SlideShare a Scribd company logo
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
DIBISYON NG MABALACAT CITY
Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ________________
Paaralan: ______________________________________ Petsa: ___________________
GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikaapat na Markahan – Unang Linggo
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kurso
Daan sa Maayos at Maunlad na Hinaharap
I. Panimula
Handa ka ba? Handa ka na bang pumili ng nais mong track o kurso
sa pagtungtong mo sa Senior High School? Ano ang kailangan mong gawin
na paghahanda? Kailangan mong magpasiya o pumili para sa iyong sarili
kung ano ang nais mong kukuning kurso para sa Senior High School at
upang mas maging tiyak na makatutulong sa iyo ang kagamitang
pampagkatuto na ito.
II. Kasanayang Pampagkatuto
• Nakikilala ang mga pagbabago sa kaniyang talento, kakayahan at hilig
(mula Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong
akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo.
(EsP9PK - IVa -13.1)
• Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang
mapaunlad ang kaniyang talento at kakayahan ayon sa kaniyang hilig,
mithiin, lokal at global na demand. (EsP9PK - IVa -13.2)
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng Gawaing Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. mauunawaan ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang
track o kurso;
2. matutukoy ang interes o hilig at mga kaugnay na trabaho o
hanapbuhay upang maging batayan sa pagpili ng tamang kurso;
at
2
3. makabubuo ng plano ng mga hakbangin para sa kursong kukunin
sa pamamagitan ng pagsusuri sa sarili (self-assessment) na
magiging batayan sa pagpili ng tamang kurso o trabaho.
IV. Pagtalakay
“Mag-aral nang maige upang buhay ay bumuti.” (Kuya Kim Atienza)
Sinasabi ng mga magulang mo na mag-aral nang mabuti para sa
magandang kinabukasan at para sa inyong pamilya. Ang ganitong payo ay
ibinabahagi nila sa iyo dahil ayaw nilang mararanasan mo ang hirap na
naranasan nila sa buhay at ng iba nilang kakilala.
May kakayahan ka na bang pumili sa kursong nais mo? O kaya’y
nauunahan ka sa agam-agam o pagkalito dahil sa dami ng nanghihikayat
sa iyo o dahil sa impluwensiya ng kapaligiran at sa lumalaking demand ng
lipunan? Mahalagang maglaan ka ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito
ang tutulong sa iyong makita ang iba’t ibang anggulo ng sitwasyon.
Nasa unang hakbang ka ngayon ng pagpaplano sa iyong kukuning
kurso, ang pagsusuring pansarili (self-assessment). Binubuo ito ng
pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili. Maaari mong gamiting batayan
upang malaman kung ikaw ay nasa tama o angkop na trabaho o kurso, o
kung nasa ibang direksyon o linya ng trabaho ang nararapat sa iyo.
Gamit ang kilos-loob, nakapipili tayo sa mga pagpipilian – mabuti
man ito o masama. Kaya nga, ang kalayaan ay hindi lamang para gawin ang
sariling gusto dahil nagiging daan ito upang ikaw ay magkamali sa pasiya o
pagpili. Maipapayo na suriing mabuti ang mga plano sa buhay upang
maging batayan sa maayos na tatahaking karera.
Ayon kay Jurgen Habermas, isang
Alemang pilosoper, ang pagiging indibidwal ng
tao ay nilikha upang makipagkapuwa at
makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld), at
itong buhay-na-mundo ay nabubuo naman sa
pangkomunikasyon ng kaniyang mga kasapi.
Dagdag pa niya, nahuhubog lamang ng tao
ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi
sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
3
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Track o Kurso
1. Talento (Talents)
Ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangan
tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang track o
kurso. Sa iyong pagsusuri mula sa mga talentong napaunlad mo na, alin pa
sa mga ito ang natuklasan mo at ngayon ay napagtutuunan mo ng pansin
at pagpapahalaga? Maaari bang isa-isahin mo ito upang maging
konsiderasyon mo sa pag-iisip ng angkop na kurso para sa iyo?
Balikan natin ang mga Talino o Talentong ito mula sa teorya na binuo
ni Dr. Howard Gardner (1983):
a. Visual Spatial e. Musical/ Rhythmic
b. Verbal/ Linguistic f. Intrapersonal
c. Mathematical/ Logical g. Interpersonal
d. Bodily/ Kinesthetic h. Existential
Gamitin ang iyong kalayaang mag-isip at ang iyong malayang
kalooban sa pagkakataong ito. Kung matagumpay mong maitutugma ang
iyong talento sa trabaho/hanapbuhay ay makakamit mo ang kagalingan at
produktibong paggawa.
2. Kasanayan (Skills)
Ang kasanayan o skills ay isa ring maituturing mahalagang salik sa
paghahanda sa iyong pipiliing kurso. Ito ay mga bagay kung saan tayo
mahusay o magaling. Ito ay madalas iniuugnay sa salitang abilidad,
kakayahan (competency) o kahusayan (profeciency). Upang makilala at
matukoy mo ang iyong mga kasanayan sa isang bagay, kailangang ikaw ay
may hilig o interes, may tiyak na potensiyal at malawak na kaalaman.
Sa iyong pagsusuring pansarili, may mga tiyak ka bang kasanayan o
skills na siyang magagamit mo sa pagtukoy ng iyong pipiliing kurso? Kung
hindi mo pa tukoy ang mga ito, makabubuting tingnan at bigyan ng oras
ang mga kategorya na nakalista sa ibaba (Career Planning Workbook, 2006):
a. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) –
nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod at
nanghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip para sa iba.
4
b. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) – humahawak ng mga
dokumento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at
ino-organisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga
trabahong inatang sa kaniya.
c. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) – nagpapaandar,
nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga
kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal at
biyolohikong mga functions.
d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) – lumulutas ng
mga mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga
saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.
3. Hilig (Interest)
Nasasalamin ito sa mga paborito mong gawain na nagpapasaya sa iyo
dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya
nang hindi nakararamdam ng pagod o pagkabagot.
4. Pagpapahalaga (Values)
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na ating binigyan ng halaga. Ang mga
ipinamamalas na pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at
makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa
pag-unlad ng ating ekonomiya.
5. Katayuang Pinansiyal
Mahalagang isaalang-alang mo ang kasalukuyang kalagayan o ang
kakayahang pinansiyal ng iyong mga magulang.
Makatutulong ang pansariling salik na ito upang ikaw ay magpasya
nang malaya at kumilos ayon sa ikabubuti ng iyong sarili at pagiging
produktibong bahagi ng lakas-paggawa.
6. Mithiin (Goals)
Ito ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon
sa buhay. Kung ngayon palang ay matutuhan mong bumuo ng iyong
personal na misyon sa buhay, hindi malabong makamit mo ang iyong
5
mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap. Hindi lamang dapat umiral sa iyo
ang hangaring magkaroon ng mga materyal na bagay at kaginhawaan sa
buhay, kailangang isipin din ang pakikibahagi para sa kabutihang
panlahat.
Ang anim na pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal ay ilan lamang na gabay tungo sa iyong maayos na
pagpili patungo sa maunlad na hanapbuhay na nag-aantay sa iyo sa
pagtatapos mo sa Senior High School. Kaya, ngayon pa lamang mula sa
iyong kakayahang mag-isip (intellect) at kalayaan ng kilos-loob (freewill) ay
gamitin ito tungo sa tama at wastong pagpili o pagpapasya.
V. Mga Gawain
Gawain #1
Panuto: Itala ang iyong mga talento, kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga,
katayuang pinansyal at mithiin noong ikaw ay nasa ika-7 Baitang at
ngayong nasa ika-9 na Baitang ka na. At sagutin mo ang sumusunod na
mga tanong.
1. Mayroon bang pagbabago sa talento, kasanayan (skills), hilig,
pagpapahalaga, katayuang pinansyal at mithiin na nakaaapekto sa nais
kong kurso sa pagtungtong ko sa Senior High School?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Kung mayroon, anong pagbabago sa talento, kasanayan (skills), hilig,
pagpapahalaga, katayuang pinansyal at mithiin noong ako ay nasa
Baitang 7?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Ano ang plano kong kursong kunin sa Senior High School?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
6
Gawain #2
Panuto: Mula sa naitala mong sagot sa Gawain 1, iuugnay mo ito sa mga
kasalukuyang sitwasyon mo sa buhay na ginagamit mo ang iyong
kakayahang mag-isip (intellect) at malayang kilos-loob (freewill) na may
kaugnayan sa pipiliin o kukuning mong kurso. Isulat ang sagot sa ibaba at
gawing batayan ang halimbawang nakalagay.
A. Paano mo pinahahalagahan bilang isang mag-aaral ang paggamit ng
kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob sa pagpili ng kurso na nais
mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
B. Ano ang paghahanda na iyong ginagawa upang matupad ang mga mithiin
mo sa buhay sa pamamagitang ng pagpili ng angkop at tamang kursong
nais mong kunin?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Kakayahang Mag-isip (Intellect) Malayang Kilos-Loob (Freewill)
Hal. Magdesisyon para sa aking
nais na kurso
- Engineering
1. _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
____________
Hal. Maghanap ng mga
unibersidad na may mababa ang
matrikula (tuition fee) ngunit de-
kalidad ang edukasyon.
1. _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
Hal. Mauunawaan na hindi
lamang mataas na suweldo ang
batayan ng kukuning kurso kundi
kung ano ang gusto at interes ko.
2.________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
Hal. Makipag-usap sa mga
magulang at iparating sa kanila
ang iyong plano para sa kukuning
kurso.
2.________________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
____________
7
Gawain #3
Panuto: Sumulat o gumuhit ng isa sa mga sumusunod: awit, maikling
kuwento, sanaysay, tula o poster tungkol sa kursong nais mong kunin sa
Senior High School.
Sa poster, ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong kurso.
Rubrik para sa awit, maikling kwento, sanaysay, at tula
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Puntos Nakuhang
Puntos
Pamantayan
Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 10
Maayos ang organisasyon ng mga ideya. 7
Wasto ang pagbaybay at gramatika 3
Kabuuang Puntos 20
RUBRIK SA PAGGAWA NG POSTER
Puntos
Nakuhang
Puntos
Pamantayan
Nilalaman: Naipakita at naipaliwanag nang
maayos na angkop sa paksa.
10
Originality: Orihinal na ideya sa paggawa ng
poster
7
Pagkamalikhain: Gumamit ng tamang
kombinasyon ng kulay
3
Kabuuang Puntos 20
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
8
Gawain #4
Panuto: Bumuo ng plano upang makamit ang kursong nais mong kunin sa
Senior High School. Isama rito ang maaaring makatulong o balakid na
puwersa sa pagkamit ng mithiin sa buhay. Gawing batayan ang pormat na
nasa ibaba.
A. Naging madali ba sa iyo ang paggawa ng plano at anong mga salik ang
naging basehan upang mabuo ito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
B. Ipaliwanag kung bakit mahalagang makabuo ng plano sa kursong nais
mo pagtungtong sa Senior High School?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Mga Pantulong na
Puwersa
Mga Paraan para
Mapalakas
Mga Balakid na
Puwersa
Mga Paraan para
Mapahina
Hal. Masusing Pagsasanay Hal. Paglalaan ng malaking
oras sa pagsasanay
CAREER
GOAL:
Hal. Magkaroon ng
skedyul sa bawat gawain
Hal. Kawalan ng oras sa
pagsasanay
1.___________________
___________________
2.___________________
___________________
1.___________________
___________________
2.___________________
___________________
1.___________________
___________________
2.___________________
___________________
1.___________________
___________________
2.___________________
___________________
9
Gawain #5
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong
diwa at MALI naman kung hindi.
________1. Ang pagsusuring pansarili ay binubuo ng pagtingin at pag-unawa
sa iyong sarili.
________2. Ang pagsusuring pansarili ang huling hakbang sa pagpaplano sa
iyong kukuning kurso.
________3. Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng track o
kurso.
________4. Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa
pakikibahagi sa kaniyang sarili.
________5. Mahalagang maibabalik mo sa Diyos ang kukunin mong
hanapbuhay o negosyo sa hinaharap kung ano ang mayroon ka
bilang tao.
VI. Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Ito ay pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may
kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na
abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong
nakasasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at
masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa.
A. Hilig
B. Talento
C. Pagpapahalaga
D. Kasanayan (skills)
2. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya
sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos ng kaniyang pinili at ginusto
nang may pananagutan?
A. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
B. Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
C. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
D. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
10
3. Ano ang inaasahan sa lipunan na nilikha upang makipagkapuwa at
makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-
ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan?
A. Makialam
B. Makiangkop
C. Makipagkasundo
D. Makisimpatya
4. Kung ikaw ay naguguluhan sa mga pagpipili ng kurso para sa nalalapit
na Senior High School, ano ang dapat mong gawin?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
C. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
5. Si Albert ay mula sa isang negosyanteng pamilya at siya ay
nakapagtapos sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging
matulungin ng kaniyang mga magulang. Sa kaniyang propesyon, dala
niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya
kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang
naging gabay ni Albert sa pagpili ng kurso?
A. Hilig
B. Talento
C. Pagpapahalaga
D. Kasanayan (skills)
6. Alam ni Cecile na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin
ang kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya
naghanap siya ng mga scholarship grant sa kanilang munisipyo at iba
pang institusyon. Nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga
paalaala upang maging gabay niya ito. Ano ang pansariling salik ang
isinagawa ni Cecile?
A. Mithiin
B. Kasanayan
C. Pagpapahalaga
D. Hilig
7. Si Alma ay magaling at mahusay sa Matematika. Namana niya ito sa
kanyang mga magulang. Bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High
School, mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso.
Suportado din siya ng kaniyang mga magulang dahil bukas siya
11
pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon.
Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
A. Hilig
B. Talento
C. Pagpapahalaga
D. Kasanayan (skills)
8. Hindi kaya ng mga magulang ni Darrel sa gusto niyang kursong
Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Baguio. Kaya
naisipan niyang kumuha ng kursong Tech-Voc sa TESDA. Anim na
buwan lamang ang pagsasanay at pagkatapos ay may naghihintay na
trabaho sa ibang bansa. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni
Darrel sa kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang
tugon sa lumalaking demand sa lipunan?
A. Katayuang Pinansiyal
B. Kasanayan
C. Pagpapahalaga
D. Talento
9. Bata pa lamang si Ted ay may interes na sa pagbabasa ng mga
Educational Book, pagguhit at pagsusulat. Sumasali siya sa mga
paligsahan sa paaralan at nananalo. Ito ang ginawa niyang batayan sa
pagpili ng kurso na maging Journalist. Alin sa mga sumusunod na
pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Ted ang tagumpay
ng kaniyang piniling hanapbuhay?
A. Pagpapahalaga
B. Talento
C. Hilig
D. Kasanayan
10. Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang
talino at talento. Ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin
sa mga talino at talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa
pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
A. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
B. Pagtutuunan ng pansin at palaguin
C. Pahalagahan at paunlarin
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
12
VII. Pangwakas
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gamiting gabay ang
rubrik sa ibaba.
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
PUNTOS
NAKUHANG
PUNTOS
PAMANTAYAN
Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 5
Maayos ang organisasyon ng mga ideya. 3
Wasto ang pagbaybay at gramatika 2
Kabuuang Puntos 10
1. Bakit mahalagang matukoy ang iyong mga interes/hilig, kasanayan
(skills), talento, mga pagpapahalaga at mithiin sa buhay sa pagpili mo ng
iyong kukuning kurso?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Paano mo maiuugnay ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso,
akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at isports sa iyong paghahanda
para sa paghahanapbuhay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
13
VIII. Sanggunian
Covey, Sean. 1998. The 7 Habits of Highly Effective Teens. New York: Simon and Schuster
Dy, Manuel B. 2013. Contemporary Social Philosophy, Makati City: Katha
Gayola, Sheryll T., et al. 2015. Edukasyon sa Pagpapaakatao- Ikasiyam na Baitang-Modyul
para sa Mag-aaral- Unang Edisyon. Ground Floor Bonifacio Building, DepEd
Complex Meralco Avenue, Pasig City. Esp_9_lm_draft_3.31.2014-2
Santamaria, Josefina. 2006. Career Planning Workbook (4th
ed.), Makati City: Career
Systems, Inc
Rivera, Arnel, 2018. Module 13: Mga Panasariling Salik sa Pagpili ng Track o Kurso.
https://image.slidesharecdn.com/modyul13-180519002509/95/esp-9modyul-13-3-
638.jpg?cb=1526689549
Larawan:
Gayola, Sheryll T., et al. 2015. Edukasyon sa Pagpapaakatao- Ikasiyam na Baitang-Modyul
para sa Mag-aaral- Unang Edisyon. Ground Floor Bonifacio Building, DepEd
Complex Meralco Avenue, Pasig City. Esp_9_lm_draft_3.31.2014-2
14
IX. Susi sa Pagwawasto
Maaaring
magkakaiba-iba
ang
kasagutan
Isinasalang-alang
ang
Kritirya
sa
pagbibigay
ng
marka
Gawain 1 Gawain 2
Maaaring
magkakaiba-iba
ang
kasagutan
Isinasalang-alang
ang
Rubriks
sa
pagbibigay
ng
marka
Gawain 3
Gawain 4
Maaaring
magkakaiba-iba
ang
kasagutan
Isinasalang-alang
ang
Rubriks
sa
pagbibigay
ng
marka
Gawain
4
1.
Tama
2.
Mali
3.
Tama
4.
Mali
5.
Tama
REPLEKSIYON
Maaaring
magkakaiba-iba
ang
kasagutan
Isinasalang-alang
ang
rubriks
sa
pagbibigay
ng
marka
1.
D
2.
A
3.
A
4.
B
5.
C
6.
A
7.
D
8.
A
9.
C
10.
A
Pagsusulit Repleksiyon
Gawain 5
Maaaring
magkakaiba-iba
ang
kasagutan
Isinasalang-alang
ang
Rubriks
sa
pagbibigay
ng
marka
15
X. Grupo ng Tagapaglinang
Grupo ng Tagapaglinang ng Gawaing Pampagkatuto
Manunulat: Ma. Isabel D. Andoy
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Edgardo Nunag, Maria Carmen Evangelista,
Melody S. Oreña, Rosalinda S. Ibarra, PhD
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo, Ala M. Elagio
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Mabalacat
P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga
Telefax: (045) 331-8143
E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

ESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Roselle Liwanag
 
ESP Modyul 7 Grade 9
ESP Modyul 7 Grade 9ESP Modyul 7 Grade 9
ESP Modyul 7 Grade 9
Crystal Lynn Gonzaga
 
ESP 9 Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
ESP 9  Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong PamamahalaESP 9  Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
ESP 9 Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
Roselle Liwanag
 
Esp 9 learning module
  Esp 9 learning module  Esp 9 learning module
Esp 9 learning moduleJean Casalem
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Teacher's GuideEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Teacher's Guide
DepEd - San Carlos City (Pangasinan)
 
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptxmga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
GeraldineKeeonaVille
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
DepEd - San Carlos City (Pangasinan)
 
Day #1 Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Elemento ng Kabutihang Panla...
Day #1  Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Elemento ng Kabutihang Panla...Day #1  Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Elemento ng Kabutihang Panla...
Day #1 Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Elemento ng Kabutihang Panla...
Ubaldo Iway Memorial National High School(UIMNHS)
 
Personal na pahayag ng misyon sa buhay pangdemo
Personal na pahayag ng misyon sa buhay pangdemoPersonal na pahayag ng misyon sa buhay pangdemo
Personal na pahayag ng misyon sa buhay pangdemo
ESMAEL NAVARRO
 
EsP 9-Modyul 14
EsP 9-Modyul 14EsP 9-Modyul 14
EsP 9-Modyul 14
Rivera Arnel
 
EsP 9-Modyul 15
EsP 9-Modyul 15EsP 9-Modyul 15
EsP 9-Modyul 15
Rivera Arnel
 
Es p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarterEs p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarter
Ludivert Solomon
 
COT POwer point Talento.ppt
COT POwer point Talento.pptCOT POwer point Talento.ppt
COT POwer point Talento.ppt
JoanBayangan1
 
module 2 in ESP 7
module 2 in ESP 7module 2 in ESP 7
module 2 in ESP 7
Daneela Rose Andoy
 
ESP Multiple Intelligence (MI) Survey
ESP Multiple Intelligence (MI) Survey ESP Multiple Intelligence (MI) Survey
ESP Multiple Intelligence (MI) Survey
Lemuel Estrada
 
EsP 9 Curriculum Guide rev.2016
EsP 9 Curriculum Guide rev.2016EsP 9 Curriculum Guide rev.2016
EsP 9 Curriculum Guide rev.2016
Chuckry Maunes
 
DLL in ESP 10
DLL in ESP 10DLL in ESP 10
DLL in ESP 10
welita evangelista
 
Kasipaganpagpupunyagipagtitipid
KasipaganpagpupunyagipagtitipidKasipaganpagpupunyagipagtitipid
Kasipaganpagpupunyagipagtitipid
temarieshinobi
 
DLL ESP 9.docx
DLL ESP 9.docxDLL ESP 9.docx
DLL ESP 9.docx
NelssenCarlMangandiB
 
Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang EkonomiyaPag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
zynica mhorien marcoso
 

What's hot (20)

ESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
 
ESP Modyul 7 Grade 9
ESP Modyul 7 Grade 9ESP Modyul 7 Grade 9
ESP Modyul 7 Grade 9
 
ESP 9 Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
ESP 9  Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong PamamahalaESP 9  Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
ESP 9 Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
 
Esp 9 learning module
  Esp 9 learning module  Esp 9 learning module
Esp 9 learning module
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Teacher's GuideEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Teacher's Guide
 
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptxmga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
mga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learner's Material
 
Day #1 Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Elemento ng Kabutihang Panla...
Day #1  Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Elemento ng Kabutihang Panla...Day #1  Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Elemento ng Kabutihang Panla...
Day #1 Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat (Elemento ng Kabutihang Panla...
 
Personal na pahayag ng misyon sa buhay pangdemo
Personal na pahayag ng misyon sa buhay pangdemoPersonal na pahayag ng misyon sa buhay pangdemo
Personal na pahayag ng misyon sa buhay pangdemo
 
EsP 9-Modyul 14
EsP 9-Modyul 14EsP 9-Modyul 14
EsP 9-Modyul 14
 
EsP 9-Modyul 15
EsP 9-Modyul 15EsP 9-Modyul 15
EsP 9-Modyul 15
 
Es p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarterEs p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarter
 
COT POwer point Talento.ppt
COT POwer point Talento.pptCOT POwer point Talento.ppt
COT POwer point Talento.ppt
 
module 2 in ESP 7
module 2 in ESP 7module 2 in ESP 7
module 2 in ESP 7
 
ESP Multiple Intelligence (MI) Survey
ESP Multiple Intelligence (MI) Survey ESP Multiple Intelligence (MI) Survey
ESP Multiple Intelligence (MI) Survey
 
EsP 9 Curriculum Guide rev.2016
EsP 9 Curriculum Guide rev.2016EsP 9 Curriculum Guide rev.2016
EsP 9 Curriculum Guide rev.2016
 
DLL in ESP 10
DLL in ESP 10DLL in ESP 10
DLL in ESP 10
 
Kasipaganpagpupunyagipagtitipid
KasipaganpagpupunyagipagtitipidKasipaganpagpupunyagipagtitipid
Kasipaganpagpupunyagipagtitipid
 
DLL ESP 9.docx
DLL ESP 9.docxDLL ESP 9.docx
DLL ESP 9.docx
 
Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang EkonomiyaPag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
Pag unawa sa Papel ng Lipunang Ekonomiya
 

Similar to ESP-9_Q4_Week-1.pdf

CAREER GUIDANCE FOR CHOOSING SHS TRACK/COURSE
CAREER GUIDANCE FOR CHOOSING SHS TRACK/COURSECAREER GUIDANCE FOR CHOOSING SHS TRACK/COURSE
CAREER GUIDANCE FOR CHOOSING SHS TRACK/COURSE
FatimaCayusa2
 
ESP-9_Q4_Week-2.pdf
ESP-9_Q4_Week-2.pdfESP-9_Q4_Week-2.pdf
ESP-9_Q4_Week-2.pdf
GerrieIlagan
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
JenniferTamesaOliqui
 
ESP PowerPoint.pptx
ESP PowerPoint.pptxESP PowerPoint.pptx
ESP PowerPoint.pptx
etheljane0305
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
Manuel Dinlayan
 
EsP 9-Modyul 13
EsP 9-Modyul 13EsP 9-Modyul 13
EsP 9-Modyul 13
Rivera Arnel
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Manuel Dinlayan
 
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxEsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
ESP
ESPESP
Mga Pamantayan sa Pagpili ng Kurso, Hanapbuhay o Negosyo Tungo sa Maunlad na ...
Mga Pamantayan sa Pagpili ng Kurso, Hanapbuhay o Negosyo Tungo sa Maunlad na ...Mga Pamantayan sa Pagpili ng Kurso, Hanapbuhay o Negosyo Tungo sa Maunlad na ...
Mga Pamantayan sa Pagpili ng Kurso, Hanapbuhay o Negosyo Tungo sa Maunlad na ...
Eddie San Peñalosa
 
Module 13 session 3
Module 13 session 3Module 13 session 3
Module 13 session 3
andrelyn diaz
 
Esp 7 q1 2021 month 2
Esp 7 q1 2021 month 2Esp 7 q1 2021 month 2
Esp 7 q1 2021 month 2
CarMel21
 
Produksiyon
ProduksiyonProduksiyon
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
nelietumpap1
 
MODULE 7-Kahalagahan ng Pag-aaral bilang Paghahanda Sa Pagnenegosyo at paghah...
MODULE 7-Kahalagahan ng Pag-aaral bilang Paghahanda Sa Pagnenegosyo at paghah...MODULE 7-Kahalagahan ng Pag-aaral bilang Paghahanda Sa Pagnenegosyo at paghah...
MODULE 7-Kahalagahan ng Pag-aaral bilang Paghahanda Sa Pagnenegosyo at paghah...
MaryGraceSepida1
 
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
HazelManaay1
 
EsP10_Q2_Mod8_KabutihanOKasamaanNgSarilingPasyaOKilos_V2.pdf
EsP10_Q2_Mod8_KabutihanOKasamaanNgSarilingPasyaOKilos_V2.pdfEsP10_Q2_Mod8_KabutihanOKasamaanNgSarilingPasyaOKilos_V2.pdf
EsP10_Q2_Mod8_KabutihanOKasamaanNgSarilingPasyaOKilos_V2.pdf
RohanifahAbdulsamad
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
GerrieIlagan
 

Similar to ESP-9_Q4_Week-1.pdf (20)

CAREER GUIDANCE FOR CHOOSING SHS TRACK/COURSE
CAREER GUIDANCE FOR CHOOSING SHS TRACK/COURSECAREER GUIDANCE FOR CHOOSING SHS TRACK/COURSE
CAREER GUIDANCE FOR CHOOSING SHS TRACK/COURSE
 
ESP-9_Q4_Week-2.pdf
ESP-9_Q4_Week-2.pdfESP-9_Q4_Week-2.pdf
ESP-9_Q4_Week-2.pdf
 
ARALIN 4 STRAND.pptx
ARALIN 4 STRAND.pptxARALIN 4 STRAND.pptx
ARALIN 4 STRAND.pptx
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 
ESP PowerPoint.pptx
ESP PowerPoint.pptxESP PowerPoint.pptx
ESP PowerPoint.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
 
EsP 9-Modyul 13
EsP 9-Modyul 13EsP 9-Modyul 13
EsP 9-Modyul 13
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
 
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxEsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
ESP
ESPESP
ESP
 
Mga Pamantayan sa Pagpili ng Kurso, Hanapbuhay o Negosyo Tungo sa Maunlad na ...
Mga Pamantayan sa Pagpili ng Kurso, Hanapbuhay o Negosyo Tungo sa Maunlad na ...Mga Pamantayan sa Pagpili ng Kurso, Hanapbuhay o Negosyo Tungo sa Maunlad na ...
Mga Pamantayan sa Pagpili ng Kurso, Hanapbuhay o Negosyo Tungo sa Maunlad na ...
 
Module 13 session 3
Module 13 session 3Module 13 session 3
Module 13 session 3
 
Esp 7 q1 2021 month 2
Esp 7 q1 2021 month 2Esp 7 q1 2021 month 2
Esp 7 q1 2021 month 2
 
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdfESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
 
Produksiyon
ProduksiyonProduksiyon
Produksiyon
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
 
MODULE 7-Kahalagahan ng Pag-aaral bilang Paghahanda Sa Pagnenegosyo at paghah...
MODULE 7-Kahalagahan ng Pag-aaral bilang Paghahanda Sa Pagnenegosyo at paghah...MODULE 7-Kahalagahan ng Pag-aaral bilang Paghahanda Sa Pagnenegosyo at paghah...
MODULE 7-Kahalagahan ng Pag-aaral bilang Paghahanda Sa Pagnenegosyo at paghah...
 
