Mga Diskursong Personal

ABIGAIL ALFARO
MGA DISKURSONG PERSONAL
 Kapag tayo‟y nagsusulat, saan tayo maaaring
  humango ng mga paksa?
 Pinakamadaling sulatin ay yung mga bagay na
  alam na alam natin .
 Ito rin ang mga paksang interesanteng basahin
  ng ibang tao sapagkat lagi na kawili wiling
  malaman kung paano hinarap ng ibang tao ang
  mga hamon at pagsubok sa buhay.
 Maaaring may paghugutan o mapulot na
  saloobin at pananaw sa pagbabasa sa mga
  personal na karanasan ng iba.
 Bakit mahalaga ang diskursong personal?
 Humahango tayo ng kalamaan at
  pagkaunawa sa mga bagay at pangyayari sa
  ating paligid batay sa ating personal na
  karanasan kaugnay ng mga ito.
 Lumalago ang pagkatao sa bawat isa sa atin
  batay sa mga pinagdaanan sa buhay.
MGA DISKURSONG PERSONAL

 Apat na diskursong personal ang tatalakayin
  sa bahaging ito: talaarawan, journal,
  awtobiograpiya, repleksiyon.
 Pagkakatulad ng apat na ito ay: pansariling
  karanasan, saloobin at pananaw ang
  ibinabahagi ng awtor ngunit may ikinaiba ang
  bawat isa sa iba pa.
TALAARAWAN

 Isang pang araw-araw na tala, lalo na ng mga
  personal na karanasan, saloobin, obserbasyon
  at pananaw.
 Ito ay sinusulat na parang nakikipag usap sa
  isang tao, na maaaring tawaging “Mahal kong
  Diary o Talaarawan” o maaari ring bigyan ng
  pangalan na parang isang tunay na tao ang
  sinusulatan.
 Tinawag ni Anne Frank na “Kitty” ang kanyang
  kanyang talaarawan
TALAARAWAN

 Maaaring pansariling karanasan at pananaw
  lamang ang karaniwang laman ng
  talaarawan , ngunit ito ay depende sa
  sumusulat at sa kapaligiran ng pagsusulat
 Maaaring kapulutan ang talaarawan ng
  mahalagang impormasyon tungkol sa isang
  pangyayari sa kasaysayan.
HALIMBAWA NG TALAARAWAN (1)
Pebrero 10
         Malapit na ang Valentine‟s Day. Pero feeling ko, April Fool‟s Day
ngayon. Parang Ninos Inocentes ba, iyong may practical joke na
ipinalalasap ang ilang mapagbiro sa kanilang mga kaibigan o kakilala. May
mangungutang na wala nang bayaran, may magsasabing nag-resign na
ang presidente ng bansa kahit hindi naman. Akala mo totoo pero biro lang
pala.

Ano naman kayang biro nito ni Trish sa akin? Biro nga lang kaya kung bakit
biglang ayaw niya akong kausapin? Dumating ako sa miting ng History
Club at hindi man lang ako sinulyapan, wala, dedma lang sa akin, parang
hindi ako kilala.

Ikinagalit kaya niya na nahuli ako nang limang minuto? E siya nga,
kalahating oras kung mahuli, siya pa naman ang presidente ng
organisasyon.
HALIMBAWA NG TALAARAWAN (2)
Pebrero 11
     Palaisipan pa rin sa akin kung bakit cold
shoulder treatment si Trish sa akin. Baka dahil
kahapon, mag-iinterbyu sana kami ng isang
campus writer. Apat kami nina Magenta at
Vermillion sa group project na ito. Pero last
minute, nando‟n na kaming tatlo sa meeting place
nang magtext siya na kinansel niya ang interbyu.
E rebelde ang mga kasama namin, naghanap ng
ibang maiinterbyu para matapos na namin ang
assignment kahit wala siya.
HALIMBAWA NG TALAARAWAN (3)
Pebrero 12
        Lumalala ang galit ni Trish sa akin, nang hindi ko alam kung bakit.
Kung iyon ang mga dahilan, bakit sa akin lang siya galit? Kanina, kinausap
nga ako, pasigaw naman. Bakit hindi daw ako sumagot sa text niya? Nasa
bus ako nang matanggap ko ang text niya kaya hindi na ako sumagot kasi
padating na ako sa iskul at magkikita naman kami. Aba, bigla ba namang
inasikan ako, “Bakit hindi ka sumagot? Buti nga, tinext pa kita!” Napatanga
na lang ako.

