Talambuhay - Gawa ni Evangeline FortezaGeline Eliza
Ito ay para makatulong sa aking mga kapwa estudyante!!!
Wag nyo po sanang ariin. Magbigay kredito naman po sa gumawa, Evangeline F. lang po.... Sana po'y nagustuhan nyo! Maraming Salamat!!!
Talambuhay - Gawa ni Evangeline FortezaGeline Eliza
Ito ay para makatulong sa aking mga kapwa estudyante!!!
Wag nyo po sanang ariin. Magbigay kredito naman po sa gumawa, Evangeline F. lang po.... Sana po'y nagustuhan nyo! Maraming Salamat!!!
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
2. OKapag tayo’y nagsusulat, saan tayo
maaaring humango ng mga paksa?
OPinakamadaling sulatin ay iyong mga
bagay na alam na alam natin .
OIto rin ang mga paksang may interest na
basahin ng ibang tao sapagkat lagi na
kawili wiling malaman kung paano
hinarap ng ibang tao ang mga hamon at
pagsubok sa buhay.
OMaaaring may paghugutan o mapulot na
saloobin at pananaw sa pagbabasa sa
mga personal na karanasan ng iba.
3. OIto ay tinatawag nating
diskursong personal.
OHumahango tayo ng kalamaan
at pagkaunawa sa mga bagay
at pangyayari sa ating paligid
batay sa ating personal na
karanasan kaugnay ng mga ito.
OLumalago ang pagkatao sa
bawat isa sa atin batay sa mga
pinagdaanan sa buhay.
4. Mga diskursong personal
O Tatlong diskursong personal ang
tatalakayin sa bahaging ito: talaarawan,
journal, repleksiyon.
O Pagkakatulad ng apat na ito ay:
pansariling karanasan, saloobin at
pananaw ang ibinabahagi ng awtor ngunit
may ikinaiba ang bawat isa sa iba pa.
5. Talaarawan
OIsang pang araw-araw na tala, lalo na ng
mga personal na karanasan, saloobin,
obserbasyon at pananaw.
OIto ay sinusulat na parang nakikipag usap
sa isang tao, na maaaring tawaging
“Mahal kong Diary o Talaarawan” o
maaari ring bigyan ng pangalan na parang
isang tunay na tao ang sinusulatan.
OTinawag ni Anne Frank na “Kitty” ang
kanyang kanyang talaarawan
6. Talaarawan
OMarami sa mga talaarawan ay naging
mahalaga pa ngang mga dokumento sa
kasaysayan. Naging pantangi sa mga ito
ang talaarawan ng kabataang babaing
Judio na nagtago mula sa mga Nazi. Ang
Diary of a Young Girl ni Anne Frank ay
isang nakapipighating patotoo ng
kalupitan ng tao sa kaniyang kapuwa.
OTinawag ni Anne Frank na “Kitty” ang
kanyang kanyang talaarawan
7. Talaarawan
OMaaaring pansariling karanasan at
pananaw lamang ang karaniwang
laman ng talaarawan , ngunit ito ay
depende sa sumusulat at sa
kapaligiran ng pagsusulat
OMaaaring kapulutan ang talaarawan
ng mahalagang impormasyon
tungkol sa isang pangyayari sa
kasaysayan.
8. Talaarawan
OANG talaarawan ay isang
mapagkakatiwalaang kasama, isang
madamaying kaibigan sa isang
daigdig na walang habag. Ang
talaarawan ay “nagpapahintulot sa
atin na ingatan ang isang koleksiyon
ng mga larawan na nagtatala ng
ating personal na paglalakbay sa
buhay,” ang sabi ng manunulat na si
Christina Baldwin.
9. Talaarawan
OTulad ng isang album ng litrato
na nagpapakita ng nakalarawang
kasaysayan ng ating kahapon,
ang talaarawan ay naglalaan sa
atin ng nakasulat na “mga kuha”
na nagsisiwalat at nag-iingat ng
kasaysayan ng ating buhay.
10. Talaarawan
OAng pagsusulat sa talaarawan ay
waring nakatutugon sa pangunahing
pagnanais ng tao—pagpapahayag ng
sarili. Iyon man ay pagtatala ng ating
kagalakan sa pagkarinig ng unang
mga salita ng isang sanggol o pagsibol
ng isang pag-iibigan, pinahihintulutan
tayo ng talaarawan na bulay-bulayin
ang mga pangyayaring humubog sa
ating mga buhay.
11. Talaarawan
OAng pagbabasa ng mga isinulat
sa paglipas ng panahon ay
nagpapangyari sa atin na
bigyang-buhay muli ang
pinakatatanging mga sandaling
iyon at ang mga damdaming
idinulot niyaon.
12. Talaarawan
OAng isa sa pinakamalaking
kapakinabangan ng talaarawan ay ang
kakayahan nitong tumulong sa atin na
makilala ang ating sarili. Tinawag ito
ng manunulat na si Tristine Rainer na
“isang praktikal na sikolohikal na
kasangkapan na nagpapangyari sa iyo
na ipahayag ang iyong damdamin
nang hindi napipigilan.”
14. OUna, maghanap ng isang tahimik na
lugar at isang sulatan o notebook na
gusto mo. Totoo naman na ang
pagsusulat sa isang pahinang walang
laman ay baka nakatatakot. Subalit
ang susi ay maging tapat, natural, at
simple. Maaari mong itanong sa iyong
sarili ang gaya ng: ‘Ano ba ang ginawa
ko sa araw na ito? Paano ako
naapektuhan nito? Ano ang kinain ko?
Sino ang nakita ko?
15. OAno ba ang nangyayari sa buhay
ng mga taong minamahal ko?’ O
maaari kang magsimula sa
kasalukuyang nangyayari, anupat
nagtatanong: ‘Ano ba ang
nangyayari sa buhay ko sa
ngayon? Ano ang mga tunguhin
ko? Ang aking mga pangarap?’
Pagkatapos, basta isulat mo ang
nais mong isulat, nang hindi
pinupuna ito.
16. OSumulat ka kung gaano kahaba o
kaikli ang gusto mo. Sumulat ka
gaano man kadalas o kadalang ang
gusto mo. Maging tapat. Huwag kang
mag-alala tungkol sa balarila o
pagbaybay. Wala namang iba pang
makakakita sa iyong isinulat. Baka
gusto mo ring magdikit ng mga
larawan, mga kliping sa pahayagan,
o anumang bagay na mahalaga para
sa iyo.
17. OSa iyo naman ang aklat na iyon.
Maaari itong maging maayos o
magulo, maliit o malaki. At
kailangan mo lamang sumulat
kung kailan mo gusto. Kung ang
pagsusulat ng talaarawan ay
nagiging sapilitang gawain,
mabibigo ka lamang at
masisiraan ng loob.
18. Mga Mungkahi Ukol sa Pagpapasimula
O Pumili ng sulatan na matibay, marahil ay
madaling dalhin.
O Humanap ng tahimik na oras at isang lugar
na maaari kang mapag-isa. Lagyan ng petsa
ang bawat isinusulat.
O Kung nakaligtaan mo ang ilang araw, huwag
kang mataranta; basta ipagpatuloy mo ang
pagsusulat kung saan ka huminto.
O Huwag mong punahin ang iyong gawa.
Maging natural, at malaya mong ipahayag ang
iyong sarili. Isulat ang mga detalye—huwag
basta ang pangkalahatang mga bagay
lamang.