Ang mitolohiya ay mga kuwentong piksyon tungkol sa buhay ng mga diyos at diyosa, na maaaring ipahayag sa mga alamat o mito at nagkukuwento ng mga hindi totoong pangyayari na pinaniniwalaan ng ilan. Sa mitolohiyang Pilipino, marami ang mga diyos, ibat-ibang kwentong bayan, at mga aral na nakaugat sa kultura ng mga Pilipino, na patuloy na namumuhay sa mga probinsya at kanayunan. Ang kwento ni Dayleg at lola ay nagsasalaysay ng pagbabago ng pananaw sa tradisyonal na mitolohiya at paniniwala ng mga Ifugao sa harap ng modernisasyon at mga hamon ng panahon.