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
Edukasyon sa pagpapakatao 10 q2 mod7_layunin_paraansirkumtansyangmakataongkil...
 
EsP10_Q2_Mod8_KabutihanOKasamaanNgSarilingPasyaOKilos_V2.pdf
EsP10_Q2_Mod8_KabutihanOKasamaanNgSarilingPasyaOKilos_V2.pdfEsP10_Q2_Mod8_KabutihanOKasamaanNgSarilingPasyaOKilos_V2.pdf
EsP10_Q2_Mod8_KabutihanOKasamaanNgSarilingPasyaOKilos_V2.pdf
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
 

ESP-9_Q4_Week-1.pdf

  • 1. Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III DIBISYON NG MABALACAT CITY Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ________________ Paaralan: ______________________________________ Petsa: ___________________ GAWAING PAMPAGKATUTO Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Ikaapat na Markahan – Unang Linggo Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kurso Daan sa Maayos at Maunlad na Hinaharap I. Panimula Handa ka ba? Handa ka na bang pumili ng nais mong track o kurso sa pagtungtong mo sa Senior High School? Ano ang kailangan mong gawin na paghahanda? Kailangan mong magpasiya o pumili para sa iyong sarili kung ano ang nais mong kukuning kurso para sa Senior High School at upang mas maging tiyak na makatutulong sa iyo ang kagamitang pampagkatuto na ito. II. Kasanayang Pampagkatuto • Nakikilala ang mga pagbabago sa kaniyang talento, kakayahan at hilig (mula Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo. (EsP9PK - IVa -13.1) • Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang kaniyang talento at kakayahan ayon sa kaniyang hilig, mithiin, lokal at global na demand. (EsP9PK - IVa -13.2) III. Mga Layunin Pagkatapos ng Gawaing Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang: 1. mauunawaan ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kurso; 2. matutukoy ang interes o hilig at mga kaugnay na trabaho o hanapbuhay upang maging batayan sa pagpili ng tamang kurso; at
  • 2. 2 3. makabubuo ng plano ng mga hakbangin para sa kursong kukunin sa pamamagitan ng pagsusuri sa sarili (self-assessment) na magiging batayan sa pagpili ng tamang kurso o trabaho. IV. Pagtalakay “Mag-aral nang maige upang buhay ay bumuti.” (Kuya Kim Atienza) Sinasabi ng mga magulang mo na mag-aral nang mabuti para sa magandang kinabukasan at para sa inyong pamilya. Ang ganitong payo ay ibinabahagi nila sa iyo dahil ayaw nilang mararanasan mo ang hirap na naranasan nila sa buhay at ng iba nilang kakilala. May kakayahan ka na bang pumili sa kursong nais mo? O kaya’y nauunahan ka sa agam-agam o pagkalito dahil sa dami ng nanghihikayat sa iyo o dahil sa impluwensiya ng kapaligiran at sa lumalaking demand ng lipunan? Mahalagang maglaan ka ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong sa iyong makita ang iba’t ibang anggulo ng sitwasyon. Nasa unang hakbang ka ngayon ng pagpaplano sa iyong kukuning kurso, ang pagsusuring pansarili (self-assessment). Binubuo ito ng pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili. Maaari mong gamiting batayan upang malaman kung ikaw ay nasa tama o angkop na trabaho o kurso, o kung nasa ibang direksyon o linya ng trabaho ang nararapat sa iyo. Gamit ang kilos-loob, nakapipili tayo sa mga pagpipilian – mabuti man ito o masama. Kaya nga, ang kalayaan ay hindi lamang para gawin ang sariling gusto dahil nagiging daan ito upang ikaw ay magkamali sa pasiya o pagpili. Maipapayo na suriing mabuti ang mga plano sa buhay upang maging batayan sa maayos na tatahaking karera. Ayon kay Jurgen Habermas, isang Alemang pilosoper, ang pagiging indibidwal ng tao ay nilikha upang makipagkapuwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld), at itong buhay-na-mundo ay nabubuo naman sa pangkomunikasyon ng kaniyang mga kasapi. Dagdag pa niya, nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
  • 3. 3 Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Track o Kurso 1. Talento (Talents) Ito ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangan tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang track o kurso. Sa iyong pagsusuri mula sa mga talentong napaunlad mo na, alin pa sa mga ito ang natuklasan mo at ngayon ay napagtutuunan mo ng pansin at pagpapahalaga? Maaari bang isa-isahin mo ito upang maging konsiderasyon mo sa pag-iisip ng angkop na kurso para sa iyo? Balikan natin ang mga Talino o Talentong ito mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner (1983): a. Visual Spatial e. Musical/ Rhythmic b. Verbal/ Linguistic f. Intrapersonal c. Mathematical/ Logical g. Interpersonal d. Bodily/ Kinesthetic h. Existential Gamitin ang iyong kalayaang mag-isip at ang iyong malayang kalooban sa pagkakataong ito. Kung matagumpay mong maitutugma ang iyong talento sa trabaho/hanapbuhay ay makakamit mo ang kagalingan at produktibong paggawa. 2. Kasanayan (Skills) Ang kasanayan o skills ay isa ring maituturing mahalagang salik sa paghahanda sa iyong pipiliing kurso. Ito ay mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling. Ito ay madalas iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (profeciency). Upang makilala at matukoy mo ang iyong mga kasanayan sa isang bagay, kailangang ikaw ay may hilig o interes, may tiyak na potensiyal at malawak na kaalaman. Sa iyong pagsusuring pansarili, may mga tiyak ka bang kasanayan o skills na siyang magagamit mo sa pagtukoy ng iyong pipiliing kurso? Kung hindi mo pa tukoy ang mga ito, makabubuting tingnan at bigyan ng oras ang mga kategorya na nakalista sa ibaba (Career Planning Workbook, 2006): a. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) – nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod at nanghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip para sa iba.
  • 4. 4 b. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) – humahawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at ino-organisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatang sa kaniya. c. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) – nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal at biyolohikong mga functions. d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) – lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan. 3. Hilig (Interest) Nasasalamin ito sa mga paborito mong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakararamdam ng pagod o pagkabagot. 4. Pagpapahalaga (Values) Ito ay tumutukoy sa mga bagay na ating binigyan ng halaga. Ang mga ipinamamalas na pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya. 5. Katayuang Pinansiyal Mahalagang isaalang-alang mo ang kasalukuyang kalagayan o ang kakayahang pinansiyal ng iyong mga magulang. Makatutulong ang pansariling salik na ito upang ikaw ay magpasya nang malaya at kumilos ayon sa ikabubuti ng iyong sarili at pagiging produktibong bahagi ng lakas-paggawa. 6. Mithiin (Goals) Ito ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay. Kung ngayon palang ay matutuhan mong bumuo ng iyong personal na misyon sa buhay, hindi malabong makamit mo ang iyong
