Maging Sino Ka Man,
Dapat Igalang!
ESP Q2 Week 5
Naranasan mo na bang tumulong sa
may kapansanan?
Bakit mo ito ginawa?
Meron ba kayong kaibigan, kapamilya, o
kapit bahay na may kapansanan?
Dapat ba natin silang igalang? Bakit?
Natatanging Kaibigan!
Sabado ng umaga. Sakay ng bisekleta si Bibo
ng makasalubong niya si Gina, ang batang may
kapansanan subalit mahusay naman umawit.
GINA: Hello Bibbo! Balita ko eh may paligsahan sa
pag-awit sa darating na pista dito sa ating
barangay? Sa palagay mo, maaari kaya akong
sumali?
BIBO: Aba, oo naman Gina! Kaya nga pupunta ako
sa bahay ninyo para ipaalam sa’yo at tanungin
kung gusto mong sumali. Alam mo bang malaki
ang mga papremyong ipamimigay sa mga
mananalo?
GINA: Talaga? Maraming salamat sa’yo Bibo!
Kanino ba nagpapalista ang gustong sumali sa
paligsahang iyon?
BIBO: Ayon sa nabasa kong patalastas na
nakapaskil, eh, kay Kuya Gerwin daw, ang
Hermano Mayor ng pista sa taong ito.
GINA: Wala talaga akong masabi sa’yo Bibo!
Saludo ako sa iyo dahil alam na alam mo ang
buong detalye ng paligsahan. Puwede bang
samahan mo ako ngayon para magpalista na kay
Kuya Gerwin?
BIBO: Sige tayo na!
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang natatanging kakayahan ni Gina?
2. Bakit pupunta si Bibo sa bahay ni Gina?
3. Ano ang katangiang ipinakita ni Bibo sa
diyalogo?
4. Kaya mo rin bang gawin ang pagmamalasakit
na ginawa ni Bibo kay Gina? Bakit?
5. Kung ikaw si Bibo/ Gina, ano ang iyong
mararamdaman kapag ikaw ang
pinahahalagahan o nagbibigay importansya
sa iba? Patunayan?
Suriin ang mga sumusunod na
sitwasyon.
1. Kasama ka ng Nanay mong pumunta ng
palengke at noon mo nalaman nabingi
pala ang batang namamalimos?
a. Pagtawanan mo ang batang bingi.
b. Huwag mong bigyan dahil may iba
namang magbibigay sa kanya.
c. Kausapin ang iyong nanay na bigyan ng
limos ang batang bingi.
2. May paligsahan sa pag-awit sa iyong
barangay at nais sumali ng iyong
kababatang pilay.
a. Sabihan ang iyong kapitbahay tungkol sa
paligsahan.
b. Huwag mo siyang sabihan dahil baka matalo
lang siya.
c. Hayaan mo nalang at baka may ibang
magsabi sa kaniya ng tungkol sa paligsahan.
3. Sa iyong paglalakad, nakita mo ang
iyong kapitbahay na bulag na malapit
na sa may kanal.
a. Lapitan at sabihan ang bulag na malapit na
siya sa kanal.
b. Abangan mo siyang malaglag sa kanal at
pagtawanan.
c. Bilisan mo ang iyong paglalakad at
magkunwaring hindi mo siya nakita.
4. Marami kang laruan sa inyong bahay na hindi
mo naman ginagamit. Nakita mo na sira na
ang laruan ng kapitbahay mong pipi.
a. Sabihan mo ang nanay ng pipi na ibili siya ng
laruan.
b. Ibigay mo ang iba mo pang laruan sa pipi tutal
marami ka namang laruan.
c. Itago mo ang iyong laruan para hindi makita ng iba.
5. Nakita mo ang isang batang putol ang
kamay na hindi kayang dalhin ng kanyang
gamit.
a. Tutulungan mo ang batang dalhin ang kanyang
mga gamit.
b. Hayaan ang batang dalhin ang kanyang mga
gamit.
c. Utusan ang ibang bata na tulungan ang batang
dalhin ang ang kanyang mga gamit.
Pangkatang Gawain:
a. Hatiin ang klase sa 4 na grupo.
b. Ang lider ng bawat grupo ang bubunot ng
activity card kung saan nakasulat ang
sitwasyon na gagawin nila.
c. Mayroong 10-15 minuto upang maghanda
sa kanilang pangkatang gawain na ipakikita
sa loob ng dalawa hanggang tatlong
minuto (2-3 minutes).
PAMANTAYAN 1 2 3
Partisipasyon
ng mga kasapi
sa pangkatang
Gawain.
Lahat ng kasapi
sa pangkat ay
nagpakita ng
husay sa
pagtulong sa
pagbuo ng
gawain.
1-2 Kasapi ng
pangkat ay
hindi nagpakita
ng husay a
pagtulong sa
pagbuo ng
Gawain.
3-4 na kasapi ng
pangkat ay
hindi nagpakita
ng husay sa
pagbuo ng
Gawain
Pagpapaliwana
g ng bawat
pangkat sa
nabunot na
sitwasyon/
Gawain.
Naipaliwanag
nang maayos at
may tiwala ang
tamang
saloobin sa
nabunot na
sitwasyon.
Naipaliwanag
nang maayos
ngunit may
pag-aalinlangan
ang tamang
saloobin sa
nabunot na
sitwasyon.
Hindi
naipaliwanag
ang tamang
saloobin sa
nabunot na
sitwasyon.
Pangkat 1- Lagyan ng piring ang mata ng bawat
bata sa inyong pangkat. Magkaisa sa isang salita
na magsisilbing clue word ninyo upang mahanap
ang iyong kasamahan.
Pangkat 2- May isang bagay kayo na hinahanap sa
inyong silid-aralan. Ipakita kung paano ninyo ito
mahahanap nang hindi kayo nagsasalita.
Pangkat 3- May gusto kayong abuting gamit sa
mataas na kabinet ngunit kayo ay pilay.
Pangkat 4- May gusto kang sabihin sa iyong kaklase
ngunit mahina ang kaniyang pandinig. Paano mo
ito gagawin?
Sumulat ng sariling pangako hinggil sa
pagpapakita ng malasakit na may paggalang sa mga
may kapansanan.
Simula sa araw na ito, ako ay nangangako na
_______________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________.
Tandaan Natin:
Ang pantay-pantay na pagtingin ay
pagpapakita rin ng paggalang sa kapuwa.
Ito ay nagpapaalala sa atin na walang
mayaman o walang mahirap sa lipunang
ating ginagalawan.
Nararapat nating pahalagahan ang taglay na
mga kakayahan ng bawat isang may
kapansanan man o wala.
Wala tayong karapatan upang husgahan ang
ating kapwa sa panlabas na kaanyuan.
Ipinahihiwatig sa ating “Bulag, Pipi, at Bingi”
ni Freddie Aguilar na ang kapansanay ay
hindi hadlang upang maipakita ang ating
natatanging kakayanan o talento.
Lagi nating itanim sa ating isipan na walang
sinumang perpekto sa ibabaw ng mundo.
Bawat isa ay may kani-kaniyang laks at
kakulangan.
Sa bisa parin ng Batas Republika 9442 na
sumusog sa Batas Republika 7277,
ipinagbabawal na rin ngayon ang
panunuya sa mga taong may kapansanan,
maging sa pamamaraang pasulat, pasalita
o sa pamamagitan ng mga kilos.
Pinagtibay din ang mga susog na ito upang
pigilan ang pagbaba ng tingin sa mga taong
may kapansanan.
Kaya’t ang pagmamalasakit sa mga may
kapansanan ay dapat nating gawin sa
lahat ng pagkakataon.
Ito ay pagpapakita rin ng paggalang
upang maramdaman nilang bahagi rin
sila ng lipunan.
Magkaroon ng isang proyekto “Kapwa Ko, Mahal
Ko” na gagamitin sa outreach program para sa
mga may kapansanan.
Isang kahon ng binalutan ng used gift wrapper ang
ilalagay sa sulok ng silid-aralan upang dito ilagak
ng mga bata ang mga dadalhin nilang regalo:
damit, laruan at de lata, at iba pa para sa mga
batang may kapansanan.
Gagawin ito sa loob ng isang buwan. Ang lahat ng
naipong gamit ay ipamimigay sa mga batang
may kapansanan.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pagmamalasakit na may pagalang sa
may kapansanan at ekis (X) kung ito ay hindi.
___ 1. Tinatawag ko ang aking kapuwa na may
kapansanan sa kanilang tunay na pangalan o palayaw.
___ 2. Tinatawanan ko ang may kapansanan sa kanilang
kapulaan.
___ 3. Ginagaya ko ang may kapansanan sa kanilang
paglalakad o pagsasalita.
___ 4. Nakikipaglaro lang ako sa kapwa ko rin na may
kapansanan.
___ 5. Tinutulungan ko ang mga may kapansanan sa abot
ng aking makakay.

ESP Q2 Week 5 Day 1.pptx

  • 1.
    Maging Sino KaMan, Dapat Igalang! ESP Q2 Week 5
  • 2.
    Naranasan mo nabang tumulong sa may kapansanan? Bakit mo ito ginawa?
  • 3.
    Meron ba kayongkaibigan, kapamilya, o kapit bahay na may kapansanan? Dapat ba natin silang igalang? Bakit?
  • 4.
    Natatanging Kaibigan! Sabado ngumaga. Sakay ng bisekleta si Bibo ng makasalubong niya si Gina, ang batang may kapansanan subalit mahusay naman umawit. GINA: Hello Bibbo! Balita ko eh may paligsahan sa pag-awit sa darating na pista dito sa ating barangay? Sa palagay mo, maaari kaya akong sumali? BIBO: Aba, oo naman Gina! Kaya nga pupunta ako sa bahay ninyo para ipaalam sa’yo at tanungin kung gusto mong sumali. Alam mo bang malaki ang mga papremyong ipamimigay sa mga mananalo?
  • 5.
    GINA: Talaga? Maramingsalamat sa’yo Bibo! Kanino ba nagpapalista ang gustong sumali sa paligsahang iyon? BIBO: Ayon sa nabasa kong patalastas na nakapaskil, eh, kay Kuya Gerwin daw, ang Hermano Mayor ng pista sa taong ito. GINA: Wala talaga akong masabi sa’yo Bibo! Saludo ako sa iyo dahil alam na alam mo ang buong detalye ng paligsahan. Puwede bang samahan mo ako ngayon para magpalista na kay Kuya Gerwin? BIBO: Sige tayo na!
  • 6.
    Sagutin ang mgatanong: 1. Ano ang natatanging kakayahan ni Gina? 2. Bakit pupunta si Bibo sa bahay ni Gina? 3. Ano ang katangiang ipinakita ni Bibo sa diyalogo? 4. Kaya mo rin bang gawin ang pagmamalasakit na ginawa ni Bibo kay Gina? Bakit? 5. Kung ikaw si Bibo/ Gina, ano ang iyong mararamdaman kapag ikaw ang pinahahalagahan o nagbibigay importansya sa iba? Patunayan?
  • 7.
    Suriin ang mgasumusunod na sitwasyon. 1. Kasama ka ng Nanay mong pumunta ng palengke at noon mo nalaman nabingi pala ang batang namamalimos? a. Pagtawanan mo ang batang bingi. b. Huwag mong bigyan dahil may iba namang magbibigay sa kanya. c. Kausapin ang iyong nanay na bigyan ng limos ang batang bingi.
  • 8.
    2. May paligsahansa pag-awit sa iyong barangay at nais sumali ng iyong kababatang pilay. a. Sabihan ang iyong kapitbahay tungkol sa paligsahan. b. Huwag mo siyang sabihan dahil baka matalo lang siya. c. Hayaan mo nalang at baka may ibang magsabi sa kaniya ng tungkol sa paligsahan.
  • 9.
    3. Sa iyongpaglalakad, nakita mo ang iyong kapitbahay na bulag na malapit na sa may kanal. a. Lapitan at sabihan ang bulag na malapit na siya sa kanal. b. Abangan mo siyang malaglag sa kanal at pagtawanan. c. Bilisan mo ang iyong paglalakad at magkunwaring hindi mo siya nakita.
  • 10.
    4. Marami kanglaruan sa inyong bahay na hindi mo naman ginagamit. Nakita mo na sira na ang laruan ng kapitbahay mong pipi. a. Sabihan mo ang nanay ng pipi na ibili siya ng laruan. b. Ibigay mo ang iba mo pang laruan sa pipi tutal marami ka namang laruan. c. Itago mo ang iyong laruan para hindi makita ng iba.
  • 11.
    5. Nakita moang isang batang putol ang kamay na hindi kayang dalhin ng kanyang gamit. a. Tutulungan mo ang batang dalhin ang kanyang mga gamit. b. Hayaan ang batang dalhin ang kanyang mga gamit. c. Utusan ang ibang bata na tulungan ang batang dalhin ang ang kanyang mga gamit.
  • 12.
    Pangkatang Gawain: a. Hatiinang klase sa 4 na grupo. b. Ang lider ng bawat grupo ang bubunot ng activity card kung saan nakasulat ang sitwasyon na gagawin nila. c. Mayroong 10-15 minuto upang maghanda sa kanilang pangkatang gawain na ipakikita sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto (2-3 minutes).
