SlideShare a Scribd company logo
ALAMAT NG LANSONES
Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman,
walang gaanongpumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw
ang hinahabol ng mga tao.Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat
gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at
kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa
bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walangnangahas kumain nito.
Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan.
Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya
pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng
lansones ang babae at nagsimulang kumain.Inasahan ng mga nanonood na
mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para
lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong
kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita
ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason.
Kumain na kayo." At nawala ang babae.
Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At
naroon nga ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.
ALAMAT NG MAKOPA
Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang
gong o batingaw silangnagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan
ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat
ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan,
ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat.
Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan
hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang
gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito
ang mga nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan
nakatago ang gong.
Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na
ang mga tao. Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at
nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng
gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga.
Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita
ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong
iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon
at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang
gong na susi ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at
nagkaroon pa ng punong may matamis na bungang hugis kampana ang
mga taong-bayan.
Ang Alamat ng Mangga
Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait
atmatulungin siya. Nagmana siya sa kanyang mga magulang
namababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi
angkinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto
atpinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy,
isangmatandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din
niyaito at binigyan ng damit.Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit
si Ben. Sa kabila ngpagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang anak,
lumubha pa rinang kanyang kalagayan hanggang sa siya’y bawian na
ng buhay.Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan,
habangnakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata.
Hininginito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang
bundok.Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-
puso. Maramiang nakikinabang ngayon sa bungang ito.
Ang Alamat ng Pinya
Si Pinya ay magandang batang babae. Lumaki sa laya si Pinya dahil
kaikaisang anak siya. Isang araw, ang ina ni Pinya ay may sakit. Hiniling
niya kay Pinya na magluto ng lugaw para sa kanya. Hindi makita ng
batang laki sa layaw ang sandok. Nagalit ang kanyang ina dahil ang
kanyang anak ay tamad at hindi gumagamit ng mga mata niya. Sabi
niya, “Umaasa ako na magkaroon ka ng isang libong mata!” Naging
tahimik ang bahay. Noong mas magaling na siya, bumaba siya. Wala si
Pinya. Isang araw, naglilinis siya ng bakuran at nakakita siya ng hindi
kilalang prutas na dilaw. Mayroon isang libong mata ang prutas.
Sinumpa niya ang kanyang anak. Ngayon, ang prutas na may isang
libong mata ay tinatawag na Pinya.
Ang Leon At Ang Daga
May isang Leyong mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno nang may
lumapit ditong isang Daga. Inakala ng Daga na tuyong damo ang buhok ng
leyon kaya kinutkut-kutkot niya ito. Nagising ang Hari ng kagubatan at
mabilis na umiktad at dumamba-damba na ikinahulog ng pobreng Daga.
Dali-daling sinakmal ng matutulis na kuko ng Leyon ang gumambala sa
kaniyang pagtulog.
“Pa… patawarin ninyo ako, mahal na Hari. Hindi ko sinasadya ang
paggambala sa inyong pagtulog. Marami po ang mga anak ko na dapat
pakainin. Kung mapapalaya ninyo ako ay tatanawin ko itong malaking
pagkakautang. Makakabayad din po ako sa inyo sa hinaharap.”
“Hindi man lang ako mabubusog kung kakainin kita. Sige, makalalaya ka
na!”
Isang araw ay makikitang paikut-ikot sa gubat ang Leyon. Naghahanap siya
ng pagkain sa pananghalian. Nang matanawan ang nakabiting inihaw na tapa
ng Usa sa isang puno ng akasya ay dali-dali itong nagtatakbo. Sa kasamaang
palad, bitag pala iyon ng mga mangangaso.
Nakulong sa makakapal na lubid ang Hari ng kagubatan. Hindi siya
makawala sa bitag. Pinilit niyang magdadamba pero napatali pati mga paa
niya. Walang nagawa ang lakas ng Hari.
Nagkataong nagdaraan ng tanghaling iyon ang Daga kasama ang kaniyang
mga anak. Naisip ng Inang Daga ito ang oras na kailangang bayaran niya ang
pinagkakautangan ng buhay.
Dali-daling lumapit ang Daga at pinagngangatngat ang makapal na lubid sa
paa ng Leyon. Inutusan niya ang mga anak na ngatngatin naman ng mga ito
ang makakapal na lubid sa ulunan ng Hari. Sa tulung-tulong na pagkagat sa
mga lubid ay napalaya ng mga Daga ang Leyon.
“Dati-rati ay minaliit ko ang katauhan mo,” pagpapakumbaba ng Leyon.
“Totoo nga pala na kung may malalaking nakakatulong sa maliliit ay
makatutulong din ang maliliit sa isang higanteng katulad ko.”
Naging matalik na magkaibigan ang Daga at ang Leyon magmula noon.
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1]
(19 Hunyo
1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinongbayani at isa sa
pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang
pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani
ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.[2]
Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at
pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-
aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma
sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo
Tomassa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral
sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha
ngLisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin
ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan
ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta,
pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista
na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me
Tángere,at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3]
Isa ring poliglota si
Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2][note 3][4][5]
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan
sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan niAndrés Bonifacio,[note 4]
, isang
lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa
Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim
ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas
ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas
na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling
dulugan.]
Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa
Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng
karangalan ng mga mamamayan,[note 5]
at kanyang winika "Bakit kalayaan,
kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8]
Ang
pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal
ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang
Pilipino
Si Emilio Aguinaldo y Famy[1]
(22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay
isang Pilipinong heneral, politiko at pinuno ng kalayaan, ay ang
unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899–1 Abril 1901).
Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan
niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896.
Makaraang magapi ng Estados Unidosang Espanya noong 1898,
ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo
ng Pilipinas noong Hunyo1899. Malakas ang kaniyang loob subalit
nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos
ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin
ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang
pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng
mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng
dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit
nagsuot ng isang itim na bow tiehanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas
ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935
ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng
kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2]
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang
kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.
Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang
na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-
aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki.
Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa
paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa
lansangan.
Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng
Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan
at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit
ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga
naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang
ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging
matatag siya sa kanyang trabaho
Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng
pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang
binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang
mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa
Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulatdin siya
ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa'.
Ipinanganak siya sa Badoc, Ilocos Norte, ikatlo sa pitong anak nina
Joaquin Luna at Laurena Novicio. Lumipat ang pamilya sa Maynila noong
1861 upang makakuha ng mabuting edukasyong ang mga anak.
Nagkainteres si Luna sa pagpipinta dahil sa impluwensya ng kanyang kuya
Manuel, na magaling na pintor.
Edukasyon
Nag-aral si Luna sa Ateneo de Manila, at pagkatapos sa Escuela Nautica.
Naging manlalakbay-dagat siya. Sa pamamgitan nito, nakita niya ang
magagandang tanawin sa Hongkong, Amoy, Singapore, Batavia, at
Colombo. Kapag nasa Maynila siya nagpapaturo pa rin siya kay Lorenzo
Guerrero ng pagpipinta. Pumasok siya sa Academiade Dibujo Y Pintura sa
Maynila ngunit ipinaalis, marahil dahil ang kanyang estilo ay hindi umaayon
sa kagustuhan ng kanyang maestro. Noong 1877, sa rekomendasyon ni
Guerrero, pinaaral siya ng kanyang magulang sa Escuela de Bella Artes sa
Madrid. Subalit, hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagturo rito. Noong
nakilala niya ang pintor na si Don Alejo Vera, umalis siya sa eskwela upang
maging aprentis niya.
Karera
Noong 1881 nanalo siya ng gintong pilak para sa kanyang dibuhong La
Muerta de Cleopatra sa pandaigdig na kumpetisyon na ang Exposición
Nacional de Bellas Artes sa Madrid. Dahil dito naging pensionado siya ng
Ayuntamiento ng Maynila sa kondisyon na gumawa siya ng larawan para
sa kanila. Ilang taong lumipas bago natapos niya ito—ang El Pacto de
Sangre. Noong 1884, ang kanyang Spoliarium ay nagwagi ng isa sa tatlong
gintong medalya sa Exposición Nacional de Bellas Artes para sa taong
iyon. Ang kanyang dalawang lahok sa Exposicion ng 1887, La Batalla de
Lepanto at Rendicion de Granada at nagwagi rin.
Gregorio del Pilar y Sempio (November 14, 1875 – December
2, 1899) was one of the youngest generals in the Philippine
Revolutionary Forces during the Philippine Revolution and
the Philippine–American War. He is most known for his
successful assault on the Spanish barracks of Cazadores in the
municipality of Paombong, his victory on the first phase Battle of
Quingua and his last stand at the Battle of Tirad Pass during
the Philippine-American war. Because of his youth, he became
known as the "Boy General."[1]
Born on November 14, 1875 to Fernando H. del Pilar and Felipa
Sempio of Bulacan, Bulacan, the fifth among six siblings.[2]
He was
the nephew of propagandist Marcelo H. del Pilar and Toribio H.
del Pilar, who was exiled in Guam for his involvement in the
1872 Cavite Mutiny.
"Goyong", as he was casually known, studied at the Ateneo
Municipal de Manila, where he received his bachelor's degree in
1896, at the age of 20. When the Philippine
Revolution against Spanish rule broke out in August under the
leadership ofAndres Bonifacio, del Pilar joined the insurgency. He
distinguished himself as a field commander while fighting Spanish
garrisons in Bulacan.

More Related Content

What's hot

Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Jenita Guinoo
 
Mga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyumaMga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyuma
Beberly Fabayos
 
Bulong at awiting bayan
Bulong at awiting bayanBulong at awiting bayan
Bulong at awiting bayan
Tine Bernadez
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
Nico Granada
 
Sanhi at bunga
Sanhi at bungaSanhi at bunga
Sanhi at bunga
Jenifer Acido
 
Aspekto ng pandiwa
Aspekto ng pandiwaAspekto ng pandiwa
Aspekto ng pandiwa
Christian Bonoan
 
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
Jhade Quiambao
 
pang-abay na pamanahon
pang-abay na pamanahonpang-abay na pamanahon
pang-abay na pamanahon
aldacostinmonteciano
 
Elemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwentoElemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwento
eijrem
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
JustinJiYeon
 
Alamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang MayonAlamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang Mayon
Jessie Pedalino
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolLAZ18
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
charlhen1017
 
Filipino 9 Konotasyon at Denotasyon
Filipino 9 Konotasyon at DenotasyonFilipino 9 Konotasyon at Denotasyon
Filipino 9 Konotasyon at Denotasyon
Juan Miguel Palero
 
Lupang hinirang lyrics
Lupang hinirang lyricsLupang hinirang lyrics
Lupang hinirang lyricsRaynan Cunanan
 
Mga uri ng pagpapahalaga
Mga uri ng pagpapahalagaMga uri ng pagpapahalaga
Mga uri ng pagpapahalaga
NoelmaCabajar1
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwentorosemelyn
 

What's hot (20)

Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
 
Mga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyumaMga sawikain o idyuma
Mga sawikain o idyuma
 
Bulong at awiting bayan
Bulong at awiting bayanBulong at awiting bayan
Bulong at awiting bayan
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
Sanhi at bunga
Sanhi at bungaSanhi at bunga
Sanhi at bunga
 
Aspekto ng pandiwa
Aspekto ng pandiwaAspekto ng pandiwa
Aspekto ng pandiwa
 
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
 
pang-abay na pamanahon
pang-abay na pamanahonpang-abay na pamanahon
pang-abay na pamanahon
 
Elemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwentoElemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwento
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
 
Alamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang MayonAlamat ng Bulkang Mayon
Alamat ng Bulkang Mayon
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyol
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Filipino 9 Konotasyon at Denotasyon
Filipino 9 Konotasyon at DenotasyonFilipino 9 Konotasyon at Denotasyon
Filipino 9 Konotasyon at Denotasyon
 
ALAMAT
ALAMATALAMAT
ALAMAT
 
Lupang hinirang lyrics
Lupang hinirang lyricsLupang hinirang lyrics
Lupang hinirang lyrics
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
Mga uri ng pagpapahalaga
Mga uri ng pagpapahalagaMga uri ng pagpapahalaga
Mga uri ng pagpapahalaga
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 

Similar to Mga Alamat

Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Cherry Javier
 
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dcAdam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
DindoArambalaOjeda
 
mito aralin 5.docx
mito aralin 5.docxmito aralin 5.docx
mito aralin 5.docx
Ramelia Ulpindo
 
Filipino project
Filipino projectFilipino project
Filipino project
PrincessFei Iris
 
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga PeninsulaRehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Shar Omay
 
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw o tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw  o tinatawag na Zamboanga PeninsulaRehiyon IX Kanlurang Mindanaw  o tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw o tinatawag na Zamboanga Peninsula
SharlynOmay
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
Kedamien Riley
 
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng LiwanagIbong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Supreme Student Government
 
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng LiwanagIbong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Supreme Student Government
 
Mga tauhan sa el filibusterismo
Mga tauhan sa el filibusterismoMga tauhan sa el filibusterismo
Mga tauhan sa el filibusterismo
Yokimura Dimaunahan
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
Gerold Sarmiento
 
Panitikan
Panitikan Panitikan
Panitikan
DepEd
 
Dr.pptx
Dr.pptxDr.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptxFILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptx
ROMMELJOHNAQUINO2
 
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
Yam Jin Joo
 
Talambuhay ni rizal
Talambuhay ni rizalTalambuhay ni rizal
Talambuhay ni rizal
Vivien Vivien
 
Pabula
PabulaPabula
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
LUELJAYVALMORES4
 

Similar to Mga Alamat (20)

Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
 
Proj.3
Proj.3Proj.3
Proj.3
 
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dcAdam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
 
mito aralin 5.docx
mito aralin 5.docxmito aralin 5.docx
mito aralin 5.docx
 
Filipino project
Filipino projectFilipino project
Filipino project
 
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga PeninsulaRehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon 9 Kanlurang Mindanaw o Tinatawag na Zamboanga Peninsula
 
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw o tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw  o tinatawag na Zamboanga PeninsulaRehiyon IX Kanlurang Mindanaw  o tinatawag na Zamboanga Peninsula
Rehiyon IX Kanlurang Mindanaw o tinatawag na Zamboanga Peninsula
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
 
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng LiwanagIbong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
 
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng LiwanagIbong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
 
Mga tauhan sa el filibusterismo
Mga tauhan sa el filibusterismoMga tauhan sa el filibusterismo
Mga tauhan sa el filibusterismo
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
 
Panitikan
Panitikan Panitikan
Panitikan
 
Dr.pptx
Dr.pptxDr.pptx
Dr.pptx
 
FILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptxFILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptx
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
 
Talambuhay ni rizal
Talambuhay ni rizalTalambuhay ni rizal
Talambuhay ni rizal
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
 

More from marinelademesa

Child and Adolescent: the late childhood
Child and Adolescent: the late childhoodChild and Adolescent: the late childhood
Child and Adolescent: the late childhood
marinelademesa
 
Mga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng PilipinasMga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng Pilipinas
marinelademesa
 
Sociology : Sociological foundation
Sociology : Sociological foundationSociology : Sociological foundation
Sociology : Sociological foundation
marinelademesa
 
Region VIII - Samar: Geographical Characteristics
Region VIII - Samar: Geographical CharacteristicsRegion VIII - Samar: Geographical Characteristics
Region VIII - Samar: Geographical Characteristics
marinelademesa
 
Social Structure and Social Interaction
Social Structure and Social InteractionSocial Structure and Social Interaction
Social Structure and Social Interaction
marinelademesa
 
Ilocos norte: Geographical characteristics
Ilocos norte: Geographical characteristicsIlocos norte: Geographical characteristics
Ilocos norte: Geographical characteristics
marinelademesa
 
Philippines : Samar's Geography
Philippines : Samar's GeographyPhilippines : Samar's Geography
Philippines : Samar's Geography
marinelademesa
 
Philippines : Ilocos norte
Philippines : Ilocos nortePhilippines : Ilocos norte
Philippines : Ilocos norte
marinelademesa
 
Sociological foundation of curriculum
Sociological foundation of curriculumSociological foundation of curriculum
Sociological foundation of curriculum
marinelademesa
 

More from marinelademesa (9)

Child and Adolescent: the late childhood
Child and Adolescent: the late childhoodChild and Adolescent: the late childhood
Child and Adolescent: the late childhood
 
Mga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng PilipinasMga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng Pilipinas
 
Sociology : Sociological foundation
Sociology : Sociological foundationSociology : Sociological foundation
Sociology : Sociological foundation
 
Region VIII - Samar: Geographical Characteristics
Region VIII - Samar: Geographical CharacteristicsRegion VIII - Samar: Geographical Characteristics
Region VIII - Samar: Geographical Characteristics
 
Social Structure and Social Interaction
Social Structure and Social InteractionSocial Structure and Social Interaction
Social Structure and Social Interaction
 
Ilocos norte: Geographical characteristics
Ilocos norte: Geographical characteristicsIlocos norte: Geographical characteristics
Ilocos norte: Geographical characteristics
 
Philippines : Samar's Geography
Philippines : Samar's GeographyPhilippines : Samar's Geography
Philippines : Samar's Geography
 
Philippines : Ilocos norte
Philippines : Ilocos nortePhilippines : Ilocos norte
Philippines : Ilocos norte
 
Sociological foundation of curriculum
Sociological foundation of curriculumSociological foundation of curriculum
Sociological foundation of curriculum
 

Mga Alamat

  • 1.
  • 2. ALAMAT NG LANSONES Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanongpumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao.Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walangnangahas kumain nito. Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain.Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae. Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.
  • 3. ALAMAT NG MAKOPA Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o batingaw silangnagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na malapit sa gubat. Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiang-palad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong. Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong. Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao. Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may matamis na bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.
  • 4. Ang Alamat ng Mangga Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait atmatulungin siya. Nagmana siya sa kanyang mga magulang namababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi angkinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto atpinakain. Isang araw naman, samantalang nangangahoy, isangmatandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niyaito at binigyan ng damit.Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ngpagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang anak, lumubha pa rinang kanyang kalagayan hanggang sa siya’y bawian na ng buhay.Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habangnakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hininginito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok.Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis- puso. Maramiang nakikinabang ngayon sa bungang ito. Ang Alamat ng Pinya Si Pinya ay magandang batang babae. Lumaki sa laya si Pinya dahil kaikaisang anak siya. Isang araw, ang ina ni Pinya ay may sakit. Hiniling niya kay Pinya na magluto ng lugaw para sa kanya. Hindi makita ng batang laki sa layaw ang sandok. Nagalit ang kanyang ina dahil ang kanyang anak ay tamad at hindi gumagamit ng mga mata niya. Sabi niya, “Umaasa ako na magkaroon ka ng isang libong mata!” Naging tahimik ang bahay. Noong mas magaling na siya, bumaba siya. Wala si Pinya. Isang araw, naglilinis siya ng bakuran at nakakita siya ng hindi kilalang prutas na dilaw. Mayroon isang libong mata ang prutas. Sinumpa niya ang kanyang anak. Ngayon, ang prutas na may isang libong mata ay tinatawag na Pinya.
  • 5. Ang Leon At Ang Daga May isang Leyong mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno nang may lumapit ditong isang Daga. Inakala ng Daga na tuyong damo ang buhok ng leyon kaya kinutkut-kutkot niya ito. Nagising ang Hari ng kagubatan at mabilis na umiktad at dumamba-damba na ikinahulog ng pobreng Daga. Dali-daling sinakmal ng matutulis na kuko ng Leyon ang gumambala sa kaniyang pagtulog. “Pa… patawarin ninyo ako, mahal na Hari. Hindi ko sinasadya ang paggambala sa inyong pagtulog. Marami po ang mga anak ko na dapat pakainin. Kung mapapalaya ninyo ako ay tatanawin ko itong malaking pagkakautang. Makakabayad din po ako sa inyo sa hinaharap.” “Hindi man lang ako mabubusog kung kakainin kita. Sige, makalalaya ka na!” Isang araw ay makikitang paikut-ikot sa gubat ang Leyon. Naghahanap siya ng pagkain sa pananghalian. Nang matanawan ang nakabiting inihaw na tapa ng Usa sa isang puno ng akasya ay dali-dali itong nagtatakbo. Sa kasamaang palad, bitag pala iyon ng mga mangangaso. Nakulong sa makakapal na lubid ang Hari ng kagubatan. Hindi siya makawala sa bitag. Pinilit niyang magdadamba pero napatali pati mga paa niya. Walang nagawa ang lakas ng Hari. Nagkataong nagdaraan ng tanghaling iyon ang Daga kasama ang kaniyang mga anak. Naisip ng Inang Daga ito ang oras na kailangang bayaran niya ang pinagkakautangan ng buhay. Dali-daling lumapit ang Daga at pinagngangatngat ang makapal na lubid sa paa ng Leyon. Inutusan niya ang mga anak na ngatngatin naman ng mga ito ang makakapal na lubid sa ulunan ng Hari. Sa tulung-tulong na pagkagat sa mga lubid ay napalaya ng mga Daga ang Leyon. “Dati-rati ay minaliit ko ang katauhan mo,” pagpapakumbaba ng Leyon. “Totoo nga pala na kung may malalaking nakakatulong sa maliliit ay makatutulong din ang maliliit sa isang higanteng katulad ko.” Naging matalik na magkaibigan ang Daga at ang Leyon magmula noon.