  • 5. 5 mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap. Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga materyal na bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangang isipin din ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat. Ang anim na pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal ay ilan lamang na gabay tungo sa iyong maayos na pagpili patungo sa maunlad na hanapbuhay na nag-aantay sa iyo sa pagtatapos mo sa Senior High School. Kaya, ngayon pa lamang mula sa iyong kakayahang mag-isip (intellect) at kalayaan ng kilos-loob (freewill) ay gamitin ito tungo sa tama at wastong pagpili o pagpapasya. V. Mga Gawain Gawain #1 Panuto: Itala ang iyong mga talento, kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga, katayuang pinansyal at mithiin noong ikaw ay nasa ika-7 Baitang at ngayong nasa ika-9 na Baitang ka na. At sagutin mo ang sumusunod na mga tanong. 1. Mayroon bang pagbabago sa talento, kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga, katayuang pinansyal at mithiin na nakaaapekto sa nais kong kurso sa pagtungtong ko sa Senior High School? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 2. Kung mayroon, anong pagbabago sa talento, kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga, katayuang pinansyal at mithiin noong ako ay nasa Baitang 7? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 3. Ano ang plano kong kursong kunin sa Senior High School? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________
  • 6. 6 Gawain #2 Panuto: Mula sa naitala mong sagot sa Gawain 1, iuugnay mo ito sa mga kasalukuyang sitwasyon mo sa buhay na ginagamit mo ang iyong kakayahang mag-isip (intellect) at malayang kilos-loob (freewill) na may kaugnayan sa pipiliin o kukuning mong kurso. Isulat ang sagot sa ibaba at gawing batayan ang halimbawang nakalagay. A. Paano mo pinahahalagahan bilang isang mag-aaral ang paggamit ng kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob sa pagpili ng kurso na nais mo? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ B. Ano ang paghahanda na iyong ginagawa upang matupad ang mga mithiin mo sa buhay sa pamamagitang ng pagpili ng angkop at tamang kursong nais mong kunin? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ Kakayahang Mag-isip (Intellect) Malayang Kilos-Loob (Freewill) Hal. Magdesisyon para sa aking nais na kurso - Engineering 1. _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ ____________ Hal. Maghanap ng mga unibersidad na may mababa ang matrikula (tuition fee) ngunit de- kalidad ang edukasyon. 1. _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ Hal. Mauunawaan na hindi lamang mataas na suweldo ang batayan ng kukuning kurso kundi kung ano ang gusto at interes ko. 2.________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ Hal. Makipag-usap sa mga magulang at iparating sa kanila ang iyong plano para sa kukuning kurso. 2.________________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ ____________
  • 7. 7 Gawain #3 Panuto: Sumulat o gumuhit ng isa sa mga sumusunod: awit, maikling kuwento, sanaysay, tula o poster tungkol sa kursong nais mong kunin sa Senior High School. Sa poster, ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong kurso. Rubrik para sa awit, maikling kwento, sanaysay, at tula RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN Puntos Nakuhang Puntos Pamantayan Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 10 Maayos ang organisasyon ng mga ideya. 7 Wasto ang pagbaybay at gramatika 3 Kabuuang Puntos 20 RUBRIK SA PAGGAWA NG POSTER Puntos Nakuhang Puntos Pamantayan Nilalaman: Naipakita at naipaliwanag nang maayos na angkop sa paksa. 10 Originality: Orihinal na ideya sa paggawa ng poster 7 Pagkamalikhain: Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay 3 Kabuuang Puntos 20 _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________
  • 8. 8 Gawain #4 Panuto: Bumuo ng plano upang makamit ang kursong nais mong kunin sa Senior High School. Isama rito ang maaaring makatulong o balakid na puwersa sa pagkamit ng mithiin sa buhay. Gawing batayan ang pormat na nasa ibaba. A. Naging madali ba sa iyo ang paggawa ng plano at anong mga salik ang naging basehan upang mabuo ito? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ B. Ipaliwanag kung bakit mahalagang makabuo ng plano sa kursong nais mo pagtungtong sa Senior High School? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ Mga Pantulong na Puwersa Mga Paraan para Mapalakas Mga Balakid na Puwersa Mga Paraan para Mapahina Hal. Masusing Pagsasanay Hal. Paglalaan ng malaking oras sa pagsasanay CAREER GOAL: Hal. Magkaroon ng skedyul sa bawat gawain Hal. Kawalan ng oras sa pagsasanay 1.___________________ ___________________ 2.___________________ ___________________ 1.___________________ ___________________ 2.___________________ ___________________ 1.___________________ ___________________ 2.___________________ ___________________ 1.___________________ ___________________ 2.___________________ ___________________
  • 9. 9 Gawain #5 Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa at MALI naman kung hindi. ________1. Ang pagsusuring pansarili ay binubuo ng pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili. ________2. Ang pagsusuring pansarili ang huling hakbang sa pagpaplano sa iyong kukuning kurso. ________3. Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng track o kurso. ________4. Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang sarili. ________5. Mahalagang maibabalik mo sa Diyos ang kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap kung ano ang mayroon ka bilang tao. VI. Pagsusulit Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Ito ay pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakasasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa. A. Hilig B. Talento C. Pagpapahalaga D. Kasanayan (skills) 2. Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos ng kaniyang pinili at ginusto nang may pananagutan? A. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob B. Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan C. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip D. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
