Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 3 (Ang Hapunan)Juan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang: Kabanata 3 ng Noli Me Tangere. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
2. TALASALITAAN
• Lumaganap – kumalat
• Hampaslupa – dukha
• Inaalipusta – inaabuso o
pinapahirapan
• Kaaliwaswasan –
kalokohan
• Malakas na ibinulaslas -
biglang pagsabi
• Mapusok – agresibo
• Nanlumo – nanghina
• Pagtimpi – pagtitiis o
pagpigil sa sarili
• Sumabad – sumagot
• Tigmak ng dugo –
punong-puno ng dugo
3. •Naging mainit na usapan sa buong bayan ng
San Diego ang mga kaganapan sa
nangyaring pananghalian. Karamihan ay
pinanigan si Padre Damaso dahil kung
nagtimpi lamang daw si Ibarra ay hindi sana
iyon nangyari.
4. •Tanging si Kapitan Martin lamang ang
nakaunawa sa ikinilos ni Ibarra dahil walang
sinuman ang hindi makapapagpipigil kung
ang ama ang lalalapastanganin.
5. • Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay
daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan
bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang
nagawa niya at ng kanyang ama. Samantala,
nanindigan ang kapitan ng bayan na wala silang
magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga
prayle.
6. •Ani Don Filipo, nangyayari ito dahil hindi
nagkakaisa at watak-watak ang mga
taumbayan samantalang ang mga prayle at
mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.
7. •Natakot naman ang mga matatandang
babae sa bayan dahil kung di nila panigan si
Padre Damaso ay baka mapunta sila sa
impyerno.
8. •Nalugod naman si Kapitana Maria sa
pagtatanggol ng binata sa kanyang ama. Ang
mga magsasaka’y biglang nawalan ng pag-
asa dahil baka hindi matuloy ang paaralan.
Kapag nangyari iyon ay baka hindi
makatapos sa pag-aaral ang kanilang mga
anak.
9. •May kumakalat na baka hindi na matutuloy
ang pagpapatayo ng simbahan sapagkat
tinawag na pilibustero ng prayle si Ibarra.
Hindi naman maintindihan ng mga
magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero.
10. SAGUTIN!
1. Sino ang hindi nakaintindi sa kahulugan ng Pilibustero?
2. Sino ang tanging nakaunawa sa ikinilos ni Ibarra?
3. Sino ang laging nasa katwiran?
4. Ano o sino ang tinutukoy ni Don Filipo na hindi
nagkakaisa at watak-watak?
5. Sino ang nalugod sa pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang
ama?