SlideShare a Scribd company logo
ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON
Rene O. Villanueva
Noong unang panahon sa bayan ng Ibalon ay may nakatirang isang kabigha- bighaning
dalagang nagngangalang Daragang Magayon. Anak siya nina Rajah Makusog ng Rawis at Darawi,
ngunit namatay ang kanyang ina matapos siyang isilang.
Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming manliligaw mula
sa iba’t ibang tribo. Isa sa kanila ay ang mapagmataas at palalong si Pagtuga, isang magaling na
mangangasoat malakas na pinuno ng Iriga,na nagpapakita ng panliligawsapamamagitan ng mga
mamahaling regalo sa ama ni Magayon.
Ngunit hindi iniibig ni Daragang Magayon si Pagtuga. Ang puso niya ay pag- aari na ni
Panganoron, ang matapang na anak ni Rajah Karilaya ng Katagalugan. Iniligtas siya nito sa bingit
ng kamatayan nang isang umagang maligo siya sa Ilog Yawa. Habang binabalanse ang sarili sa
isang bato, siya’ y napadulas at nahulog sa ilog. Hindi siya marunong lumangoy kaya’ t tinangay
siya ng agos. Tiyempo naming nagdaan si Panganoron. Sinaklolohan siya nito. Nang marinig
siyang sumisigaw, tumalon sa ilog at sa isang sandali, naroon na siya sa tabi ng dalaga. Maingat
niyang dinala ang takot na dalaga sa pangpang. Di kalaunan, nagtapat siya ng pag- ibig sa dalaga.
Nahihiyang aminin ni Daragang Magayon na nahuhulog din ang loob niya sa binata. Ang kanilang
pag- iibigan ay nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang makatuntong sa bahay ni Rajah
Makusog.
Napagtanto ni Rajah Makusog na mahal ng kanyang anak ang binata at hangad din niya
ang kaligayahan ng kaniyang anak. Sa gayon ay binigyan niya ng basbas ang magsing- irog. Dala
ng matinding kasiyahan, nagpunta si Panganoron sa kanila upang paghandaan ang nalalapit
nilang kasal.
Ang balitang ikakasalang dalagaaynakaabot sapandinig na Pagtuga.Lubos siyang nagalit
at gumawa siya ng paraan upang mapigilan ang nalalapit na kasal nina Panganoron at Magayon.
Isang araw, nang pumunta sa bundok si Rajah Makusog upang mangaso, hinarangan siya ni
Pagtuga at dinala sa kanila upang gawing bihag.
“Palalayain kita kung ibibigay mo sa akin si Magayon para maging asawa ko”, sabi ni
Pagtuga kay Rajah Makusog.
“Ang kasagutan ay wala sa akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo malalaman ang
sagot”, sabi ni Rajah Makusog .
At dinala si Daragang Magayon sa harap ni Pagtuga. Sinabi ni Pagtuga na papatayin ang
ama ng dalaga kung hindi ito papayag magpakasal sa kanya. Umiiyak siyang sumang- ayon sa
gusto ng binata.
“Magaganap ang ating kasal sa loob ng pitong araw”, sabi ni Pagtuga. Dali- dali niyang
inutusan ang kanyang mga tauhan na paghandaan ang darating na kasalan.
Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda sa kasal nila ni
Magayon, nagmamadali itong nagtungo sa Rawis dala ang kanyang mga mandirigma. Mabilis ang
sumunod na mga pangyayari. Napatay ni Panganoron si Pagtuga sa gitna ng kanilang labanan.
Natuwa si Magayon sa pagkakita kay Panganoron. Dali- dali itong tumakbo palapit sa kasintahan,
subalitisang ligawnasibatang tumarak salikod ng dalagana naging sanhing kanyang kamatayan.
Nang sasaluhin ni Panganoron ang minamahal sa kanyang bisig, isa ring sibat ang tumama sa
binata galing sa kanang kamay ni Pagtuga na si Linog. Sa pagkakita ni Rajah Makusog, dali- dali
siyang lumapit kay Linog at pinatay niya ito sa kanyang “Minasbad”. Ang dapat na kasayahang
magaganap ay nauwi sa isang malungkot na pangyayari habang inililibing ang magsing- irog.
Naghukay si Rajah Makusog upang doon ilibing ang dalawa.
Sa mga lumipas na araw, nakita ng mga tao na ang puntod ng dalawa ay tumataas. At
nang ito ay mabuo, isang walang kasinggandang tatsulokna naglalabas ng nagbabagang mgabato
sabunganga. Kahit hanggang ngayon ay nangyayari pa ito. Naniniwala ang mga ninuno na ito raw
ay mga palatandaan na kinukuha ni Pagtuga ang regalong ibinigay nito kay Magayon katulong si
Linog.
Sa mga pangkaraniwang araw, kapag ang tuktok ng bulkan ay napapalibutan daw ng mga
hamog at ulap, sinasabi nilang hinahagkan daw ni Panganoron si Magayon. At kapag naman daw
umuulan at bumubuhos ito pababa ng bundok, palatandaan daw na umiiyak si Panganoron dahil
sa pagkawala ng kanyang minamahal.
Mula noon, ang bulkan ay tinatawag sa pinakaiksing pangalan ni Magayon, tinawag itong
“Mayon”. Ang magandang hugis nito ang siyang nagpatanyag sa bayan ng Albay.