  • 13.
    PAMANTAYAN 1 23 Partisipasyon ng mga kasapi sa pangkatang Gawain. Lahat ng kasapi sa pangkat ay nagpakita ng husay sa pagtulong sa pagbuo ng gawain. 1-2 Kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay a pagtulong sa pagbuo ng Gawain. 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita ng husay sa pagbuo ng Gawain Pagpapaliwana g ng bawat pangkat sa nabunot na sitwasyon/ Gawain. Naipaliwanag nang maayos at may tiwala ang tamang saloobin sa nabunot na sitwasyon. Naipaliwanag nang maayos ngunit may pag-aalinlangan ang tamang saloobin sa nabunot na sitwasyon. Hindi naipaliwanag ang tamang saloobin sa nabunot na sitwasyon.
  • 14.
    Pangkat 1- Lagyanng piring ang mata ng bawat bata sa inyong pangkat. Magkaisa sa isang salita na magsisilbing clue word ninyo upang mahanap ang iyong kasamahan. Pangkat 2- May isang bagay kayo na hinahanap sa inyong silid-aralan. Ipakita kung paano ninyo ito mahahanap nang hindi kayo nagsasalita. Pangkat 3- May gusto kayong abuting gamit sa mataas na kabinet ngunit kayo ay pilay. Pangkat 4- May gusto kang sabihin sa iyong kaklase ngunit mahina ang kaniyang pandinig. Paano mo ito gagawin?
  • 15.
    Sumulat ng sarilingpangako hinggil sa pagpapakita ng malasakit na may paggalang sa mga may kapansanan. Simula sa araw na ito, ako ay nangangako na _______________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________.
  • 16.
    Tandaan Natin: Ang pantay-pantayna pagtingin ay pagpapakita rin ng paggalang sa kapuwa. Ito ay nagpapaalala sa atin na walang mayaman o walang mahirap sa lipunang ating ginagalawan. Nararapat nating pahalagahan ang taglay na mga kakayahan ng bawat isang may kapansanan man o wala. Wala tayong karapatan upang husgahan ang ating kapwa sa panlabas na kaanyuan.
  • 17.
    Ipinahihiwatig sa ating“Bulag, Pipi, at Bingi” ni Freddie Aguilar na ang kapansanay ay hindi hadlang upang maipakita ang ating natatanging kakayanan o talento. Lagi nating itanim sa ating isipan na walang sinumang perpekto sa ibabaw ng mundo. Bawat isa ay may kani-kaniyang laks at kakulangan.
  • 18.
    Sa bisa parinng Batas Republika 9442 na sumusog sa Batas Republika 7277, ipinagbabawal na rin ngayon ang panunuya sa mga taong may kapansanan, maging sa pamamaraang pasulat, pasalita o sa pamamagitan ng mga kilos. Pinagtibay din ang mga susog na ito upang pigilan ang pagbaba ng tingin sa mga taong may kapansanan.
  • 19.
    Kaya’t ang pagmamalasakitsa mga may kapansanan ay dapat nating gawin sa lahat ng pagkakataon. Ito ay pagpapakita rin ng paggalang upang maramdaman nilang bahagi rin sila ng lipunan.
  • 20.
    Magkaroon ng isangproyekto “Kapwa Ko, Mahal Ko” na gagamitin sa outreach program para sa mga may kapansanan. Isang kahon ng binalutan ng used gift wrapper ang ilalagay sa sulok ng silid-aralan upang dito ilagak ng mga bata ang mga dadalhin nilang regalo: damit, laruan at de lata, at iba pa para sa mga batang may kapansanan. Gagawin ito sa loob ng isang buwan. Ang lahat ng naipong gamit ay ipamimigay sa mga batang may kapansanan.
  • 21.
    Panuto: Lagyan ngtsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit na may pagalang sa may kapansanan at ekis (X) kung ito ay hindi. ___ 1. Tinatawag ko ang aking kapuwa na may kapansanan sa kanilang tunay na pangalan o palayaw. ___ 2. Tinatawanan ko ang may kapansanan sa kanilang kapulaan. ___ 3. Ginagaya ko ang may kapansanan sa kanilang paglalakad o pagsasalita. ___ 4. Nakikipaglaro lang ako sa kapwa ko rin na may kapansanan. ___ 5. Tinutulungan ko ang mga may kapansanan sa abot ng aking makakay.