        Hindi naman masasabing nag aaway kami dahil siya lang naman
ang nang aaway at hindi naman ako pumapatol. Hayaan mo na nga siya.
Ano man ang ikinaiinis niya sa akin, na hindi ko naman naiintindihan,
mawawala rin at mababalik kami sa dating matamis na pagkakaibigan. Iilan
lang kasi ang mga kaibigan ko, at ayaw kong mawala ang mga dating
kaibigan. Di tulad niya. Siya, popular, kilala sa kampus, hindi mahiyaing
tulad ko.
HALIMBAWA NG TALAARAWAN (4)
Pebrero 13
         Dati na naman niya akong iniinsulto pero di ko na lang pinapansin.
Kesyo hindi ako puwedeng gumimik dahil maliit lang ang kita ng aming
pamilya, kasi puro kami singkit. Kesyo wala akong pambili ng libro at
napakapobre kaya nanghihiram lang sa kanya. Kako sa sarili, tense lang
siya sa dami ng trabaho sa iskul at social life niya—mga gimik ng barkada
niya, kain sa labas, nood ng sine o DVD, pasyal sa mall, etc. Madalas tuloy,
huli siyang mag submit ng mga requirement. Minsan, nai-incomplete pa sa
ilang subjects.

         Pero kanina, “Pangit!” Ito ang ipinantawag niya sa akin. Kung bakit
naman ako lumingon, parang inamin kong pangit nga ako. E sino ba ang
maraming tagihawat at malaki ang butas ng ilong? Sa harap pa naman ng
crush kong si Kobi, ang basketbolistang idolo ng buong iskul. Teka, crush
din niya „yon, a! Kaya pala ako tinawag na pangit para hiyain ako kay Kobi.
HALIMBAWA NG TALAARAWAN (5)
Pebrero 14
      Kilig to the bones! Ito na siguro ang
pinakamasayang araw sa buhay ko. Tatlong pulang
rosas ang pinadala ni Kobi sa akin. Hiyawan ang buong
klase nang makita nila ang bulaklak. Sa sulok ng aking
mga mata, sinulyapan ko si Trish. Maluha-luha siya.
Pangit na kung pangit, sa loob-loob ko. Ako naman ang
may three red roses galing kay Kobi, ang crush ng
bayan.
      Bakit, pangit ba ang mga bida sa Koreanovela sa
TV? E sila nga ang kamukha ko. Kaya siguro ako type
ni Kobi dahil pareho kaming nawawala ang mga mata
pag tumatawa.
HALIMBAWA NG TALAARAWAN (6)
Pebrero 15
       Lalo lang nagalit si Trish sa akin. Lalo na akong hindi
kinakausap, iniirap-irapan pag nakakasalubong, at kung
anu-ano pa ang sinasabi. Nalulungkot ako pero siguro,
hanggang dito na lang ang pagkakaibigan namin. Si Kobi?
Crush nga ng bayan „yon, ano? Nakatuwaan lang akong
bigyan ng bulaklak nun, hindi naman ibig sabihin ay crush
din niya ako. Isa pa, pag aaral ang dapat kong unahin, hindi
pag-ibig. Kaya, wala namang dapat ikagalit si Trish sa akin.
Pero ngayon, alam ko na, hindi naman kaibigan ang turing
niya sa akin. Punching bag. Tapunan ng panlalait. Iyan ako
sa inakala kong matalik na kaibigan. Tama si Cicero,
friendship exists between equals. Kung hindi kayo
magkapantay, hindi kayo magkaibigan.
SANGGUNIAN

 Kabanata 4—Diskurso: Pasalita at Pasulat;
  Sayusay: Sining ng Mabisang
  Pagpapahayag ni Aurora E. Batnag, Teresita
  F. Fortunato, Alvin Ringgo Reyes.
 http://netanimations.net/Moving_Animated_V
  alentines_Day_Hearts_Love_Animations_2.h
  tm
Salamat sa Pakikinig. 

Mga diskursong personal

  • 1.
  • 2.
    MGA DISKURSONG PERSONAL Kapag tayo‟y nagsusulat, saan tayo maaaring humango ng mga paksa?  Pinakamadaling sulatin ay yung mga bagay na alam na alam natin .  Ito rin ang mga paksang interesanteng basahin ng ibang tao sapagkat lagi na kawili wiling malaman kung paano hinarap ng ibang tao ang mga hamon at pagsubok sa buhay.  Maaaring may paghugutan o mapulot na saloobin at pananaw sa pagbabasa sa mga personal na karanasan ng iba.
  • 3.
     Bakit mahalagaang diskursong personal?  Humahango tayo ng kalamaan at pagkaunawa sa mga bagay at pangyayari sa ating paligid batay sa ating personal na karanasan kaugnay ng mga ito.  Lumalago ang pagkatao sa bawat isa sa atin batay sa mga pinagdaanan sa buhay.
  • 4.
    MGA DISKURSONG PERSONAL Apat na diskursong personal ang tatalakayin sa bahaging ito: talaarawan, journal, awtobiograpiya, repleksiyon.  Pagkakatulad ng apat na ito ay: pansariling karanasan, saloobin at pananaw ang ibinabahagi ng awtor ngunit may ikinaiba ang bawat isa sa iba pa.
  • 5.
    TALAARAWAN  Isang pangaraw-araw na tala, lalo na ng mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon at pananaw.  Ito ay sinusulat na parang nakikipag usap sa isang tao, na maaaring tawaging “Mahal kong Diary o Talaarawan” o maaari ring bigyan ng pangalan na parang isang tunay na tao ang sinusulatan.  Tinawag ni Anne Frank na “Kitty” ang kanyang kanyang talaarawan
  • 6.
    TALAARAWAN  Maaaring pansarilingkaranasan at pananaw lamang ang karaniwang laman ng talaarawan , ngunit ito ay depende sa sumusulat at sa kapaligiran ng pagsusulat  Maaaring kapulutan ang talaarawan ng mahalagang impormasyon tungkol sa isang pangyayari sa kasaysayan.
  • 7.
    HALIMBAWA NG TALAARAWAN(1) Pebrero 10 Malapit na ang Valentine‟s Day. Pero feeling ko, April Fool‟s Day ngayon. Parang Ninos Inocentes ba, iyong may practical joke na ipinalalasap ang ilang mapagbiro sa kanilang mga kaibigan o kakilala. May mangungutang na wala nang bayaran, may magsasabing nag-resign na ang presidente ng bansa kahit hindi naman. Akala mo totoo pero biro lang pala. Ano naman kayang biro nito ni Trish sa akin? Biro nga lang kaya kung bakit biglang ayaw niya akong kausapin? Dumating ako sa miting ng History Club at hindi man lang ako sinulyapan, wala, dedma lang sa akin, parang hindi ako kilala. Ikinagalit kaya niya na nahuli ako nang limang minuto? E siya nga, kalahating oras kung mahuli, siya pa naman ang presidente ng organisasyon.
  • 8.
    HALIMBAWA NG TALAARAWAN(2) Pebrero 11 Palaisipan pa rin sa akin kung bakit cold shoulder treatment si Trish sa akin. Baka dahil kahapon, mag-iinterbyu sana kami ng isang campus writer. Apat kami nina Magenta at Vermillion sa group project na ito. Pero last minute, nando‟n na kaming tatlo sa meeting place nang magtext siya na kinansel niya ang interbyu. E rebelde ang mga kasama namin, naghanap ng ibang maiinterbyu para matapos na namin ang assignment kahit wala siya.
  • 9.
    HALIMBAWA NG TALAARAWAN(3) Pebrero 12 Lumalala ang galit ni Trish sa akin, nang hindi ko alam kung bakit. Kung iyon ang mga dahilan, bakit sa akin lang siya galit? Kanina, kinausap nga ako, pasigaw naman. Bakit hindi daw ako sumagot sa text niya? Nasa bus ako nang matanggap ko ang text niya kaya hindi na ako sumagot kasi padating na ako sa iskul at magkikita naman kami. Aba, bigla ba namang inasikan ako, “Bakit hindi ka sumagot? Buti nga, tinext pa kita!” Napatanga na lang ako. Hindi naman masasabing nag aaway kami dahil siya lang naman ang nang aaway at hindi naman ako pumapatol. Hayaan mo na nga siya. Ano man ang ikinaiinis niya sa akin, na hindi ko naman naiintindihan, mawawala rin at mababalik kami sa dating matamis na pagkakaibigan. Iilan lang kasi ang mga kaibigan ko, at ayaw kong mawala ang mga dating kaibigan. Di tulad niya. Siya, popular, kilala sa kampus, hindi mahiyaing tulad ko.
  • 10.
    HALIMBAWA NG TALAARAWAN(4) Pebrero 13 Dati na naman niya akong iniinsulto pero di ko na lang pinapansin. Kesyo hindi ako puwedeng gumimik dahil maliit lang ang kita ng aming pamilya, kasi puro kami singkit. Kesyo wala akong pambili ng libro at napakapobre kaya nanghihiram lang sa kanya. Kako sa sarili, tense lang siya sa dami ng trabaho sa iskul at social life niya—mga gimik ng barkada niya, kain sa labas, nood ng sine o DVD, pasyal sa mall, etc. Madalas tuloy, huli siyang mag submit ng mga requirement. Minsan, nai-incomplete pa sa ilang subjects. Pero kanina, “Pangit!” Ito ang ipinantawag niya sa akin. Kung bakit naman ako lumingon, parang inamin kong pangit nga ako. E sino ba ang maraming tagihawat at malaki ang butas ng ilong? Sa harap pa naman ng crush kong si Kobi, ang basketbolistang idolo ng buong iskul. Teka, crush din niya „yon, a! Kaya pala ako tinawag na pangit para hiyain ako kay Kobi.
  • 11.
    HALIMBAWA NG TALAARAWAN(5) Pebrero 14 Kilig to the bones! Ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Tatlong pulang rosas ang pinadala ni Kobi sa akin. Hiyawan ang buong klase nang makita nila ang bulaklak. Sa sulok ng aking mga mata, sinulyapan ko si Trish. Maluha-luha siya. Pangit na kung pangit, sa loob-loob ko. Ako naman ang may three red roses galing kay Kobi, ang crush ng bayan. Bakit, pangit ba ang mga bida sa Koreanovela sa TV? E sila nga ang kamukha ko. Kaya siguro ako type ni Kobi dahil pareho kaming nawawala ang mga mata pag tumatawa.
  • 12.
    HALIMBAWA NG TALAARAWAN(6) Pebrero 15 Lalo lang nagalit si Trish sa akin. Lalo na akong hindi kinakausap, iniirap-irapan pag nakakasalubong, at kung anu-ano pa ang sinasabi. Nalulungkot ako pero siguro, hanggang dito na lang ang pagkakaibigan namin. Si Kobi? Crush nga ng bayan „yon, ano? Nakatuwaan lang akong bigyan ng bulaklak nun, hindi naman ibig sabihin ay crush din niya ako. Isa pa, pag aaral ang dapat kong unahin, hindi pag-ibig. Kaya, wala namang dapat ikagalit si Trish sa akin. Pero ngayon, alam ko na, hindi naman kaibigan ang turing niya sa akin. Punching bag. Tapunan ng panlalait. Iyan ako sa inakala kong matalik na kaibigan. Tama si Cicero, friendship exists between equals. Kung hindi kayo magkapantay, hindi kayo magkaibigan.
  • 13.
    SANGGUNIAN  Kabanata 4—Diskurso:Pasalita at Pasulat; Sayusay: Sining ng Mabisang Pagpapahayag ni Aurora E. Batnag, Teresita F. Fortunato, Alvin Ringgo Reyes.  http://netanimations.net/Moving_Animated_V alentines_Day_Hearts_Love_Animations_2.h tm
  • 14.