2. • Sa Probinsya
Napakaganda ng buhay sa probinsya,
simple lang ang mga tao ngunit napakasaya sila
Nagmamahalan ang bawat pamilya
At sila'y magkasama sa hirap at ginhawa
Pagsasaka'y karaniwang hanapbuhay nila
Init at ulan palaging inaabangan
Upang mga tanim sa bukid ay tutubo't mapakinabangan
at may ipangtustos sa pang araw-araw na pangangailangan
3. •
Tuwing umaga itak't araro'y inihanda ng itay,
Ipinagluto naman ang buong pamilya ni inay,
Tumutulong ang ate sa mga gawaing bahay,
Si bunso naman ay ikinatuwa
ang paghahanda sa mesang hapagkain.
Napakasaya ng buhay sa probinsya
Hangarin ng bawat pamilya'y magkasama
Tanging pagmamahal sa puso'y iniingatan
at mataimtim na panalangin sa poon ay inaalay.
5. Ang pokus ay nagpapakilala ng kaugnayan ng iba’t ibang panlapi ng
pandiwa sa naging posisyon ng paksa sa pangungusap.
1.Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa
sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”.
• [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- ,
magpa-]
Hal:
1. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
2. Nagluto ng masarap na ulam si nanay.
3. Bumili si Rosa ng bulaklak.
4. Si Ia ay humingi ng payo sa kanyang kapatid.
6. • 2. Pokus sa layon – ang layon ng pandiwa ang
siyang nagiging paksa ng pangungusap.
Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, -in/-hin, -an/-
han, -ipa, ma-, paki—at pa-
• Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na “ano?”.
• Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Hal:
1. Nasira mo ang mga props para sa play.
2. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa
amin.
3. Binili ni Rosa ang bulaklak.
7. • 3. Pokus sa ganapan – ang pokus ay nasa
lokasyon.
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?”.
[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]
• Hal:
1. Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming
gulay.
2. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para
magluto ng masarap na ulam.
3. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng
bulaklak.
4. Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong
entablado.
8. • 4. Pokus sa pinaglalaanan – ang binibigyang-diin ay
ang bagay o taong pinaglalaanan ng kilos.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ipag-, at ipinag-.
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “para
kanino?”.
[i- , -in , ipang- , ipag-]
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
• Hal:
1. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na
ulam.
2. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen
9. • 5. Pokus sa instrumento – ang paksa ay an
ginagamit sa pagganap ng kilos.
• Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit
upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa
pamamagitan ng ano?”.
• [ipang- , maipang-]
Hal:
1. Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng
masarap na ulam para sa amin.
2. Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
3. Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa
magnanakaw.
10. 6.Kosatibong pokus o pokus sa
sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong
na “bakit?”.
[i- , ika- , ikina-]
Hal:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam
ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang
nobyo para sa kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag
-anak .
11. 7.Pokus sa direksyon
• Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong
na “tungo saan/kanino?”.
• [-an , -han , -in , -hin]
• Hal:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng
kagamitan.
12. 1.Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus
• Ang nanay ay bumili ng tinapay sa supermart.
2. Pokus sa Layon
• Ang tinapay ay binili ng Nanay sa supermart.
3. Pokus sa Ganapan
• Ang supermart ay binilhan ng Nanay ng tinapay.
4. Pokus sa Instrumento
• Ang pera ay ipinamili ng Nanay ng tinapay sa
supermart.
5. Pokus sa Pinaglalaanan
• Ipinamili ng Nanay ang mga bata ng tinapay sa supermart.
6. Kosatibong Pokus
• Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
7. Pokus sa Direksyon
• Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
13. Bumuo ng pandiwang may panlapi ayon
sa pokus
Pokus sa tagaganap o aktor
panlapi Salitang kilos
mag- sayaw
-um
Ma-
Makapag-
Maki-
Magpa-
magsayaw
sumayaw
manayaw
Makapag-sayaw
makisayaw
magpasayaw
14. Pokus sa Layon
panlapi pawatas pandiwa
i- bili
-in/-hin
-an/-han
-ipa
Ma-
Paki-
Pa-
ibili
bilihin
bilihan
ipabili
mabili
pakibili
pabili
16. • Piliin at isulat ang pandiwang ginamit. Isulat
sa patlang ang T kung ito
ay tagaganap; L kung layon;
at G kung ganapan.
• ______________ 1. Si Dr. Jose Rizal ang
nagsulat ng Noli Mi Tangere at El
Fibusterismo..
• ______________ 2. Itinatag niya ang La Liga
Pilipinas.
• ______________ 3. Pinaglutuan ang bagong
palayok ng sinigang.
• ______________ 4. Pumasa si Ana sa
pagsusulit.
• ______________ 5. Ipinapatimpla siya ng kape
ng mga panauhin.
• ______________ 6. Ang malaking basket ay
pinagsidlan ng mga paninda.
17. • Takda
• Gamitin sa pangungusap ang sumusunod
na pandiwa sa iba’t-ibang pokus
• 1. naglunsad
• 2. pinagdausan
• 3. ibinili
• 4. humingi
• 5. ipinampunas