2. Komunikasyon:
• Isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe
na kinasasangkutan ng magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig
at pag -unawa
3. Simpleng Proseso ng Komunikasyon
Tagapagsalita Mensahe Tagatanggap
Kasangkapan sa Paghahatid
4. Layunin
• -Magbigay daan tungo sa pag-uunawaan ng mga tao.
• -Makapagbahagi ng tamang impormasyon at kapaki-pakinabang na
kaalaman
• -Magbigay-diin o halaga sa mga paksa o isyung dapat mabigyang pansin,
talakayin, at suriin ng mga mamamayan.
• -Magbigay ng daan sa iba’t ibang kaisipan, damdamin at saloobin ng mga
tao
5. • - Komunikasyong Berbal
• -Komunikasyong Di-Berbal
Uri ng Komunikasyon
6. Antas ng Komunikasyon
• Intrapersonal
• Interpersonal
• Pampubliko
• Pangmasa
• Pang – organisasyon
• Pangkaunlaran
• Pangkultura
7. Ang kalagayan at kasaysayan ng wikang
pambansa ilalim ng mga Kastila.
• Ang dating paggamit ng Alibata ay napalitan ng paggamit ng Alpabetong Romano.
Ang Alpabetong Romano ay mayroong 20 titik – limang (5) patinig, at labinlimang
(15) katinig. At sa panahon ng Kastila, ang wikang Kastila ang naging opisyal na
wika ng Pilipinas.
• Ang wikang Kastila ang naging wika ng pamahalaan, edukasyon, at kalakalan sa
buong panahon ng pananakop nila sa bansa.
• Gobernador Francisco Tellode Guzman – nagsabi na turuan ng Espanyol ang mga
Indio
• Carlos I at Felipe II – naniwalang kailangang “bilingual” ang mga Pilipino
• Carlos I – nagmungkahi na ituro ang Doctrina Christiano gamit ang wikang Espanyol
• Ang unang gobernador heneral na Kastila ng Pilipinas ay si Miguel Lopez de Legazpi
at si Villalobos naman ang nagbigay ng pangalan sa bansa na “Felipinas” bilang
parangal sa Haring Felipe II ng panahon na iyon at sa kalaunan ay naging “Filipinas”.
8. Panitikan sa Panahon ng Propaganda at Himagsikan (1872-1898)
• Ang panahong ito ay bahagi pa rin ng panahon ng Kastila. Sa panahaong
ito unti-unting namulat ang kaisipang Pilipino. Ang mga dahilan ng
kanilang pagkakamulat ay:
• ang pagpapahintulot sa pakikipagkalakalan ng pandaigdig nang
buksan angSuez Canal;
• ang pagpasok ng diwng liberal sa Pilipinas buhat sa iba’t-ibang
bahaging uropa at spanya;
• ang pagiging !obernador "eneral ni Carlos #aria dela $orrena
nagkaroon ng pantay na pagtingin sa mga mamamayan
9. Panahon ng Amerikano
• Itinatag ng mga Amerikano ang mga pampublikong paaralan at ginamit
nila ang Ingles bilang wikang panturo nang dumating sila sa Pilipinas
noong 1898. Ang mga taong sabik magkaroon ng edukasyon ay pumunta
sa mga bagong bukas na mga paaralan.
• Noong 1901, sa pagrekomenda ng General Superintendent, ipinasa ng
Philippine Commission ang Act no. 74 at inilagay lahat ng paaralang
natatag na sa pangangasiwa ng Department of Public Schools at ginawa
ang Ingles bilang tanging wikang panturo. Di natagalan, itong probisyong
ito ay isinama sa Administrative Code noong 1917 sa ilalim ng Article IV,
Section 22.
10. • Itinakda sa preamble ng Jones Law noong 1916 ang kalayaan ng
Pilipinas kapag mayroon nang matatag na anyo ng pamahalan. Dahil
nakikinita nila na ang literasiya at wikang panlahat ang nagiging batayan
ng isang matatag na gobyerno, minabuti ng mga Pilipinong lider na
magampanan ng Ingles ang hinihinging ito ng batas.
• Tiniyak ng mga Pilipinong lider sa Estados Unidos na mananatiling
mahalaga ang Ingles sa paaralang pampubliko kahit na magkaroon ng
pagbabago ang politikal na estato ng bansa. Ito ang sagot nila sa mga
tanong ng mga Amerikanong lehislador na nababalisa tungkol sa papel
na gagampanan ng Ingles kung magkaroon na ng kalayaan ang Pilipinas.
11. • Pagkatapos magawa ang educational survey noong 1925,
nagkaroon ng alinlangan tungkol sa bisa ng wikang Ingles kaya
pinasa ng gobyerno ang Concurrent Resolution No. 17–inulit dito
ang suportang ibinigay sa mga paaralang pampubliko para
mapadali ang pagtatag ng isang bayang nagsasariling
namamahala, malaya, at demokratiko, at nakasalalay sa mga
mamamayang nakapag-aral at napakikinabangan. Sa wari, ang
literasiyang nilalayong matamo ay ang sa Ingles dahil ang Ingles
lamang ang ginagamit sa mga paaralang pampubliko.
12. • Ang pag-aproba ng Tydings-McDuffie Law na nagtatakda ng petsa ng
kalayaan ng Pilipinas ay nagpatahimik ng pag-alala ng mga Pilipinong
politikal na lider. Dahil dito, napawi ang kanilang pag-aalinlangan kung
ano ang dapat maging anyo ng isang matatag na gobyerno.
• Samantala, ang wikang Espanyol ay tuluyang nanamilay sa pagpasok ng mga bagong
opisyal na wika, ang Ingles at Filipino. Dahil dito’y napadali ang daloy ng kaisipan at
kaunlaran at ang epekto ng impluwensiyang pangkalinangan ay nakapagpatighaw sa
kalooban ng mga Pilipino upang kalabanin ang bagong kapangyarihang kolonyal.
Mababanaag sa ating panitikan sa panahong ito ang pagpasok ng bagong kultura na
di naglao’y lubusang lumukob sa katauhan ng higit na nakakaraming Pilipino.
13. Bilinggwalismo
• Ang bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang uri ng
lenggwahe o wika. Mula sa partikular na rehiyon o probinsiya na
ating kinabibilangan tayo ay may sariling dayalektong ginagamit sa
loob ng ating tahanan.
14. Multilinggwalismo
• Sa buong mundo nabibilang ang Pilipinas sa mga bansang may
maraming uri ng wika na ginagamit. Dahil sa nahahati sa kapuluan
at iba’t-iibang rehiyon ang ating lugar, tayo ay nagkaroon din ng
kanya-kanyang lenggwahe at dayalekto na ginagamit.
• Ayon sa huling talaan ng mga linggwistiko, tayo ay may halos 150
uri ng wikang ginagamit. Sa pananaliksik at pag-aaral nagkakaroon
tayo ng mga barayti at baryasyon ng wika.
15. BARAYTI NG WIKA
• Kilala rin sa Ingles na “variety”, ito ang sanhi ng pagkakaiba ng uri
ng lipunan nating ginagalawan, heograpiya, edukasyon,
okupasyon, edad, kasarian, at kung minsan, ang uri ng pangkat
etniko.
16. URI
1. Idyotek
Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal.
Bawat indibidwal ay may istilo sa pamamahayag at pananalita.
Halimbawa:
•“Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
•“Di umano’y -” – Jessica Soho
17. • 2.Dayalek- Heograpikang kinaroroonan ng isang tao
• Tagalog - Namumutan ta ka.
• Bikol – Namumutan ta ka.
18. • 3.Sosyolek-barayti na pansamantala lang at ginagamit
• ng pangkat ng mga tao
• Oh my God! It’s so mainit naman dito.
• (Naku, ang init naman dito!)
• Wag kang snobber
• (Huwag kang maging suplado)
•
19. 4. Etnolek
Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga
pangkat na etniko.
Halimbawa:
•Palangga – Sinisinta, Minamahal
•Kalipay – saya, tuwa, kasiya
•Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan
20. • 5. Ekolek
• to ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang
nagmumula sa mga bibig ng bata at matanda.
• Halimbawa:
• Palikuran – banyo o kubeta
• Papa – ama/tatay
• Mama – nanay/ina
21. • 6. Pidgin
• Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala
ninuman”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa.
• Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
• Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
• Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
22. • 7.Creole
• Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa
magkaibang lugar hanggang sa naging personal na wika.
• Halimbawa:
• Mi nombre – Ang pangalan ko
• Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?
23. 8.Register
Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na
pangkat o domain. May tatlong uri nito:
•Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito
•Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon?
•Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap