Ang pagbasa ay pagkilala at pagpapakahulugan ng mga nakalimbag na simbulo upang maiparating ang ideya ng manunulat sa mambabasa. Mahalagang benepisyo ng pagbasa ang pagdagdag ng kaalaman, pagpapayaman ng talasalitaan, at paghuhubog ng kaisipan. Kailangan ang malusog na pangangatawan at isipan, at ang pagkakaroon ng interes at relasyon sa pagitan ng manunulat at mambabasa upang maging epektibo ang proseso ng pagbasa.