malalaman sa presentasyong ito ang layunin, Kahulugan, dalawang uri ng paglalarawan, mga halimbawa mga tatlong paraan ng paglalarawanmga kahingian sa epektibong paglalarwan, mga katangian ng mabisang paglalarawan, mga salik at elemento ng paglalarawan, mga katangian ng isang mabisang paglalarawan...
4. Layunin
• Maintindihan ang kahulugan ng paglalarawan
• Matukoy ang dalwang uri ng paglalarawan
• Matukoy ang pagkakataon at paraan ng paggamit ng
deskripsyon
• Maunawaan ang aralin sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
halimbawa at pagsulat ayon sa modelong sinuri at
• Upang maipamalas sa isip ng tagapakinig at mambabasa ng
isang malinaw at buong larawan.
5. Kahulugan
• Ang Paglalarawan ay isang diskurso na ang layunin ay
ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang nakikita ng mata,
ang naamoy ng ilong, ang nararamdaman ng balat o ng
katawan, ang nalalsahan ng dila o kaya naman naririnig ng
tainga.
6. • Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw
na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng
paggamit ng tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at pang-abay,
malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari na
ating nakikita, naririnig o nadarama.
• napapagalaw at napaiikot din ng paglalarawan ang ating mga guni-guni,
imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa.
7. Dlawang uri ng Paglalarawan
Karaniwan at masining na paglalarawan
8. Karaniwan o konkretong Paglalarawan (teknikal) - layunin nito ang magbigay ng
kaalaman hinggil sa isang bagay ayon sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat.
Sa pamamagitan ng tiyak na salitang naglalarawan, naipakikita ang fisikal o
konkretong katangian. Higit na bibinibigyang - diin sa paglalarawang ito kung ano
ang nakikita at hindi ang nilalaman ng damdamin o kuru-kuro ng manunulat.
• Payak ang paggamit ng mga salita upang mabigay kabitiran sa ayos at anyo ng tao
o bagay na inilarawan
9. • nagbibigay lamang ng impormsyon sa inilalarwan
1. ang pisikal na anyo
2. antas ng pamumuhay
3. pag uugali
4.mga nakasanayan atbp.
10. 2. Masining o abstraktong Paglalarawan - naglalayung pukawin ang
guni-guni at damdamin ng mambabasa. Higit na nabibigyang diin dito
hindi ang tiyak na larawang nakikita kundi ang makulay na larawang
nililikha ng imahinasyon. Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda
rito gaya ng mga tayutay at iba pang mga salitang patalinhaga.
11. Mga Halimbawa ng Masining o Abstraktong Paglalarawan:
1. Paglalarawan sa Tao
- ... sapagkat si Susana'y mukhang anghel ng kagandahan sa
kanya... (Talulot sa pagas na Lupa - Landicho)
12. • Naglalayon nitong pukawin ang kamalayan ng mambabasa sa
pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag ng damdamin at
isipan ng manunulat.
1.tula
2. nobela
3. maikling kwento at ibp.
13. • 1. Paglalarawan sa Tao
- ... sapagkat si Susana'y mukhang anghel ng
kagandahan sa kanya... (Talulot sa pagas na
Lupa - Landicho)
2. Paglalarawan sa
Damdamin- ...punung-puno ng nakatatakot na larawan ang kanyang
ulo. (O Pangsintang labis - Tumangan)
14. 3. Paglalarawan sa Bagay- ... ang dambuhalang makinang iyon ay
waring isang kapangyarihang nalalamon... (Makina - Marisa)
4. Paglalarawan ng tanawin o Lugar
- sa sinag ng bukang - liwayway ay tila nga naman nag-aanyayang
kung paano ang bahay na malaki. Tisang balot ng lumot sa bubong ay
tila nagliliwanag. pati ang kurtinang gagalaw-galaw sa marahang
simoy ng hangin ay tila kumakaway. (Kasalan sa Malakaing bayan -
Pineda)
16. Pagbuo ng isang pangunahing larawan- ito ay daan upang
makapukaw ng interes ng tagapakinig o mambabasa
Sariling pananaw o perspektib- bago simulan ang
paglalarawan, mahalagang maging malinaw sa isipan ng
tagapahayag kng ano ang kanyang layunin
17. Pagpili ng sangkap- ito ay nagsisilbing batayn ng tagapakinig
o mambabasa upang mapag-iba ang bagay na inilalarawan
Kaisahan - ang mga salita ay nararapat na naaayon sa
kabuuan ng inilalarawan
19. batay sa pandama - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan,
at narinig.
batay sa nararamdaman - bugso ng damdamin.
batay sa observasyon - batay sa observasyon ng mga
nagyayari.
21. ang paggamit ng wika
pagigin organiado ng paglalarawan
mga ginagamit na detalye
pananaw o punto de vista
ang naiiwang impresyon o kakintalan
23. May tiyak at kawili-wiling paksa
Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa
paglalarawan.
24. Iba't Ibang pananaw na magagamit:
distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito
kung nasa loob o labas
ayon sa sariling palagay o damdamin ng naglalarawan bunga ng
kanyang karanasan o ng karanasan ng ibang tao.
ayon sa sariling palagay batay sa kanyang narinig o nabasa.
25. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin;
pandinig; pang-amoy; panlasa at panalat.
may kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
May tiyak na layunin sa paglalarawan.