SlideShare a Scribd company logo
KABANATA 1: Pagtitipon 
“ Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago 
Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing 
pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito 
ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa 
kalye ng Anluwage. Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar 
na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong 
nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng 
Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa 
mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña 
at ang kabiyak nitong si Donya Victorina. Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi 
nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng 
Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si 
Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil. Bawat grupo ng mga panauhin ay may kani - 
kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap 
ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga 
Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa 
Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa 
pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang 
pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay 
mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin 
ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob 
ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa 
sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang 
nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na 
ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang 
marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay 
na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na 
mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na 
pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.”
KABANATA 2: Si Crisostomo Ibarra 
“ Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan. 
Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik siya sa kamay ng 
mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang 
binata. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak ng kanyang 
nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag - 
aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin 
kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya. 
Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata. 
Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito 
ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang 
pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng 
Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni 
Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan 
ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat 
patungo siya sa San Diego sa araw na iyon. ”
KABANATA 3: Ang Hapunan 
“Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang 
mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay 
nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at 
nataamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing 
pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na 
natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapag-painis sa Donya. Ang ibang bisita 
naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan. Sapagkat ang 
hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa 
kabisera. Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng 
kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa 
lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang 
padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa 
Tinyente, na tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit 
magalang itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang 
napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay mga leeg at 
pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa 
kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra. Kasabay ng kainan ang 
mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng 
pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga 
bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng 
kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa 
nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na 
wala ngang alam ang binata. Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang 
antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat 
pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling 
bansa. Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong 
matutunan; at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi. 
Magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga ala - 
ala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na 
kaibigan ng kanyang ama. Hindi naman nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa 
pagitan nila ng ama ni Ibarra. Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila 
nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-alipusta 
si Padre Damaso sa binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios Coloniales ang 
kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon. ”
KABANATA 4:Erehe At Pilibustero 
“ Maikling Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 4 Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo 
at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang 
pinagbago ang kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang 
natunghayan sa kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang bayang iyon. 
Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang 
kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng 
San Diego, matulungin at maraming nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring 
naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil sa 
ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga 
pari. May isang Kastila doon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. 
Hinirang ito ng Don bilang kulektor. Isang araw, hindi nakapag-pigil ang kolektor sa mga batang 
nagtatawa sa kanya kaya't inakma niyang saktan ang mga bata. Kumaripas ng takbo ang mga 
bata at ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa. Tumumba ang 
bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at inawat niya ang 
artilyero. Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa kakapalag nito 
ay tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan ni Don Rafael ang bata, ang Kastila naman ay 
sumuka ng dugo at natuluyang mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil, 
ikinulong si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Kabilang sa mga 
paratang sa kanya ang pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal 
na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang 
ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, 
pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog. Ang dating mga 
kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya. Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang 
naging kakampi ni Don Rafael, sa kabila ng paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay 
nasisiraan ng bait. Si Tinyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni 
Don Rafael. Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang kanyang 
mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang masaklap ay hindi pa 
man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang 
mga pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung 
kayat ito ay nagkasakit. Tuluyan na itong namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang 
nakiramay na kapamilya o kaibigan.”
KABANATA 5: Isang Tala Sa Gabing Madilim 
“ Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa kanyang silid 
ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa 
durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan 
Tyago. Tila bagat naririnig pa niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga 
pinggan at kubyertos at tugtog ng mga orkestra. Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay 
nagaganap uli ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung 
kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring malalapit sa 
ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria 
Clara, na nakasuot ng isang marangyang kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at 
ginto. Si Donya Victorina naman ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na 
mahilig sa mga magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga 
dalaga roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara. Madaling 
nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng antok 
sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.”
KABANATA 6: Si Kapitan Tyago 
“ Si Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit kumulang 35 taong gulang, ay nag -iisang anak ng isang 
negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Hindi siya pinag-aral ng kanyang ama bagkus ay 
naging katulong at naturuan naman siya ng isang paring dominiko. Itinuloy niya ang 
pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama, nakilala si Pial Alba mula sa bayan ng Sta. Cruz at 
sila ay nagpakasal. Kapwa mahusay magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag bilang 
pinakamayaman kayat sila ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan. Si Kapitan Tyago ay 
mailalarawan bilang isang magandang lalaki, may morenong pangangatawan, pandak, at 
bilugan ang mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito. 
Naninilibihan siya bilang gobernadorcillo, at kasama sa kanyang paglilingkod ay ang hamakin 
ang mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain. Itinuturing din ng Kapitan na 
siya ay isa nang Kastila, at ang mga Pilipino ay Indio. Sa paniniwala ng Kapitan, ang mga Kastila 
ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga. Kaibigan siya ng 
lahat ng mga may kapangyarihan, lalong lalo na ang mga pari. Kung kaya't hindi mawawala ang 
kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit. Nabibili niya ang kabanalan at mga 
santo na kanyang maibigan. Ang kanyang silid ay punong-puno ng mga dinadasalang katulad 
nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis, San Antonio 
Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, 
Maria at Hosep). Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari -arian, 
kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. Ito ang naging daan upang makilala nila ang 
kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra. 
Sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa loob ng anim na taon ay hindi 
pa sila nagkaka-anak sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni Padre 
Damaso na mamanata sila sa Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual 
Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao. Makalipas ang kaunting panahon ay 
nagdalantao nga si Pia Alba, (sa panghahalay na rin ni Padre Damaso bagamat ang 
katotohanang ito ay nailantad sa kalaunan). Ngunit ang babae ay naging masasakitin at 
tuluyang namatay pagkatapos ito ay manganak. Pinangalanang Maria Clara ang bata at 
kinalinga ni Tiya Isabel. Binusog din siya ng pagmamahal nina Kapitan Tyago at mga prayle. 
Lumaking magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan. Ipinasok 
ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta Catalina ng ito ay 
maging katorse anyos. Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. 
Si Kapitan Tyago at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, 
bagay na indi naman tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan.”
KABANATA 7: Suyuan Sa Asotea 
“ Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos 
mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng gawain. Si Tiya Isabel ay naglinis ng 
bahay dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng nakaraang gabi. Nagbuklat naman ng mga 
kasulatan tungkol sa kabuhayan si Kapitan Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang kausap din 
ang ama upang malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at 
siya ay hindi mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta. Napagpasyahan na siya 
ay magbakasyon sa San Diego sapagkat nalalapit na ang pista doon. Pamaya-maya ay dumating 
na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta ang dalaga. Pumasok pa ito sa silid at tinulungan 
naman siya ni Tiya Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa 
bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang mga 
mata. Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng 
pagwawalis ni Tiya Isabel. Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang 
nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang 
naging tampuhan at mabilis na pagbabati. Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na 
ibinigay nila sa isa't-isa: ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra 
upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak papuntang Europa. 
Binasa ito ni Maria Clara sa katipan. Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag -aralin si 
Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan. 
Handa rin itong magtiis na mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan 
ang kanyang hangarin. Dito natigilan si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami 
siyang kailangang gawain. Nagpaalam na ang binata at pinagbilinan ni Kapitan Tyago si Ibarra na 
sabihin sa kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon doon. Hindi naman mapigilan ni Maria na 
maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra, kaya't sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si 
Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay.”
KABANATA 8: Mga Alaala 
“ Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila. Maganda ang panahon 
ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang mga alaala. Ang 
kanyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kanya nang nakita: mga kalesa at 
karumatang walang humpay sa pagbibyahe, salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal 
at kanya-kanyang gawain: may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador, ang 
iba ay kababaihan na nagtitinda ng prutas. Nanduon din ang mga tindahan at mga hayop na 
kasama sa paghahanapbuhay. Ang punong Talisay sa San Gabriel ay walang pinagbago, ang 
Escolta naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang kaayusan. Ang mga karwahe ay 
nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga pari, kabilang na si Padre Damaso. 
Namataan naman siya ni Kapitan Tinong kung kayat binati siya nito. Napadako naman siya sa 
kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako. 
Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan niyang 
hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat 
ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng 
panahon. Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong 
pari: 1) Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan ay dapat 
linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan-kung 
ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na 
ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.”
KABANATA 9: Mga Suliranin Tungkol Sa Bayan 
“ Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon. 
Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya 
namang pagdating ni Padre Damaso. Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay 
hindi minabuti ng pari. Bubulong bulong ito na umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. 
Sinalubong siya ng Kapitan at inabot nito ang kamay upang magmano ngunit tinanggihan ito ng 
Pari. Bagkus ay sinabi kaagad nito na ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. Dito 
ay sinabi niya na hindi dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si Kapitan sapagkat siya 
ang pangalawang ama ni Maria Clara. Dapat na ring itigil ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa 
binatang si Ibarra. Sinabihan din nito na and Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng 
kabutihan para sa kanyang mga kaaway. Nakumbinsi ng pari ang kapitan kaya't pagka-alis ng 
nito, pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra 
pauwi sa bayan ng San Diego. Sa kabilang dako, nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento 
ng Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dinalaw niya ang matandang pari na may matinding sakit. 
Ibinalita niya dito ang mga nakaraang kaganapan, katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre 
Damaso sa bahay ni Kapitan Tyago. at ang pagpanig ng Tinyente diumano sa kapitan-heneral at 
pakikipag-alyansa kay Padre Damaso. Nakipagpalitan din ng saloobin ang matandang maysakit, 
at dito ay sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga 
kayamanan. Natututo na rin aniya ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian.”
KABANATA 10: Ang San Diego 
“Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas, matatagpuan sa baybayin ng lawa at 
may malalawak na kabukiran. Ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayan na ito ay pagsasaka at 
dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo, nalalamangan sila ng mga 
dayuhang tsino. Kung pagmamasdan ang buong bayan mula sa ituktok ng simbahan, kapansin 
pansin dito ang isang gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran. Katulad ng ibang bayan sa 
Pilipinas, pinamumunuan ito ng simbahan at sunud-sunuran lamang ang pamahalaan dito. Si 
Padre Damaso ang kura paroko sa simbahan na iyon bago ito mailipat sa ibang bayan dahil sa 
ginawa nito kay Don Rafael Ibarra. Iilan lamang ang may mataas na tungkulin at kinikilala sa 
bayang iyon, ang mga Kastila at ilang mayayamang Pilipino. Ayon sa alamat, may isang 
matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego, matatas magtagalog at malalalim ang 
mga mata. Bumili siya ng gubat sa pook na iyon at pinambayad ang kanyang mga ari -arian tulad 
ng damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng 
isang balete. Ang pangyayaring ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya't 
sinunog ng ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas sa ilog. 
Kalaunan, dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Pinagsikapan nitong 
sinupin ang mga naiwang ari-arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila. Dito rin sila 
nanirahan sa San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang ama ni 
Ibarra. Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa pagsusumikap nito, ang San 
Diego ay naging bayan mula sa pagiging nayon. Kalaunan, ang pamumunong ito ni Don Rafael 
ay naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan.”
KABANATA 11: Ang Mga Makapangyarihan 
“Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San 
Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa 
bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. 
Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at 
pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang 
iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, 
sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang 
posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng 
gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan 
ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang 
kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko 
na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit 
kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang 
naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit 
sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig 
magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural 
lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng 
dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.”
KABANATA 12: Araw Ng Mga Patay 
“ Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuna sa isang malawak na palayan at nababakuran 
ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking krus na nakatirik sa 
kalagitnaan. Makipot ang daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-ulan at maalikabok 
naman kung tag-araw. Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao 
ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay batikang 
sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Hindi nito 
maitago ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at paghitit ng 
sigarilyo. Sinaway ng batikang sepulturero ang kanyang kasama sa pagrereklamo nito at 
pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang sa maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay 
na kanilang hinuhukay, sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng 
mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre 
Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. 
Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila 
na itapong ito sa lawa. Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o 
casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa 
kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at 
ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang 
iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng 
kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari -arian din at kabilang sa mataas 
na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na 
pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa 
pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at 
madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? 
Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya 
sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang 
masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre 
Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, 
mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si 
Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan 
ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa 
publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.”
KABANATA 13: Mga Babala Ng Bagyo 
“ Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementaryo kasama ang kanilang 
matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Ayon sa 
kanyang katiwala, ang libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga. 
Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at tinanong nila ito ang libingan ng kanyang ama. 
Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at 
hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura paroko. Higit na 
ikinasindak ito ni Ibarra at ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at 
poot ay iniwan ni Ibarra ang kausap at ng makasalubong niya si Pari Salvi ay hindi nito 
napigilang daluhungin ang pari. Humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong 
lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama. Ipinaalam naman ng huli na ang may kagagawan 
niyon ay si Padre Damaso.”
KABANATA 14: Si Tasyo, Ang Baliw o Ang Pilosopo 
“ Nang araw na iyon ay dumalaw din sa libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin ang puntod ng 
kanyang asawa. Si Don Anastacio ay kilala sa bansag na Pilosopo Tasyo, kilala ng lahat ng tao sa 
San Diego sa kakaiba nitong personalidad. Lagi itong laman ng lansangan at lakad ng lakad. 
Marami rin itong sinasabing pananaw tungkol sa pulitika at lipunan, bagay na hindi 
nauunawaan ng karamihan kayat tinawag nila itong baliw. Matalino ang matanda at 
matalinghaga kung manalita. Galing siya sa isang mayamang pamilya at nag-aral ito sa 
unibersidad ng San Jose. Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa paniniwalang ang 
katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan ang Diyos. Minarapat din ng kanyang 
ina na mag-pari na lamang ang binata, bagay ni sinuway naman ng Pilosopo at bagkus ay nag-asawa 
na lamang. Pagkalipas ng isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa halip na mag-asawang 
muli ay inilaan na lamang sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan na nito 
ang minanang kabuhayan mula sa kanyang ina. Kapansin pansin ang kakaibang kasiyahan sa 
mukha ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng papadating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa 
kalangitan. Matalinghaga rin ang kanyang sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon, 
na ang bayo ang siyang lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang 
lilinis sa sanlibutan. Suhestyon din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat imbes na 
mga paputok at kwitis. Hindi rin nito sinang-ayunan ang pagpapatugtog ng mga batingaw 
sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog. Pinagtawanan naman siya ng bawat makarinig. 
Tumuloy naman ang Pilosopo sa simbahan at doon ay naabutan niya ang dalawang bata at 
sinabihan niya ito na kung maari ay umuwi sila sa kanilang ina dahil ang huli ay naghanda ng 
isang espesyal na hapunan. Bagay na bagamat natuwa ang mga bata ay tumanggi ang mga ito 
dahil na rin sa tungkulin sa simbahan. Patuloy na naglakad lakad si Tasyo hanggang sa 
makarating sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila ang pagdating ni Ibarra sa 
bayan at nabanggit ng Pilosopo na naramdaman niya ang paghihinagpis ni Ibarra ng malaman 
ang sinapit ng kanyang ama. Sinabi rin nito na isa siya sa anim na taong nakipaglibing sa ama 
nito. Napadako ang kanilang usapan patungkol sa purgatoryo, isang bagay na hindi 
pinaniniwalaan ng Pilosopo at pinaniniwalaan naman ng marami. Hindi man siya naniniwala 
dito ay nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay gabay upang ang tao ay 
mabuhay ng malinis. Kalaunan ay nagpaalam na ang matanda at masiglang masiglang lumakad 
palayo sa gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog.”
KABANATA 15: Ang Mga Sakristan 
“ Ang dalawang sakristan ay sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa at siyang kausap ni Pilosopo 
Tasyo sa simbahan. Hinabilin ng huli ang inihandang hapunan ng kanilang ina. May matinding 
suliraning hinaharap ang dalawang musmos at ito ay lubos na nagdudulot ng kawalang pag -asa 
sa magkapatid, lalo na kay Crispin, ang nakababata sa dalawa. Pinagbintangan kasi siya ng Pari 
na nagnakaw ng dalawang onsa o halagang P32.00. Ang sahod lamang nila ay dalawang piso sa 
isang buwan, kung kayat hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi, at ang pataw na 
multa ng tatlong beses. Hiniling nito sa kanyang kuya na tulungan siyang bayaran ang 
ibinibintang sa kanya ng pari, bagay naman na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa kailangan niya 
itong ibigay sa kanilang ina upang may makain. Nahiling tuloy ni Crispin na mabuti pang lahat 
sila ay magkasakit. Nangulila din ang bata sa kanyang ina, na kung ito ay kapiling nila tiyak 
niyang ipagtatanggol sila nito sa kalupitan ng mga pari. Naisip rin niya na mabuti pa nga ay 
ninakaw na lang niya ang nawawalang pera at ng sa gayon ay maibabalik pa niya ito at mamatay 
man siya sa palo ay may maiiwan naman siya sa kanyang ina at kapatid. Nag-aalala naman si 
Basilio sa galit ng ina kapag nalaman nito na napagbintangang magnanakaw ang kanyang 
kapatid. Buo naman ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina na ginawa niya 
iyon, dahil ipapakita niya ang maraming latay sa buo niyang katawan dahil s a palo ng kura, pati 
ang bulsa niyang butas. Sasabihin rin niya na ang tangi niyang pera ay isang kuwalta lamang na 
aginaldo sa kanya noong nakaraang pasko, at pati ito ay pinag-interesan ng ganid na prayle. 
Bukod sa mga palong tinatamo ni Crispin, gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na siya 
pinapakain mula ng siya ay pagbintangan. Patuloy na nag-uusap ang magkapatid tungkol sa 
kanilang kalagayan at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor. Narinig nito ang 
kanilang pag-uusap at nagpupuyos ito sa galit. Pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang 
maling pagpapatugtog nito sa kampana. Sinabi naman nito kay Crispin na hindi siya makakauwi 
hanggat hindi niya ibinabalik ang ninakaw na salapi. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, bagay 
na nakapagpahamak pa sa kanya sapagkat hindi siya papauwiin hangang hindi ika-sampu ng 
gabi. Ang desisyon ng sakristan ay lubhang mapanganib para kay Basilio sapagkat mahigpit na 
ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam 
ng gabi. Pagkasabi nito ay kinaladkad na ng sakristan si Crispin at hindi na magawang 
makiusap ni Basilio sa pangamba at awa sa kapatid. Dinig na dinig nito ang pagpapalahaw at 
daing ng kapatid dahil sa sakit na nararamdaman. Wala siyang magawa kundi ang matulala at 
balutin ng matinding paghihinagpis, awa, at kawalang pag-asa na may magawa siya para 
tulungan at baguhin ang kalagayan ng kapatid. Sa kabila ng kamusmusan ng kaisipan ay tumindi 
ang pagnanais na makapag-araro sa bukid upang maka-alis sa kalupitan ng simbahan. Kasabay 
ng pagtila ng ulan ay ang pagpapatihulog ni Basilio mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang 
lubid ng kampana.”
KABANATA 16: Si Sisa 
“Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing ina nila 
Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas na ganda nito ay 
pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking walang idinulot sa 
kanya kundi dalamhati. Gabi gabi itong nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy 
sa lansangan. Wala itong pakialam sa buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong 
bugbugin kapag ito ay umuuwi. Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng 
kanyang asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy ay diyos. Naghanda ng 
masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na hindi nila madalas matikman 
sa kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga bata: tuyong tawilis at sariwang kamatis 
para kay Crispin; at tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok naman para kay Basilio, 
mula sa kagandahang loob ni Pilosopo Tasyo. Sa kasamaang palad, ang naunang dumating ay 
ang kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang inihain niya para sa kanyang mga 
anak. Hindi man lang nito itinanong ang kalagayan nilang mag-iina at bagkus ay inihabilin pa na 
bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata. Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi 
maghinagpis sa pag-ala-ala na wala na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa 
kanyang mga anghel. Nagluto siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang mga bata 
pagdating nito mula sa simbahan. Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay 
ay nakarinig siya ng malalakas na tawag mula kay Basilio.”
KABANATA 17: Si Basilio 
“Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa Ina na siya ay 
hinabol ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito nagawang huminto sa 
paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin sa kuwartel. Sinabi rin nito sa ina na sabihing 
nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang tunay na nangyari. Napag-alaman din ni 
Sisa na napag-bintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni 
Sisa dahil sa awa sa kanyang anak. Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni 
Crispin sa kamay ng Sakristan. Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at bagkus ay nag - 
alala ng todo sa kanyang ina ng malaman nito na dumating ang kanyang ama. Alam kasi nito 
ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa kanyang ina. Sa hinagpis at galit ni Basilio ay 
naisambulat nito na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at mabuhay silang tatlo na 
lamang. Sa ganitong kalagayan ay mabubuhay pa sila ng maayos, na siya namang pinagdamdam 
ni Sisa. Para sa kanya, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay mamarapatin pa rin niyang 
magkakasama silang lahat. Nakatulugan ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at pagod. 
Binangungot ito sa kalagitnaan ng tulog sapagkat nakita niya sa kanyang panaginip ang 
pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin. Pinalo nila ng yantok si Crispin sa ulo 
hanggang ito ay duguang humandusay sa lapag. Nagising si Basilio sa yugyog ng kanyang ina, at 
pinagtapat na lamang niya ang pangarap niya para sa kanyang ina at kapatid. Nais niyang 
huminto na sa pagsasakristan kasama ni Crispin, magpapastol siya ng baka at kalabaw na pag - 
aari ni Ibarra, at pagsapit niya ng edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid, siya ay hihiling ng 
kapirasong lupa para sakahin. Pauunlarin niya ang sakang iyon hanggang sa umunlad ang 
kanilang buhay. Pag-aaralin din niya si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang kanyang ina ay hihinto 
na sa pananahi. Bagamat nagpakita ng pagkatuwa ang kanyang ina, lihim naman itong 
nasasaktan dahil hindi na sinama ni Basilio ang kanyang ama sa mga plano nito.”
KABANATA 18: Mga kaluluwang Naghihirap 
“Si Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga matatanda sa 
bayan tungkol sa nalalapit na kapistahan habang naghihintay na makausap ang Padre. Nais 
nilang malaman kung sino ang magmimisa, kung si Padre Damaso ba or si Padre Martin o ang 
coordinator? Napag-usapan ng mga matatanda ang tungkol sa pagbili ng indulgencia para sa 
kaligtasan ng mga namatay na kaanak na patuloy na nagdurusa sa purgatoryo. Ang isang 
indulgencia ay katumbas ng mahigit isang libong taon na kaligtasan mula sa pagdurusa sa 
purgatoryo. Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi nila namalayan ang pagdating ni 
Sisa. May dalang handog si Sisa para sa mga prayle. Nag-ani siya ng mga sariwang gulay mula sa 
kanyang mga tanim at pako na paborito ng kura. Tumuloy na si Sisa sa kusina ng kumbento 
upang iayos ang kanyang mga dala. Hindi man lamang siya pinansin ng mga sakristan at mga 
tauhan sa kumbento. Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto. Napag-alaman niya na 
maysakit ang pari at hindi niya ito makakausap. Nagimbal din siya sa nalaman na si Crispin ay 
tumakas kasama ng kanyang isa pang anak pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa. 
Alam na ito ng mga gwardiya sibil at kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang hulihin 
ang kanyang mga anak. Tinuya rin siya nito na hindi niya naturuan ng kabutihang asal ang 
magkapatid at higit sa lahat ay nagmana ang mga ito sa kanyang walang kwentang asawa. 
Nagtatakbo si Sisa palabas ng kumbento sa pagkagimbal sa narinig at sa pag-aalala nito sa 
kanyang mga anak.”
KABANATA 19: Mga Suliranin Ng Isang Guro 
“Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan naitapon 
ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing. Isinalaysay ng 
butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong 
nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan 
sa pagtuturo nuong siya ay nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga suliraning 
kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng panggastos para 
sa mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng 
walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo, ang 
mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng 
pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan. Ang mga libro ay 
nasusulat sa Kastila at kahit anong tyaga ng guro na iaral sa kanyang mga estudyante ang 
nilalaman ng babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong 
mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, 
kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman 
ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedesiplina at 
pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi 
upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang magturong muli, higit pang 
nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre 
Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa 
kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang 
kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa 
relihiyon. Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang 
makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. 
Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.”
KABANATA 20: Ang Pulong Sa Tribunal 
Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag -uusap ng 
mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina Ibarra at ang 
guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na 
siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo 
naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon 
ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at 
aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sinamantala ng 
mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang 
katuturan ang ibang mga pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don 
Rafael. Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may 
talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa a t 
magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo. Binanggit din ni Don 
Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong kasiya siya ang pista. Hindi naman 
lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na 
nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga 
gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga San Diego. Ang sentro din ng pagtatanghal ay 
dapat mga sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang 
pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na 
prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.”
KABANATA 21: Mga Pagdurusa Ni Sisa 
“Sa narinig mula sa kusinero ay kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang bahay. Hindi 
mawala sa kanyang isipan ang mga pangitain na dadamputin ng mga gwardiya sibil ang kanyang 
mga anak at ang bintang na pagnanakaw ng salapi ng dalawang bata. Namataan niya ang mga 
gwardya sibil na papalayo sa kanilang bahay, bagay na nakagaan sa kanyang takot sapagkat 
hindi nito kasama ang kanyang mga anak. Nang magpang-abot sila ng gwadiya sibil sa daan, pilit 
siyang pinaamin na ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang mga anak. Bingi ang mga 
gwardiya sibil sa kanyang pagmamakaawa at pangangatwiran kung kaya't kinaladkad siya ng 
mga ito papuntang kwartel. Hiyang- hiya si Sisa habang kinakaladkad ng mga gwardiya sibil sa 
harap ng taong-bayan, lalo na ng sa oras na iyon ay natapat na tapos na ang misa at ang mga 
tao ay kasalukuyang lumalabas ng simbahan. Lahat ay napapatigil sa nagaganap na eksena sa 
lansangan at walang magawa si Sisa kundi panghinaan ng loob at mag-iiyak. Pagdating sa 
kwartel ay inihagis siya ng mga ito at nagsumiksik na lamang siya sa isang sulok. Bingi ang lahat 
sa kanyang pakiusap at pagmamakaawa. Tanghali na ng pakawalan siya ng Alperes. Umuwi si 
Sisa sa kanilang bahay at muling hinanap ang kanyang mga anak. Ngunit ala ni anino o tinig ng 
mga bata kahit sa bakuran. Pumanhik muli siya ng bahay at namataan niya ang punit na damit 
ni Basilio na may bahid ng dugo. Hindi niya matanggap ang nasilayan at nilamon ng pighati ang 
kanyang katinuan. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan habang sinasambit ang pangalan ng 
kanyang mga anak.”
KABANATA 22: Liwanag At Dilim 
“Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 22 Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni 
Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng 
kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas 
na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara 
ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng magkatipan na 
magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na 
huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi 
naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang 
dalawa ay dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. 
Inimbitahan ni Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura. 
Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya 
ang isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.”
KABANATA 23: Ang Piknik 
“Madaling araw pa lamang ay masigla ng nagsisigayakan ang mga kababaihan at kabinataan 
para sa kasiyahan sa araw na iyon. Magkakasamang naglalakad ang mga kababaihan, hiwalay sa 
kalalakihan. Kasama rin sa piknik na iyon ang mga kawaksi at matatandang babae. Sasakay sila 
sa dalawang bangka habang mangingisda sa ilog. Magkakasama ang matatalik na magkaibigan 
na sina Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng at Sinang sa isang bangka. Hindi mapigilan ang 
kanilang mga tawanan at kwentuhan, bagay na nag-uudyok kay Tiya Isabel upang sila ay 
sawayin. Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng butas ang bangkang sinasakyan ng mga 
kalalakihan kung kaya't sila ay napalipat sa bangka ng mga dalaga. Nagkaroon naman ng 
katahimikan sa panig ng mga dalaga sapagkat sila ay inatake ng hiya. Si Elias naman ay patuloy 
lamang sa pagsagwan sa bangka. Upang hindi mainip at maaliw ang lahat, umawit si Maria ng 
Kundiman at ang lahat ay parang idinuyan sa awitin. Malapit ng maluto ang agahan, kung kaya't 
gumayak na ang mga kalalakihan upang mangisda. Sa kasamaang palad, ni isang isda ay wala 
silang nahuli sapagkat may buwayang naroroon. Nabahala ang mga kababaihan sa paglitaw ng 
buwaya at lalo na ng nilundag ito ni Elias. Naglaban ang dalawa sa ilog, ngunit higit na malakas 
ang buwaya. Kagyat namang lumundag si Ibarra sa tubig upang tulungan si Elias. Napatigagal 
naman si Maria sa ginawang iyon ni Ibarra, at tila ba tumigil na rin ang kanyang paghinga. 
Natalo naman ng dalawa ang buwaya at nagpatuloy sila sa pangigisda hanggang sa sila ay 
makahuli ng sariwang isda. Masayang nananghali ang mga magkakaibigan sa ilalim ng mga puno 
malapit sa batisan.”
KABANATA 24: Sa Kagubatan 
“Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag -almusal, ngunit hindi na nito tinapos 
ang pagkain at nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay pinahinto na 
niya ang karwahe upang sa gayon ay malayang makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi 
naman siya nabigo sa ninais na mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at masayang 
pinagmamasdan ang mga binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang 
ng pari ang kanyang sarili na sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang niya ang 
mga kalalakihan. Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik. Nabanggit ni Padre 
Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na dumating si 
Sisa at nais ni Ibarra na siya ay pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis 
itong papalayo sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan 
nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng una na higit 
pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Pumagitna na sa 
Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang dalawa. Lumayo si Ibarra at nakiumpok 
sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung 
may mga katuparan ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap 
lamang. Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at pahintulot 
sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at 
Sinang. Dumating naman si Padre Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya, 
malaking kasalanan ang maniwala sa nilalaman nito. Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa 
kura na mas malaking kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba. Lumayas naman 
kaagad ang kura at padabog na bumalik ng kumbento. Makalipas ang ilang sandali ay dumating 
naman ang mga gwardya sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay Ibarra sapagkat ito ang 
nanakit kay Padre Damaso. Kinuwestyon din nila si Ibarra sa pagkupkop niya kay Elias, bagay na 
sinalungat ni Ibarra at sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang desisyon 
kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya sibil ang 
kagubatan ngunit ala silang nakitang Elias.”
KABANATA 25: Sa Tahanan Ng Pilosopo 
“Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo tungkol sa paaralan 
na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala sa pagsusulat ng hieroglyphics sa 
wikang Tagalog. Napansin naman siya ng matanda at siya ay inanyayahan nito. Binanggit ni Pilosopo 
na ang kanyang mga sinusulat ay walang makakaunawa sa ngayon sapagkat ang mga susunod na 
henerasyon ang tanging makauunawa ng kanyang saloobin. Ayon sa kanya, ang mga susunod na 
salinlahi ay mga walang piring sa mata at gising sa nangyayari sa lipunan. Nabanggit ni Ibarra na 
kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki, ramdam niya na palagay ng mga tao na siya ay dayuhan 
lamang. Kung kaya't kailangan niya ang payo ng matanda sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao. 
Sumalungat naman si Pilosopo at iminungkahi na dapat niyang isangguni ang kanyang mga 
binabalak sa mga kinikilalang tao sa lipunan, katulad ng Kura. Magbigay man ng masasamang payo 
ang mga makapangyarihan sa bayan, maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang mga binabalak at 
ginagawa ay ayon sa pinagkasunduan ng mga makapangyarihang tao sa bayan. Mainam pa na 
pakunwari na lamang siyang sumunod kaysa maging kalaban pa niya ang mga iyon. Hindi naman ito 
lubos na sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat naniniwala siyang ang matuwid na layunin ay hindi na 
kailangang balutan ng baluktot na gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na sasang-ayunan siya ng 
pamahalaan at ng mga tao sa bayan sapagkat ang kanyang ninanais ay ang kapakanan ng 
nakararami. Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo Tasyo na ang kapangyarihan ng simbahan ay higit pa 
sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi niya dito na kung nais niyang matupad ang 
kanyang mga balakin ay marapat na yumuko muna siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw 
niyang walang mangyari sa kanyang mga balakin. Hindi matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya 
ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ang kanyang mga pananaw ay ideolohiyang liberal, na kanyang 
nakamulatan sa pag-aaral sa Europa. Ang mga ganitong prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa 
simbahan na siyang nagmamay-ari ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa kanilang nasasakupan. 
Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang kalagayan ni Ibarra sa mga halaman: sa rosas na yumuyuko rin 
sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at kung hindi ito ay mababali lamang; at sa puno ng 
makopa na kailangan pa niyang tukuran upang kumapit ang mga ugat nito sa lupa dahil kung hindi 
niya ito gagawin ay ibubuwal lamang ito ng hangin. Ganito rin si Ibarra sa kanyang pananaw. Isa 
siyang punong itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa- kailangan niya ng 
makakapitan at masasandalan. Aniya, hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko 
at pag-iwas sa dumarating na punlo, mas mainam iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at 
tuluyan ng hindi makabangon. Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung hindi lubos ang pagtulong 
ng simbahan sa kanyang mga balakin dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw ng simbahan sa 
pagpapayaman at kung may maiiwan ba siyang legacy sa kanyang mga binabalak para sa bayan. 
Binigyan naman siya ng inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man siya 
magtagumpay ay may uusbong na pananim na siyang magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan. 
Nagpaalam na si Ibarra pagkapahayag nito kay Pilosopo Tasyo sa kanyang pakay sa kura.”
KABANATA 26: Ang Bisperas Ng Pista 
“Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas pa lamang ng Pista 
ay nakahanda na ang lahat. Nagagayakan ang mga bahay ng kanilang mga pinakagarbong 
palamuti, kurtina at iba't-ibang dekorasyon at pati na mga minana at antigong kagamitan. Ang 
hapag-kainan naman ng mga mayayaman ay punong-puno ng mga iba't-ibang masasarap na 
putahe, kakanin, panghimagas at mga inangkat at mamahaling mga alak mula pa sa Europa. 
Inilalaan ang mga pagkaing ito para sa lahat, kahit na taga-ibang bayan upang maging masaya 
ang kapistahan. Ang bawat sulok ng bahay ay malinis at makintab, sadyang pinaghandaan at 
iginayak para makita ng lahat. Maya't maya rin ang pagpapaputok ng kwitis, batingaw ng 
kampana at tugtugan ng mga banda ng musiko. Ang plasa naman ng San Diego at mga 
matataong lugar ay pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin ang harapan ng simbahan na 
nilagyan ng tolda para sa prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para sa pagtatanghal ng 
komedya at iba pang palatuntunan. May partisipasyon sa kasayahan ang mga mayayaman sa Sa 
Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pa. Si Padre 
Damaso naman ang nakalaang magmisa sa umaga. Ang mga magsasaka at mahihirap ay 
iginayak ang kanilang mga pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang 
bukirin. Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa 
kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Sagot niyang lahat ang gastos dito, at 
magalang na tinanggihan ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng pari. Ang bahay-paaralan 
na kanilang itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa Europa, hiwalay ang mga babae sa lalaki, 
may lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang - 
disiplina sa mga batang mag-aaral. Marami ang humanga sa kanyang ginawa ngunit marami din 
naman ang palihim niyang naging kaaway.”
KABANATA 27: Sa Pagtatakipsilim 
“Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat ikinasisiya niya ang 
mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang mamanugangin, lalo na at kahit sa 
Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa ganitong pagkakataon ay kasama siyang mapupuri 
sa mga pahayagan. Samu't saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa ibang bansa ang 
nasa kanyang tahanan. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling 
bato. Nagkita sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si Maria na 
mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at kinumbida ng mga ito si Ibarra, na 
pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si Ibarra na duon na maghapunan sapagkat 
darating si Padre Damaso, na magalang namang tinanggihan ni Ibarra. Lumakad na ang 
magkatipan kasama ang mga kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si Simang at 
ito ay sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila ang liwasang bayan, sinalubong 
sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si Maria at binigay niya dito 
ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka ng kanyang mga kasama. Lumapit naman 
ang walang katinuan na si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at 
sinabing anduon ang kanyang mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng pakanta-kanta. Lumisan 
na rin ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria. Napag-isip isip ni Maria na marami pala 
ang mga mahihirap at kapus-palad at iyon ay naging lingid sa kanyang kaalaman.”
KABANATA 28: Sulatan 
“Katulad ng inaasahan, nalathala sa pahayagan sa Maynila ang mga naganap sa 
kapistahan ng San Diego. Iniulat ang marangyang kapistahan at mga tanyag na tao 
sa San Diego, pati na rin ang mga musiko, at mga palatuntunang naganap. Kasama 
rin sa balita ang mga pari sa bayan, ang komedyang naganap at mga mahuhusay 
nitong artista, na tanging mga Kastila lamang ang nasiyahan sapagkat ang 
komedyang iyon ay idinaos sa wikang Kastila. Ang mga Pilipino naman ay 
nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi naman dumalo si Ibarra sa mga palabas 
na iyon. Kinabukasan ay nagkaroon ng prusisyon para sa mga santo at santa. 
Nagkaroon din ng misa na pinamunuan ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din 
ng sayawan na pinangunahan ni Kapitan Tyago at Maria. Ikinayamot naman ito ng 
huli. Sinulatan ni Maria si Ibarra sapagkat ilang araw na niya itong hindi nakikita. 
Hiniling ng dalaga na siya ay dalawin at nagpaimbita ito na imbitahan siya ni Ibarra 
sa pagpapasinaya ng binata ng bahay-paaralan.”
KABANATA 29: Ang Kapistahan 
“Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin 
ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. 
Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng 
kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang 
bawat tahanan at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni 
Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang 
ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at 
marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong 
pananaw ngunit ala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay 
na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na 
magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga - 
pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang 
santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka -iba ng 
antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos 
ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra 
at ilan pang mga Kastila.”
KABANATA 30: Sa Simbahan 
“Dito inilalarawan ni Jose Rizal ang kanyang pagtutol sa mapanlait at mahahayap 
na ugali ng mga prayle noong panahong iyon. Bagamat siya ay tumatangkilik sa 
relihiyon, hindi naman niya maatim ang mga kagaspangan ng pag-uugali ng mga 
prayle. Inilalarawan din ang matapat na pagtangkilik ng mga Pilipino sa relihiyong 
nakagisnan, kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang kabuhayan. Dinumog ng 
lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at iyakan 
ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa halagang 
P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysa 
sa komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit, 
samantalang impyerno naman sa komedya. Hindi naman sinimulan ang misa 
hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na 
magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya 
na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na ang lahat 
upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso. Sinamantala naman ng Padre ang 
walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel 
Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit siyang magaling 
magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang mag-sermon hanggat 
hindi ito tapos makapag-mayabang.”
KABANATA 31: Ang Sermon 
“Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at nagsermon sa 
wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal 
na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David, ang mapagwaging si Gideon, at 
si Roldan na isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino 
na binibigkas sa wikang Kastila kung kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan 
ng kanyang mga sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto 
upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat karamihan ng mga tao doon ay walang 
naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si 
Kapitan Tyago. Si Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang 
kanilang mga mata. Sinimulan na din sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. 
Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang 
kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na walang ibang pinatutunguhan ang 
kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap 
kung kaya't nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang 
kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy pa ng kalahating 
oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na 
nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag -ingat at 
huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong ikamatay. Wala namang 
nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.”
KABANATA 32: Ang Panghugos 
“Tunghayan ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 32: Nagkaroon ng demonstrasyon 
ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa paggamit ng panghugos bago ganapin ang 
pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito ay may walong metro ang taas at ang apat na 
haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking 
lubid na sa tingin ay napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong 
paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw 
kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na 
napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa 
paligid. Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang araw 
na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin. 
Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. 
Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay 
sa isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol 
sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong 
dilaw ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng 
tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya 
winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki -isa sa pagsaksi ay 
humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit 
ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng 
malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli 
si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.”
KABANATA 33: Malayang Kaisipan 
“Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay Ibarra. Nagkakilala 
rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito. Matutunghayan ang katalinuhan ni Elias sa kabila ng 
kawalan nito ng pormal na edukasyon. Palihim na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila 
ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang 
kanyang mga kaaway kahit na ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas 
niya sa balak ng taong dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, 
bagamat mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin ng 
isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama". Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong 
dilaw at napag-alaman nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod 
kapalit ng kanyang mga kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw 
sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang. Bagay na sinalungat 
naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa hukuman ang taong dilaw dahil sa 
kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa pagkato ni Elias 
sapagkat marami itong nalalaman at ang kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang 
mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni 
Elias na siya ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si Elias at nangako ng 
katapatan kay Ibarra.”
KABANATA 34: Ang Pananghalian 
“Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago. 
Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang 
dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria sa gawing kanan 
at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang 
mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga kawani ng pamahalaan at mga 
kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa 
dumarating si Padre Damaso. Habang kumakain ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. 
Napadako ang usapan sa hindi pagdating ni Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga 
magsasaka sa mga kubyertos, ang mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga 
anak, at kung ano-ano pa. Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay 
bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni 
Padre Damaso ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang 
maiba ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si 
Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kayat 
inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra kung 
kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang 
katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.”
KABANATA 35: Mga Usap-Usapan 
“Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 35. Ang pangyayaring naganap sa pananghalian 
ay naging mainit na usapan sa buong bayan ng San Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre 
Damaso sapagkat ayon sa kanila, hindi mangyayari ang nangyari kung nagtimpi lamang si Ibarra. 
Si Kapitan Martin lamang ang tunay na nakaunawa sa ikinilos ng binata, sapagkat walang 
sinuman ang hindi makakapag-pigil kung ang ama ang lalalapastanganin. Ang mga matatandang 
babae sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari sapagkat baka sila ay mapunta sa 
impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang nalugod sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa 
kanyang ama. Ang mga magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa na hindi matuloy ang 
paaralan, na ang kahulugan niyon ay hindi pagkatuto ng kanilang mga anak. Inihayag ni Don 
Filipo sa pag-aakalang hangad ni Ibarra na tumanaw ng utang na loob ang taong bayan sa 
ginawang kabutihan at ng ama nito. Ganunpaman, ala pa ring katwiran si Ibarra sapagkat laging 
ang tama ay ang mga prayle. Isa pa, ang mga mayayaman at prayle ay may pagkakaisa, hindi 
katulad ng taumbayan na watak-watak kung kayat mananalo ang mga pari. Kumalat ang usap-usapan 
na tinawag nang Pilibustero ng mga prayle si Ibarra, hindi naman ito madalumat ng mga 
mahihirap.”
KABANATA 36: Ang Unang Suliranin 
“Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Kapitan Tiyago kayat 
naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat na pag-istima sa 
