Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
Inihanda ni Abigail Alfaro
Organisasyon ng diskursong naglalarawan                             Sa paglalarawan, mahalagang bigyang pansin ang mga  ...
Organisasyon ng diskursong naglalarawan                 
Organisasyon ng diskursong naglalarawan                        Pinakakapansin-pansing katangian- sa paglalarawan  ng kag...
Organisasyon ng diskursong paglalarawan                         Kahalagahan ng mga detalye – maaari ring simulan  ang pa...
 Halos magputok sa bandang tiyan ang suot niyang  marusing na polo shirt. Doble ang kanyang  baba, namumutok ang mga bis...
Pangangatwiran o Argumentatibo                             Tulad ng diskursong paglalahad, ang diskursong  nangangatwira...
Pangangatwiran/Argumentatibo                        Ang balagtasan ay isang uri ng diskursong  argumentatibo. Hal: ―Ali...
―Aling Wika ang Mahalaga: Filipino o Ingles Ba?‖                     Gregorio M. Rodillo                             Maka...
Maka Ingles:Buong giting, isisigaw, wikang Ingles ang nais ko,Upang bansang Pilipinas ay higit pang umasenso;             ...
Pangangatwiran/Argumentatibo                             Karaniwan, kapag nabanggit ang diskursong  argumentatibo, ang a...
Pangangatwiran/Argumentatibo                               Mga iba‘t ibang paraan sa paghahanda ng  pangangatwiran:    ...
Pangangatwiran/Argumentatibo                        Halimbawa:1 ) Major premise – Lahat ng tao ay mortal    Minor premise...
Sanggunian                   Kab. 4; Sayusay: Sining ng Mabisang Pagpapahayag  ni Aurora E. Batnag, Teresita F. Fortunat...
Salamat sa pakikinig! 
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Organisasyon ng diskursong naglalarawan

