2. MGA TAUHAN:
Kasintahan ni Basilio at madiskarte sa
buhay para makatulong sa pamilya
JULI
Ingkong o lolo ni Juli
TANDANG SELO
Nagpayo kay Juli magaalipin upang
matulugan si Selo
HERMANA BALI
Kura ng Tiani na walang galang sa
mga kababaihan
PADRE CAMORRA
El Filibusterismo
4. Nabalitaan ang pagkamatay ni Kapitan Tiago at ang pagkabilanggo ni Basilio sa
kanilang lalawigan na maaaring ipatapon o patayin ang binata. Binalita ni
Hermana Bali kay Juli tungkol kay Basilio at nawalan siya ng malay-tao.
Humanap sila ng paraan upang makalaya si Basilio at ang unang pumasok sa isip
ni Juli ay si Padre Camorra dahil tinulungan niya si Tandang Selo noon, ngunit
dahil sa ugali niya sa mga babae ay nagtungo muna sila sa kawani ng tribunal,
ngunit hindi niya sila matulungan dahil nasa Maynila ang bilanggo. Kaya
pumunta sila sa Hukom-Tagapamayapa, at sinabi ng hukom na humingi sila ng
tulong kay Padre Camorra ngunit hindi pa handa si Juli na harapin siya. Dahil sa
pag-aalala, ilang gabi ay may mga malungkot na panaginip si Juli tungkol sa
paghihirap ng kanyang ama at ni Basilio.
BUOD:
5. Isang araw may dumating na manlalakbay mula sa Maynila at ibinalita niya na
nakalaya na ang lahat ng mga bilanggo maliban kay Basilio at siya ay itatapon sa
Carolina. Dahil dito at sa walang katapusang bangungot ni Juli, sinabi niya kay
Hermana Bali na handa na siyang pumunta kay Padre Camorra. Sinamahan ni
Hermana Bali si Juli sa kumbento.
Noong gabing iyon, maraming bulungan tungkol sa kumbento dahil may isang
dalagang tumalon mula sa bintana ng kumbento at nahulog sa bato at namatay.
May babae din sa kalsada na sumisigaw na parang baliw. Pagkatapos noon, may
isang matandang kumakatok sa pinto ng kumbento habang umiiyak, pumunta rin
siya sa gobernadorcillo at Hukom-Tagapamayapa ngunit umuwi siya dahil hindi sila
makita. Nang mag-alas otso na ng gabi, umalis si Tandang Selo sa nayon dala ang
kanyang sibat sa pangangaso.
BUOD:
6. ARAL:
Kapag mahal ang isang tao, gagawin nito
ang lahat kahit kapalit nito ay ang kaniyang
kaligtasan. May mga tao namang
nananamantala ng kagipitan ng iba para
maisakatuparan ang mga binabalak.
El Filibusterismo