panauhin. May nalalabi pang oras upang makapag-gayak at ito ay sinamantala ng lahat maliban 
kay Maria Clara. Si Maria Clara ay patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na 
makipagkita kay Ibarra hanggat hindi ito ekskomunikado. Naging walang silbi ang pang -aalo ni 
Tiya Isabel at Andeng sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa Papa 
aty magbigay ng malaking limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Si Andeng ay 
nagprisintang makagagawa ng paraan upang magkausap ang magkatipan. Bumalik si Kapitan 
Tyago mula sa kumbento at isiniwalat nito Kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na 
sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos 
naman na bawal nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng kapitan na 
limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa 
sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi makayanang marinig ni Maria kung kaya't lalo itong 
naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama 
na si Padre Damaso- na isang binatang kamag-anak nito at manggagaling pa mula sa Europa. 
Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at pinagsabihan ito na 
hindi parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan 
ng Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi sila nito 
pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga pari. Tinapos na nito ang usapan at hinarap ang 
paghahanda sa bahay. Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na nga ang Kapitan-Heneral at 
napuno na rin ang bahay ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Si Maria naman ay pumasok sa 
loob ng silid at taimtim na nananalangin ng pasukin ni Tiya Isabel. Sinusundo siya nito upang 
harapin ang Kapitan Heneral sapagkat ipinapatawag ito. Sumunod naman ang dalaga.”
KABANATA 37: Ang Kapitan Heneral 
“Naunang kinausap ng Kapitan Heneral ang binatang nakagalitan ni Padre Damaso ng ito ay 
lumabas sa kalagitnaan ng sermon. Inakala ng binata na siya ay sasamain ngunit pagkatapos 
niyang makausap ang Kapitan Heneral ay nakangiti itong lumabas ng silid. Sumunod niyang 
hinarap ang mga reverencia sa bayang iyon: sina Pari Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba pang 
mga prayle. Nagpakita naman ng buong paggalang ang mga pari sa pagyuko nila sa Kapitan. 
Binanggit din nila ang pagkakasakit ni Padre Damaso kaya't wala siya sa araw na iyon. Sumunod 
namang humarap sa Heneral sina Kapitan Tyago at Maria Clara. Pinuri ng Heneral ang 
katapangan nito sa paggitna sa away ni Ibarra at Damaso, at ang pagbabalik ng hinahon ni 
Ibarra dahil na rin sa kanya. Binanggit nito na dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawa, na 
tinanggihan naman ng dalaga. Kalaunan ay dumating na rin si Ibarra upang makausap ng 
Heneral. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na ang binata ay excomulgado ngunit hindi ito pinansin 
ng pari at sa halip ay ipinaabot ang pagbati kay Padre Damaso. Pagkatapos ay umalis ang mga 
pari na hindi naibigan ang ipinakita ng Heneral. Malugod na binati ng Heneral si Ibarra at pinuri 
sa ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng kanyang ama. Sinabi rin ng Heneral na kakausapin 
niya ang Arsobispo tungkol sa pagiging excomulgado ng binata. Napansin ng Heneral na medyo 
nabalisa si Maria, kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. 
Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot. Malalaman sa pag-uusap ng 
binata at Kapitan Heneral na kilala ng binata pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya. 
Ipinamalas din ng Heneral ang paghanga sa katalinuhan ni Ibarra bagamat iminungkahi ng huli 
na mas makabubuting sa Europa siya manirahan sapagkat ang kanyang kaisipan ay nararapat 
lamang sa kaunlaran ng ibang bansa. Magalang namang tumanggi si Ibarra at sinabing higit na 
matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Ilang sandali pa ay binanggit ng Heneral kay Ibarra na 
kausapin si Maria at inihabilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tyago. Umalis naman si Ibarra 
upang puntahan ang katipan. Samantala, itinagubilin naman ng Heneral sa alkalde mayor na 
protektahan si Ibarra upang maisakatuparan nito ang mga layunin ng binata. Tumango naman 
ang Alkalde bilang pagsunod. Dumating naman si Kapitan Tyago at pinuri ito sa pagkakaroon ng 
mabuting anak at mamanugangin. Nagprisinta rin ang Heneral na maging ninong sa kasal. 
Samantala, si Ibarra naman ay nagpunta sa silid ni Maria ngunit sinabi sa kanya ni Sinang na 
isulat na lamang nito ang kanyang sasabihin dahil sa mga oras na iyon ay gumagayak sila 
papunta sa dulaan.”
KABANATA 38: Ang Prusisyon 
“Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng 
prusisyon. Lahat ng nakiisa ay may dala-dalang mga kandila at parol. Ang prusisyon na iyon ay 
ukol sa mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego 
De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim 
na Hermano Tercero. Magkakasamang naglalakad ang Kapitan Heneral, mga kagawad, Kapitan 
Tiyago, alkalde, alperes at Ibarra. Ang huli ay napilitang sumama dahil na rin sa pag -imbita ng 
Heneral. Sa harap ng bahay ni Kapitan Tyago ay may isang kubol na pagdarausan ng pagbigkas 
ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Pinangungunahan ng tatlong sakristan ang pila ng 
prusisyon, na sinusundan naman ng mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol 
na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa 
sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng 
kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon. Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago inihinto ang 
mga karo at andas ng mga santo. Isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, 
nakabanda at may bigkis ang lumabas upang simulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Kastila at 
Tagalog. Sumunod naman ay ang pag-awit ni maria at lahat ay nabighani sa ganda ng kanyang 
tinig. Ramdam naman ni Ibarra ang pighating nararamdaman ng kanyang katipan sa boses nito. 
Napukaw ang atensyon ng binata ng ito ay kausapin ng Heneral tungkol sa hapunan kung saan 
kailangan nilang pag-usapan ang pagkawala ng dalawang sakristan na sina Crispin at Basilio.”
KABANATA 39: Si Donya Consolacion 
Si Donya Consolacion ay asawa ng alperes at nagpipilit maging mukhang taga-Europa sa 
pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din 
ang pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa 
kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay dating labandera na nakapag -asawa ng 
isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang 
pag-uugali. Ng araw na iyon, iniutos ni Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila 
na alam nitong tatapat ang prusisyon. Buong araw na siyang nagngingitngit dahil sa galit sa 
kanyang asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na 
ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang pag-alipusta at pagmura nito sa 
kanya. Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na 
dalawang araw ng nakakulong. Inutusan niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi 
naman maintindihan ni Sisa, kung kayat hindi ito sumunod. Nagalit ang Donya at dito niya 
ibinuhos ang galit na nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa. Hinampas niya ito ng latigo 
at inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa sakit ang babae ay hindi pa rin ito sumunod 
sa kapritso ng donya. Walang nagawa ang donya kundi utusan ang gwardiya sibil na pakantahin 
ito, na sinunod naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin 
ng donya kung kayat nawala sa isip nito na magsalita sa Tagalog, na ikinagulat naman ng 
gwardya sibil. Napansin naman ito ng Donya kung kaya't pinaalis niya ito. Hinarap naman niya si 
Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang 
kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat. 
Ang pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang 
isang kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag-aalaga 
ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan.”
KABANATA 40: Ang Karapatan At Lakas 
“Si Donya Consolacion ay asawa ng alperes at nagpipilit maging mukhang taga -Europa sa 
pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din 
ang pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa 
kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay dating labandera na nakapag -asawa ng 
isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang 
pag-uugali. Ng araw na iyon, iniutos ni Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila 
na alam nitong tatapat ang prusisyon. Buong araw na siyang nagngingitngit dahil sa galit sa 
kanyang asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na 
ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang pag-alipusta at pagmura nito sa 
kanya. Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na 
dalawang araw ng nakakulong. Inutusan niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi 
naman maintindihan ni Sisa, kung kayat hindi ito sumunod. Nagalit ang Donya at dito niya 
ibinuhos ang galit na nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa. Hinampas niya ito ng latigo 
at inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa sakit ang babae ay hindi pa rin ito sumunod 
sa kapritso ng donya. Walang nagawa ang donya kundi utusan ang gwardiya sibil na pakantahin 
ito, na sinunod naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin 
ng donya kung kayat nawala sa isip nito na magsalita sa Tagalog, na ikinagulat naman ng 
gwardya sibil. Napansin naman ito ng Donya kung kaya't pinaalis niya ito. Hinarap naman niya si 
Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang 
kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat. 
Ang pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang 
isang kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag - 
aalaga ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan.”
KABANATA 41: Dalawang Panauhin 
“Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang naganap kung 
kaya't nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Ilang sandali ay dumating si 
Elias sa tahanan ni Ibarra. Layunin ni Elias na ipagbigay-alam kay Ibarra na may sakit si 
Maria Clara, at kung may ipagbibilin ang binata bago siya pumunta sa Batangas. 
Ipinaliwanag din ni Elias kay Ibarra kung paano niya nasugpo ang kaguluhan ng 
nagdaang gabi. Sinabi nito na kilala niya ang magkapatid at napakiusapan niya na itigil 
ang kaguluhan. Napahinuhod naman ang magkapatid na gwardya sibil dahil sa kanilang 
utang na loob kay Elias. Umalis na rin si Elias makalipas ang ilang sandali. Nagmamadali 
naman na gumayak si Ibarra upang tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago. Sa daan ay 
nasalubong ni Ibarra ang kapatid ng taong dilaw na si Lucas. Kinulit nito si Ibarra tungkol 
sa salapi na makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. 
Sinagot ito ng maayos ni Ibarra na magbalik na lamang sa isang araw sapagkat siya ay 
patungo sa maysakit. Ngunit sadyang mapilit si Lucas at kinukulit si Ibarra. Bago pa man 
mawala ang pagtitimpi ng huli ay tumalikod na lamang ito. Naiwan si Lucas na 
nagpupuyos ang kalooban, at sa kanyang isipan ay iisa ang dugong nananalaytay sa ugat 
ni Ibarra at ang lolo nito na nagparusa sa kanilang ama. Maari lamang silang maging 
magkaibigan kung magkakasundo sila sa salaping ibabayad ni Ibarra.”
KABANATA 42: Ang Mag-asawang De Espadana 
“Lahat ay hindi mapanatag at nalulungkot dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara. Tumawag na 
ng doktor si Kapitan Tyago at ngayon ay kasalukuyang pinagpipilian nila ni Tiya Isabel kung 
saan maglilimos: sa Krus ng Tunasan na himalang lumaki, o sa Krus na Matahong na 
nagpapawis. Sa bandang huli ay napagpasyahan ng dalawa na parehong lumisan ang mga 
ito upang gumaling kaagad si Maria Clara. Dumating na ang doktor na si Tiburcio de 
Espadana at ang kanyang maybahay na si Victorina. Nagmiryenda muna ang mag-asawa 
bago tingnan ng 'doktor' ang kalagayan ni Maria. Kasama rin nila ang kamag-anak na si 
Linares na dumating pa mula sa Espanya. Kasunod nilang dumating si Padre Salvi at 
ipinakilala ng mag-asawa si Linares, nag-aaral ng pagka-manananggol sa Espanya at 
pamangkin ni Don Tiburcio. (Dumating ito sa Pilipinas sa gastos na rin ni Donya Victorina.) 
Nabanggit ni Kapitan Tyago na kadadalaw lamang ng Kapitan Heneral sa kanilang tahanan. 
Lubos na nanghinayang ang ambisyosang ginang at nahiling na sana ay nuon pa nagkasakit 
si Maria Clara disin sana ay nakadaupang palad nila ang Heneral. Hinanap naman ni Linares 
si Padre Damaso kay Padre Salvi, upang ibigay ang hatid niyang sulat mula sa Espanya. 
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinuntahan nila si Maria na binabantayan ng mga 
kaibigan nito. Sinimulang eksaminin ng doktor si Maria at sinabing maysakit nga ito. 
Inirekomendang igamot kay Maria ang liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras 
de Cinaglosa. Si Linares naman ay natulala at nabighani ng husto kay Maria, na ipinakilala 
naman ni Victorina sa dalaga. Tila nagising pa si Linares sa pagkatulala ng ibinalita ni Padre 
Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang Pari ay hindi pa lubusang magaling ngunit inuna 
nitong gawin ang pagdalaw kay Maria Clara. Ating ilarawan si Donya Victorina, na 
napagkakamalang isang Orofea at may gulang na 45. Ikinakaila nito ang tunay na edad, 
bagkus ay sinasabing siya ay 32 taong gulang lamang. Noong kabataan ng Donya ay 
masasabi rin na maganda ito ngunit pangarp na nito talagang makapangasawa ng isang 
mayamang dayuhan. Sa pamamagitan nito, siya ay mapapabilang sa alta-sosyedad at 
titingalain din ng karamihan. Sa kasamaang palad, napangasawa niya ay isang mahirap pa sa 
daga na Kastila, si Tiburcio. Sa edad nitong 35, higit pa itong matandang tingnan kaysa kay 
Donya Victorina. Ito ay isang maralita at mal-edukadong taga-Espanya na itinaboy ng 
kanyang mga kababayan sa Extremadura at naging palaboy, hanggang mapadpad siya sa 
Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sapagkat hindi naman sanay sa byahe, labis siyang 
nahilo at nahirapan sa kanyang paglalayag. Nabalian pa siya ng paa. Ika-15 araw na niya 
mula ng dumating sa Pilipinas ng siya ay natanggap sa trabaho dahil na rin sa mga kapwa 
Kastilang kanyang nakapalagayang-loob. Pinayuhan din siya ng mga ito na magpanggap na
lamang na mediko sa mga nayon na ang tanging puhuhan ay ang kanyang pagiging Kastila. 
Dahil sa ala naman siyang alam sa anumang propesyon, at hindi naman din siya nakapag-aral, 
lakas loob na lamang siya na nagpanggap na doktor sa nayon. Ang totoo, dati lang 
siyang tagalinis at tagapagpa-baga ng mga painitan sa pagamutan ng San Carlos sa Espanya. 
Ngunit pagdating sa Pilipinas, naging ganap siyang isang doktor dahil na rin sa katangahan 
at tiwala ng mga Indiyo. Nagsimula sa mababang paniningil hanggang sa tumaas ng tumaas 
at naging kakompetensya pa niya ang mga totoong doktor. Nagalit ang mga ito at 
isinumbong sa Protomediko de Manila. Napilitan siyang tumigil sa panggagamot at nawalan 
na rin siya ng pasyente. Ngunit nakilala naman niya si Donya Victorina at sila ay nagpakasal. 
Pagkatapos ng kasal, lumipat sila sa bayan ng Sta Ana upang idaos ang kanilang pulu't -gata, 
at upang duon na rin manirahan. Si Donya Victorina rin ang sumuporta sa kanyang asawa, 
ibinahay, binihisan at ibinili pa ng mga karwahe. Ang kanyang pangalan ay ginawang 
Victorina delos Reyes de Espanada. Binago na rin niya ang kanyang anyo upang maging 
mukhang taga-Europa. Kinulayan nito ang mukha at nagpalamuti sa katawan. Makalipas ang 
ilang buwan, siya kuno ay naglilihi at kailangan pa sa Espanya manganak upang hindi 
matawag na rebolusyunaryo ang kanyang anak. Ngunit walang panganganak na nangyari 
sapagkat ang Donya ay hindi naman talaga buntis. Lumapit na rin siya sa mga hilot at 
manggagamot ngunit walang nangyari. Kung kaya't walang nangyari sa ambisyon na 
makapunta sa Espanya ang ginang bagkus ay manatili sa tinubuang lupa, na kung tawagin 
niya ay "lupain ng mga salbahe". Wala rin siyang tiwala sa mga kapwa Pilipino kung kaya't 
humirang pa siya ng Kastilang taga-pangasiwa ng kanyang mga ari-arian. Sa pagkabigo ng 
kanyang pangarap ay pinagbuntunan ng ginang ang kanyang asawa, na pumapayag naman 
maging andres de saya at taga-salo ng alburuto ng asawa. Mas mabuti na ang ganong 
kalagayan kaysa naman ang mamalimos sa kalye. Inuutus-utusan din niya ito at may mga 
pagkakataon na sinasaktan niya ito ng pisikal, na tinatanggap na lamang ng lalaki. Pati ang 
kapritso ng ginang na magpagawa ng karatulang marmol na may nakaukit na: DOCTOR DE 
ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES. Walang nagawa ang lalaki 
kahit labag sa kalooban nito na ianunsyo sa publiko na siya nga ay isang manggagamot, 
sapagkat siya nga ay nagpapanggap lamang.”
KABANATA 43: Mga Balak O Panukala 
“Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Padre Damaso at tuloy-tuloy itong 
pumasok sa silid ni Maria Clara. Nananangis ang Pari at sinabi sa anak na hindi ito 
mamamatay. Lahat ay nagtaka sa ipinakita ni Padre Damaso, hindi nila akalain na sa kabila 
ng magaspang nitong ugali ay marunong pala itong umiyak at malambot ang kalooban. 
Naisip din nila na mahal na mahal talaga ng pari si Maria. Pamaya-maya ay tumindig ang 
pari at nagtungo ito sa silong ng balag upang managhoy. Nang naibsan ang damdamin ni 
Padre Damaso ay sinamantala ito ni Donya Victorin at ipinakilala si Linares. Sinabi ng huli na 
inaanak siya ni Carlicos, ang bayaw ni Damaso. Iniabot ni Linares ang sulat at dito ay 
nakasaad na siya ay humahanap ng mapapangasawa at trabaho. Madali lamang na 
matatanggap ang binata ayon kay Padre Damaso sapagkat ito ay naging abogado sa 
Universidad Central. At sa mapapangasawa ay iminungkahing kakausapin niya si Kapitan 
Tyago. Bagay naman na ikinalungkot ni Padre Salvi. Sinadya naman ni Lucas si Padre Salvi 
upang isangguni ang marapat na katarungan para sa kanyang kapatid. Umarte itong kaawa-awa 
at pilit na pinapatulo ang luha upang mabaghan sa kanya ang pari. Sinabi nito na 
binigyan lamang siya ng P500.00 ni Ibarra kapalit ang buhay ng kanyang kapatid. Hindi 
naman ikinatuwa ng pari ang kaartehan ni Lucas kung kaya't pinagtabuyan niya iyon. 
Walang nagawa ang oportunistang si Lucas kung hindi bumulong bulong at napahiyang 
nilayasan ang pari.”
KABANATA 44: Pagsusuri Ng Budhi 
“Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay walang 
binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang inaalagaan nni Tiya 
Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay walang tigil na nagpapamisa at 
nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. 
Makalipas ang ilang araw, kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay 
humupa ang mataas na lagnat ni Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, 
kung kaya't hindi muna pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa. 
Magkakaharap sina Padre Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan 
na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot 
ito ni Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga 
ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya naman ng kura na 
mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. 
Sinalungat naman ito ni Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang 
panggagamot ni Don Tiburcio. Hindi naman siyempre nagpatalo ang pari at sinabing higit na 
nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa mga gamot. Napikon ang Donya at 
iminungkahi sa pari na gamuting ng kanyang kumpisal ang nakakabanas na si Donya 
Consolacion. Wala namang naisago ang Pari kung kaya't tinagubilinan na lamang niya si 
Kapitan Tyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang 
beatico upang lubusan itong gumaling. Oras na para uminom ng gamot si Maria Clara at 
ininom nga nito ang pildoras na mula sa bumbong ng kristal. Ititigil lamang niya ang pag-inom 
nito kapag siya ay nakaramdam na ng pagkabingi. Nalaman ni Maria kay Sinang na 
abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging ekskomulgado nito kung kaya't hindi pa ito 
makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa 
pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra. Nagsimula 
na ang pangungumpisal ni Maria Clara. Sa obserbasyon ni Tiya Isabel, Si Padre Salvi ay 
halatang hindi nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig kay 
Maria na tila ba inaalam ang nasa isip ng dalaga. Matapos ang kumpisalan ay lumabas si 
Padre Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan at kagat-labi.”
KABANATA 45: Ang Mga Pinag-uusig 
“Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ng 
anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni 
Elias ang sinapit ng kapitan. Malapit ang loob niya sa matanda at itinuturing niya itong ama. 
Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay. Sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na maisama 
ito sa mga lupain ng katutubo. Malayo man ito sa sibilisasyon ay makakapamuhay ng mapayapa 
ang matanda at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya. Tinanggihan naman ito ng matanda 
at matiim itong nanindigan na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mga anak sa 
kamay ng mga dayuhan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon ng katarungan ang 
kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya. Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo, isang babae at 
dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan ang kanyang anak na dalaga. 
Ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari kung kayat nagpunta ito ng 
kumbento. Tila nagkaroon naman diumano ng nakawan sa kumbento kung kaya't 
pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki. Hindi man napatunayan ang nasabing nakawan, 
hinuli pa rin ito at ibinitin at nakatikim ng pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad. Hindi 
tinugon ni Kapitan Pablo ang mga sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon ay mas 
nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa mapayapang buhay. Ang kura naman ay hindi 
man lamang naparusahan kundi inilipat lamang ng panibagong lugar. Ang isa naman niyang 
anak na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti. Sa kasamaang palad, may isang pagkakataon na 
hindi nito nadala ang kanyang sedula kung kaya't hinuli ito ng mga sibil. Pinahirapan din ito at 
ng hindi na makayanan ay kinitil nito ang sariling buhay. Kung kaya para kay Kapitan Pablo, wala 
nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga anak. Lulusob sila sa 
bayan sa tamang oras, kasama ng iba pang mga kapus-palad na pinag-uusig ng pamahalaan. 
Lubos naman itong nauunawaan ni Elias, kaya't ang simpatya niya ay nasa matanda. Minsan na 
ring hinangad ni Elias ang paghihiganti, ngunit sa kagustuhang wala ng madamay pa sa kanyang 
paghihiganti, kinalimutan na lamang niya ito. Ayon kay Kapitan Pablo, madali itong gawin para 
kay Elias sapagkat magkaiba naman sila ng sinapit. Si Elias ay bata pa at walang namatay na mga 
anak. Pinangakuan naman niya si Elias na walang madadamay na inosente sa gagawin nilang 
paghihiganti. Isinawalat din ni Elias kay Kapitan Pablo ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila 
ni Ibarra. Ikinuwento rin nito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit ng pamilya 
nito sa kamay ng pari. Sinabi nito kay Kapitan Pablo na makakatulong si Ibarra sa pagpapa-abot 
sa Heneral tungkol sa mga hinaing ng bayan. Sumang-ayon naman ang matanda at malalaman 
niya ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra tungkol dito pagkatapos ng apat araw. Ang 
mga tauhan ng Kapitan Pablo ang kakatagpuin ni Elias upang maipag-bigay alam sa matanda 
ang sagot ni Ibarra. Kapag sumang-ayon si Ibarra, magkakaroon ng katarungan ang kanilang 
mga hinaing at kung hindi naman, nangako si Elias na sasama sa kanilang layunin.”
KABANATA 46: Ang Sabungan 
“Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol. Ang 
sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga bayan. Nahahati ito sa 
tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang taga-singil sa bawat isang 
pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na siyang ikalawang bahagi naman naririto ang daanan ng 
mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa 
pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Dito 
nagaganap ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng 
bawat sabong na magaganap. Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan ng mga 
sultada. Ito ang pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan. 
Ng araw na iyon, ilan lamang sa naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan Basilio at 
Lucas. Dala ng tauhan ni Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na manok, samantalang 
kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok. Bago magsimula ang sabong at pustahan ay 
nagkumustahan muna ang magkaibigan. Pagkatapos ay nagkasundo sa pustahan sa halagang 
P3000.00. Naging matunog ang ginawang pustahan kayat nakipag-pustahan na rin ang iba pang 
mga sabungerong naroroon. Lumilitaw naman sa sabong na llamado ang puti at dehado ang 
pula. Naiinggit naman ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang 
makipusta. Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng salaping maipansusugal, ngunit 
nagbigay naman ang huli ng kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama sila sa paglusob sa 
kwartel, at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba ay may mas malaki ang kwartang kanilang 
makukuha. Ayon din kay Lucas, hindi niya magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra 
kung kaya't ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan. Noong una ay hindi 
pumayag ang magkapatid sapagkat kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang Kapitan Heneral. 
Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng salapi kung 
kayat higit silang nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin nakatiis ang magkapatid sa tawag 
ng sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng mga oras na iyon: ang bulik ni Kapitan Basilio at 
ang lasak ni Kapitan Tiyago. Lumapit sila kay Lucas at inihyag ang kanilang pagsang-ayon sa 
kondisyon. Tinagubilinan sila ng huli na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan, ang 
utos ay kanilang matatanggap sa ikawalo ng gabi nang ikalawang araw. Pagkatapos ng 
pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.”
KABANATA 47: Ang Dalawang Senyora 
“Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don Tiburcio ay 
namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa maralitang tahanan ng mga Indio. 
At lalo pang naasar ang Donya sa hindi pagbibigay galang sa kanila ng mga nakakasalubong. 
Napadaan ang mag-asawa sa tapat ng bahay ng alperes, na nagkataon naman na naroroon si 
Donya Consolacion. Ng magtama ang kanilang paningin, sumibangot at dumura ang maybahay 
nang alperes na malaking ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito si Donya Consolacion at 
nagkaroon ng balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang alperes habang ang huli naman ay 
tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap nang asawa nang Donya. Hindi na rin pinaligstas 
ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng asawa at sinugod si Donya 
Victorina. Ngunit hindi naman nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat namagitan ang 
kanilang mga asawa. Nasaksihan ito ng taong-bayan sapagkat ang kanilang away ay sadyang 
nakakabulahaw. Dumating din ang kura at inawat ang dalawa. Sinagot naman ng alperes ang 
kura at tinawag itong ‘mapagbanal-banalang Carliston’. Si Victorina naman ay inutusan ang 
kanyang asawa na hamunin ang alperes ng barilan, na tinanggi naman ng huli. Anupa't dahil 
dito ay nahablot na naman ang kanyang pustiso. Pamaya-maya ay nakarating sa bahay ni 
Kapitan Tyago ang mag-asawa. Nadatnan naman nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga 
kaibigan nito. Napagbalingan ng Donya ang binatang si Linares, at inutusan ito na hamunin ang 
alperes at kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi naman 
malaman ni Linares ang kanyang gagawin. Habang humihingi ng paumanhin ang binata sa 
Donya ay siya namang dumating ang Kapitan. Sinalubong kaagad ito ng Donya at nagdadaldal 
tungkol sa nangyari. Inipit din nito si Linares sa Kapitan, at sinabing kung hindi ito gagawin ng 
binata ay marapat lamang na walang kasalang magaganap sapagkat hindi bagay si Maria Clara 
sa isang duwag. Nagpahatid naman sa silid si Maria Clara dahil sa narinig mula sa Donya. 
Madilim na ng umalis ang mag-asawang Tiburcio at Donya Victorina, dala ang ilang libong piso 
na salaping bayad ni Kapitan Tyago sa panggagamot ni Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares 
naman ay hindi matahimik sa gipit nitong sitwasyon.”
KABANATA 48: Ang Talinghaga 
“Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan Tyago. 
Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat 
kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra. Nabigla 
naman ang binata ng siya ay mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares naman sa 
gawing paanan nito na nag-aayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria Clara naman ay 
namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling. Ipinaalam ni Ibarra 
ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag naman sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot 
at dahil dito, ay nagpaalam kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na dadalaw itong muli 
kinabukasan. Umalis si Ibarra na may kaguluhan ang isip at damdamin. Sa kanyang paglalakad 
ay napadaan siya sa ipinapagawang paaralan. Ipinaalam niya sa lahat lalo na kay Nol Juan na 
wala silang dapat ipangamba sapagkat siya ay tanggap na muli ng simbahan. Sinagot naman 
siya ni Nol Juan na ang pagiging excomulgado ay hindi mahalaga para sa kanila, sapagkat lahat 
sila ay mga excomulgado rin. Namataan ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at 
nabasa nito sa mukha ng huli na may nais siyang ipaalam sa binata. Inutusan ni Ibarra si Nol 
Juan na ibigay sa kanya ang talaan ng mga obrero. Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa 
lawa upang mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman ni Ibarra. 
Dumating naman si Nol Juan at ibinigay ang listahan, ngunit hindi nakalista doon ang pangalan 
ni Elias.”
NOLI KABANATA 1 TO 49

More Related Content

What's hot

Noli me tangere kabanata 43
Noli me tangere kabanata 43Noli me tangere kabanata 43
Noli me tangere kabanata 43
Sir Pogs
 
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIXNoli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
Llomar Aguanta
 
Noli me tangere kabanata 49
Noli me tangere kabanata 49Noli me tangere kabanata 49
Noli me tangere kabanata 49
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64mojarie madrilejo
 
Noli me tangere kabanata 35
Noli me tangere kabanata 35Noli me tangere kabanata 35
Noli me tangere kabanata 35
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 24
Noli me tangere kabanata 24Noli me tangere kabanata 24
Noli me tangere kabanata 24
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 23
Noli me tangere kabanata 23Noli me tangere kabanata 23
Noli me tangere kabanata 23
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 52
Noli me tangere kabanata 52Noli me tangere kabanata 52
Noli me tangere kabanata 52
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 46
Noli me tangere kabanata 46Noli me tangere kabanata 46
Noli me tangere kabanata 46
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 13
Noli me tangere kabanata 13Noli me tangere kabanata 13
Noli me tangere kabanata 13
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 27
Noli me tangere kabanata 27Noli me tangere kabanata 27
Noli me tangere kabanata 27
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 40
Noli me tangere kabanata 40Noli me tangere kabanata 40
Noli me tangere kabanata 40
Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 50
Noli me tangere kabanata 50Noli me tangere kabanata 50
Noli me tangere kabanata 50
Sir Pogs
 