13,547 views

Published on

Published in: Sports, Technology
  • Be the first to comment

Organisasyon ng diskursong naglalarawan

  1. 1. Inihanda ni Abigail Alfaro
  2. 2. Organisasyon ng diskursong naglalarawan  Sa paglalarawan, mahalagang bigyang pansin ang mga detalye at kung paano ihahanay ang mga ito. Mga paraan ng paghahanay ng mga detalye:  Kronolohikal – pag aayos ng detalye batay sa panahon ng pagkakaganap nito  Espasyo- ang mga detalye ay maaaring banggitin batay sa posisyon sa isang tiyak na lugar. Hal: Paglalarawan sa isang klasrum, maaaring magsimula sa pagbanggit sa pinto bago ilarawan ang mga silya, pisara at iba pa. Kung tanawin naman, maaaring simulan mula sa malayo palapit o mula sa malapit palayo.
  3. 3. Organisasyon ng diskursong naglalarawan 
  4. 4. Organisasyon ng diskursong naglalarawan  Pinakakapansin-pansing katangian- sa paglalarawan ng kagandahan ng isang babae, maaaring magsimula sa kanyang nangungusap na mga matang may malalantik na pilik, kung mga mata ang pinakamaganda niyang katangian.
  5. 5. Organisasyon ng diskursong paglalarawan  Kahalagahan ng mga detalye – maaari ring simulan ang paglalarawan sa pamamagitan ng unang pagbanggit sa bagay na sa palagay mo ay siyang pinakamahalaga. Hal: mga kalat sa klasrum, mga papel na lumilipad, at iba pa. Narito ang ilang halimbawa ng paglalarawan. Anong mga paraan ng paghahanay ng mga detalye ang ginamit dito?
  6. 6.  Halos magputok sa bandang tiyan ang suot niyang marusing na polo shirt. Doble ang kanyang baba, namumutok ang mga bisig. Gusot ang buhok na parang ilang buwan nang hinahabol ng barbero. Nagbago ang simoy ng hangin nang lumapit siya. Parang lata ng sardinas. Ito agad ang pumasok sa isip ko nang makita ko ang tirahan nila. Paano nagkakasya sa karampot na espasyo ang mag asawang may tatlong anak? Halos mauntog na ako gayong hindi naman ako matangkad. Ni hindi ko puwedeng iunat ang mga binti ko nang wala akong mababanggang bagay o bata.
  7. 7. Pangangatwiran o Argumentatibo  Tulad ng diskursong paglalahad, ang diskursong nangangatwiran o argumentatibo ay nagbibigay paliwanag sa isang bagay Ngunit ang paglalahad ay simpleng pagpapaliwanag, samantalang ang pangangatwiran ay hindi tumitigil sa paliwanag lamang. Ang pagpapaliwanag ay bahagi lamang ng ibig nitong natatamo. Mga layunin ng pangangatwiran/argumentatibo:  Papaniwalain  Hihikayatin  Akitin  At kumbinsihin ang tagapakinig o mambabasa tungo sa isang tiyak na aksiyon.
  8. 8. Pangangatwiran/Argumentatibo  Ang balagtasan ay isang uri ng diskursong argumentatibo. Hal: ―Aling Wika ang Mas Mahalaga: Filipino o Ingles Ba?‖ ni Gregorio M. Rodillo Pansinin ang makasining na paghahanay ng mga pangangatwiran upang makumbinsi ng isang panig ang mga nakikinig o nanonood ng balagtasan na siya ang paniwalaan
  9. 9. ―Aling Wika ang Mahalaga: Filipino o Ingles Ba?‖ Gregorio M. Rodillo Maka Filipino: Ang nais ko ‗y ipabatid sa mabunying katalo ko: Itong wika na sagisag nating mga Pilipino‘y Naghuhudyat na malaya, isang tunay na estado, Bansa nating tanging pugad ng dakila‘t maginoo Isang tanging tagabuklod ay sariling wika natin Upang tayo‘y pag-isahin sa layunin at mithiin; Itong wikang Filipino ay nanahan at nagsupling, Sa puso ng sambayanan, kaya‘t walang pagkapuril. Ang bayaning Jose Rizal, naglahad sa kanyang tula: Ang di marunong magmahal sa sarili niyang wika Ay mahigit pa sa hayop at ubod nang lansang isda; Kaya ikaw katalo ko mag-isip sana nang tama.
  10. 10. Maka Ingles:Buong giting, isisigaw, wikang Ingles ang nais ko,Upang bansang Pilipinas ay higit pang umasenso; Sa modernong pamumuhay at larangan ng negosyo.Di ba‘t Ingles iyang gamit, ang lengguwahe nitong mundo?Nais ko sanang itanong sa dakilang katalo ko,Karunungang pandaigdig, nasa anong wika ito?Sa Ingles din nasusulat ang klasikong mga libro,Ensayklopidyang Almanak at Webster na diksyunaryo.Sa pagiging makabayan, wika lang ba ang sukatan,Na tila ba pag nag-Ingles, taksil ka na‘t salawahan?Ang paggamit nitong Ingles, aminin mo, kaibigan,Sa pagdukal niyang dunong ay higit na nababagay.
  11. 11. Pangangatwiran/Argumentatibo  Karaniwan, kapag nabanggit ang diskursong argumentatibo, ang agad pumapasok sa isip ay debate, gaya ng ipinakitang halimbawa sa itaas, na patulang debate ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang paksa. Pansinin na ang pamagat ay isang tanong na tinatangkang sagutin sa balagtasan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga argumentong pabor o kontra. Malawak ang saklaw ng tekstong argumentatibo. Hindi lamang sa debate ginagamit ang pangangatwiran. Ginagamit din ang pangangatwiran sa editoryal, liham sa editor, sanaysay, propaganda, at patalastas. Mahalaga rin ang pangangatwiran sa prosesong hudisyal at sa akademya—sa paglalatag at pagtitimbang-timbang ng iba‘t ibang kaisipan at teorya.
  12. 12. Pangangatwiran/Argumentatibo  Mga iba‘t ibang paraan sa paghahanda ng pangangatwiran:  Analisis- pagsusuri sa paksa sa pamamagitan ng paghihimay-himay sa mga bahagi nito.  Sanhi at bunga- pag uugnay ng mga pangyayari batay sa kung alin ang sanhi ng aling bunga.  Induction- paghahanay ng mga ideya mula sa maliit na piraso ng ebidensya patungo sa kongklusiyon. (specific – general)  Deduction- kataliwas ng induction. Nagsisimula sa pangkalahatang kaalaman, bago maghinuha ng mga partikular na pangyayari. (general-specific)  Syllogism- binubuo ng tatlong bahagi: major premise, minor premise at kongklusiyon na hinahango sa mga premise.
  13. 13. Pangangatwiran/Argumentatibo Halimbawa:1 ) Major premise – Lahat ng tao ay mortal Minor premise- Si Socrates ay tao. Kongklusiyon: Samakatuwid, si Socrates ay mortal. * balido/valid2) Major premise: Lahat ng isda ay nakakalangoy. Minor premise: Si Ross ay nakakalangoy. Kongklusiyon: Samakatuwid, si Ross ay isda. *Hindi balido/invalid
  14. 14. Sanggunian  Kab. 4; Sayusay: Sining ng Mabisang Pagpapahayag ni Aurora E. Batnag, Teresita F. Fortunato, at Alvin Ringgo Reyes http://adikoalameh.blogspot.com/2011/12/silid- aralan.html http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter22/chapter22 0105.htm
  15. 15. Salamat sa pakikinig! 

×