SlideShare a Scribd company logo
PAGTITIPON
“Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos
Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa
isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang
matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage. Napuno ng
mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang
maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa
mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang
magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga
panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina. Sa lahat ng mga
panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla,
ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang
paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil. Bawat grupo ng mga panauhin ay may
kani-kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap ng
papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na
walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San
Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas,
monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya
ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang.
Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni
Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang
hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng
Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral.
Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay
ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay
na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang
kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre
Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.”
Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan.
Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik siya sa kamay ng
mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang
binata.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak ng kanyang nasirang
kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag-aaral
nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay
ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya. Tumanggi
naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata.
Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito
ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman
ang pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng
Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra.
Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si
Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang
ama. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon.
Ang Hapunan
Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang
mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay
nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog
at nataamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay
masusing pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan
na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapag-painis sa Donya. Ang ibang
bisita naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan.
Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay
maupo sa kabisera. Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa
kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat
siya ang kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si
Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre
Sybila ang upuan sa Tinyente, na tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si
Kapitan Tyago ngunit magalang itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang
pagkain, hindi sinasadyang napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng
manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa
mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra.
Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng
pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng
kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi
paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi
pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang
nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata.
Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang
kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili
nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. Binatikos naman ito ni
Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan; at ang kanyang
pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi. Magalang naman na tinanggap ni
Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga ala-ala niya na si Padre Damaso ay
karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Hindi
naman nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan nila ng ama ni Ibarra.
Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara, ang
dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-alipusta si Padre Damaso sa
binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios Coloniales ang kanyang mga
obserbasyon sa gabing iyon.
Pagtitipon

More Related Content

What's hot

Kabanata 6 -si kapitan tiago
Kabanata 6 -si kapitan tiagoKabanata 6 -si kapitan tiago
Kabanata 6 -si kapitan tiagoOlive Villanueva
 
Nobela
Nobela Nobela
Nobela
isabel guape
 
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng ElehiyaFilipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Juan Miguel Palero
 
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyonMga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Kristel Casulucan
 
Noli Me Tangere Kabanata 10-17
Noli Me Tangere Kabanata 10-17Noli Me Tangere Kabanata 10-17
Noli Me Tangere Kabanata 10-17
SCPS
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaPRINTDESK by Dan
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
michael saudan
 
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Juan Miguel Palero
 
Filipino 7 2nd quarter
Filipino 7  2nd quarterFilipino 7  2nd quarter
Filipino 7 2nd quarter
GraceJoyObuyes
 
Sundiata
Sundiata Sundiata
Sundiata
Alexia San Jose
 
Katangian ng Tao
Katangian ng TaoKatangian ng Tao
Katangian ng Tao
Longen Llido
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
faithdenys
 
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Jenita Guinoo
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikanSCPS
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
sarahruiz28
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
 
ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON
ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYONISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON
ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON
John Labrador
 
Limang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobelaLimang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobelaLovely Centizas
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
SCPS
 

What's hot (20)

Kabanata 6 -si kapitan tiago
Kabanata 6 -si kapitan tiagoKabanata 6 -si kapitan tiago
Kabanata 6 -si kapitan tiago
 
Nobela
Nobela Nobela
Nobela
 
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng ElehiyaFilipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
 
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyonMga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
 
Noli Me Tangere Kabanata 10-17
Noli Me Tangere Kabanata 10-17Noli Me Tangere Kabanata 10-17
Noli Me Tangere Kabanata 10-17
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
 
Filipino 7 2nd quarter
Filipino 7  2nd quarterFilipino 7  2nd quarter
Filipino 7 2nd quarter
 
Sundiata
Sundiata Sundiata
Sundiata
 
Katangian ng Tao
Katangian ng TaoKatangian ng Tao
Katangian ng Tao
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
 
ALAMAT
ALAMATALAMAT
ALAMAT
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
 
ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON
ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYONISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON
ISYUNG KALAKIP NG MIGRASYON
 
Limang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobelaLimang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobela
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
 

Similar to Pagtitipon

Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49asa net
 
NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49
asa net
 
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
asa net
 
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptxBUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
RioOrpiano1
 
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me TangerePresentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
ssuser666aef1
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
SCPS
 
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdfKABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
NymphaMalaboDumdum
 
Tungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizalTungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizalELISEO4771646
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptx
KikiJeon
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
johnrohannebasale
 
Kabanata 1,2,3
Kabanata 1,2,3Kabanata 1,2,3
Kabanata 1,2,3
angelitamantimo
 
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
ybonneoretga
 
Kabanata 37
Kabanata 37Kabanata 37
Kabanata 37
lorna ramos
 
Noli me tangere kabanata 1
Noli me tangere kabanata 1Noli me tangere kabanata 1
Noli me tangere kabanata 1
Sir Pogs
 
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdfnoli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
fulgenciofrancis3
 
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
MELODYJASPELA
 
nolimetangerekabanata3-200605053530.pdf
nolimetangerekabanata3-200605053530.pdfnolimetangerekabanata3-200605053530.pdf
nolimetangerekabanata3-200605053530.pdf
janeclairemillan
 

Similar to Pagtitipon (20)

Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49
 
NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49
 
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
FLORANTE AT LAURA KABANATA 1 TO 64
 
hazell
hazellhazell
hazell
 
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptxBUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
BUOD-LARAWAN NMT KABANATA I.pptx
 
Noli
NoliNoli
Noli
 
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me TangerePresentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
 
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdfKABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
 
Tungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizalTungkol kay jose rizal
Tungkol kay jose rizal
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
Kabanata 1,2,3
Kabanata 1,2,3Kabanata 1,2,3
Kabanata 1,2,3
 
Kabanata
Kabanata Kabanata
Kabanata
 
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
 
Kabanata 37
Kabanata 37Kabanata 37
Kabanata 37
 
Noli me tangere kabanata 1
Noli me tangere kabanata 1Noli me tangere kabanata 1
Noli me tangere kabanata 1
 
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdfnoli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
 
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
Kabanata 1.pptx Noli Me Tangere.........
 
nolimetangerekabanata3-200605053530.pdf
nolimetangerekabanata3-200605053530.pdfnolimetangerekabanata3-200605053530.pdf
nolimetangerekabanata3-200605053530.pdf
 

Pagtitipon

  • 1. PAGTITIPON “Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage. Napuno ng mga panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina. Sa lahat ng mga panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil. Bawat grupo ng mga panauhin ay may kani-kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap ng papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral. Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.”
  • 2. Crisostomo Ibarra Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at tulad ng kaugalian, humalik siya sa kamay ng mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre Damaso ng makilala nito na ang binata. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag-aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya. Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng Tinyente ang pakikipag-usap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon.
  • 3. Ang Hapunan Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at nataamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapag-painis sa Donya. Ang ibang bisita naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan. Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera. Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente, na tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit magalang itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra. Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata. Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan; at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi. Magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga ala-ala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Hindi naman nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan nila ng ama ni Ibarra.
  • 4. Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-alipusta si Padre Damaso sa binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios Coloniales ang kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon.