AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
Alamat ng sapatos (st. matthew,slc)
1. Saint Louis College
San Fernando City, La Union
Group 4
8-St. Matthew
Olivar, John Carlo C.
Bucasas, Tiffany Bianca
Tomeldan, Jon
Alejandro, Diana Marie
Pineda, Louis Miguel
Antalan, Nicole Erich
Rivera, John Roy
Balcita, Rozel
Miranda, Marion Kurt
Villar, Anthonette Lerein
ALAMAT NG SAPATOS
Nagsimula ang lahat sa isang malayong lugar ng Pepe na kung saan
makikita si Satos na binansagang pinakatamad sa kanilang bayan. Lagi siyang
napagagalitan dahil sa sobrang katamaran. Hindi niya pinakikinggan at
binibigyang-halaga ang anumang iutos at sabihin sa kanya. Isang maulang
gabi, dumating ang kanyang inang pagod na pagod at basang-basa sa ulan
galing sa trabaho malapit sa palengke. Inutusan siyang magluto ng kanilang
makakain. Ngunit, imbis na ito’y sundin, dahil sa sobrang katamaran, hindi niya
sinunod ang kanyang ina.
"Satos nandito na ang nanay." Hindi tumugon ang anak. Tinawag ulit ito
ng ina. "Satos nandito na ang nanay." Hindi ulit ito tumugon sa pangalawang
tawag. Inulit ito nang inulit ng ina, subalit, hindi ito tumugon. Galit na galit ang
inang pumasok sa kwarto ng anak at nakita itong nakahilata.
"Ano ba Satos! Hindi ka man lang sumagot. Wala ka man alam na gawin
kundi ang humilata lamang." Hindi ito pinansin ng anak. Sa halip ay dinabugan
niya ang kanyang ina saka sumagot nang pabalang, "Ano ba naman iyan Inay,
kadarating mo lang ay dakdak ka na naman ng dakdak. Pwede ba ikaw ang
mas matanda rito, kaya’t ikaw ang dapat gumawa ng mga gawaing bahay."
Nagulat ang ina sa inakto ng anak dahil ngayon lamang ito sumagot ng ganito.
Sanay naman na ito sa ugaling pagiging tamad at hindi pagsunod sa lahat ng
utos. Ngunit, hindi ito sumasagot nang pabalang. Pinagsabihan ito ng ina.
Ngunit, wala pa rin itong epekto sa kanyang anak. Sa halip pinagpasyahan
niya nalang na magluto bago maligo. Bago matulog ang ina nag-isip siya kung
ano ang dahilan ng anak kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon.
Kinaumagahan, nagkasakit nang malubha ang ina dahil sa nangyaring
2. paglusong sa malakas na ulan at nagkaroon ng malubhang sakit dahil bumaba
ang resistensya nito. Nalaman ito ni Satos, wala siyang nagawa kundi maglinis
at gawin ang mga gawaing-bahay kahit labag ito sa kalooban niya. Alam
niyang wala naman tutulong sa kanya kundi ang sarili lamang. Pagkalipas ng
tatlong araw, hindi pa rin umaayos ang lagay ng kanyang ina kaya napilitan na
lang niyang ipunta ang mga produkto nilang basahan sa pinagtatrabahuan ng
kanyang ina na malapit sa palengke. Dahil kung wala silang ibebenta, wala
silang maiipong pera. Ngunit sa pagpunta niya sa palengke ay may nabangga
siyang isang pulubing babaeng matanda. Nahulog lahat ng kanyang basahan
sa putikan. Galit na galit na pinagsabihan ni Satos ang matanda dahil sa
aksidenteng nangyari. "Ano ba naman ale. Tumingin ka nga sa iyong
dinaraanan, bulag ka ho ba? Tingnan mo ang aking mga basahan ang dumi
dumi na. Paano ko pa ito maibebenta kung gayong ito’y naputikan na." Kinuha
ni Satos ang isang basahang may putik at ito’y binato niya sa matanda.
Nagulat ang matandang babae sa inakto ng bata sabay punas sa
tumalsik na putik sa kanyang mukha. Imbes na pagalitan niya ang bata ay
humingi pa siya ng tawad dito, “Humihingi ako ng tawad sa aking nagawa
bata pero sana hindi ka gumawa ng mali sa iyong kapwa tao dahil ito ay hindi
maganda.” Hindi nakinig si Satos sa matanda sa halip, “Sino ho ba naman ang
masisiyahan sa nangyaring ito ha ale. Kung tumitingin ka sana sa dinaraanan
mo, di sana walang gulo ang dapat na mangyari. Ayoko na ulit makita ang
mukha mo sa kung saan-saan dahil ako’y nababagot sa iyo.” Hindi nalang ito
pinansin ng pulubing matandang babae. Pinagpatuloy ni Satos ang kanyang
pagpunta sa palengke at sinimulan ang pagbebenta ng ilan sa mga hindi
naputikang basahan. Kaso dahil sa katamaran, wala pang kalahating oras ay
nawalan na ito ng gana at itinigil ang ginagawa. Sa kalagitnaan ng paghihilata
sa isang bakanteng upuan ay may lumapit sa kanyang pulubi na humihingi ng
pera para lang sana ito’y makakain dahil gutom na gutom na ito. “Iho
namamalimos ako kahit kunting tulong lang naman. Ilang araw na kasi akong
hindi kumakain at hindi ko na kaya ang magtiis pa.” Sa una, hindi ito pinansin ni
Satos na para bang walang naririnig at nakikita. Nagtagal pa doon ang pulubi.
Nakulitan si Satos sa ginawa ng pulubi at pasigaw itong pinagsabihan, “Ano ba
naman yan, nakikita niyo ho ba ang ginagawa ko? Ako ay nagpapahinga at
ikaw naman ay salita ng salita diyan. Maghanap ka nalang ng iba dahil wala
akong maibibigay sa iyo. Masyado ka ring mabaho at ang pangit-pangit mo.”
Tinulak ni Satos ang pulubi paalis at mangiyak-ngiyak ang pulubi nagsabing,
“Ako’y humihingi lang naman bata ng tulong sana’y hindi mo ako
pinagtabuyan na parang hayop lamang. Bagkus, sabihin mo sa akin ito nang
maayos. Napakapangit ng iyong ugali. Sana pagsisihan mo ang iyong mga
ginawa”. Hindi ito pinansin ni Satos at padabog na nagligpit ng mga basahan
saka ipinagpatuloy ang pamamahinga sa upuan.
3. Pag-uwi niya, nakita niya ang nanay na nagluluto. “Buti naman nanay at
ika’y magaling na. Imbis na ako ang nandito sa bahay, ako ay nasa palengke
nagtitinda ng walang kwentang mga basahan.” Hindi ito pinansin ng ina at
pinagpatuloy ang pagluluto. Pumunta si Satos sa kanyang kwarto upang
manood ng paborito niyang teleserye. Sa kalagitnaan ng panonood ay
tinawag siya ng kanyang ina. “Satos anak pwede bang humingi ka ng dahon
ng malunggay sa ating kapitbahay para pansahog sa aking iluluto?” Hindi ito
pinansin ni Satos at pinagpatuloy ang ginagawa. Maya-maya lang may iniutos
ulit ang kanyang ina. “Satos maglinis ka ng bahay at ikaw na muna ang bahala
dito. Mawawala ang nanay ng dalawang araw, mag-iingat ka.” Bago ito umalis
ay ginawaran ng ina ng halik sa pisngi ang kanyang anak. Magtatanong pa
sana si Satos kung bakit kailangan pa nitong umalis kaso nagmamadali ang
nanay nitong umalis. Naiinis na naman si Satos dahil naiwanan siya ng
napakaraming gawaing bahay. Ngunit hindi niya ito pinansin, tambak dito
tambak doon, kalat dito kalat doon. Walang pakialam ang bata kung may
magawa man siyang dapat trabahuin. Dalawang araw ang nakalipas at
nakabalik na ang kanyang nanay. Imbis na ito ay masisiyahan sa pagbalik, ito’y
nalungkot at nainis dahil hindi malaman kung ano ang dapat na gawin.
“Satos! Bakit ganito ang bahay? Napakadumi. Dalawang araw lang
akong nawala anak. Ano ka ba naman! Tingnan mo ang mga
nagkakandakalat na pagkain, mga platong hindi pa nahugasan, mga laruan
sa tabi-tabi at mga tambak na lalabhan,” sabi ng kaniyang ina. “Eh nanay ang
dami-dami mo kasing iniwan na gagawin sa bahay. Hindi ko naman iyon kaya.
Ikaw lang ang may kaya nun sa atin dahil ikaw ang mas matanda. Ano ba
namang klase kang ina at iiwan mo ko dito mag-isa? Paano kung may
mangyari sa akin. Sana hindi na lang ikaw ang naging nanay ko dahil utos ka
ng utos at wala kang pakialam kung may mangyari sa aking masama,”
mahabang saad ni Satos. “Ano bang pinagsasabi mong bata ka! Ubos na ubos
na ang pasensya ko. Hindi mo man lang ako iniintindi. Wala na nga ang tatay
mo. Ikaw nalang ang natira sakin pero tingnan mo kung gaano kapangit ng
ugali mo at ubod ka na ng katamaran!” sabi ng ina. “Sige kung ganyan lang rin
naman nanay ay mas magandang mawala ka na sa buhay ko at ayoko na
makasama ka pang muli.” Iyon lang at padabog siyang pumunta sa kanyang
kwarto. Kinagabihan, pinagpasiyahang lumayas ni Satos sa kanila at ‘wag nang
bumalik pa. Mag-uumaga nang naglalakad si Satos. Hindi niya mawari kung
saan ang patutunguhan. Pagod na pagod siya kaya siya ay nagpahinga. “Ano
ba naman ito, nakakapagod pero mas maganda na kaysa sa may nag-uutos
sakin at gambalahin ako.” Nakatulugan ni Satos ang pag-iisip. Masarap ang
tulog ni Satos sa tabi ng puno. Naalimpungatan ito nang may marinig ito sa
hindi malaman kung saan nagmumula ang boses na iyon. Hinanap niya ito ng
hinanap. Nakita ang isang pulubi na pinagkakaisahan ng mga masasamang
tao. Sa halip na tulungan ay hinayaan niya ang mga iyon at hinintay na
makaalis ang mga tao. Lumapit si Satos sa pulubi at biglang tumawa nang
4. napakalakas. “HA HA HAHAHA! Nagkita na naman tayo ale kaya siguro
inaaway ka ay dahil napakapangit mo na nga, mabaho pa,” tuwang-tuwang
sabi niya. Pang-ilang beses na naging bastos si Satos sa ibang tao at alam ito
ng matandang babaeng pulubi dahil binabantayan niya ang bata. “Hindi ka
pa rin talaga nagbabagong bata ka at napakasama mo sa ibang tao lalo na
sa iyong ina. Napakatamad mo rin at walang alam na gawin kundi ang
humilata. Kailan ka ba magpapakatino at malaman kung ano ang tama sa
mali.” Pagkatapos sabihin iyon ng matandang babaeng pulubi ay nagpalit ito
sa isang anyo. Kasabay nito ay ang pagkislap nito at pagtambad ng isang
napakagandang mala-anghel na babae. “Alam kong may ibabait pa ang
ugali mo Satos. Sana ay magtanda ka sa lahat ng iyong ginawa at maging
isang magandang halimbawa na makatutulong sa lahat ng tao,” mahabang
saad ng magandang babae saka inikot-ikot ang kanyang magic wand at nag-
ibang anyo si Satos, si Satos ay naging isang sapatos. “Hala! Anong ginawa
ninyo sa akin bakit ako naging ganito?” mangiyak-ngiyak na sabi ni Satos.
“Ginawa kitang isang bagay na magagamit ng tao sa pang araw-araw. Hindi
sila magsasawang gamitin ka. Bagkus, ikaw ay makatutulong sa kanila kapalit
ng pagiging tamad mong bata,” paliwanag ng magandang babae.
Sa kabilang dako, nagising ang ina kinahapunan at hinanap si Satos pero
hindi niya ito makita kahit saang sulok ng kanilang bahay. Nag-alala ang ina na
baka kung ano na ang nangyari sa anak kaya ito’y nagmadaling magbihis
upang lumabas at hanapin ang anak. Sa paglabas ng bahay nakita niya ang
isang pares ng hindi mawaring isang bagay. Ito ay bago lamang sa kanyang
mata. Ito ay pinasok niya sa loob ng kanyang bahay at pinagmasdan.
Makalipas ang isang buwan, hindi na muling nakita pa si Satos. Nalaman na rin
ng ina kung paano gamitin ang bagay na iyon at pinangalanang Satos.
Ipinagdadasal na sana maging maayos ang lagay ng anak kung saan man ito
ngayon. Nakilala ang bagay na iyon ng karamihan lalo na sa kanilang lugar at
sumikat ito sa pangalang Satos. Habang lumilipas ang panahon napalitan ang
pangalang iyon. Ngayon ay kilala na itong sapatos na kung saan magagamit
natin ito upang proteksyon sa ating paa sa anumang maduduming bagay na
ikapapahamak natin. Talaga namang ito ay nakatutulong sa lahat ng tao.