  • 10. 10 3. Ano ang inaasahan sa lipunan na nilikha upang makipagkapuwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag- ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan? A. Makialam B. Makiangkop C. Makipagkasundo D. Makisimpatya 4. Kung ikaw ay naguguluhan sa mga pagpipili ng kurso para sa nalalapit na Senior High School, ano ang dapat mong gawin? A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan B. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano C. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon 5. Si Albert ay mula sa isang negosyanteng pamilya at siya ay nakapagtapos sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging matulungin ng kaniyang mga magulang. Sa kaniyang propesyon, dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni Albert sa pagpili ng kurso? A. Hilig B. Talento C. Pagpapahalaga D. Kasanayan (skills) 6. Alam ni Cecile na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya naghanap siya ng mga scholarship grant sa kanilang munisipyo at iba pang institusyon. Nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalaala upang maging gabay niya ito. Ano ang pansariling salik ang isinagawa ni Cecile? A. Mithiin B. Kasanayan C. Pagpapahalaga D. Hilig 7. Si Alma ay magaling at mahusay sa Matematika. Namana niya ito sa kanyang mga magulang. Bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High School, mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang dahil bukas siya
  • 11. 11 pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso? A. Hilig B. Talento C. Pagpapahalaga D. Kasanayan (skills) 8. Hindi kaya ng mga magulang ni Darrel sa gusto niyang kursong Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Baguio. Kaya naisipan niyang kumuha ng kursong Tech-Voc sa TESDA. Anim na buwan lamang ang pagsasanay at pagkatapos ay may naghihintay na trabaho sa ibang bansa. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Darrel sa kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan? A. Katayuang Pinansiyal B. Kasanayan C. Pagpapahalaga D. Talento 9. Bata pa lamang si Ted ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational Book, pagguhit at pagsusulat. Sumasali siya sa mga paligsahan sa paaralan at nananalo. Ito ang ginawa niyang batayan sa pagpili ng kurso na maging Journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Ted ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay? A. Pagpapahalaga B. Talento C. Hilig D. Kasanayan 10. Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino at talento. Ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino at talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School? A. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat B. Pagtutuunan ng pansin at palaguin C. Pahalagahan at paunlarin D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
  • 12. 12 VII. Pangwakas Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba. RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN PUNTOS NAKUHANG PUNTOS PAMANTAYAN Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 5 Maayos ang organisasyon ng mga ideya. 3 Wasto ang pagbaybay at gramatika 2 Kabuuang Puntos 10 1. Bakit mahalagang matukoy ang iyong mga interes/hilig, kasanayan (skills), talento, mga pagpapahalaga at mithiin sa buhay sa pagpili mo ng iyong kukuning kurso? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 2. Paano mo maiuugnay ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso, akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at isports sa iyong paghahanda para sa paghahanapbuhay? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________
  • 13. 13 VIII. Sanggunian Covey, Sean. 1998. The 7 Habits of Highly Effective Teens. New York: Simon and Schuster Dy, Manuel B. 2013. Contemporary Social Philosophy, Makati City: Katha Gayola, Sheryll T., et al. 2015. Edukasyon sa Pagpapaakatao- Ikasiyam na Baitang-Modyul para sa Mag-aaral- Unang Edisyon. Ground Floor Bonifacio Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City. Esp_9_lm_draft_3.31.2014-2 Santamaria, Josefina. 2006. Career Planning Workbook (4th ed.), Makati City: Career Systems, Inc Rivera, Arnel, 2018. Module 13: Mga Panasariling Salik sa Pagpili ng Track o Kurso. https://image.slidesharecdn.com/modyul13-180519002509/95/esp-9modyul-13-3- 638.jpg?cb=1526689549 Larawan: Gayola, Sheryll T., et al. 2015. Edukasyon sa Pagpapaakatao- Ikasiyam na Baitang-Modyul para sa Mag-aaral- Unang Edisyon. Ground Floor Bonifacio Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City. Esp_9_lm_draft_3.31.2014-2
  • 14. 14 IX. Susi sa Pagwawasto Maaaring magkakaiba-iba ang kasagutan Isinasalang-alang ang Kritirya sa pagbibigay ng marka Gawain 1 Gawain 2 Maaaring magkakaiba-iba ang kasagutan Isinasalang-alang ang Rubriks sa pagbibigay ng marka Gawain 3 Gawain 4 Maaaring magkakaiba-iba ang kasagutan Isinasalang-alang ang Rubriks sa pagbibigay ng marka Gawain 4 1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Mali 5. Tama REPLEKSIYON Maaaring magkakaiba-iba ang kasagutan Isinasalang-alang ang rubriks sa pagbibigay ng marka 1. D 2. A 3. A 4. B 5. C 6. A 7. D 8. A 9. C 10. A Pagsusulit Repleksiyon Gawain 5 Maaaring magkakaiba-iba ang kasagutan Isinasalang-alang ang Rubriks sa pagbibigay ng marka
  • 15. 15 X. Grupo ng Tagapaglinang Grupo ng Tagapaglinang ng Gawaing Pampagkatuto Manunulat: Ma. Isabel D. Andoy Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD Tagasuri ng Nilalaman: Edgardo Nunag, Maria Carmen Evangelista, Melody S. Oreña, Rosalinda S. Ibarra, PhD Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo, Ala M. Elagio Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III Rhoda T. Razon, PhD Elizabeth M. Perfecto, EdD Ma. Editha R. Caparas, EdD Rosalinda S. Ibarra, PhD Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI Leandro C. Canlas, PhD, CESE Elizabeth O. Latorilla, PhD Sonny N. De Guzman, EdD Myrna M. Valencia, EdD For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – Division of Mabalacat P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga Telefax: (045) 331-8143 E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph