SlideShare a Scribd company logo
Pabula
Jenita D. Guinoo
Ang Pabula ay kwento na may mga tauhang
ginagampanan ng hayop na kumikilos, nagsasalita at
nag-iisip na tulad ng tao. Habang lumilibang sa mga
mambabasa, nagbibigay naman ito ng hindi
matatawarang aral. Masasalamin sa pabula ang
kultura ng rehiyong pinagmulan nito na dapat
ipagmalaki at pahalagahan
TUKLASIN:
Ang pabulang “Ang Matsing at ang Pagong” na
isinakomiks ni Dr. Jose P.Rizal ay unang nailathala noong
1885 sa Trubner’s Record, isnag magasing panliteratura
sa Europa. Ang orihinal na manuskrito nito ay nakalagak
ngayon sa Pambansang aklatan ng Pilipinas.
1. Isalaysay sa klase ang pabula at ipatutukoy ang mga
katangian nina Matsing at Pagong na dapat tularan at
di-tularan.
2. Ibahagi ang mahalagang aral na natutuhan sa pabula.
•Ang pabula ay isa sa pinakamatandang uri ng panitikan
na hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa maraming
bansa sa daigdig. Noon pa mang ikalima at ikaanim na
dantaon bago si Kristo, may itinuturing nang pabula
ang mga taga-India. Ang kanilang mga pabula ay
karaniwang tungkol sa buhay ng itinuturing na
dakilang tao ng mga sinaunang Indian, si Kasyapa. Ang
mga kwentong ito ang naging batayan naman ng mga
sinaunang Budista.
•Si Aesop, isang aliping Griyego na nabuhay noong
ikaanim na dantaon ang tinaguriang “Ama ng mga
sinaunang Pabula” (Father of Ancient Fables )noong
panahong 620-560 BC. Si Aesop ay kuba at may
kapansanan sa pandinig mula sa pagkabata. Lumaki
siya at nagkaisip na isang alipin sa Isla ng Samos,
subalit dahil sa kanyang kasipagan, katapatan at talino
ay binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo.
•Naglakbay si Aesop sa maraming lugar sa Greece at
pinalaganap ang mga tinipong pabula sa pamamagitan ng
pagkukwento. Ang kanyang mga pabula ay tungkol sa
buhay ng kalikasan ng tao at kalagayan ng lipunan noong
kapanahunan niya. Tinuruan niya ang mga tao ng tamang
pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Upang magawa ito,
ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang
mga pabula dahil bilang isang alipin, wala siyang
karapatang punahin ang mga tao, lalo na kung ang mga ito
ay nabibilang sa mataas na antas sa lipunan. Tinatayang
nakalikha si Aesop ng mahigit 200 pabula bago siya
namatay.
•Pagkatapos ng panahon ni Aesop, marami nang mga
manunulat ng pabula ang nakilala. Kabilang sa mga ito
sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates,
Phalacrus at Planudes. Nakilala din si Odon ng
Cheritan noong 1200; si Marie de France noong 1300;
si Jean La Fountaine noong 1600; si G. E. Lessing
noong 1700 at si Ambrose Bierce noong 1800.
•Pagkatapos ng panahon ni Aesop, marami nang mga
manunulat ng pabula ang nakilala. Kabilang sa mga ito
sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates,
Phalacrus at Planudes. Nakilala din si Odon ng
Cheritan noong 1200; si Marie de France noong 1300;
si Jean La Fountaine noong 1600; si G. E. Lessing noon
at si Amnrose Bierce noong 1800.
•Ang mga pabula ay patuloy na lumaganap sa iba’t
ibang panig ng daigdig hanggang makarating sa ating
kapuluan. Bago pa man dumating ang mga Espanyol at
sakupin ang ating bansa, nakalikhana ng mga pabula
ang ating mga ninuno at pinagyaman ang mga ito
kasama ng iba pang uri ng panitikan. Dahil ang pabula
ay tumatalakay sa magagandang aral tulad ng tama,
patas, makatarungan at makataong pakikisama sa
kapwa, mabilis itong lumaganap sa iba’t ibang bahagi
ng bansa at nagkaroon pa ng mga rehyunal na
bersyon.
•Katulad ng tao, ang hayop ay may kanya-kanya ring
likas na katangian. Dahil dito, mabisang mailalarawan
ang aral na ibig ipabatid ng manunulat. Sapagkat
noong unang panahon ay nahahati ang mga
mamamayan sa tribu o lipi, ginamit na tauahan ang
mga hayop upang maiwasan ang pag-aakala ng ilang
lipi o tribo na sila ang pinapatutungkulan ng pabula. Sa
ganitong paraan, maiiwasan ang pag-aaway at
pagtatalo ng mga tao sa pamayanan.
•Tulad ng iba pang kwentong-bayan, sa simula ang mga
pabula ay nagpasalin-salin lamang sa bibig n gating
mga ninuno. Subalit nang magkaroon sila ng sistema
ng pagsulat, ang ilan sa mga ito ay nagawa nilang
maiukit sa malalaking bato at balat ng mga
punongkahoy. May ilan ding naisulat sa papel, na sa
paglipas ng panahon ay nailathala at lumaganap
hanggang sa kasalukuyan.
•Sa kasalukuyan, muling binabalikan ang kahalagahan
ng pabula. Ilang pabula ang tumatalakay ukol sa
tamang pakikipagkapwa at samahan ng mga tao tulad
ng mga taong nakatataas ng antas sa lipunan o mga
taong nasa posisyon, mga empleyado, mga taong
nanunungkulan sa gobyerno, mga magulang at anak at
iba pa.
Ang Pabula ng Maranao.
“Maituturing na kayamanan ng isang tao ang siya’y
mapagkatiwalaan ng kanyang kapwa.”
“ANG PUSA AT ANG DAGA”
Ni Donato B. Sebastian
•Isang umaga, napansin ng inang pusa na nilalagnat ang
kaisa-isa niyang anak na si Kuting. Sa pakiwari ng inang
pusa ay may kabigatan ang karamdaman ng anak
kaya’t dapat tumawag ng manggagamot. Matapos
makapaghanda ng pagkain, ang inang pusa ay
tumungo sa bahay ng inang daga na kanyang kaibigan.
•“Magandang umaga, kaibigan,” ang bati ng inang pusa.
“Magandang umaga naman. Aba, kaibigan, maagang-
maaga ka!” ang salubong ng inang daga. “Oo nga.
Nilalagnat kasi ang anak kong si Kuting. Tatawag ako ng
doctor, ngunit wala akong mapag-iiwanan sa kanya.
Maaari bang doon na muna kayo sa amin ng iyong
anak na si Bubuwit habang hindi pa ako dumarating?”
“Iyon lamang pala! Ako’y nakalaang tumulong sa iyong
pangangailangan.”
•Noon din ay ginising ng inang daga ang kanyang anak
na si Bubuwit. “Gumising ka na, anak. Dadalawin natin
si Kuting.” “Ayaw ko pang bumangon. Inaantok pa
ako.” “May pagkain doon,” ang gayak ng ina sa anak.
“Masarap daw ang pagkaing inihanda ng ina ni
Kuting.” Nang marinig ni Bubuwit ang masasarap na
pagkain ay agad nang bumangon at sumama sa
kanyang ina.
•Si Kuting ay tawag nang tawag sa kaniyang ina nang
ang tatlo’y dumating ng bahay. “Narito ako, anak” ang
masuyong aliw ng inang pusa sa naglalambing na
anak. “Aalis muna ako sandali upang tumawag ng
manggagamot.” “Wala akong kasama rito. Huwag mo
akong iwan.” At umiyak ang maysakit na si kuting.
Magiliw na niyakap ng inang pusa si Kuting. “Narito
sina Bubuwit at ang kanyang ina. Maiiwan sila rito
habang ako’y wala. Maglaru-laro kayo ni Bubuwit at
nang ikaw ay malibang,” ang aliw ng ina.
•“Ayaw ko kay Bubuwit. Siya ay magnanakaw,” ang tutol
ni Kuting. “Ssss! Masama iyon,” ang saway ng inang
pusa. “Huwag kang magsasalita nang ganoon.”
Sa wakas ay nahimok na rin si Kuting kaya’t pumayag
nang paiwan. Hindi pa nakalalayo ang ina ay naidlip
nang muli si Kuting.
Ang malikot namang si Bubuwit ay nagtungo agad sa kusina.
Maraming lutong pagkain siyang nakita. At saka may gatas,
tinapay at itlog. May mainit na lugaw na marahil ay para kay
Kuting.
“Nanay! Nanay!”, ang masiglang tawag ni Bubuwit.
“Tingnan mo! Tingnan mo!”
Tuwang-tuwa rin ang inang daga nang makita ang kaysarap
na pagkain. Nakaramdam siya ng gutom kaya’t noon din ay
ininom ang kalahaitng basong gatas. Ang kalahati’y itinira sa
anak na si Bubuwit.
.
•“Masarap ang itlog! Ang wika ni Bubuwit at kinain ang
lahat ng nasa pinggan. “Masarap din ang tinapay na
iyon!”ang wika ng inang daga. Inubos ng dalawa ang
lahat ng pagkain, pati lugaw. Busog na busog ang mag-
ina. Maingay ang mag-ina kaya’t nagising si Kuting.
Kahit na mabigat ang katawan dahil sa matinding
lagnat ay nag-inat-inat na ring tumungo sa kusina.
Nakita niya na naubos ng dalawa ang lahat ng pagkain.
“Matatakaw!Matatakaw!” ang sigaw ni Kuting sa mag-
ina.
Nagulat ang dalawa. Si Bubuwit ay nagalit sa sinabi ni
Kuting. Lumapit si Bubuwit sa may sakit na si Kuting at
kinagat iyon sa paa. Lumaban naman si Kuting at
kinalmot si Bubuwit. Nakita ng inang daga na nadadaig
ang kanyang anak. Sumugod siya at dagli niyang kinagat
si Kuting. Pagkatapos ay madaling tumakas ang mag-
ina. Sila’y takut na takot na humukay ng malalim na
lungga at doon nagtago.
•Tahimik sa bahay nang dumating ang inang pusa. Siya
ay malungkot na malungkot sapagkat hindi siya
nakasundo ng manggagamot. Pumanhik siya. Wala si
Kuting sa banig.
• “Kuting, Kuting!” ang malakas na tawag niya. “Saan
ka naroon?”
• Nang ilingap niya ang kanyang paningin sa may
kusina, nakita niya ang anak na nakaratay.
•“Kuting, aking anak!” ang pataghoy na tawag ng ina
nang makitang maraming sugat at halos hindi
humihinga ang kaawa-awang anak. Marahang nilinis
ng ina ang mga sugat ng anak. Mayamaya ay
nakapagsalita kahit paano si Kuting at isinalaysay ang
mga pangyayari. Galit ang nag-alab sa puso ng ina.
Matapos mapagyaman ang anak na halos panawan ng
hininga, ang inang pusa ay umalis upang paghanapin
kahit sa dulo ng daigdig ang taksil na mag-inang daga.
•Nakita ng inang pusa ang kahuhukay pa lamang na lungga.
Naghihiyaw na tinawag ang itinuring niyang kaibigang hindi
naging karapat-dapat sa pagtitiwala niya.
• “Daga! Daga! Lumabas ka! Ang galit nag alit na sigaw ng
pusa.
• Narinig ng mag-inang daga ang malakas na hiyaw ng
inang pusa, ngunit hindi sila lumabas ng lungga. Noon din
ay tinawag ng inang pusa ang lahat ng kanyang mga
kamag-anak at ibinalita ang ginawa ng mag-inang daga sa
kanyang si Kuting.
•“Hanapin natin sila,” ang pagalit na wika ng isang
pusang lalaki. “Sasama ba kayo?”
• “Oo! Sasama kami,’ ang sabay-sabay na sagot ng
ibang mga pusa.
• Dahil sa malaking takot nila, itinuloy nila ang
nahukay na lungga hanggang sa makalabas sa isang
dakong lingid sa kaalaman ng mga pusa. Patuloy ang
paghahanap ng mga pusa. Nang lumaki si Kuting ay
kasama na siya sa paghahanap. At patuloy…patuloy
ang paghahanap ng mga pusa sa kinapopootang daga.
Linangin:
Isa sa mga sangkap ng pabula na pumupukaw sa
interes at isipan ng mga mambabasa ay ang tagpuan o
setting. Ang tagpuan ay tumutukoy sa lugar kung saan
nagaganap at panahon kung kalian nagaganap ang mga
pangyayari sa isang akda, kabilang ang pabula. Ang likas
na kalagayan at panahon ng isang pook ay may
malaking kaugnayan sa daloy ng mga pangyayari sa
akda. Ito ang nagbibigay ng backdrop o kapaligiran sa
akda.
• Sa pamamagitan ng tagpuan, mabisang naikikintal sa
isipan ng mga mambabasa ang mga katangiang taglay ng
mga tauhan, maging ang dahilan ng kanilang mga ugali at
paniniwala. Ang isang epektibo at mahusay na tagpuan ay
may kakayahang dalhin ang isipan ng mga mambabasa sa
eksaktong lugar kung saan naganap ang tagpo.
• Bagamat may bahid ng mga hindi makatotohanang
pangyayari ang isinasalaysay sa pabula, ang mga pook o
tagpuang ginamit ditto ay angkop din sa ginagalawang
daigdig ng mga tauhang hayop. Dahil dito, mahalagang
elemento ang tagpuan sa kabuuan ng pabula.
• Sa pamamagitan ng tagpuan, mabisang naikikintal sa
isipan ng mga mambabasa ang mga katangiang taglay ng
mga tauhan, maging ang dahilan ng kanilang mga ugali at
paniniwala. Ang isang epektibo at mahusay na tagpuan ay
may kakayahang dalhin ang isipan ng mga mambabasa sa
eksaktong lugar kung saan naganap ang tagpo.
• Bagamat may bahid ng mga hindi makatotohanang
pangyayari ang isinasalaysay sa pabula, ang mga pook o
tagpuang ginamit ditto ay angkop din sa ginagalawang
daigdig ng mga tauhang hayop. Dahil dito, mahalagang
elemento ang tagpuan sa kabuuan ng pabula.
•Ano-ano ang uri ng modal?
•Paano ginagamit ang mga ito sa pagpapahayag?
•Sumulat ng iskrip para sa isahang pasalitang
pagtatanghal
•Pagtatanghal ng isahang pasalitang pabula
Pamantayan sa Pagtataya
Pagkakabuo at Orihinalidad ng akda - 60
Malikhaing pagtatanghal - 20
Malinaw na pagkakalahad ng mensahe - 15
Damdamin - 5
100