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusigNoli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusigMaria Carmella Surmieda
 
Kabanata 54-56
Kabanata 54-56 Kabanata 54-56
Kabanata 54-56
XueyZzz
 
Noli me tangere kabanata 48
Noli me tangere kabanata 48Noli me tangere kabanata 48
Noli me tangere kabanata 48
Sir Pogs
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
levyandhrei14
 

What's hot (20)

Noli me tangere kabanata 43
Noli me tangere kabanata 43Noli me tangere kabanata 43
Noli me tangere kabanata 43
 
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIXNoli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
Noli Me Tangere Kabanata XIV, XV, XVII, XVIII at XIX
 
Noli me tangere kabanata 49
Noli me tangere kabanata 49Noli me tangere kabanata 49
Noli me tangere kabanata 49
 
Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25
 
Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64
 
Noli me tangere kabanata 35
Noli me tangere kabanata 35Noli me tangere kabanata 35
Noli me tangere kabanata 35
 
Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33
 
Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33
 
Noli me tangere kabanata 24
Noli me tangere kabanata 24Noli me tangere kabanata 24
Noli me tangere kabanata 24
 
Noli me tangere kabanata 23
Noli me tangere kabanata 23Noli me tangere kabanata 23
Noli me tangere kabanata 23
 
Noli me tangere kabanata 52
Noli me tangere kabanata 52Noli me tangere kabanata 52
Noli me tangere kabanata 52
 
Noli me tangere kabanata 46
Noli me tangere kabanata 46Noli me tangere kabanata 46
Noli me tangere kabanata 46
 
Noli me tangere kabanata 13
Noli me tangere kabanata 13Noli me tangere kabanata 13
Noli me tangere kabanata 13
 
Noli me tangere kabanata 27
Noli me tangere kabanata 27Noli me tangere kabanata 27
Noli me tangere kabanata 27
 
Noli me tangere kabanata 40
Noli me tangere kabanata 40Noli me tangere kabanata 40
Noli me tangere kabanata 40
 
Noli me tangere kabanata 50
Noli me tangere kabanata 50Noli me tangere kabanata 50
Noli me tangere kabanata 50
 
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusigNoli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
 
Kabanata 54-56
Kabanata 54-56 Kabanata 54-56
Kabanata 54-56
 
Noli me tangere kabanata 48
Noli me tangere kabanata 48Noli me tangere kabanata 48
Noli me tangere kabanata 48
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 

Viewers also liked

NMT - 1-25
NMT - 1-25NMT - 1-25
NMT - 1-25
Jane Panares
 
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49asa net
 
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
Marella Antiporda
 
Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64
sdawqe123
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Chin Chan
 
NMT 26-38
NMT 26-38NMT 26-38
NMT 26-38
Jane Panares
 
Noli me tangere kabanata 39-40
Noli me tangere kabanata 39-40Noli me tangere kabanata 39-40
Noli me tangere kabanata 39-40mojarie madrilejo
 
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me TangereMga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me TangereMaybelyn Catindig
 
Noli Me Tangere
Noli Me TangereNoli Me Tangere
Noli Me Tangere
Magpulong1993
 
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
ybonneoretga
 
Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45mojarie madrilejo
 
Kabanata Xlvi
Kabanata XlviKabanata Xlvi
Kabanata Xlvi
Dex Samarita
 
Noli Me Tangere Kabanata15-16
Noli Me Tangere Kabanata15-16Noli Me Tangere Kabanata15-16
Noli Me Tangere Kabanata15-16animation0118
 
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01Jhanine Cordova
 
Noli me Tangere Kabanata 45 - 46
Noli me Tangere Kabanata 45 - 46 Noli me Tangere Kabanata 45 - 46
Noli me Tangere Kabanata 45 - 46
Lorenz Inciong
 
Noli me tangere kabanata 55 56
Noli me tangere kabanata 55 56Noli me tangere kabanata 55 56
Noli me tangere kabanata 55 56mojarie madrilejo
 
Noli Me Tangere
Noli Me TangereNoli Me Tangere
Noli Me Tangere
guest9c5609165
 
Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22mojarie madrilejo
 
Fil noli-me-tangere kabanata 1-64
Fil noli-me-tangere kabanata 1-64Fil noli-me-tangere kabanata 1-64
Fil noli-me-tangere kabanata 1-64
Eemlliuq Agalalan
 

Viewers also liked (20)

NMT - 1-25
NMT - 1-25NMT - 1-25
NMT - 1-25
 
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49
 
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
 
Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
 
NMT 26-38
NMT 26-38NMT 26-38
NMT 26-38
 
Noli me tangere kabanata 39-40
Noli me tangere kabanata 39-40Noli me tangere kabanata 39-40
Noli me tangere kabanata 39-40
 
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me TangereMga Tauhan ng Noli Me Tangere
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
 
Noli Me Tangere
Noli Me TangereNoli Me Tangere
Noli Me Tangere
 
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
 
Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45
 
Kabanata Xlvi
Kabanata XlviKabanata Xlvi
Kabanata Xlvi
 
Noli Me Tangere Kabanata15-16
Noli Me Tangere Kabanata15-16Noli Me Tangere Kabanata15-16
Noli Me Tangere Kabanata15-16
 
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01
 
Kabanata 26 40
Kabanata 26 40Kabanata 26 40
Kabanata 26 40
 
Noli me Tangere Kabanata 45 - 46
Noli me Tangere Kabanata 45 - 46 Noli me Tangere Kabanata 45 - 46
Noli me Tangere Kabanata 45 - 46
 
Noli me tangere kabanata 55 56
Noli me tangere kabanata 55 56Noli me tangere kabanata 55 56
Noli me tangere kabanata 55 56
 
Noli Me Tangere
Noli Me TangereNoli Me Tangere
Noli Me Tangere
 
Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22
 
Fil noli-me-tangere kabanata 1-64
Fil noli-me-tangere kabanata 1-64Fil noli-me-tangere kabanata 1-64
Fil noli-me-tangere kabanata 1-64
 

Similar to NOLI KABANATA 1 TO 49

FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
asa net
 
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptxBUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
RioOrpiano1
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
SCPS
 
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me TangerePresentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
ssuser666aef1
 
Tungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizalTungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizalELISEO4771646
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptx
KikiJeon
 
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdfKABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
NymphaMalaboDumdum
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
kimdavidmerana03
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
johnrohannebasale
 
Kabanata 1,2,3
Kabanata 1,2,3Kabanata 1,2,3
Kabanata 1,2,3
angelitamantimo
 
Buod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangereBuod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangere
zoe_elise
 
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdfnoli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
fulgenciofrancis3
 
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Juan Miguel Palero
 
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
MELODYJASPELA
 
Noli me tangere kabanata 4
Noli me tangere kabanata 4Noli me tangere kabanata 4
Noli me tangere kabanata 4
Sir Pogs
 

Similar to NOLI KABANATA 1 TO 49 (20)

FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
 
Pagtitipon
PagtitiponPagtitipon
Pagtitipon
 
Noli
NoliNoli
Noli
 
hazell
hazellhazell
hazell
 
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptxBUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
 
Noli
NoliNoli
Noli
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
 
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me TangerePresentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
 
Tungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizalTungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizal
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptx
 
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdfKABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
Kabanata
Kabanata Kabanata
Kabanata
 
Kabanata 1,2,3
Kabanata 1,2,3Kabanata 1,2,3
Kabanata 1,2,3
 
Buod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangereBuod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangere
 
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdfnoli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
 
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
 
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
 
Noli me tangere kabanata 4
Noli me tangere kabanata 4Noli me tangere kabanata 4
Noli me tangere kabanata 4
 

More from asa net

PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN
PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNANPROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN
PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN
asa net
 
SCARFT BOOK GRADE IV
SCARFT BOOK GRADE IVSCARFT BOOK GRADE IV
SCARFT BOOK GRADE IV
asa net
 
MGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN
MGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGANMGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN
MGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN
asa net
 
Dictionary in EAST
Dictionary in EASTDictionary in EAST
Dictionary in EAST
asa net
 
KINDS OF DANCES
KINDS OF DANCESKINDS OF DANCES
KINDS OF DANCES
asa net
 
Festival in Philipppines
Festival in PhilipppinesFestival in Philipppines
Festival in Philipppines
asa net
 
MODYUL SA FILIPINO
MODYUL SA FILIPINOMODYUL SA FILIPINO
MODYUL SA FILIPINO
asa net
 
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYAMGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
asa net
 
KINDS OF LETTER
KINDS OF LETTERKINDS OF LETTER
KINDS OF LETTER
asa net
 
festivals
 festivals festivals
festivalsasa net
 
LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8
LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8
LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8
asa net
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
asa net
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
asa net
 
WINDOW CARD A2
WINDOW CARD A2WINDOW CARD A2
WINDOW CARD A2
asa net
 
MODYUL SA FILIPINO V
MODYUL SA FILIPINO VMODYUL SA FILIPINO V
MODYUL SA FILIPINO V
asa net
 
MONOCOT
MONOCOT MONOCOT
MONOCOT
asa net
 
MODYUL SA EPP
MODYUL SA EPPMODYUL SA EPP
MODYUL SA EPP
asa net
 
Mga Batayang Pang Himnasyo
Mga Batayang Pang HimnasyoMga Batayang Pang Himnasyo
Mga Batayang Pang Himnasyo
asa net
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10
asa net
 
MGA GAWAING KAMAY
MGA GAWAING KAMAYMGA GAWAING KAMAY
MGA GAWAING KAMAY
asa net
 

More from asa net (20)

PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN
PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNANPROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN
PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN
 
SCARFT BOOK GRADE IV
SCARFT BOOK GRADE IVSCARFT BOOK GRADE IV
SCARFT BOOK GRADE IV
 
MGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN
MGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGANMGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN
MGA NATATANGING PILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN
 
Dictionary in EAST
Dictionary in EASTDictionary in EAST
Dictionary in EAST
 
KINDS OF DANCES
KINDS OF DANCESKINDS OF DANCES
KINDS OF DANCES
 
Festival in Philipppines
Festival in PhilipppinesFestival in Philipppines
Festival in Philipppines
 
MODYUL SA FILIPINO
MODYUL SA FILIPINOMODYUL SA FILIPINO
MODYUL SA FILIPINO
 
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYAMGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
 
KINDS OF LETTER
KINDS OF LETTERKINDS OF LETTER
KINDS OF LETTER
 
festivals
 festivals festivals
festivals
 
LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8
LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8
LEARNING MATERIALS GRADE 7 TO 8
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 
WINDOW CARD A2
WINDOW CARD A2WINDOW CARD A2
WINDOW CARD A2
 
MODYUL SA FILIPINO V
MODYUL SA FILIPINO VMODYUL SA FILIPINO V
MODYUL SA FILIPINO V
 
MONOCOT
MONOCOT MONOCOT
MONOCOT
 
MODYUL SA EPP
MODYUL SA EPPMODYUL SA EPP
MODYUL SA EPP
 
Mga Batayang Pang Himnasyo
Mga Batayang Pang HimnasyoMga Batayang Pang Himnasyo
Mga Batayang Pang Himnasyo
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10
 
MGA GAWAING KAMAY
MGA GAWAING KAMAYMGA GAWAING KAMAY
MGA GAWAING KAMAY
 

NOLI KABANATA 1 TO 49

  • 1. KABANATA 1: Pagtitipon “ Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage. Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina. Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil. Bawat grupo ng mga panauhin ay may kani - kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.”
  • 2. KABANATA 2: Si Crisostomo Ibarra “ Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik siya sa kamay ng mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang binata. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag - aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon. ”
  • 3. KABANATA 3: Ang Hapunan “Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at nataamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapag-painis sa Donya. Ang ibang bisita naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan. Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera. Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente, na tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit magalang itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra. Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata. Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan; at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi. Magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga ala - ala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Hindi naman nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan nila ng ama ni Ibarra. Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-alipusta si Padre Damaso sa binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios Coloniales ang kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon. ”
  • 4. KABANATA 4:Erehe At Pilibustero “ Maikling Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 4 Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang natunghayan sa kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang bayang iyon. Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at maraming nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari. May isang Kastila doon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. Hinirang ito ng Don bilang kulektor. Isang araw, hindi nakapag-pigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya kaya't inakma niyang saktan ang mga bata. Kumaripas ng takbo ang mga bata at ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa. Tumumba ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at inawat niya ang artilyero. Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa kakapalag nito ay tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan ni Don Rafael ang bata, ang Kastila naman ay sumuka ng dugo at natuluyang mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil, ikinulong si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Kabilang sa mga paratang sa kanya ang pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog. Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya. Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa kabila ng paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait. Si Tinyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni Don Rafael. Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung kayat ito ay nagkasakit. Tuluyan na itong namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na kapamilya o kaibigan.”
  • 5. KABANATA 5: Isang Tala Sa Gabing Madilim “ Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Tila bagat naririnig pa niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at kubyertos at tugtog ng mga orkestra. Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap uli ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya Victorina naman ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara. Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.”
  • 6. KABANATA 6: Si Kapitan Tyago “ Si Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit kumulang 35 taong gulang, ay nag -iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Hindi siya pinag-aral ng kanyang ama bagkus ay naging katulong at naturuan naman siya ng isang paring dominiko. Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama, nakilala si Pial Alba mula sa bayan ng Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Kapwa mahusay magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag bilang pinakamayaman kayat sila ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan. Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang isang magandang lalaki, may morenong pangangatawan, pandak, at bilugan ang mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito. Naninilibihan siya bilang gobernadorcillo, at kasama sa kanyang paglilingkod ay ang hamakin ang mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain. Itinuturing din ng Kapitan na siya ay isa nang Kastila, at ang mga Pilipino ay Indio. Sa paniniwala ng Kapitan, ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga. Kaibigan siya ng lahat ng mga may kapangyarihan, lalong lalo na ang mga pari. Kung kaya't hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit. Nabibili niya ang kabanalan at mga santo na kanyang maibigan. Ang kanyang silid ay punong-puno ng mga dinadasalang katulad nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep). Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari -arian, kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. Ito ang naging daan upang makilala nila ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra. Sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa loob ng anim na taon ay hindi pa sila nagkaka-anak sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni Padre Damaso na mamanata sila sa Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao. Makalipas ang kaunting panahon ay nagdalantao nga si Pia Alba, (sa panghahalay na rin ni Padre Damaso bagamat ang katotohanang ito ay nailantad sa kalaunan). Ngunit ang babae ay naging masasakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito ay manganak. Pinangalanang Maria Clara ang bata at kinalinga ni Tiya Isabel. Binusog din siya ng pagmamahal nina Kapitan Tyago at mga prayle. Lumaking magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan. Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta Catalina ng ito ay maging katorse anyos. Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. Si Kapitan Tyago at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, bagay na indi naman tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan.”
  • 7. KABANATA 7: Suyuan Sa Asotea “ Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng gawain. Si Tiya Isabel ay naglinis ng bahay dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng nakaraang gabi. Nagbuklat naman ng mga kasulatan tungkol sa kabuhayan si Kapitan Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang kausap din ang ama upang malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at siya ay hindi mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta. Napagpasyahan na siya ay magbakasyon sa San Diego sapagkat nalalapit na ang pista doon. Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta ang dalaga. Pumasok pa ito sa silid at tinulungan naman siya ni Tiya Isabel na ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel. Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati. Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa't-isa: ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak papuntang Europa. Binasa ito ni Maria Clara sa katipan. Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag -aralin si Ibarra sa malayong lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan. Handa rin itong magtiis na mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang hangarin. Dito natigilan si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangang gawain. Nagpaalam na ang binata at pinagbilinan ni Kapitan Tyago si Ibarra na sabihin sa kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon doon. Hindi naman mapigilan ni Maria na maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra, kaya't sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay.”
  • 8. KABANATA 8: Mga Alaala “ Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila. Maganda ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang mga alaala. Ang kanyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kanya nang nakita: mga kalesa at karumatang walang humpay sa pagbibyahe, salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya-kanyang gawain: may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador, ang iba ay kababaihan na nagtitinda ng prutas. Nanduon din ang mga tindahan at mga hayop na kasama sa paghahanapbuhay. Ang punong Talisay sa San Gabriel ay walang pinagbago, ang Escolta naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang kaayusan. Ang mga karwahe ay nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga pari, kabilang na si Padre Damaso. Namataan naman siya ni Kapitan Tinong kung kayat binati siya nito. Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan niyang hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong pari: 1) Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan-kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.”
  • 9. KABANATA 9: Mga Suliranin Tungkol Sa Bayan “ Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon. Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya namang pagdating ni Padre Damaso. Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay hindi minabuti ng pari. Bubulong bulong ito na umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. Sinalubong siya ng Kapitan at inabot nito ang kamay upang magmano ngunit tinanggihan ito ng Pari. Bagkus ay sinabi kaagad nito na ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. Dito ay sinabi niya na hindi dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. Dapat na ring itigil ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra. Sinabihan din nito na and Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang mga kaaway. Nakumbinsi ng pari ang kapitan kaya't pagka-alis ng nito, pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego. Sa kabilang dako, nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dinalaw niya ang matandang pari na may matinding sakit. Ibinalita niya dito ang mga nakaraang kaganapan, katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tyago. at ang pagpanig ng Tinyente diumano sa kapitan-heneral at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso. Nakipagpalitan din ng saloobin ang matandang maysakit, at dito ay sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Natututo na rin aniya ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian.”
  • 10. KABANATA 10: Ang San Diego “Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas, matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayan na ito ay pagsasaka at dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo, nalalamangan sila ng mga dayuhang tsino. Kung pagmamasdan ang buong bayan mula sa ituktok ng simbahan, kapansin pansin dito ang isang gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran. Katulad ng ibang bayan sa Pilipinas, pinamumunuan ito ng simbahan at sunud-sunuran lamang ang pamahalaan dito. Si Padre Damaso ang kura paroko sa simbahan na iyon bago ito mailipat sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don Rafael Ibarra. Iilan lamang ang may mataas na tungkulin at kinikilala sa bayang iyon, ang mga Kastila at ilang mayayamang Pilipino. Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego, matatas magtagalog at malalalim ang mga mata. Bumili siya ng gubat sa pook na iyon at pinambayad ang kanyang mga ari -arian tulad ng damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete. Ang pangyayaring ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya't sinunog ng ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas sa ilog. Kalaunan, dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Pinagsikapan nitong sinupin ang mga naiwang ari-arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila. Dito rin sila nanirahan sa San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang ama ni Ibarra. Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa pagsusumikap nito, ang San Diego ay naging bayan mula sa pagiging nayon. Kalaunan, ang pamumunong ito ni Don Rafael ay naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan.”
  • 11. KABANATA 11: Ang Mga Makapangyarihan “Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.”
  • 12. KABANATA 12: Araw Ng Mga Patay “ Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuna sa isang malawak na palayan at nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw. Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay batikang sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Hindi nito maitago ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at paghitit ng sigarilyo. Sinaway ng batikang sepulturero ang kanyang kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang sa maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay, sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapong ito sa lawa. Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari -arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.”
  • 13. KABANATA 13: Mga Babala Ng Bagyo “ Dumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na nagtungo sa sementaryo kasama ang kanilang matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Ayon sa kanyang katiwala, ang libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga. Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at tinanong nila ito ang libingan ng kanyang ama. Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura paroko. Higit na ikinasindak ito ni Ibarra at ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at poot ay iniwan ni Ibarra ang kausap at ng makasalubong niya si Pari Salvi ay hindi nito napigilang daluhungin ang pari. Humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama. Ipinaalam naman ng huli na ang may kagagawan niyon ay si Padre Damaso.”
  • 14. KABANATA 14: Si Tasyo, Ang Baliw o Ang Pilosopo “ Nang araw na iyon ay dumalaw din sa libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin ang puntod ng kanyang asawa. Si Don Anastacio ay kilala sa bansag na Pilosopo Tasyo, kilala ng lahat ng tao sa San Diego sa kakaiba nitong personalidad. Lagi itong laman ng lansangan at lakad ng lakad. Marami rin itong sinasabing pananaw tungkol sa pulitika at lipunan, bagay na hindi nauunawaan ng karamihan kayat tinawag nila itong baliw. Matalino ang matanda at matalinghaga kung manalita. Galing siya sa isang mayamang pamilya at nag-aral ito sa unibersidad ng San Jose. Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan ang Diyos. Minarapat din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binata, bagay ni sinuway naman ng Pilosopo at bagkus ay nag-asawa na lamang. Pagkalipas ng isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa halip na mag-asawang muli ay inilaan na lamang sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan na nito ang minanang kabuhayan mula sa kanyang ina. Kapansin pansin ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng papadating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan. Matalinghaga rin ang kanyang sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon, na ang bayo ang siyang lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa sanlibutan. Suhestyon din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat imbes na mga paputok at kwitis. Hindi rin nito sinang-ayunan ang pagpapatugtog ng mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog. Pinagtawanan naman siya ng bawat makarinig. Tumuloy naman ang Pilosopo sa simbahan at doon ay naabutan niya ang dalawang bata at sinabihan niya ito na kung maari ay umuwi sila sa kanilang ina dahil ang huli ay naghanda ng isang espesyal na hapunan. Bagay na bagamat natuwa ang mga bata ay tumanggi ang mga ito dahil na rin sa tungkulin sa simbahan. Patuloy na naglakad lakad si Tasyo hanggang sa makarating sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila ang pagdating ni Ibarra sa bayan at nabanggit ng Pilosopo na naramdaman niya ang paghihinagpis ni Ibarra ng malaman ang sinapit ng kanyang ama. Sinabi rin nito na isa siya sa anim na taong nakipaglibing sa ama nito. Napadako ang kanilang usapan patungkol sa purgatoryo, isang bagay na hindi pinaniniwalaan ng Pilosopo at pinaniniwalaan naman ng marami. Hindi man siya naniniwala dito ay nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay gabay upang ang tao ay mabuhay ng malinis. Kalaunan ay nagpaalam na ang matanda at masiglang masiglang lumakad palayo sa gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog.”
  • 15. KABANATA 15: Ang Mga Sakristan “ Ang dalawang sakristan ay sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa at siyang kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan. Hinabilin ng huli ang inihandang hapunan ng kanilang ina. May matinding suliraning hinaharap ang dalawang musmos at ito ay lubos na nagdudulot ng kawalang pag -asa sa magkapatid, lalo na kay Crispin, ang nakababata sa dalawa. Pinagbintangan kasi siya ng Pari na nagnakaw ng dalawang onsa o halagang P32.00. Ang sahod lamang nila ay dalawang piso sa isang buwan, kung kayat hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi, at ang pataw na multa ng tatlong beses. Hiniling nito sa kanyang kuya na tulungan siyang bayaran ang ibinibintang sa kanya ng pari, bagay naman na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa kailangan niya itong ibigay sa kanilang ina upang may makain. Nahiling tuloy ni Crispin na mabuti pang lahat sila ay magkasakit. Nangulila din ang bata sa kanyang ina, na kung ito ay kapiling nila tiyak niyang ipagtatanggol sila nito sa kalupitan ng mga pari. Naisip rin niya na mabuti pa nga ay ninakaw na lang niya ang nawawalang pera at ng sa gayon ay maibabalik pa niya ito at mamatay man siya sa palo ay may maiiwan naman siya sa kanyang ina at kapatid. Nag-aalala naman si Basilio sa galit ng ina kapag nalaman nito na napagbintangang magnanakaw ang kanyang kapatid. Buo naman ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina na ginawa niya iyon, dahil ipapakita niya ang maraming latay sa buo niyang katawan dahil s a palo ng kura, pati ang bulsa niyang butas. Sasabihin rin niya na ang tangi niyang pera ay isang kuwalta lamang na aginaldo sa kanya noong nakaraang pasko, at pati ito ay pinag-interesan ng ganid na prayle. Bukod sa mga palong tinatamo ni Crispin, gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na siya pinapakain mula ng siya ay pagbintangan. Patuloy na nag-uusap ang magkapatid tungkol sa kanilang kalagayan at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor. Narinig nito ang kanilang pag-uusap at nagpupuyos ito sa galit. Pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang maling pagpapatugtog nito sa kampana. Sinabi naman nito kay Crispin na hindi siya makakauwi hanggat hindi niya ibinabalik ang ninakaw na salapi. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, bagay na nakapagpahamak pa sa kanya sapagkat hindi siya papauwiin hangang hindi ika-sampu ng gabi. Ang desisyon ng sakristan ay lubhang mapanganib para kay Basilio sapagkat mahigpit na ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam ng gabi. Pagkasabi nito ay kinaladkad na ng sakristan si Crispin at hindi na magawang makiusap ni Basilio sa pangamba at awa sa kapatid. Dinig na dinig nito ang pagpapalahaw at daing ng kapatid dahil sa sakit na nararamdaman. Wala siyang magawa kundi ang matulala at balutin ng matinding paghihinagpis, awa, at kawalang pag-asa na may magawa siya para tulungan at baguhin ang kalagayan ng kapatid. Sa kabila ng kamusmusan ng kaisipan ay tumindi ang pagnanais na makapag-araro sa bukid upang maka-alis sa kalupitan ng simbahan. Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang pagpapatihulog ni Basilio mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang lubid ng kampana.”
  • 16. KABANATA 16: Si Sisa “Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing ina nila Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas na ganda nito ay pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi dalamhati. Gabi gabi itong nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy sa lansangan. Wala itong pakialam sa buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong bugbugin kapag ito ay umuuwi. Si Sisa naman ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng kanyang asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy ay diyos. Naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na hindi nila madalas matikman sa kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga bata: tuyong tawilis at sariwang kamatis para kay Crispin; at tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok naman para kay Basilio, mula sa kagandahang loob ni Pilosopo Tasyo. Sa kasamaang palad, ang naunang dumating ay ang kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang inihain niya para sa kanyang mga anak. Hindi man lang nito itinanong ang kalagayan nilang mag-iina at bagkus ay inihabilin pa na bigyan siya ng kwarta mula sa kita ng dalawang bata. Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi maghinagpis sa pag-ala-ala na wala na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa kanyang mga anghel. Nagluto siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang mga bata pagdating nito mula sa simbahan. Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay ay nakarinig siya ng malalakas na tawag mula kay Basilio.”
  • 17. KABANATA 17: Si Basilio “Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa Ina na siya ay hinabol ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito nagawang huminto sa paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin sa kuwartel. Sinabi rin nito sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang tunay na nangyari. Napag-alaman din ni Sisa na napag-bintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni Sisa dahil sa awa sa kanyang anak. Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni Crispin sa kamay ng Sakristan. Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at bagkus ay nag - alala ng todo sa kanyang ina ng malaman nito na dumating ang kanyang ama. Alam kasi nito ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa kanyang ina. Sa hinagpis at galit ni Basilio ay naisambulat nito na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at mabuhay silang tatlo na lamang. Sa ganitong kalagayan ay mabubuhay pa sila ng maayos, na siya namang pinagdamdam ni Sisa. Para sa kanya, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay mamarapatin pa rin niyang magkakasama silang lahat. Nakatulugan ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at pagod. Binangungot ito sa kalagitnaan ng tulog sapagkat nakita niya sa kanyang panaginip ang pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin. Pinalo nila ng yantok si Crispin sa ulo hanggang ito ay duguang humandusay sa lapag. Nagising si Basilio sa yugyog ng kanyang ina, at pinagtapat na lamang niya ang pangarap niya para sa kanyang ina at kapatid. Nais niyang huminto na sa pagsasakristan kasama ni Crispin, magpapastol siya ng baka at kalabaw na pag - aari ni Ibarra, at pagsapit niya ng edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid, siya ay hihiling ng kapirasong lupa para sakahin. Pauunlarin niya ang sakang iyon hanggang sa umunlad ang kanilang buhay. Pag-aaralin din niya si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang kanyang ina ay hihinto na sa pananahi. Bagamat nagpakita ng pagkatuwa ang kanyang ina, lihim naman itong nasasaktan dahil hindi na sinama ni Basilio ang kanyang ama sa mga plano nito.”
