2. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Anong ugaling
Pilipino ang ipinapakita sa bawat sitwasyon? Isang
miyembro ng bawat pangkat ang pupunta sa laptop at i-
type ang tamang sagot.
1. Unang araw ng pasukan. Napansin ni Angelo na tahimik
lamang ang kanyang bagong kaklase. Nilapitan niya ito at
kinausap at kinaibigan.
Anong ugali ang ipinakita ni Angelo?
PALAKAIBIGAN
4. 2. Si Julia ay maagang nagising at bitbit niya ang walis para
sa paglilinis sa kanilang kapilya.
Anong ugali ang ipinakita ni Julia?
MATULUNGIN
5. Pagtulong o Paglahok sa Bayanihan/Palusong
- nagtutulungan kahit kailan o saan man
6. 3. Dumating ang tita ni Paulo mula sa Maynila. Tinulungan
niya ang kanyang ate sa paghahanda ng matutulugan ng
kanilang tita.
Ano naman ang ipinakitang ugali nina Paulo at ng kanyang
ate?
MAASIKASO
7. Pagtanggap ng mga Panauhin o Bisita
- mahusay at maasikasong pagtanggap sa mga
bisita o pagiging “hospitable”
8. Pangkat 1: Pumili sa mga kaugaliang Pilipino at ipakita sa
isang maikling pagsasadula.
Pangkat 2: Panuto: Gamit ang graphic organizer,
isulat ang mga natutunan mong kanais-nais na
kaugaliang Pilipino.
Pangkat 3: Tingnan ang larawan. Sumulat ng isang
pangungusap at salungguhitan ang “salitang kilos/galaw
9. RUBRIK
Pamantayan
PUNTOS
KABUUAN
3 2 1
KASAGUTAN
Tama ang mga
sagot sa
gawain
May isang
mali na
sagot
May dalawa o
higit pang
maling sagot
KABILISAN
Unang
natapos sa
gawain
Pangala-
wang
natapos sa
gawain
Pangatlong
natapos sa
gawain
10. Ano ang tawag sa salitang nagsasaad
ng kilos o galaw?
PANDIWA
11. Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Ano ang
inyong sagot sa bawat katanungan?
1.Nagkaroon ng sunog sa kabilang barangay. May
ibang pamilya na walang gamit na nakuha. Ano
ang iyong maitutulong?
12. 2. Bibisita ang mga kasamahan sa trabaho ng
iyong tatay. Paano mo sila tatanggapin?
3. May bago kayong kaklase. Paano mo
maipapakita ang pakikisama sa iyong
kapwa?
13. Tungkol saan ang pinag-aralan natin ngayon?
- Mga kaugaliang Pilipino
Sino ang makapagbigay ng mga kaugaliang taglay
ng mga Pilipino na natutunan ninyo ngayon?
14. Mga Kaugaliang Taglay ng mga Pilipino
•Pakikisama sa Kapwa
•Pagtulong o Bayanihan
•Pagtanggap sa Bisita
16. •Maliban sa ESP, saang asignatura pa
kaya matatalakay ang mga Kaugalian
ng mga Pilipino?
Araling Panlipunan at Filipino
17. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon.
Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Hindi maiangat ng munting mag-aaral ang kanyang bag
pababa sa hagdanan. Ano ang iyong gagawin?
a. Magkunwaring di nakikita
b. Lalapitan ang bata at tulungan
c. Sabihin mo sa iyong kasama na siya nalang ang
tumulong
d. Lalayo ako sa lugar na iyon
18. 2. May dumaang bulag na pulubi sa inyong tahanan at nanghingi
siya ng pagkain. Alam mo namang may natirang pandesal sa
mesa. Ano ang iyong gagawin?
a. Ipahahabol ko siya sa aming aso
b. Magkunwari na hindi siya napansin
c. Papaupuin ko siya at bibigyan ng pagkain
d. Sasabihin ko doon na lang siya sa kapitbahay pumunta
19. 3. Nakita mong patawid sa kalsada ang isang babaeng matanda
at marami siyang dala-dalang gamit. Ano ang gagawin mo?
a. Pabayaan ko lang siya, matanda na siya
b. Titingnan ko lang siya
c. Tutulungan ko siya sa pagbitbit at pagtawid
d. Sasabihin ko sa traffic enforcer na tulungan ang matanda
20. 4. Anong dapat gawin upang malaman kung karapat- dapat
bang tulungan ang isang tao?
a. Kilatisin kung tunay na nangangailangan ang tutulungan
b. Pagbigyan na lamang upang di na mangulit pa
c. Hayaan na kahit na ano pa ang kanilang gagawin sa bagay na
binigay
d. Magsasawalang kibo na lang ako
21. 5. Magbigay ng isang kaugaliang Pilipino.
Pakikisama sa Kapwa
Pagtulong o Bayanihan
Pagtanggap sa Bisita
22. Takdang - Aralin
Sagutin ang tanong: Paano mo maipapakita ang
iyong mga kanais-nais na ugali bilang isang batang
Pilipino?
Sa Bahay
Sa Paaralan
sa pamayanan
Editor's Notes
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Anong ugaling Pilipino ang ipinapakita sa bawat sitwasyon?. Isang miyembro ng bawat pangkat ang pupunta sa laptop at i-type ang tamang sagot. Bigyan ng award pagkatapos…
Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan? Binubuhat nilang bahay patungo sa lugar na lalapitan ng pamilya.
Ngayon ay magkakaroon kayo ng group activity. Bawat grupo ay may gawain. Ipresenta agad sa harapan kapag tapos na ang gawain.
May isang batang may ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) sa klase, ito ang kanyang mga gawain:
- Ipasali sa role playing o pagsasadula
- Pagbibigay ng coloring activity
Give claps after the groups presented their outputs.
Frog clap. 1 kokak, 2 kokak, kokak, 3 kokak kokak kokak
Bird clap. 12 twit twit, 12 twit twit, 12 twit twit twit
Good Job Clap. 123, 123 GOOD JOB, Good Job!
Bigyan ng puntos ang bawat grupo pagkatapos ng presentasyon.
Itatanong ito after sa presentation ng pangatlong grupo.
Ano ang tawag sa salitang nagsasaad ng kilos o galaw? Pandiwa
Good Job clap para sa lahat!
Good Job clap para sa lahat!
Ihanda ang ball pen para sa pagsusulit… Kung tapos na exchange your papers.
Okay bilangin niyo kung ilang emojis ang nakukuha ninyo upang malaman natin kung sinong grupo ang nakakuha ng First, 2nd at Third Place.
Magbigay ng karagdagang puntos sa bawat grupo. Kung may oras pa bigyang pansin ang ginawa ng batang may ADHD.