3. LAYUNIN:
Mauunawaang mabuti ang uri ng komposisyon
(paglalarawan).
Makapagpapahayag ng pagpapahalaga sa sa
iba’t ibang paraan kung paano magagampanan
ang komposisyong paglalarawan bilang mag-
aaral at mamamayan.
Makabubuo ng komposisyong paglalarawan
hahamon sa kakayahang mag-isip batay sa
karanasang pansarili o pang-iba.
1.
2.
3.
7. PAGLALARAWA
N
Ito ay nagbibigay kulay at
nagpapatingkad sa hugis, anyo,
katangian ng mga tao, bagay,
lugar o pangyayari sa
pamamagitan ng paggamit ng
mga angkop na salita at iba
pang detalye na isinasama sa
paglalarawan.
11. Pagbibigay ng Pangunahing Larawan
03
Isinasaad sa pagbibigay ng pangunahing
larawan ang isang bagay na katangi-tangi
sa isang tao, pook o bagay, yaong
kakanyahang ikinaiiba nito sa karaniwan.
12. Pagpili ng mga sangkap
04
Pagpili ng mga katangian na
magpapatunay sa pangunahing
larawang ibinigay.
13. Pagsasaayos ng mga sangkap
05
Higit na mabisa ang isang gagawing
paglalarawan kung pagsunud-sunurin ang
mga sangkap na gagamitin sang-ayon sa:
14. a. Pagmamasid
- ito ay pagkuha ng pangunahing kakintalan
bago isa-isahin ang katangiang tinutukoy.
15. b. Agwat
- ito’y paglalarawan sang-ayon sa sariling
pagtingin, maaaring simulan sa itaas
patungong ibaba o sa labas bago patungong
paloob.
16. c. Mapa o Krokis (Drawing)
- ito’y paglalarawang ginagamitan ng mga
guhit o mapa upang mapadali at higit na
mabisa ang paglalarawan.
17. 01
• Dapat na piliin ang pinakaangkop na salita. Piliin
din ang sangkap ng paglalarawan na
makatutulong sa pagbuo sa diwa ng bumabasa.
02
• Dapat itong pumukaw sa iba’t-ibang pandama
upang madaling maunawaan ang paglalarawan.
03
• Higit na kailangan sa paglalarawan ang maingat
na pagpili ng mga salita upang malinaw na
maikintal ang larawan.
Tandaan!
19. Obhektibo o Kongkreto
Binibigay ang makatotohanang ayos at anyo na
bagay na inilalarawan sa pamamagitan ng tiyak
na impormasyon batay sa pisikal na katangian.
Inilalarawan din ito ayon sa limang pandama:
1. Paningin
2. Pandinig
3. Pang-amoy
4. Panalat
5. Panlasa
20. Tiyak na paglalarawan, halimbawa:
Si Jeromme ay matangkad, makisig, at
simpatikong ginoo. Dahil sa kanyang mabait at
nakakatuwang personalidad, hindi maikakaila na
maraming dalaga ang nagkakagusto sa kanya.
Ang mga dalagang sina Madelyn, Marjorie, at
Hanna ay nagtataglay ng mahalimuyak na amoy,
magagandang awra at sila ay matagumpay sa
kanilang napiling larangan. Silang tatlo ay umiibig at
nagkakagusto kay Jeromme.
21. Subbhektibo o Masining
Naghahatid ng buhay na larawan ayon sa
pagkakita at damdamin ng manunulat.
Layunin nitong mapagalaw ang imahinasyon nga
mambabasa upang makita ang larawan ayon sa
pandama, damdamin, at isipan ng naglalarawan.
22. Halimbawa:
Kahit na mukhang anghel sina Irene, izza, at
April, silay nag-away na parang mga manlalapang
tigre, sa kung sino ang nag-iisang nagmamay-ari sa
puso ni Jeromme.
Kumulo ang kanilang dugo sa isa’t-isat at sila’y
nagsagupaan. Para bang may giyerang nagaganap;
nagbabarilan ng mga malalaswang salita,
nagsasabunutan, at muntik nang dumanak ang dugo.
23. Teknikal
Madalas na ginagamit sa mga grap o
ilustrasyong ispesipikong matutukoy ang mga
katangian ng nais ipaliwanag.
Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang
tukoy na bagay o paksa.
24. Halimbawa:
Si Jeromme, Irene, Izza, at April ay mga totoong
tao. Ito’y mapapatunayan dahil sila’y nagtataglay ng
utak na ginagamit sa pag-iisip at imahinasyon,
dalawang pares ng paa at kamay na ginagamit sa
paggawa at paggalaw, at ang puso ang kumokontrol
sa pagdaloy ng dugo sa buong katawan.
Tayo’y nakakaramdam ng inisyal na damdamin
ng pagmamahal dahil sa tatlong kemikal sa utak:
noradrenaline, dopamine, at phenylethylamine.
25. CREDITS: This presentation template was created by
Slidesgo, and includes icons by Flaticon, and infographics
& images by Freepik
Salamat
sa
pakikinig!
Editor's Notes
Lahat tayo ay may kanya-kanyang paksa na maaring sulatin para sa personal, panlipunan, at akademikong pangangailangan.
Tatalakayin ko ngayon ang isang uri ng komposisyon. Ang deskriptibo o paglalarawan.
Ang Mga Uri Ng Komposisyon ay Nahahati Sa Apat Na Klasipikasyon.
Gaya nang sabi ko ang paglalarawan lamang ang aking tatalakayin ngayon.
Ano nga ba ang deskriptibo?
Nakasalalay naman sa kaayusan ng mga detalye upang magkaroon ng tiyak na larawan sa diwa ng nakikinig o bumabasa ang pagiging epektibo ng pagsulat ng deskriptibong komposisyon.
Sa pagsusunod-sunod ng detalye sa paglalarawan ay dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:
Halimbawa: Pag ibig
Dapat alam mo ang pagkakaiba ng pag-ibig sa pamilya, kaibigan, at romantikong relasyon.