More Related Content

What's hot

Pabula
PabulaPabula
Pabula
Jean Demate
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
Jocelle
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Hiie XD
 
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
Louis Kenneth Cabo
 
Epiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoEpiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nito
eijrem
 
Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
Abbie Laudato
 
Klino
KlinoKlino
KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN
Clarice Sidon
 
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na DetalyeAng Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Mckoi M
 
Filipino 8 Epiko
Filipino 8 EpikoFilipino 8 Epiko
Filipino 8 Epiko
Juan Miguel Palero
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
yette0102
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Jenita Guinoo
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Jenita Guinoo
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
Danielle Joyce Manacpo
 
filipino 9- Dula
filipino 9- Dulafilipino 9- Dula
filipino 9- Dula
Marvie Aquino
 
Filipino 9 Tula
Filipino 9 TulaFilipino 9 Tula
Filipino 9 Tula
Juan Miguel Palero
 
Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)
JhamieMiserale
 

What's hot (20)

Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
 
Epiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoEpiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nito
 
Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN
 
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na DetalyeAng Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
 
Gamit ng modal
Gamit ng modalGamit ng modal
Gamit ng modal
 
Filipino 8 Epiko
Filipino 8 EpikoFilipino 8 Epiko
Filipino 8 Epiko
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
 
Epiko at Pangngalan
Epiko at PangngalanEpiko at Pangngalan
Epiko at Pangngalan
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
filipino 9- Dula
filipino 9- Dulafilipino 9- Dula
filipino 9- Dula
 
Filipino 9 Tula
Filipino 9 TulaFilipino 9 Tula
Filipino 9 Tula
 
Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 

Similar to Pabula

KUNEHO.pptx
KUNEHO.pptxKUNEHO.pptx
KUNEHO.pptx
russelsilvestre1
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
Jenita Guinoo
 
Pabula by SHERRY juyfkughfyhykgguygyu.pptx
Pabula by SHERRY juyfkughfyhykgguygyu.pptxPabula by SHERRY juyfkughfyhykgguygyu.pptx
Pabula by SHERRY juyfkughfyhykgguygyu.pptx
JohnCyrusRico1
 
Pabula
PabulaPabula
ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptxARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
DanielAldeguer1
 
pabula.pptx
pabula.pptxpabula.pptx
pabula.pptx
JoycePerez27
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Saint Michael's College Of Laguna
 
FILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptxFILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptx
ROMMELJOHNAQUINO2
 
Ang Alaga 2.pptx
Ang Alaga 2.pptxAng Alaga 2.pptx
Ang Alaga 2.pptx
Alexia San Jose
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
Kedamien Riley
 
Filipino project
Filipino projectFilipino project
Filipino project
PrincessFei Iris
 
kaligirangpangkasaysayanngpabula-copy.pdf
kaligirangpangkasaysayanngpabula-copy.pdfkaligirangpangkasaysayanngpabula-copy.pdf
kaligirangpangkasaysayanngpabula-copy.pdf
DanilyCervaez
 
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminPabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Abbie Laudato
 
PPT 10 - PABULA - PANITIKAN.pptx
PPT 10 - PABULA - PANITIKAN.pptxPPT 10 - PABULA - PANITIKAN.pptx
PPT 10 - PABULA - PANITIKAN.pptx
KatrinaReyes21
 
aralin1-190806131737.pdf
aralin1-190806131737.pdfaralin1-190806131737.pdf
aralin1-190806131737.pdf
JoycePerez27
 
TEKSTONG-NARATIBO.pptx
TEKSTONG-NARATIBO.pptxTEKSTONG-NARATIBO.pptx
TEKSTONG-NARATIBO.pptx
MeldredLaguePilongo
 
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptxG8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
renzoriel
 
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptxG8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
renzoriel
 
Panitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptxPanitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptx
GIFTQUEENSAAVEDRA
 

Similar to Pabula (20)

KUNEHO.pptx
KUNEHO.pptxKUNEHO.pptx
KUNEHO.pptx
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
Pabula by SHERRY juyfkughfyhykgguygyu.pptx
Pabula by SHERRY juyfkughfyhykgguygyu.pptxPabula by SHERRY juyfkughfyhykgguygyu.pptx
Pabula by SHERRY juyfkughfyhykgguygyu.pptx
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptxARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
 
pabula.pptx
pabula.pptxpabula.pptx
pabula.pptx
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
 
FILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptxFILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptx
 
Ang Alaga 2.pptx
Ang Alaga 2.pptxAng Alaga 2.pptx
Ang Alaga 2.pptx
 
1 FINAL.pptx
1 FINAL.pptx1 FINAL.pptx
1 FINAL.pptx
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
 
Filipino project
Filipino projectFilipino project
Filipino project
 
kaligirangpangkasaysayanngpabula-copy.pdf
kaligirangpangkasaysayanngpabula-copy.pdfkaligirangpangkasaysayanngpabula-copy.pdf
kaligirangpangkasaysayanngpabula-copy.pdf
 
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminPabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
 
PPT 10 - PABULA - PANITIKAN.pptx
PPT 10 - PABULA - PANITIKAN.pptxPPT 10 - PABULA - PANITIKAN.pptx
PPT 10 - PABULA - PANITIKAN.pptx
 
aralin1-190806131737.pdf
aralin1-190806131737.pdfaralin1-190806131737.pdf
aralin1-190806131737.pdf
 
TEKSTONG-NARATIBO.pptx
TEKSTONG-NARATIBO.pptxTEKSTONG-NARATIBO.pptx
TEKSTONG-NARATIBO.pptx
 
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptxG8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
 
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptxG8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
G8 L1 KARUNUNGANG BAYAhshshskakakakaN.pptx
 
Panitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptxPanitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptx
 

More from Jenita Guinoo

Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptxAng Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Jenita Guinoo
 
Role of parents
Role of parentsRole of parents
Role of parents
Jenita Guinoo
 
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Jenita Guinoo
 
Kab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang talesKab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang tales
Jenita Guinoo
 
Sa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglawSa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglaw
Jenita Guinoo
 
Pagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanyaPagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanya
Jenita Guinoo
 
Pagtitiwala
PagtitiwalaPagtitiwala
Pagtitiwala
Jenita Guinoo
 
Kabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismoKabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismo
Jenita Guinoo
 
Kabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismoKabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismo
Jenita Guinoo
 
Kabanata 5 noli
Kabanata 5 noliKabanata 5 noli
Kabanata 5 noli
Jenita Guinoo
 
Kabanata 5 el fili
Kabanata 5 el filiKabanata 5 el fili
Kabanata 5 el fili
Jenita Guinoo
 
Kabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibusteroKabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibustero
Jenita Guinoo
 
Florante at laura sa atenas
Florante at laura  sa atenasFlorante at laura  sa atenas
Florante at laura sa atenas
Jenita Guinoo
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
Jenita Guinoo
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
Jenita Guinoo
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
Jenita Guinoo
 
Bahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismoBahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismo
Jenita Guinoo
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
Jenita Guinoo
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
Jenita Guinoo
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
Jenita Guinoo
 

More from Jenita Guinoo (20)

Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptxAng Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
 
Role of parents
Role of parentsRole of parents
Role of parents
 
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
 
Kab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang talesKab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang tales
 
Sa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglawSa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglaw
 
Pagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanyaPagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanya
 
Pagtitiwala
PagtitiwalaPagtitiwala
Pagtitiwala
 
Kabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismoKabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismo
 
Kabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismoKabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismo
 
Kabanata 5 noli
Kabanata 5 noliKabanata 5 noli
Kabanata 5 noli
 
Kabanata 5 el fili
Kabanata 5 el filiKabanata 5 el fili
Kabanata 5 el fili
 
Kabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibusteroKabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibustero
 
Florante at laura sa atenas
Florante at laura  sa atenasFlorante at laura  sa atenas
Florante at laura sa atenas
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 
Bahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismoBahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismo
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 

Pabula

  • 2. Ang Pabula ay kwento na may mga tauhang ginagampanan ng hayop na kumikilos, nagsasalita at nag-iisip na tulad ng tao. Habang lumilibang sa mga mambabasa, nagbibigay naman ito ng hindi matatawarang aral. Masasalamin sa pabula ang kultura ng rehiyong pinagmulan nito na dapat ipagmalaki at pahalagahan
  • 3. TUKLASIN: Ang pabulang “Ang Matsing at ang Pagong” na isinakomiks ni Dr. Jose P.Rizal ay unang nailathala noong 1885 sa Trubner’s Record, isnag magasing panliteratura sa Europa. Ang orihinal na manuskrito nito ay nakalagak ngayon sa Pambansang aklatan ng Pilipinas.
  • 4. 1. Isalaysay sa klase ang pabula at ipatutukoy ang mga katangian nina Matsing at Pagong na dapat tularan at di-tularan. 2. Ibahagi ang mahalagang aral na natutuhan sa pabula.
  • 5. •Ang pabula ay isa sa pinakamatandang uri ng panitikan na hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa maraming bansa sa daigdig. Noon pa mang ikalima at ikaanim na dantaon bago si Kristo, may itinuturing nang pabula ang mga taga-India. Ang kanilang mga pabula ay karaniwang tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Indian, si Kasyapa. Ang mga kwentong ito ang naging batayan naman ng mga sinaunang Budista.
  • 6. •Si Aesop, isang aliping Griyego na nabuhay noong ikaanim na dantaon ang tinaguriang “Ama ng mga sinaunang Pabula” (Father of Ancient Fables )noong panahong 620-560 BC. Si Aesop ay kuba at may kapansanan sa pandinig mula sa pagkabata. Lumaki siya at nagkaisip na isang alipin sa Isla ng Samos, subalit dahil sa kanyang kasipagan, katapatan at talino ay binigyan siya ng kalayaan ng kanyang amo.
  • 7. •Naglakbay si Aesop sa maraming lugar sa Greece at pinalaganap ang mga tinipong pabula sa pamamagitan ng pagkukwento. Ang kanyang mga pabula ay tungkol sa buhay ng kalikasan ng tao at kalagayan ng lipunan noong kapanahunan niya. Tinuruan niya ang mga tao ng tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Upang magawa ito, ginamit niya ang mga hayop bilang mga tauhan sa kanyang mga pabula dahil bilang isang alipin, wala siyang karapatang punahin ang mga tao, lalo na kung ang mga ito ay nabibilang sa mataas na antas sa lipunan. Tinatayang nakalikha si Aesop ng mahigit 200 pabula bago siya namatay.
  • 8. •Pagkatapos ng panahon ni Aesop, marami nang mga manunulat ng pabula ang nakilala. Kabilang sa mga ito sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus at Planudes. Nakilala din si Odon ng Cheritan noong 1200; si Marie de France noong 1300; si Jean La Fountaine noong 1600; si G. E. Lessing noong 1700 at si Ambrose Bierce noong 1800.
  • 9. •Pagkatapos ng panahon ni Aesop, marami nang mga manunulat ng pabula ang nakilala. Kabilang sa mga ito sina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Socrates, Phalacrus at Planudes. Nakilala din si Odon ng Cheritan noong 1200; si Marie de France noong 1300; si Jean La Fountaine noong 1600; si G. E. Lessing noon at si Amnrose Bierce noong 1800.
  • 10. •Ang mga pabula ay patuloy na lumaganap sa iba’t ibang panig ng daigdig hanggang makarating sa ating kapuluan. Bago pa man dumating ang mga Espanyol at sakupin ang ating bansa, nakalikhana ng mga pabula ang ating mga ninuno at pinagyaman ang mga ito kasama ng iba pang uri ng panitikan. Dahil ang pabula ay tumatalakay sa magagandang aral tulad ng tama, patas, makatarungan at makataong pakikisama sa kapwa, mabilis itong lumaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nagkaroon pa ng mga rehyunal na bersyon.
  • 11. •Katulad ng tao, ang hayop ay may kanya-kanya ring likas na katangian. Dahil dito, mabisang mailalarawan ang aral na ibig ipabatid ng manunulat. Sapagkat noong unang panahon ay nahahati ang mga mamamayan sa tribu o lipi, ginamit na tauahan ang mga hayop upang maiwasan ang pag-aakala ng ilang lipi o tribo na sila ang pinapatutungkulan ng pabula. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pag-aaway at pagtatalo ng mga tao sa pamayanan.
