Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
  • 31. 4. Benepaktibong Pokus o Pokus sa Tagatanggap - Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sapangungusap; sumasagot sa tanong na “para kanino” [i- , -in , ipang- , ipag-] Sa Ingles, ito ay ang indirect object Hal: Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
  • 32. 5. Instrumentong Pokus / Pokus sa Gamit - Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upangmaisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap;sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”/ “ano ang gamit” [ipang- , maipang-] Hal: Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.
  • 33. 6. Kosatibong Pokus / Pokus sa sanhi - Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwasa pangungusap; sumasagot sa tanong na “bakit?”/ “ano ang dahilan” [i- , ika- , ikina-] Hal: Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap naulamng aming nanay.
  • 34. 7. Pokus sa Direksyon -Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?” [-an , -han , -in , -hin] Hal: Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamiling kagamitan.
  • 35. Kaganapan ng Pandiwa - ay tumutukoy sa bahagi ng pangunahingnagpapahayag ng ganap na kahulugan sa pandiwa. Uri ng Kaganapan ng Pandiwa 1. Kaganapang Tagaganap- bahagi ito ng panaguri na gumaganap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Hal: Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ngkalayaan ng bansa.
  • 36. 2. Kaganapang Layon – bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagayna tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa. Hal: Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag-aaral, sa pagdating ng mga panauhin.
  • 37. 3. Kaganapang Tagatanggap– bahagi ng panaguri nanagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Hal: Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mgabiktima ng sunog.
  • 38. 4. Kaganapang Ganapan – bahagi ng panaguri na nagsasaad nglugar na siyang pinaggaganapan ng kilos na ipinahayag ng pandiwa Hal: Nanood ng pagtatanghal sa plasa ang mga kabataan.
  • 39. 5. Kaganapang Kagamitan – bahagi ng panaguri na nagsasaad kunganong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa angkilos na ipinahahayag ng pandiwa. Hal: Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa pamamagitan ng lapis.
  • 40. 6. Kaganapang Direksyunal - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Hal: Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong araw.
  • 41. 7. Kaganapang Sanhi – bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilanng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Hal: Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.
  • 42. E. Pang-abay (Adverb ) - ay mga salitang naglalarawan (words that describe) o nagbibigay-turing sa pang-uri (adjective), pandiwa (verb) at kapwa pang-abay. Hal: A. Panturing sa Pang-uri 1. Ang manggang itinitinda ni Maria ay masyadong maasim.
  • 43. B. Panturing sa Pandiwa 1. Dahan-dahan siyang umakyat ng hagdan para hindi magising ang kanyang natutulog na ina. C. Panturing sa kapwa Pang-abay 1. Talagang mabagal umunlad ang mga taong tamad.
  • 44. Uri ng Pang-abay 1. Pang-abay na Pamaraan (Adverb of Manner) - naglalarawan sa pandiwa. Hal: Mahinahon niyang sinagot ang mga akusa sa kanya. 2. Pang-abay na Panlunan (Adverb of Place) - nagsasaad kung SAAN naganap,ginaganap o gaganapin ang isang pangyayari o kilos. Ito ay kadalasang pinangungunahan ng katagang SA. Hal: Tumira siya sa gubat ng labimpitong taon.
  • 45. 3. Pang-abay na Pamanahon (Adverb of Time) - nagsasaad kung KAILAN naganap, ginaganap at gaganapin ang isang pangyayari o kilos. Hal: Pupunta ako bukas sa palengke. * Ang pang-abay na pamanahon ay maaaring may pananda, walang pananda o nagsasaad ng dalas. May Pananda (Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang)
  • 46. Walang pananda (Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atb.) Nagsasaad ng dalas (Araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan) *Ang pang-abay na pamanahon ay may apat na uri: Payak: bukas, mamaya, ngayon Maylapi: kagabi, samakalawa Inuulit: araw-araw, gabi-gabi, taun-taon Parirala: noong nagdaang buwan, sa darating na Kuwaresma, sa pagdating ng panahon
  • 47. 4. Pang-abay na Pang-agam - nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Hal: Marahil ay matututo na siyang magtanda. 5. Pang-abay na Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon (tunay, sadya, talaga, oo, opo) Hal: Opo, magsisimba ako bukas.
  • 48. 6. Pang-abay na Pananggi - nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw Hal: Hindi pa lubusang nalulusaw ang yelo sa pitsel. 7. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat - nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano. Hal:Naragdagan ang timbang ko nang pitong kilo.
  • 49. 8. Pang-abay na Pananong - ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, pook, bilang o halaga. a. Ilan taon ka na? 9. Pang-abay na Benepaktibo - nagsasaad ng kagalingang dulot para sa isang tao - ang tagatanggap ng kilos. a. Nagluto ng sopas ang nanay para kay Celso.
  • 50. 10. Pang-abay na Kawsitibo o Kusatibo - nagsasaad ng dahilan. Ito ay binubuo ng sugnay o pariralang nagsisimula sa dahil sa, sapagkat atbp. Hal: Siya ay nagkasakit dahil sa ambon. 11. Pang-abay na Pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol. Hal: Ang seminar ay hinggil sa pagpaplano ng pamilya.
  • 51. 12. Pang-abay na kundisyunal - nagsasaad ng kundisyon para maganap ang pandiwa. Hal: Bubuti ang iyong buhay kung ikaw ay mag-aaral. 13. Katagang pang-bay o Ingklitik - na, naman, man Hal: Si Kiray ay darating na.
  • 52. F. Pangatnig - ay ang mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan.
  • 53. Uri ng Pangatnig 1. Panapos - pangatnig na nagsasaad na malapit nang matapos ang pagsasalita o ang nais ipahiwatig ng pangungusap. (sa wakas, sa lahat ito, di-kawasa, sa bagay na ito) Hal: Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
  • 54. 2. Pananhi - nagsasaad ng kadahilanan o katuwiran para sa natapos na kilos. (kasi, dahil, palibhasa, sapagkat) Hal: Sumakit ang kanyang lalamunan dahil sa kasisigaw.
  • 55. 3. Pamukod - pangatnig na ginagamit sa pagbukod o pagtatangi. (o, ni, maging) Hal: Kung ikaw o si Liza ang bibigyan ng parangal ay wala akong tutol.
  • 56. 4. Paninsay - pangatnig na sinasalungat ng naunang parte ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. (ngunit, subalit, datapwat, habang, bagaman) Hal: Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
  • 57. 5. Panubali - nagsasaad ito ng pag- aatubili o pag-aalinlangan o alternatibong pagpipilian. ( kung, kapag, pag) Hal: Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
  • 58. 6. Panimbang - pangatnig na gamit kung naghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan. (pati, anupa’t, saka) Hal: Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
  • 59. 7. Pamanggit - pangatnig na gumagaya o nagsasabi lamang ng iba. ( raw, sa ganang akin,di umano) Hal: Siya raw ang hari ng sablay
  • 60. 8. Panulad - gumagaya o tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa. Hal: Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.
  • 61. 9. Panlinaw - gamit ang pangatnig na panlinaw upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit. (kaya, kung gayon, sana) Hal: Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.
  • 62. G. PANG-ANGKOP - ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Ito ay maaaring matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang- angkop ay ang mga katagang na, ng at g.
  • 63. * NA – ginagamit kung ang nauunang salita ay iuugnay sa sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant) maliban sa titik na n. Ito rin ang ginagamit sa mga salitang English na inuulit. Hal: malalim – bangin => malalim na bangin mataas – tao =>mataas na tao
  • 64. * NG – ginagamit kung ang unang salita ng iuugnay ay nagtatapos sa patinig (vowel). Hal: malaya – isipan ===> malayang isipan malaki – bahay ===>malaking bahay
  • 65. * G – ginagamit an gang iuugnay na unang salita sa sinusundan nito ay nagtatapos sa katinig na n. Hal: aliwan – pambata => aliwang pambata balon – malalim =>balong malalim
  • 66. H. Pang-ukol (Preposition) ay bahagi ng pananalitang nag- uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon. Dalawang Pangkat ng Pang-ukol 1. Ginagamit bilang pangngalang pambalana (common noun) - mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa lahat o balana. Hal: 1. Ang tema ng talakayan ay ukol sa kahalagahan ng edukasyon. 2. Ang mga donasyong ibinigay ng mga pulitiko ay para sa mga nasunug
  • 67. 2. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao - mga pantuloy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa tanging ngalan ng tao. Hal: 1. Ang librong kanyang binabasa ay ukol kay Imelda Marcos. 2. Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
  • 68. Iba Pang Uri ng Pang-ukol 1. sa , sa mga 2. ng, ng mga 3. ni, nina 4. kay, kina 5. sa, kay