3. •Nakapagmisa nang maaga si Padre Salvi at
agad ay nag-almusal. Hindi na nito tinapos
ang pagkain, sa halip ay nagpunta na ito sa
lugar ng piknik sakay ng karwahe.
4. • Malayo pa lamang ay pinahinto na ng pari ang
karwahe upang malayang mapagmasdan ang mga
kadalagahan. Di naman siya nabigo sapagkat
nakita niya ang masasayang mga dalaga maging
ang mga binti at sakong ng mga ito habang
nagkakatuwaan. Pinigil ni Padre Salvi ang kanyang
sarili at hinanap ang mga kalalakihan.
5. •Makatapos ang pananghalian ay nabanggit
ni Padre Salvi na may tumampalasan kay
Padre Damaso kaya ito ay nagkasakit.
6. •Nagkataon namang dumating si Sisa na nais
sanang pakainin ni Ibarra ngunit dala ng
pagiging wala sa katinuan ay agad itong
umalis.
7. •Nabanggit din sa usapan ang pagkawala ng
mga anak ni Sisa kung saan nagkaroon ng
matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre
Salvi.
8. •Ikinatwiran ni Don Filipo na higit pang
pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa
pagkawala ng mga bata. Si Ibarra nama’y
pumagitna na sa dalawa upang hindi na
umabot sa sakitan ang mga ito.
9. •Maya-maya’y nakiumpok si Ibarra sa mga
binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng
Kapalaran. Itinanong ng binata sa Gulong
kung may mga katuparan ang kanyang
binabalak. Ngunit natapat naman ang dais sa
sagot na pangarap lamang, bagay na hindi
sinang-ayunan ni Ibarra.
10. •Aniya, mayroon na siyang katibayan at
pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-
paaralan. Ang kasulatan ay hinati ni Ibarra at
ibinigay kina Maria Clara at Sinang.
11. •Walang anu-ano’y dumating si Padre Salvi at
pinunit nito ang aklat ng walang hudyat.
Ayon sa pari, malaking kasalanan ang
maniwala sa nilalaman nito.
12. •Si Albino nama’y nainis at sinagot ang kura
na mas malaking kasalanan ang kanyang
pakikialam sa pag-aari ng iba.
14. •Ilang sandali pa’y dumating naman ang mga
gwardya sibil at sarhento. Si Elias ang pakay
nila sapagkat ito diumano ang nanakit kay
Padre Damaso.
15. •Kinuwstyon din ng mga dumating ang
pagkupkop ni Ibarra kay Elias. Ito nama’y
agad na sinalungat ng binata at sinabing
walang karapatan ang mga ito na kwestyunin
ang kanyang desisyon kung sino ang nais
niyang imbitahin sa kanyang tahanan.
16. •Ang buong kagubatan ay hinalughog ng
gwardya sibil ngunit hindi nila nakita si Elias.
17. SAGUTIN!
1. Sino ang pinaghahanap ng mga guwardya
sibil?
2. Sinong pari ang nagkasakit?
3. Sino ang nakipagtalo kay Padre Salvi?
4. Ano ang nilalaro ang mga dalaga at mga
binata?