  • 12. •Tulad ng iba pang kwentong-bayan, sa simula ang mga pabula ay nagpasalin-salin lamang sa bibig n gating mga ninuno. Subalit nang magkaroon sila ng sistema ng pagsulat, ang ilan sa mga ito ay nagawa nilang maiukit sa malalaking bato at balat ng mga punongkahoy. May ilan ding naisulat sa papel, na sa paglipas ng panahon ay nailathala at lumaganap hanggang sa kasalukuyan.
  • 13. •Sa kasalukuyan, muling binabalikan ang kahalagahan ng pabula. Ilang pabula ang tumatalakay ukol sa tamang pakikipagkapwa at samahan ng mga tao tulad ng mga taong nakatataas ng antas sa lipunan o mga taong nasa posisyon, mga empleyado, mga taong nanunungkulan sa gobyerno, mga magulang at anak at iba pa.
  • 14. Ang Pabula ng Maranao. “Maituturing na kayamanan ng isang tao ang siya’y mapagkatiwalaan ng kanyang kapwa.” “ANG PUSA AT ANG DAGA” Ni Donato B. Sebastian
  • 15. •Isang umaga, napansin ng inang pusa na nilalagnat ang kaisa-isa niyang anak na si Kuting. Sa pakiwari ng inang pusa ay may kabigatan ang karamdaman ng anak kaya’t dapat tumawag ng manggagamot. Matapos makapaghanda ng pagkain, ang inang pusa ay tumungo sa bahay ng inang daga na kanyang kaibigan.
  • 16. •“Magandang umaga, kaibigan,” ang bati ng inang pusa. “Magandang umaga naman. Aba, kaibigan, maagang- maaga ka!” ang salubong ng inang daga. “Oo nga. Nilalagnat kasi ang anak kong si Kuting. Tatawag ako ng doctor, ngunit wala akong mapag-iiwanan sa kanya. Maaari bang doon na muna kayo sa amin ng iyong anak na si Bubuwit habang hindi pa ako dumarating?” “Iyon lamang pala! Ako’y nakalaang tumulong sa iyong pangangailangan.”
  • 17. •Noon din ay ginising ng inang daga ang kanyang anak na si Bubuwit. “Gumising ka na, anak. Dadalawin natin si Kuting.” “Ayaw ko pang bumangon. Inaantok pa ako.” “May pagkain doon,” ang gayak ng ina sa anak. “Masarap daw ang pagkaing inihanda ng ina ni Kuting.” Nang marinig ni Bubuwit ang masasarap na pagkain ay agad nang bumangon at sumama sa kanyang ina.
  • 18. •Si Kuting ay tawag nang tawag sa kaniyang ina nang ang tatlo’y dumating ng bahay. “Narito ako, anak” ang masuyong aliw ng inang pusa sa naglalambing na anak. “Aalis muna ako sandali upang tumawag ng manggagamot.” “Wala akong kasama rito. Huwag mo akong iwan.” At umiyak ang maysakit na si kuting. Magiliw na niyakap ng inang pusa si Kuting. “Narito sina Bubuwit at ang kanyang ina. Maiiwan sila rito habang ako’y wala. Maglaru-laro kayo ni Bubuwit at nang ikaw ay malibang,” ang aliw ng ina.
  • 19. •“Ayaw ko kay Bubuwit. Siya ay magnanakaw,” ang tutol ni Kuting. “Ssss! Masama iyon,” ang saway ng inang pusa. “Huwag kang magsasalita nang ganoon.” Sa wakas ay nahimok na rin si Kuting kaya’t pumayag nang paiwan. Hindi pa nakalalayo ang ina ay naidlip nang muli si Kuting.
  • 20. Ang malikot namang si Bubuwit ay nagtungo agad sa kusina. Maraming lutong pagkain siyang nakita. At saka may gatas, tinapay at itlog. May mainit na lugaw na marahil ay para kay Kuting. “Nanay! Nanay!”, ang masiglang tawag ni Bubuwit. “Tingnan mo! Tingnan mo!” Tuwang-tuwa rin ang inang daga nang makita ang kaysarap na pagkain. Nakaramdam siya ng gutom kaya’t noon din ay ininom ang kalahaitng basong gatas. Ang kalahati’y itinira sa anak na si Bubuwit. .
  • 21. •“Masarap ang itlog! Ang wika ni Bubuwit at kinain ang lahat ng nasa pinggan. “Masarap din ang tinapay na iyon!”ang wika ng inang daga. Inubos ng dalawa ang lahat ng pagkain, pati lugaw. Busog na busog ang mag- ina. Maingay ang mag-ina kaya’t nagising si Kuting. Kahit na mabigat ang katawan dahil sa matinding lagnat ay nag-inat-inat na ring tumungo sa kusina. Nakita niya na naubos ng dalawa ang lahat ng pagkain.
  • 22. “Matatakaw!Matatakaw!” ang sigaw ni Kuting sa mag- ina. Nagulat ang dalawa. Si Bubuwit ay nagalit sa sinabi ni Kuting. Lumapit si Bubuwit sa may sakit na si Kuting at kinagat iyon sa paa. Lumaban naman si Kuting at kinalmot si Bubuwit. Nakita ng inang daga na nadadaig ang kanyang anak. Sumugod siya at dagli niyang kinagat si Kuting. Pagkatapos ay madaling tumakas ang mag- ina. Sila’y takut na takot na humukay ng malalim na lungga at doon nagtago.
  • 23. •Tahimik sa bahay nang dumating ang inang pusa. Siya ay malungkot na malungkot sapagkat hindi siya nakasundo ng manggagamot. Pumanhik siya. Wala si Kuting sa banig. • “Kuting, Kuting!” ang malakas na tawag niya. “Saan ka naroon?” • Nang ilingap niya ang kanyang paningin sa may kusina, nakita niya ang anak na nakaratay.
  • 24. •“Kuting, aking anak!” ang pataghoy na tawag ng ina nang makitang maraming sugat at halos hindi humihinga ang kaawa-awang anak. Marahang nilinis ng ina ang mga sugat ng anak. Mayamaya ay nakapagsalita kahit paano si Kuting at isinalaysay ang mga pangyayari. Galit ang nag-alab sa puso ng ina. Matapos mapagyaman ang anak na halos panawan ng hininga, ang inang pusa ay umalis upang paghanapin kahit sa dulo ng daigdig ang taksil na mag-inang daga.
  • 25. •Nakita ng inang pusa ang kahuhukay pa lamang na lungga. Naghihiyaw na tinawag ang itinuring niyang kaibigang hindi naging karapat-dapat sa pagtitiwala niya. • “Daga! Daga! Lumabas ka! Ang galit nag alit na sigaw ng pusa. • Narinig ng mag-inang daga ang malakas na hiyaw ng inang pusa, ngunit hindi sila lumabas ng lungga. Noon din ay tinawag ng inang pusa ang lahat ng kanyang mga kamag-anak at ibinalita ang ginawa ng mag-inang daga sa kanyang si Kuting.
  • 26. •“Hanapin natin sila,” ang pagalit na wika ng isang pusang lalaki. “Sasama ba kayo?” • “Oo! Sasama kami,’ ang sabay-sabay na sagot ng ibang mga pusa. • Dahil sa malaking takot nila, itinuloy nila ang nahukay na lungga hanggang sa makalabas sa isang dakong lingid sa kaalaman ng mga pusa. Patuloy ang paghahanap ng mga pusa. Nang lumaki si Kuting ay kasama na siya sa paghahanap. At patuloy…patuloy ang paghahanap ng mga pusa sa kinapopootang daga.
  • 27. Linangin: Isa sa mga sangkap ng pabula na pumupukaw sa interes at isipan ng mga mambabasa ay ang tagpuan o setting. Ang tagpuan ay tumutukoy sa lugar kung saan nagaganap at panahon kung kalian nagaganap ang mga pangyayari sa isang akda, kabilang ang pabula. Ang likas na kalagayan at panahon ng isang pook ay may malaking kaugnayan sa daloy ng mga pangyayari sa akda. Ito ang nagbibigay ng backdrop o kapaligiran sa akda.
  • 28. • Sa pamamagitan ng tagpuan, mabisang naikikintal sa isipan ng mga mambabasa ang mga katangiang taglay ng mga tauhan, maging ang dahilan ng kanilang mga ugali at paniniwala. Ang isang epektibo at mahusay na tagpuan ay may kakayahang dalhin ang isipan ng mga mambabasa sa eksaktong lugar kung saan naganap ang tagpo. • Bagamat may bahid ng mga hindi makatotohanang pangyayari ang isinasalaysay sa pabula, ang mga pook o tagpuang ginamit ditto ay angkop din sa ginagalawang daigdig ng mga tauhang hayop. Dahil dito, mahalagang elemento ang tagpuan sa kabuuan ng pabula.
  • 29. • Sa pamamagitan ng tagpuan, mabisang naikikintal sa isipan ng mga mambabasa ang mga katangiang taglay ng mga tauhan, maging ang dahilan ng kanilang mga ugali at paniniwala. Ang isang epektibo at mahusay na tagpuan ay may kakayahang dalhin ang isipan ng mga mambabasa sa eksaktong lugar kung saan naganap ang tagpo. • Bagamat may bahid ng mga hindi makatotohanang pangyayari ang isinasalaysay sa pabula, ang mga pook o tagpuang ginamit ditto ay angkop din sa ginagalawang daigdig ng mga tauhang hayop. Dahil dito, mahalagang elemento ang tagpuan sa kabuuan ng pabula.
  • 30. •Ano-ano ang uri ng modal? •Paano ginagamit ang mga ito sa pagpapahayag? •Sumulat ng iskrip para sa isahang pasalitang pagtatanghal
  • 31. •Pagtatanghal ng isahang pasalitang pabula Pamantayan sa Pagtataya Pagkakabuo at Orihinalidad ng akda - 60 Malikhaing pagtatanghal - 20 Malinaw na pagkakalahad ng mensahe - 15 Damdamin - 5 100