  • 18. KABANATA 18: Mga kaluluwang Naghihirap “Si Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga matatanda sa bayan tungkol sa nalalapit na kapistahan habang naghihintay na makausap ang Padre. Nais nilang malaman kung sino ang magmimisa, kung si Padre Damaso ba or si Padre Martin o ang coordinator? Napag-usapan ng mga matatanda ang tungkol sa pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na patuloy na nagdurusa sa purgatoryo. Ang isang indulgencia ay katumbas ng mahigit isang libong taon na kaligtasan mula sa pagdurusa sa purgatoryo. Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi nila namalayan ang pagdating ni Sisa. May dalang handog si Sisa para sa mga prayle. Nag-ani siya ng mga sariwang gulay mula sa kanyang mga tanim at pako na paborito ng kura. Tumuloy na si Sisa sa kusina ng kumbento upang iayos ang kanyang mga dala. Hindi man lamang siya pinansin ng mga sakristan at mga tauhan sa kumbento. Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto. Napag-alaman niya na maysakit ang pari at hindi niya ito makakausap. Nagimbal din siya sa nalaman na si Crispin ay tumakas kasama ng kanyang isa pang anak pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa. Alam na ito ng mga gwardiya sibil at kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang hulihin ang kanyang mga anak. Tinuya rin siya nito na hindi niya naturuan ng kabutihang asal ang magkapatid at higit sa lahat ay nagmana ang mga ito sa kanyang walang kwentang asawa. Nagtatakbo si Sisa palabas ng kumbento sa pagkagimbal sa narinig at sa pag-aalala nito sa kanyang mga anak.”
  • 19. KABANATA 19: Mga Suliranin Ng Isang Guro “Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing. Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo nuong siya ay nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng panggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan. Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tyaga ng guro na iaral sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedesiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon. Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.”
  • 20. KABANATA 20: Ang Pulong Sa Tribunal Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag -uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa a t magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo. Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong kasiya siya ang pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga San Diego. Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat mga sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.”
  • 21. KABANATA 21: Mga Pagdurusa Ni Sisa “Sa narinig mula sa kusinero ay kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang bahay. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga pangitain na dadamputin ng mga gwardiya sibil ang kanyang mga anak at ang bintang na pagnanakaw ng salapi ng dalawang bata. Namataan niya ang mga gwardya sibil na papalayo sa kanilang bahay, bagay na nakagaan sa kanyang takot sapagkat hindi nito kasama ang kanyang mga anak. Nang magpang-abot sila ng gwadiya sibil sa daan, pilit siyang pinaamin na ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang mga anak. Bingi ang mga gwardiya sibil sa kanyang pagmamakaawa at pangangatwiran kung kaya't kinaladkad siya ng mga ito papuntang kwartel. Hiyang- hiya si Sisa habang kinakaladkad ng mga gwardiya sibil sa harap ng taong-bayan, lalo na ng sa oras na iyon ay natapat na tapos na ang misa at ang mga tao ay kasalukuyang lumalabas ng simbahan. Lahat ay napapatigil sa nagaganap na eksena sa lansangan at walang magawa si Sisa kundi panghinaan ng loob at mag-iiyak. Pagdating sa kwartel ay inihagis siya ng mga ito at nagsumiksik na lamang siya sa isang sulok. Bingi ang lahat sa kanyang pakiusap at pagmamakaawa. Tanghali na ng pakawalan siya ng Alperes. Umuwi si Sisa sa kanilang bahay at muling hinanap ang kanyang mga anak. Ngunit ala ni anino o tinig ng mga bata kahit sa bakuran. Pumanhik muli siya ng bahay at namataan niya ang punit na damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hindi niya matanggap ang nasilayan at nilamon ng pighati ang kanyang katinuan. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan habang sinasambit ang pangalan ng kanyang mga anak.”
  • 22. KABANATA 22: Liwanag At Dilim “Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 22 Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.”
  • 23. KABANATA 23: Ang Piknik “Madaling araw pa lamang ay masigla ng nagsisigayakan ang mga kababaihan at kabinataan para sa kasiyahan sa araw na iyon. Magkakasamang naglalakad ang mga kababaihan, hiwalay sa kalalakihan. Kasama rin sa piknik na iyon ang mga kawaksi at matatandang babae. Sasakay sila sa dalawang bangka habang mangingisda sa ilog. Magkakasama ang matatalik na magkaibigan na sina Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng at Sinang sa isang bangka. Hindi mapigilan ang kanilang mga tawanan at kwentuhan, bagay na nag-uudyok kay Tiya Isabel upang sila ay sawayin. Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng butas ang bangkang sinasakyan ng mga kalalakihan kung kaya't sila ay napalipat sa bangka ng mga dalaga. Nagkaroon naman ng katahimikan sa panig ng mga dalaga sapagkat sila ay inatake ng hiya. Si Elias naman ay patuloy lamang sa pagsagwan sa bangka. Upang hindi mainip at maaliw ang lahat, umawit si Maria ng Kundiman at ang lahat ay parang idinuyan sa awitin. Malapit ng maluto ang agahan, kung kaya't gumayak na ang mga kalalakihan upang mangisda. Sa kasamaang palad, ni isang isda ay wala silang nahuli sapagkat may buwayang naroroon. Nabahala ang mga kababaihan sa paglitaw ng buwaya at lalo na ng nilundag ito ni Elias. Naglaban ang dalawa sa ilog, ngunit higit na malakas ang buwaya. Kagyat namang lumundag si Ibarra sa tubig upang tulungan si Elias. Napatigagal naman si Maria sa ginawang iyon ni Ibarra, at tila ba tumigil na rin ang kanyang paghinga. Natalo naman ng dalawa ang buwaya at nagpatuloy sila sa pangigisda hanggang sa sila ay makahuli ng sariwang isda. Masayang nananghali ang mga magkakaibigan sa ilalim ng mga puno malapit sa batisan.”
  • 24. KABANATA 24: Sa Kagubatan “Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag -almusal, ngunit hindi na nito tinapos ang pagkain at nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay pinahinto na niya ang karwahe upang sa gayon ay malayang makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi naman siya nabigo sa ninais na mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at masayang pinagmamasdan ang mga binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng pari ang kanyang sarili na sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang niya ang mga kalalakihan. Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik. Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis itong papalayo sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng una na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Pumagitna na sa Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang dalawa. Lumayo si Ibarra at nakiumpok sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga katuparan ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang. Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at Sinang. Dumating naman si Padre Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya, malaking kasalanan ang maniwala sa nilalaman nito. Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa kura na mas malaking kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba. Lumayas naman kaagad ang kura at padabog na bumalik ng kumbento. Makalipas ang ilang sandali ay dumating naman ang mga gwardya sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay Ibarra sapagkat ito ang nanakit kay Padre Damaso. Kinuwestyon din nila si Ibarra sa pagkupkop niya kay Elias, bagay na sinalungat ni Ibarra at sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang desisyon kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya sibil ang kagubatan ngunit ala silang nakitang Elias.”
  • 25. KABANATA 25: Sa Tahanan Ng Pilosopo “Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo tungkol sa paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala sa pagsusulat ng hieroglyphics sa wikang Tagalog. Napansin naman siya ng matanda at siya ay inanyayahan nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga sinusulat ay walang makakaunawa sa ngayon sapagkat ang mga susunod na henerasyon ang tanging makauunawa ng kanyang saloobin. Ayon sa kanya, ang mga susunod na salinlahi ay mga walang piring sa mata at gising sa nangyayari sa lipunan. Nabanggit ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki, ramdam niya na palagay ng mga tao na siya ay dayuhan lamang. Kung kaya't kailangan niya ang payo ng matanda sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao. Sumalungat naman si Pilosopo at iminungkahi na dapat niyang isangguni ang kanyang mga binabalak sa mga kinikilalang tao sa lipunan, katulad ng Kura. Magbigay man ng masasamang payo ang mga makapangyarihan sa bayan, maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang mga binabalak at ginagawa ay ayon sa pinagkasunduan ng mga makapangyarihang tao sa bayan. Mainam pa na pakunwari na lamang siyang sumunod kaysa maging kalaban pa niya ang mga iyon. Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat naniniwala siyang ang matuwid na layunin ay hindi na kailangang balutan ng baluktot na gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na sasang-ayunan siya ng pamahalaan at ng mga tao sa bayan sapagkat ang kanyang ninanais ay ang kapakanan ng nakararami. Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo Tasyo na ang kapangyarihan ng simbahan ay higit pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi niya dito na kung nais niyang matupad ang kanyang mga balakin ay marapat na yumuko muna siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw niyang walang mangyari sa kanyang mga balakin. Hindi matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ang kanyang mga pananaw ay ideolohiyang liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa Europa. Ang mga ganitong prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa simbahan na siyang nagmamay-ari ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa kanilang nasasakupan. Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang kalagayan ni Ibarra sa mga halaman: sa rosas na yumuyuko rin sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at kung hindi ito ay mababali lamang; at sa puno ng makopa na kailangan pa niyang tukuran upang kumapit ang mga ugat nito sa lupa dahil kung hindi niya ito gagawin ay ibubuwal lamang ito ng hangin. Ganito rin si Ibarra sa kanyang pananaw. Isa siyang punong itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa- kailangan niya ng makakapitan at masasandalan. Aniya, hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko at pag-iwas sa dumarating na punlo, mas mainam iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng hindi makabangon. Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung hindi lubos ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga balakin dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw ng simbahan sa pagpapayaman at kung may maiiwan ba siyang legacy sa kanyang mga binabalak para sa bayan. Binigyan naman siya ng inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man siya magtagumpay ay may uusbong na pananim na siyang magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan. Nagpaalam na si Ibarra pagkapahayag nito kay Pilosopo Tasyo sa kanyang pakay sa kura.”
  • 26. KABANATA 26: Ang Bisperas Ng Pista “Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas pa lamang ng Pista ay nakahanda na ang lahat. Nagagayakan ang mga bahay ng kanilang mga pinakagarbong palamuti, kurtina at iba't-ibang dekorasyon at pati na mga minana at antigong kagamitan. Ang hapag-kainan naman ng mga mayayaman ay punong-puno ng mga iba't-ibang masasarap na putahe, kakanin, panghimagas at mga inangkat at mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Inilalaan ang mga pagkaing ito para sa lahat, kahit na taga-ibang bayan upang maging masaya ang kapistahan. Ang bawat sulok ng bahay ay malinis at makintab, sadyang pinaghandaan at iginayak para makita ng lahat. Maya't maya rin ang pagpapaputok ng kwitis, batingaw ng kampana at tugtugan ng mga banda ng musiko. Ang plasa naman ng San Diego at mga matataong lugar ay pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin ang harapan ng simbahan na nilagyan ng tolda para sa prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para sa pagtatanghal ng komedya at iba pang palatuntunan. May partisipasyon sa kasayahan ang mga mayayaman sa Sa Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pa. Si Padre Damaso naman ang nakalaang magmisa sa umaga. Ang mga magsasaka at mahihirap ay iginayak ang kanilang mga pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin. Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Sagot niyang lahat ang gastos dito, at magalang na tinanggihan ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng pari. Ang bahay-paaralan na kanilang itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa Europa, hiwalay ang mga babae sa lalaki, may lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang - disiplina sa mga batang mag-aaral. Marami ang humanga sa kanyang ginawa ngunit marami din naman ang palihim niyang naging kaaway.”
  • 27. KABANATA 27: Sa Pagtatakipsilim “Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat ikinasisiya niya ang mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang mamanugangin, lalo na at kahit sa Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa ganitong pagkakataon ay kasama siyang mapupuri sa mga pahayagan. Samu't saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa ibang bansa ang nasa kanyang tahanan. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling bato. Nagkita sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si Maria na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at kinumbida ng mga ito si Ibarra, na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si Ibarra na duon na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso, na magalang namang tinanggihan ni Ibarra. Lumakad na ang magkatipan kasama ang mga kadalagahan. Napadaan sila sa kanilang kaibigan na si Simang at ito ay sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila ang liwasang bayan, sinalubong sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si Maria at binigay niya dito ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka ng kanyang mga kasama. Lumapit naman ang walang katinuan na si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing anduon ang kanyang mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng pakanta-kanta. Lumisan na rin ang ketong na dala ang bigay sa kanya ni Maria. Napag-isip isip ni Maria na marami pala ang mga mahihirap at kapus-palad at iyon ay naging lingid sa kanyang kaalaman.”
  • 28. KABANATA 28: Sulatan “Katulad ng inaasahan, nalathala sa pahayagan sa Maynila ang mga naganap sa kapistahan ng San Diego. Iniulat ang marangyang kapistahan at mga tanyag na tao sa San Diego, pati na rin ang mga musiko, at mga palatuntunang naganap. Kasama rin sa balita ang mga pari sa bayan, ang komedyang naganap at mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila lamang ang nasiyahan sapagkat ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang Kastila. Ang mga Pilipino naman ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi naman dumalo si Ibarra sa mga palabas na iyon. Kinabukasan ay nagkaroon ng prusisyon para sa mga santo at santa. Nagkaroon din ng misa na pinamunuan ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ni Kapitan Tyago at Maria. Ikinayamot naman ito ng huli. Sinulatan ni Maria si Ibarra sapagkat ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling ng dalaga na siya ay dalawin at nagpaimbita ito na imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng binata ng bahay-paaralan.”
  • 29. KABANATA 29: Ang Kapistahan “Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit ala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga - pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka -iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.”
  • 30. KABANATA 30: Sa Simbahan “Dito inilalarawan ni Jose Rizal ang kanyang pagtutol sa mapanlait at mahahayap na ugali ng mga prayle noong panahong iyon. Bagamat siya ay tumatangkilik sa relihiyon, hindi naman niya maatim ang mga kagaspangan ng pag-uugali ng mga prayle. Inilalarawan din ang matapat na pagtangkilik ng mga Pilipino sa relihiyong nakagisnan, kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang kabuhayan. Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa komedya. Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso. Sinamantala naman ng Padre ang walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang mag-sermon hanggat hindi ito tapos makapag-mayabang.”
  • 31. KABANATA 31: Ang Sermon “Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino na binibigkas sa wikang Kastila kung kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng kanyang mga sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat karamihan ng mga tao doon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si Kapitan Tyago. Si Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang kanilang mga mata. Sinimulan na din sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na walang ibang pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy pa ng kalahating oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag -ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.”
  • 32. KABANATA 32: Ang Panghugos “Tunghayan ang maikling buod ng Noli Me Tangere Kabanata 32: Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang araw na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki -isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.”
  • 33. KABANATA 33: Malayang Kaisipan “Ang pagkakatuklas ni Elias tungkol sa balak na pagpatay ng taong dilaw kay Ibarra. Nagkakilala rin sina Elias at Ibarra sa kabanatang ito. Matutunghayan ang katalinuhan ni Elias sa kabila ng kawalan nito ng pormal na edukasyon. Palihim na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama". Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at napag-alaman nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang mga kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang. Bagay na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa hukuman ang taong dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa pagkato ni Elias sapagkat marami itong nalalaman at ang kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni Elias na siya ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si Elias at nangako ng katapatan kay Ibarra.”
  • 34. KABANATA 34: Ang Pananghalian “Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago. Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso. Habang kumakain ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan sa hindi pagdating ni Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga magsasaka sa mga kubyertos, ang mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung ano-ano pa. Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kayat inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra kung kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.”
  • 35. KABANATA 35: Mga Usap-Usapan “Maikling buod ng Noli me Tangere Kabanata 35. Ang pangyayaring naganap sa pananghalian ay naging mainit na usapan sa buong bayan ng San Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre Damaso sapagkat ayon sa kanila, hindi mangyayari ang nangyari kung nagtimpi lamang si Ibarra. Si Kapitan Martin lamang ang tunay na nakaunawa sa ikinilos ng binata, sapagkat walang sinuman ang hindi makakapag-pigil kung ang ama ang lalalapastanganin. Ang mga matatandang babae sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari sapagkat baka sila ay mapunta sa impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang nalugod sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa na hindi matuloy ang paaralan, na ang kahulugan niyon ay hindi pagkatuto ng kanilang mga anak. Inihayag ni Don Filipo sa pag-aakalang hangad ni Ibarra na tumanaw ng utang na loob ang taong bayan sa ginawang kabutihan at ng ama nito. Ganunpaman, ala pa ring katwiran si Ibarra sapagkat laging ang tama ay ang mga prayle. Isa pa, ang mga mayayaman at prayle ay may pagkakaisa, hindi katulad ng taumbayan na watak-watak kung kayat mananalo ang mga pari. Kumalat ang usap-usapan na tinawag nang Pilibustero ng mga prayle si Ibarra, hindi naman ito madalumat ng mga mahihirap.”
  • 36. KABANATA 36: Ang Unang Suliranin “Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Kapitan Tiyago kayat naging abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat na pag-istima sa panauhin. May nalalabi pang oras upang makapag-gayak at ito ay sinamantala ng lahat maliban kay Maria Clara. Si Maria Clara ay patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay Ibarra hanggat hindi ito ekskomunikado. Naging walang silbi ang pang -aalo ni Tiya Isabel at Andeng sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa Papa aty magbigay ng malaking limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Si Andeng ay nagprisintang makagagawa ng paraan upang magkausap ang magkatipan. Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at isiniwalat nito Kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos naman na bawal nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng kapitan na limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi makayanang marinig ni Maria kung kaya't lalo itong naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si Padre Damaso- na isang binatang kamag-anak nito at manggagaling pa mula sa Europa. Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at pinagsabihan ito na hindi parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ng Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi sila nito pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga pari. Tinapos na nito ang usapan at hinarap ang paghahanda sa bahay. Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na nga ang Kapitan-Heneral at napuno na rin ang bahay ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Si Maria naman ay pumasok sa loob ng silid at taimtim na nananalangin ng pasukin ni Tiya Isabel. Sinusundo siya nito upang harapin ang Kapitan Heneral sapagkat ipinapatawag ito. Sumunod naman ang dalaga.”
  • 37. KABANATA 37: Ang Kapitan Heneral “Naunang kinausap ng Kapitan Heneral ang binatang nakagalitan ni Padre Damaso ng ito ay lumabas sa kalagitnaan ng sermon. Inakala ng binata na siya ay sasamain ngunit pagkatapos niyang makausap ang Kapitan Heneral ay nakangiti itong lumabas ng silid. Sumunod niyang hinarap ang mga reverencia sa bayang iyon: sina Pari Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba pang mga prayle. Nagpakita naman ng buong paggalang ang mga pari sa pagyuko nila sa Kapitan. Binanggit din nila ang pagkakasakit ni Padre Damaso kaya't wala siya sa araw na iyon. Sumunod namang humarap sa Heneral sina Kapitan Tyago at Maria Clara. Pinuri ng Heneral ang katapangan nito sa paggitna sa away ni Ibarra at Damaso, at ang pagbabalik ng hinahon ni Ibarra dahil na rin sa kanya. Binanggit nito na dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawa, na tinanggihan naman ng dalaga. Kalaunan ay dumating na rin si Ibarra upang makausap ng Heneral. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na ang binata ay excomulgado ngunit hindi ito pinansin ng pari at sa halip ay ipinaabot ang pagbati kay Padre Damaso. Pagkatapos ay umalis ang mga pari na hindi naibigan ang ipinakita ng Heneral. Malugod na binati ng Heneral si Ibarra at pinuri sa ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng kanyang ama. Sinabi rin ng Heneral na kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa pagiging excomulgado ng binata. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot. Malalaman sa pag-uusap ng binata at Kapitan Heneral na kilala ng binata pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya. Ipinamalas din ng Heneral ang paghanga sa katalinuhan ni Ibarra bagamat iminungkahi ng huli na mas makabubuting sa Europa siya manirahan sapagkat ang kanyang kaisipan ay nararapat lamang sa kaunlaran ng ibang bansa. Magalang namang tumanggi si Ibarra at sinabing higit na matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Ilang sandali pa ay binanggit ng Heneral kay Ibarra na kausapin si Maria at inihabilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tyago. Umalis naman si Ibarra upang puntahan ang katipan. Samantala, itinagubilin naman ng Heneral sa alkalde mayor na protektahan si Ibarra upang maisakatuparan nito ang mga layunin ng binata. Tumango naman ang Alkalde bilang pagsunod. Dumating naman si Kapitan Tyago at pinuri ito sa pagkakaroon ng mabuting anak at mamanugangin. Nagprisinta rin ang Heneral na maging ninong sa kasal. Samantala, si Ibarra naman ay nagpunta sa silid ni Maria ngunit sinabi sa kanya ni Sinang na isulat na lamang nito ang kanyang sasabihin dahil sa mga oras na iyon ay gumagayak sila papunta sa dulaan.”
  • 38. KABANATA 38: Ang Prusisyon “Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng nakiisa ay may dala-dalang mga kandila at parol. Ang prusisyon na iyon ay ukol sa mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero. Magkakasamang naglalakad ang Kapitan Heneral, mga kagawad, Kapitan Tiyago, alkalde, alperes at Ibarra. Ang huli ay napilitang sumama dahil na rin sa pag -imbita ng Heneral. Sa harap ng bahay ni Kapitan Tyago ay may isang kubol na pagdarausan ng pagbigkas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Pinangungunahan ng tatlong sakristan ang pila ng prusisyon, na sinusundan naman ng mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon. Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago inihinto ang mga karo at andas ng mga santo. Isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas upang simulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Kastila at Tagalog. Sumunod naman ay ang pag-awit ni maria at lahat ay nabighani sa ganda ng kanyang tinig. Ramdam naman ni Ibarra ang pighating nararamdaman ng kanyang katipan sa boses nito. Napukaw ang atensyon ng binata ng ito ay kausapin ng Heneral tungkol sa hapunan kung saan kailangan nilang pag-usapan ang pagkawala ng dalawang sakristan na sina Crispin at Basilio.”
  • 39. KABANATA 39: Si Donya Consolacion Si Donya Consolacion ay asawa ng alperes at nagpipilit maging mukhang taga-Europa sa pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din ang pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay dating labandera na nakapag -asawa ng isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang pag-uugali. Ng araw na iyon, iniutos ni Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila na alam nitong tatapat ang prusisyon. Buong araw na siyang nagngingitngit dahil sa galit sa kanyang asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang pag-alipusta at pagmura nito sa kanya. Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na dalawang araw ng nakakulong. Inutusan niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi naman maintindihan ni Sisa, kung kayat hindi ito sumunod. Nagalit ang Donya at dito niya ibinuhos ang galit na nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa. Hinampas niya ito ng latigo at inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa sakit ang babae ay hindi pa rin ito sumunod sa kapritso ng donya. Walang nagawa ang donya kundi utusan ang gwardiya sibil na pakantahin ito, na sinunod naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin ng donya kung kayat nawala sa isip nito na magsalita sa Tagalog, na ikinagulat naman ng gwardya sibil. Napansin naman ito ng Donya kung kaya't pinaalis niya ito. Hinarap naman niya si Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat. Ang pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang isang kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag-aalaga ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan.”
  • 40. KABANATA 40: Ang Karapatan At Lakas “Si Donya Consolacion ay asawa ng alperes at nagpipilit maging mukhang taga -Europa sa pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang Kastila. Mataas din ang pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolacion ay dating labandera na nakapag -asawa ng isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang pag-uugali. Ng araw na iyon, iniutos ni Donya Consolacion na isara ang kanilang bahay sa kabila na alam nitong tatapat ang prusisyon. Buong araw na siyang nagngingitngit dahil sa galit sa kanyang asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang pag-alipusta at pagmura nito sa kanya. Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na dalawang araw ng nakakulong. Inutusan niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi naman maintindihan ni Sisa, kung kayat hindi ito sumunod. Nagalit ang Donya at dito niya ibinuhos ang galit na nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa. Hinampas niya ito ng latigo at inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa sakit ang babae ay hindi pa rin ito sumunod sa kapritso ng donya. Walang nagawa ang donya kundi utusan ang gwardiya sibil na pakantahin ito, na sinunod naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin ng donya kung kayat nawala sa isip nito na magsalita sa Tagalog, na ikinagulat naman ng gwardya sibil. Napansin naman ito ng Donya kung kaya't pinaalis niya ito. Hinarap naman niya si Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat. Ang pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang isang kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag - aalaga ng alperes ay dahil na rin sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan.”
  • 41. KABANATA 41: Dalawang Panauhin “Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang naganap kung kaya't nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Ilang sandali ay dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra. Layunin ni Elias na ipagbigay-alam kay Ibarra na may sakit si Maria Clara, at kung may ipagbibilin ang binata bago siya pumunta sa Batangas. Ipinaliwanag din ni Elias kay Ibarra kung paano niya nasugpo ang kaguluhan ng nagdaang gabi. Sinabi nito na kilala niya ang magkapatid at napakiusapan niya na itigil ang kaguluhan. Napahinuhod naman ang magkapatid na gwardya sibil dahil sa kanilang utang na loob kay Elias. Umalis na rin si Elias makalipas ang ilang sandali. Nagmamadali naman na gumayak si Ibarra upang tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago. Sa daan ay nasalubong ni Ibarra ang kapatid ng taong dilaw na si Lucas. Kinulit nito si Ibarra tungkol sa salapi na makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinagot ito ng maayos ni Ibarra na magbalik na lamang sa isang araw sapagkat siya ay patungo sa maysakit. Ngunit sadyang mapilit si Lucas at kinukulit si Ibarra. Bago pa man mawala ang pagtitimpi ng huli ay tumalikod na lamang ito. Naiwan si Lucas na nagpupuyos ang kalooban, at sa kanyang isipan ay iisa ang dugong nananalaytay sa ugat ni Ibarra at ang lolo nito na nagparusa sa kanilang ama. Maari lamang silang maging magkaibigan kung magkakasundo sila sa salaping ibabayad ni Ibarra.”
  • 42. KABANATA 42: Ang Mag-asawang De Espadana “Lahat ay hindi mapanatag at nalulungkot dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara. Tumawag na ng doktor si Kapitan Tyago at ngayon ay kasalukuyang pinagpipilian nila ni Tiya Isabel kung saan maglilimos: sa Krus ng Tunasan na himalang lumaki, o sa Krus na Matahong na nagpapawis. Sa bandang huli ay napagpasyahan ng dalawa na parehong lumisan ang mga ito upang gumaling kaagad si Maria Clara. Dumating na ang doktor na si Tiburcio de Espadana at ang kanyang maybahay na si Victorina. Nagmiryenda muna ang mag-asawa bago tingnan ng 'doktor' ang kalagayan ni Maria. Kasama rin nila ang kamag-anak na si Linares na dumating pa mula sa Espanya. Kasunod nilang dumating si Padre Salvi at ipinakilala ng mag-asawa si Linares, nag-aaral ng pagka-manananggol sa Espanya at pamangkin ni Don Tiburcio. (Dumating ito sa Pilipinas sa gastos na rin ni Donya Victorina.) Nabanggit ni Kapitan Tyago na kadadalaw lamang ng Kapitan Heneral sa kanilang tahanan. Lubos na nanghinayang ang ambisyosang ginang at nahiling na sana ay nuon pa nagkasakit si Maria Clara disin sana ay nakadaupang palad nila ang Heneral. Hinanap naman ni Linares si Padre Damaso kay Padre Salvi, upang ibigay ang hatid niyang sulat mula sa Espanya. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinuntahan nila si Maria na binabantayan ng mga kaibigan nito. Sinimulang eksaminin ng doktor si Maria at sinabing maysakit nga ito. Inirekomendang igamot kay Maria ang liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Si Linares naman ay natulala at nabighani ng husto kay Maria, na ipinakilala naman ni Victorina sa dalaga. Tila nagising pa si Linares sa pagkatulala ng ibinalita ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang Pari ay hindi pa lubusang magaling ngunit inuna nitong gawin ang pagdalaw kay Maria Clara. Ating ilarawan si Donya Victorina, na napagkakamalang isang Orofea at may gulang na 45. Ikinakaila nito ang tunay na edad, bagkus ay sinasabing siya ay 32 taong gulang lamang. Noong kabataan ng Donya ay masasabi rin na maganda ito ngunit pangarp na nito talagang makapangasawa ng isang mayamang dayuhan. Sa pamamagitan nito, siya ay mapapabilang sa alta-sosyedad at titingalain din ng karamihan. Sa kasamaang palad, napangasawa niya ay isang mahirap pa sa daga na Kastila, si Tiburcio. Sa edad nitong 35, higit pa itong matandang tingnan kaysa kay Donya Victorina. Ito ay isang maralita at mal-edukadong taga-Espanya na itinaboy ng kanyang mga kababayan sa Extremadura at naging palaboy, hanggang mapadpad siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sapagkat hindi naman sanay sa byahe, labis siyang nahilo at nahirapan sa kanyang paglalayag. Nabalian pa siya ng paa. Ika-15 araw na niya mula ng dumating sa Pilipinas ng siya ay natanggap sa trabaho dahil na rin sa mga kapwa Kastilang kanyang nakapalagayang-loob. Pinayuhan din siya ng mga ito na magpanggap na
  • 43. lamang na mediko sa mga nayon na ang tanging puhuhan ay ang kanyang pagiging Kastila. Dahil sa ala naman siyang alam sa anumang propesyon, at hindi naman din siya nakapag-aral, lakas loob na lamang siya na nagpanggap na doktor sa nayon. Ang totoo, dati lang siyang tagalinis at tagapagpa-baga ng mga painitan sa pagamutan ng San Carlos sa Espanya. Ngunit pagdating sa Pilipinas, naging ganap siyang isang doktor dahil na rin sa katangahan at tiwala ng mga Indiyo. Nagsimula sa mababang paniningil hanggang sa tumaas ng tumaas at naging kakompetensya pa niya ang mga totoong doktor. Nagalit ang mga ito at isinumbong sa Protomediko de Manila. Napilitan siyang tumigil sa panggagamot at nawalan na rin siya ng pasyente. Ngunit nakilala naman niya si Donya Victorina at sila ay nagpakasal. Pagkatapos ng kasal, lumipat sila sa bayan ng Sta Ana upang idaos ang kanilang pulu't -gata, at upang duon na rin manirahan. Si Donya Victorina rin ang sumuporta sa kanyang asawa, ibinahay, binihisan at ibinili pa ng mga karwahe. Ang kanyang pangalan ay ginawang Victorina delos Reyes de Espanada. Binago na rin niya ang kanyang anyo upang maging mukhang taga-Europa. Kinulayan nito ang mukha at nagpalamuti sa katawan. Makalipas ang ilang buwan, siya kuno ay naglilihi at kailangan pa sa Espanya manganak upang hindi matawag na rebolusyunaryo ang kanyang anak. Ngunit walang panganganak na nangyari sapagkat ang Donya ay hindi naman talaga buntis. Lumapit na rin siya sa mga hilot at manggagamot ngunit walang nangyari. Kung kaya't walang nangyari sa ambisyon na makapunta sa Espanya ang ginang bagkus ay manatili sa tinubuang lupa, na kung tawagin niya ay "lupain ng mga salbahe". Wala rin siyang tiwala sa mga kapwa Pilipino kung kaya't humirang pa siya ng Kastilang taga-pangasiwa ng kanyang mga ari-arian. Sa pagkabigo ng kanyang pangarap ay pinagbuntunan ng ginang ang kanyang asawa, na pumapayag naman maging andres de saya at taga-salo ng alburuto ng asawa. Mas mabuti na ang ganong kalagayan kaysa naman ang mamalimos sa kalye. Inuutus-utusan din niya ito at may mga pagkakataon na sinasaktan niya ito ng pisikal, na tinatanggap na lamang ng lalaki. Pati ang kapritso ng ginang na magpagawa ng karatulang marmol na may nakaukit na: DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES. Walang nagawa ang lalaki kahit labag sa kalooban nito na ianunsyo sa publiko na siya nga ay isang manggagamot, sapagkat siya nga ay nagpapanggap lamang.”
  • 44. KABANATA 43: Mga Balak O Panukala “Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Padre Damaso at tuloy-tuloy itong pumasok sa silid ni Maria Clara. Nananangis ang Pari at sinabi sa anak na hindi ito mamamatay. Lahat ay nagtaka sa ipinakita ni Padre Damaso, hindi nila akalain na sa kabila ng magaspang nitong ugali ay marunong pala itong umiyak at malambot ang kalooban. Naisip din nila na mahal na mahal talaga ng pari si Maria. Pamaya-maya ay tumindig ang pari at nagtungo ito sa silong ng balag upang managhoy. Nang naibsan ang damdamin ni Padre Damaso ay sinamantala ito ni Donya Victorin at ipinakilala si Linares. Sinabi ng huli na inaanak siya ni Carlicos, ang bayaw ni Damaso. Iniabot ni Linares ang sulat at dito ay nakasaad na siya ay humahanap ng mapapangasawa at trabaho. Madali lamang na matatanggap ang binata ayon kay Padre Damaso sapagkat ito ay naging abogado sa Universidad Central. At sa mapapangasawa ay iminungkahing kakausapin niya si Kapitan Tyago. Bagay naman na ikinalungkot ni Padre Salvi. Sinadya naman ni Lucas si Padre Salvi upang isangguni ang marapat na katarungan para sa kanyang kapatid. Umarte itong kaawa-awa at pilit na pinapatulo ang luha upang mabaghan sa kanya ang pari. Sinabi nito na binigyan lamang siya ng P500.00 ni Ibarra kapalit ang buhay ng kanyang kapatid. Hindi naman ikinatuwa ng pari ang kaartehan ni Lucas kung kaya't pinagtabuyan niya iyon. Walang nagawa ang oportunistang si Lucas kung hindi bumulong bulong at napahiyang nilayasan ang pari.”
  • 45. KABANATA 44: Pagsusuri Ng Budhi “Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay walang binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang inaalagaan nni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makalipas ang ilang araw, kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung kaya't hindi muna pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa. Magkakaharap sina Padre Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya naman ng kura na mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. Sinalungat naman ito ni Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio. Hindi naman siyempre nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa mga gamot. Napikon ang Donya at iminungkahi sa pari na gamuting ng kanyang kumpisal ang nakakabanas na si Donya Consolacion. Wala namang naisago ang Pari kung kaya't tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan itong gumaling. Oras na para uminom ng gamot si Maria Clara at ininom nga nito ang pildoras na mula sa bumbong ng kristal. Ititigil lamang niya ang pag-inom nito kapag siya ay nakaramdam na ng pagkabingi. Nalaman ni Maria kay Sinang na abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging ekskomulgado nito kung kaya't hindi pa ito makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra. Nagsimula na ang pangungumpisal ni Maria Clara. Sa obserbasyon ni Tiya Isabel, Si Padre Salvi ay halatang hindi nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig kay Maria na tila ba inaalam ang nasa isip ng dalaga. Matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan at kagat-labi.”
  • 46. KABANATA 45: Ang Mga Pinag-uusig “Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ng anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit ng kapitan. Malapit ang loob niya sa matanda at itinuturing niya itong ama. Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay. Sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na maisama ito sa mga lupain ng katutubo. Malayo man ito sa sibilisasyon ay makakapamuhay ng mapayapa ang matanda at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya. Tinanggihan naman ito ng matanda at matiim itong nanindigan na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mga anak sa kamay ng mga dayuhan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon ng katarungan ang kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya. Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo, isang babae at dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan ang kanyang anak na dalaga. Ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari kung kayat nagpunta ito ng kumbento. Tila nagkaroon naman diumano ng nakawan sa kumbento kung kaya't pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki. Hindi man napatunayan ang nasabing nakawan, hinuli pa rin ito at ibinitin at nakatikim ng pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad. Hindi tinugon ni Kapitan Pablo ang mga sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon ay mas nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa mapayapang buhay. Ang kura naman ay hindi man lamang naparusahan kundi inilipat lamang ng panibagong lugar. Ang isa naman niyang anak na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti. Sa kasamaang palad, may isang pagkakataon na hindi nito nadala ang kanyang sedula kung kaya't hinuli ito ng mga sibil. Pinahirapan din ito at ng hindi na makayanan ay kinitil nito ang sariling buhay. Kung kaya para kay Kapitan Pablo, wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga anak. Lulusob sila sa bayan sa tamang oras, kasama ng iba pang mga kapus-palad na pinag-uusig ng pamahalaan. Lubos naman itong nauunawaan ni Elias, kaya't ang simpatya niya ay nasa matanda. Minsan na ring hinangad ni Elias ang paghihiganti, ngunit sa kagustuhang wala ng madamay pa sa kanyang paghihiganti, kinalimutan na lamang niya ito. Ayon kay Kapitan Pablo, madali itong gawin para kay Elias sapagkat magkaiba naman sila ng sinapit. Si Elias ay bata pa at walang namatay na mga anak. Pinangakuan naman niya si Elias na walang madadamay na inosente sa gagawin nilang paghihiganti. Isinawalat din ni Elias kay Kapitan Pablo ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra. Ikinuwento rin nito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit ng pamilya nito sa kamay ng pari. Sinabi nito kay Kapitan Pablo na makakatulong si Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral tungkol sa mga hinaing ng bayan. Sumang-ayon naman ang matanda at malalaman niya ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra tungkol dito pagkatapos ng apat araw. Ang mga tauhan ng Kapitan Pablo ang kakatagpuin ni Elias upang maipag-bigay alam sa matanda ang sagot ni Ibarra. Kapag sumang-ayon si Ibarra, magkakaroon ng katarungan ang kanilang mga hinaing at kung hindi naman, nangako si Elias na sasama sa kanilang layunin.”
  • 47. KABANATA 46: Ang Sabungan “Hindi mawawala ang sabungan sa anumang bayan na nasasakupan ng mga Espanyol. Ang sabungan sa San Diego ay katulad din ng mga sabungan sa ibang mga bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang papasok na pintuan kung saan nakatao ang taga-singil sa bawat isang pumapasok sa sabungan. Ang ulutan na siyang ikalawang bahagi naman naririto ang daanan ng mga tao at dito rin nakahanay ang mga nagtitinda ng samu't-saring paninda. Kalapit ito ng isa pang lugar para sa mga tahur, magtatari at mga karaniwang parokyano ng sabungan. Dito nagaganap ang pustahan, tayaan at bayaran ng mga tao bago magsimula at pagkatapos ng bawat sabong na magaganap. Ang ikatlong bahagi ay ang ruweda, na pinagdarausan ng mga sultada. Ito ang pwesto ng mga may matataas na katungkulan at iba pang tinitingala sa lipunan. Ng araw na iyon, ilan lamang sa naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan Basilio at Lucas. Dala ng tauhan ni Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na manok, samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok. Bago magsimula ang sabong at pustahan ay nagkumustahan muna ang magkaibigan. Pagkatapos ay nagkasundo sa pustahan sa halagang P3000.00. Naging matunog ang ginawang pustahan kayat nakipag-pustahan na rin ang iba pang mga sabungerong naroroon. Lumilitaw naman sa sabong na llamado ang puti at dehado ang pula. Naiinggit naman ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta. Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng salaping maipansusugal, ngunit nagbigay naman ang huli ng kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel, at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba ay may mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas, hindi niya magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan. Noong una ay hindi pumayag ang magkapatid sapagkat kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang Kapitan Heneral. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng salapi kung kayat higit silang nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin nakatiis ang magkapatid sa tawag ng sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng mga oras na iyon: ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago. Lumapit sila kay Lucas at inihyag ang kanilang pagsang-ayon sa kondisyon. Tinagubilinan sila ng huli na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan, ang utos ay kanilang matatanggap sa ikawalo ng gabi nang ikalawang araw. Pagkatapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.”
  • 48. KABANATA 47: Ang Dalawang Senyora “Habang mainit ang labanan sa sabungan, ang mag-asawang Donya Victorina at Don Tiburcio ay namamasyal. Ginagawa nilang libangan ang pag-alipusta sa maralitang tahanan ng mga Indio. At lalo pang naasar ang Donya sa hindi pagbibigay galang sa kanila ng mga nakakasalubong. Napadaan ang mag-asawa sa tapat ng bahay ng alperes, na nagkataon naman na naroroon si Donya Consolacion. Ng magtama ang kanilang paningin, sumibangot at dumura ang maybahay nang alperes na malaking ikinayamot ni Donya Victorina. Sinugod nito si Donya Consolacion at nagkaroon ng balitaktakan. Inalipusta ng Donya ang alperes habang ang huli naman ay tinungayaw ang kapansanan at pagpapanggap nang asawa nang Donya. Hindi na rin pinaligstas ni Donya Consolacion ang pagkakataong iyon, dinala ang latigo ng asawa at sinugod si Donya Victorina. Ngunit hindi naman nagpang-abot ang dalawang Donya sapagkat namagitan ang kanilang mga asawa. Nasaksihan ito ng taong-bayan sapagkat ang kanilang away ay sadyang nakakabulahaw. Dumating din ang kura at inawat ang dalawa. Sinagot naman ng alperes ang kura at tinawag itong ‘mapagbanal-banalang Carliston’. Si Victorina naman ay inutusan ang kanyang asawa na hamunin ang alperes ng barilan, na tinanggi naman ng huli. Anupa't dahil dito ay nahablot na naman ang kanyang pustiso. Pamaya-maya ay nakarating sa bahay ni Kapitan Tyago ang mag-asawa. Nadatnan naman nila si Linares na kausap si Maria Clara at mga kaibigan nito. Napagbalingan ng Donya ang binatang si Linares, at inutusan ito na hamunin ang alperes at kung hindi ay sasabihin nito sa lahat ang tunay niyang pagkatao. Hindi naman malaman ni Linares ang kanyang gagawin. Habang humihingi ng paumanhin ang binata sa Donya ay siya namang dumating ang Kapitan. Sinalubong kaagad ito ng Donya at nagdadaldal tungkol sa nangyari. Inipit din nito si Linares sa Kapitan, at sinabing kung hindi ito gagawin ng binata ay marapat lamang na walang kasalang magaganap sapagkat hindi bagay si Maria Clara sa isang duwag. Nagpahatid naman sa silid si Maria Clara dahil sa narinig mula sa Donya. Madilim na ng umalis ang mag-asawang Tiburcio at Donya Victorina, dala ang ilang libong piso na salaping bayad ni Kapitan Tyago sa panggagamot ni Tiburcio kay Maria Clara. Si Linares naman ay hindi matahimik sa gipit nitong sitwasyon.”
  • 49. KABANATA 48: Ang Talinghaga “Dumating ng araw na iyon si Ibarra at masayang dinalaw si Maria Clara at Kapitan Tyago. Sinabi nito sa huli na tinanggal na ang kanyang pagiging excomulgado, at ipinabasa ang sulat kay Tiya Isabel. Tuwang tuwa naman ang tiyahin sapagkat magiliw siya kay Ibarra. Nabigla naman ang binata ng siya ay mapunta sa balkon. Nandoon si Maria Clara at si Linares naman sa gawing paanan nito na nag-aayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares at si Maria Clara naman ay namutla, at sinikap mang tumayo ngunit ito ay hindi pa lubos na magaling. Ipinaalam ni Ibarra ang dahilang ng kanyang pagdalaw. Banaag naman sa mukha ni Maria Clara ang pagkalungkot at dahil dito, ay nagpaalam kaagad si Ibarra. Sinabi ng binata na dadalaw itong muli kinabukasan. Umalis si Ibarra na may kaguluhan ang isip at damdamin. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa ipinapagawang paaralan. Ipinaalam niya sa lahat lalo na kay Nol Juan na wala silang dapat ipangamba sapagkat siya ay tanggap na muli ng simbahan. Sinagot naman siya ni Nol Juan na ang pagiging excomulgado ay hindi mahalaga para sa kanila, sapagkat lahat sila ay mga excomulgado rin. Namataan ni Ibarra si Elias na nagkakarga ng bato sa kariton at nabasa nito sa mukha ng huli na may nais siyang ipaalam sa binata. Inutusan ni Ibarra si Nol Juan na ibigay sa kanya ang talaan ng mga obrero. Iminungkahi ni Elias na sila ay mamangka sa lawa upang mapag-usapan ang isang napakahalagang bagay, na sinang-ayunan naman ni Ibarra. Dumating naman si Nol Juan at ibinigay ang listahan, ngunit hindi nakalista doon ang pangalan ni Elias.”