  • 6. Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinongbayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.[2] Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag- aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomassa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ngLisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg. Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere,at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.[note 2][note 3][4][5]
  • 7. Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan niAndrés Bonifacio,[note 4] , isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan.] Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan,[note 5] at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino Si Emilio Aguinaldo y Famy[1] (22 Marso 1869–6 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong heneral, politiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero 1899–1 Abril 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidosang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tiehanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935
  • 8. ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2] Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag- aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan. Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulatdin siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.
  • 9. Ipinanganak siya sa Badoc, Ilocos Norte, ikatlo sa pitong anak nina Joaquin Luna at Laurena Novicio. Lumipat ang pamilya sa Maynila noong 1861 upang makakuha ng mabuting edukasyong ang mga anak. Nagkainteres si Luna sa pagpipinta dahil sa impluwensya ng kanyang kuya Manuel, na magaling na pintor. Edukasyon Nag-aral si Luna sa Ateneo de Manila, at pagkatapos sa Escuela Nautica. Naging manlalakbay-dagat siya. Sa pamamgitan nito, nakita niya ang magagandang tanawin sa Hongkong, Amoy, Singapore, Batavia, at Colombo. Kapag nasa Maynila siya nagpapaturo pa rin siya kay Lorenzo Guerrero ng pagpipinta. Pumasok siya sa Academiade Dibujo Y Pintura sa Maynila ngunit ipinaalis, marahil dahil ang kanyang estilo ay hindi umaayon sa kagustuhan ng kanyang maestro. Noong 1877, sa rekomendasyon ni Guerrero, pinaaral siya ng kanyang magulang sa Escuela de Bella Artes sa Madrid. Subalit, hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagturo rito. Noong nakilala niya ang pintor na si Don Alejo Vera, umalis siya sa eskwela upang maging aprentis niya. Karera Noong 1881 nanalo siya ng gintong pilak para sa kanyang dibuhong La Muerta de Cleopatra sa pandaigdig na kumpetisyon na ang Exposición Nacional de Bellas Artes sa Madrid. Dahil dito naging pensionado siya ng Ayuntamiento ng Maynila sa kondisyon na gumawa siya ng larawan para sa kanila. Ilang taong lumipas bago natapos niya ito—ang El Pacto de Sangre. Noong 1884, ang kanyang Spoliarium ay nagwagi ng isa sa tatlong gintong medalya sa Exposición Nacional de Bellas Artes para sa taong iyon. Ang kanyang dalawang lahok sa Exposicion ng 1887, La Batalla de Lepanto at Rendicion de Granada at nagwagi rin.
  • 10. Gregorio del Pilar y Sempio (November 14, 1875 – December 2, 1899) was one of the youngest generals in the Philippine Revolutionary Forces during the Philippine Revolution and the Philippine–American War. He is most known for his successful assault on the Spanish barracks of Cazadores in the municipality of Paombong, his victory on the first phase Battle of Quingua and his last stand at the Battle of Tirad Pass during the Philippine-American war. Because of his youth, he became known as the "Boy General."[1] Born on November 14, 1875 to Fernando H. del Pilar and Felipa Sempio of Bulacan, Bulacan, the fifth among six siblings.[2] He was the nephew of propagandist Marcelo H. del Pilar and Toribio H. del Pilar, who was exiled in Guam for his involvement in the 1872 Cavite Mutiny. "Goyong", as he was casually known, studied at the Ateneo Municipal de Manila, where he received his bachelor's degree in 1896, at the age of 20. When the Philippine Revolution against Spanish rule broke out in August under the leadership ofAndres Bonifacio, del Pilar joined the insurgency. He distinguished himself as a field commander while fighting Spanish garrisons in Bulacan.