More Related Content

What's hot

Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at laura
lorelyn ortiza
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
marianolouella
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Ansabi
 
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
MartinGeraldine
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyon
Jenita Guinoo
 
Pang ugnay
Pang ugnayPang ugnay
Pang ugnay
rednightena_0517
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Hiie XD
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Mdaby
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
yette0102
 
Anim na sabado ng beyblade
Anim na sabado ng beybladeAnim na sabado ng beyblade
Anim na sabado ng beybladePRINTDESK by Dan
 
Alamat ni daragang magayon pagsusuri
Alamat ni daragang magayon pagsusuriAlamat ni daragang magayon pagsusuri
Alamat ni daragang magayon pagsusuri
Makati Science High School
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwentorosemelyn
 
Paghahambing
PaghahambingPaghahambing
Paghahambing
Donessa Cordero
 
Sinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianSinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianHannah Dionela
 
Grade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahinGrade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahin
Apple Yvette Reyes II
 
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohananPagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Divina Bumacas
 
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyonMga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Jonalyn Taborada
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
JustinJiYeon
 
Alamat, maikling kuwento, mito, kuwentong bayan
Alamat, maikling kuwento, mito, kuwentong bayanAlamat, maikling kuwento, mito, kuwentong bayan
Alamat, maikling kuwento, mito, kuwentong bayan
GhelianFelizardo1
 
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
Jhade Quiambao
 
What's hot (20)

Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at laura
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
 
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyon
 
Pang ugnay
Pang ugnayPang ugnay
Pang ugnay
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
Anim na sabado ng beyblade
Anim na sabado ng beybladeAnim na sabado ng beyblade
Anim na sabado ng beyblade
 
Alamat ni daragang magayon pagsusuri
Alamat ni daragang magayon pagsusuriAlamat ni daragang magayon pagsusuri
Alamat ni daragang magayon pagsusuri
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Paghahambing
PaghahambingPaghahambing
Paghahambing
 
Sinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalianSinaunang paniniwala at kaugalian
Sinaunang paniniwala at kaugalian
 
Grade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahinGrade 8. mga popular na babasahin
Grade 8. mga popular na babasahin
 
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohananPagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
 
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyonMga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
 
Alamat, maikling kuwento, mito, kuwentong bayan
Alamat, maikling kuwento, mito, kuwentong bayanAlamat, maikling kuwento, mito, kuwentong bayan
Alamat, maikling kuwento, mito, kuwentong bayan
 
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
PANG-ABAY (PAMANAHON, PANLUNAN, PAMARAAN, PANGGAANO, KATAGA)
 
Similar to Alamat ng Bulkang Mayon

DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptxDARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
RosemarieLabasbasSag
 
Alamat ng mayon
Alamat ng mayonAlamat ng mayon
Alamat ng mayon
Annex
 
alamat ng daragang magayon
alamat ng daragang magayonalamat ng daragang magayon
alamat ng daragang magayon
zellebatalon
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
Gerold Sarmiento
 
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docxAng Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx
EDNACONEJOS
 
Similar to Alamat ng Bulkang Mayon (8)

DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptxDARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
DARAGANG MAGAYON LESSON G7.pptx
 
Alamat ng mayon
Alamat ng mayonAlamat ng mayon
Alamat ng mayon
 
alamat ng daragang magayon
alamat ng daragang magayonalamat ng daragang magayon
alamat ng daragang magayon
 
Yien143
Yien143Yien143
Yien143
 
Yien143
Yien143Yien143
Yien143
 
Panitikan ng Pilipinas
Panitikan ng PilipinasPanitikan ng Pilipinas
Panitikan ng Pilipinas
 
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docxAng Pinagmulan ng Marinduque.docx
Ang Pinagmulan ng Marinduque.docx
 
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at XKwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X
 
Recently uploaded

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
zairrah
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
PrincessYsabelFornes
 
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Bryan Ben Orcenado
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
TeodoroRanque1
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
AilaSastre
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
Martin M Flynn
 
Recently uploaded (6)

Alamat ng Bulkang Mayon

  • 1. ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON Rene O. Villanueva Noong unang panahon sa bayan ng Ibalon ay may nakatirang isang kabigha- bighaning dalagang nagngangalang Daragang Magayon. Anak siya nina Rajah Makusog ng Rawis at Darawi, ngunit namatay ang kanyang ina matapos siyang isilang. Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming manliligaw mula sa iba’t ibang tribo. Isa sa kanila ay ang mapagmataas at palalong si Pagtuga, isang magaling na mangangasoat malakas na pinuno ng Iriga,na nagpapakita ng panliligawsapamamagitan ng mga mamahaling regalo sa ama ni Magayon. Ngunit hindi iniibig ni Daragang Magayon si Pagtuga. Ang puso niya ay pag- aari na ni Panganoron, ang matapang na anak ni Rajah Karilaya ng Katagalugan. Iniligtas siya nito sa bingit ng kamatayan nang isang umagang maligo siya sa Ilog Yawa. Habang binabalanse ang sarili sa isang bato, siya’ y napadulas at nahulog sa ilog. Hindi siya marunong lumangoy kaya’ t tinangay siya ng agos. Tiyempo naming nagdaan si Panganoron. Sinaklolohan siya nito. Nang marinig siyang sumisigaw, tumalon sa ilog at sa isang sandali, naroon na siya sa tabi ng dalaga. Maingat niyang dinala ang takot na dalaga sa pangpang. Di kalaunan, nagtapat siya ng pag- ibig sa dalaga. Nahihiyang aminin ni Daragang Magayon na nahuhulog din ang loob niya sa binata. Ang kanilang pag- iibigan ay nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang makatuntong sa bahay ni Rajah Makusog. Napagtanto ni Rajah Makusog na mahal ng kanyang anak ang binata at hangad din niya ang kaligayahan ng kaniyang anak. Sa gayon ay binigyan niya ng basbas ang magsing- irog. Dala ng matinding kasiyahan, nagpunta si Panganoron sa kanila upang paghandaan ang nalalapit nilang kasal. Ang balitang ikakasalang dalagaaynakaabot sapandinig na Pagtuga.Lubos siyang nagalit at gumawa siya ng paraan upang mapigilan ang nalalapit na kasal nina Panganoron at Magayon. Isang araw, nang pumunta sa bundok si Rajah Makusog upang mangaso, hinarangan siya ni Pagtuga at dinala sa kanila upang gawing bihag. “Palalayain kita kung ibibigay mo sa akin si Magayon para maging asawa ko”, sabi ni Pagtuga kay Rajah Makusog. “Ang kasagutan ay wala sa akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo malalaman ang sagot”, sabi ni Rajah Makusog . At dinala si Daragang Magayon sa harap ni Pagtuga. Sinabi ni Pagtuga na papatayin ang ama ng dalaga kung hindi ito papayag magpakasal sa kanya. Umiiyak siyang sumang- ayon sa gusto ng binata.
  • 2. “Magaganap ang ating kasal sa loob ng pitong araw”, sabi ni Pagtuga. Dali- dali niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na paghandaan ang darating na kasalan. Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda sa kasal nila ni Magayon, nagmamadali itong nagtungo sa Rawis dala ang kanyang mga mandirigma. Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Napatay ni Panganoron si Pagtuga sa gitna ng kanilang labanan. Natuwa si Magayon sa pagkakita kay Panganoron. Dali- dali itong tumakbo palapit sa kasintahan, subalitisang ligawnasibatang tumarak salikod ng dalagana naging sanhing kanyang kamatayan. Nang sasaluhin ni Panganoron ang minamahal sa kanyang bisig, isa ring sibat ang tumama sa binata galing sa kanang kamay ni Pagtuga na si Linog. Sa pagkakita ni Rajah Makusog, dali- dali siyang lumapit kay Linog at pinatay niya ito sa kanyang “Minasbad”. Ang dapat na kasayahang magaganap ay nauwi sa isang malungkot na pangyayari habang inililibing ang magsing- irog. Naghukay si Rajah Makusog upang doon ilibing ang dalawa. Sa mga lumipas na araw, nakita ng mga tao na ang puntod ng dalawa ay tumataas. At nang ito ay mabuo, isang walang kasinggandang tatsulokna naglalabas ng nagbabagang mgabato sabunganga. Kahit hanggang ngayon ay nangyayari pa ito. Naniniwala ang mga ninuno na ito raw ay mga palatandaan na kinukuha ni Pagtuga ang regalong ibinigay nito kay Magayon katulong si Linog. Sa mga pangkaraniwang araw, kapag ang tuktok ng bulkan ay napapalibutan daw ng mga hamog at ulap, sinasabi nilang hinahagkan daw ni Panganoron si Magayon. At kapag naman daw umuulan at bumubuhos ito pababa ng bundok, palatandaan daw na umiiyak si Panganoron dahil sa pagkawala ng kanyang minamahal. Mula noon, ang bulkan ay tinatawag sa pinakaiksing pangalan ni Magayon, tinawag itong “Mayon”. Ang magandang hugis nito ang siyang nagpatanyag sa bayan ng Albay.