2. Ang pagiging
isang arkipelago
ng Pilipinas ang
dahilan kung
bakit sa
magkakahiwalay
at magkakaibang
lugar, ang iisang
bagay o konsepto
ay nagkakaroon
ng magkaibang
katawagan.
HEOGRAPIKA
L
8. Mga Katawagan sa Tagalog-Maynila Katumbas na salita sa ibang lugar
lupa mukha (Pampanga)
lupa daga (Ilokos)
lumiban tumawid (Tagalog-
Batangas)
pating kalapati (Ilo-ilo)
hilom tahimik (Cebu)
doon dito (Antique)
iyo oo (Bikol)
IBA PANG HALIMBAWA NG VARAYTI SA
HEOGRAPIYA
9. Morpolohikal na varayti ng wika
~iba’t ibang paraan ng pagbuo ng salita
ng mga taong kabilang sa iba’t ibang
kultura
~iba’t ibang paggamit ng mga panlapi
sa pagbuo ng salita
10. Halimbawa:
1. Napatak ang mga dahon. (Tagalog-Batangas)
Ang salitang “napatak” sa ilang lalawigang Tagalog ay
ginagamit upang tukuyin ang mga bagay na nalalaglag o
nahulog mula sa itaas. [Tayo nang mamulot ng mga napatak
na mangga.] Samantala, ang salitang “napatak” ay mas
ginagamit sa ibang lugar para sa tubig, gaya ng ulan at luha.
2. Nasuray ang dyipni. (Tagalog-Batangas)
Ang salitang “nasuray” ay ginamit para sa isang
sasakyan. Ngunit sa ibang lugae, gaya ng Maynila, ang
salitang nasuray ay ginagamit hindi sa sasakyan kundi sa
tao. Mas ginagamit ang salitang “gumegewang” o “pagewang-
gewang” kapag tinutukoy ang sasakyan. [Gumegewang ang
sasakyang minamaneho ng lasing na drayber.]
11. Pansinin ang pagbuo ng mga salitang “napatak” at “nasuray.”
“Panlapi+Salitang Ugat”
na + patak na + suray
Ang pandiwa ay nakabanghay sa unlaping /na-/ tulad ng
naiyak,naulan, nakanta. Sa Maynila, ang pandiwa ay nakabanghay sa
gitlaping /-um-/ gaya ng umiiyak, umuulan, kumakanta.
Sa pelikulang Heneral Luna, sa eksenang natimbuwang na ang
Heneral sa dami ng taga at tama ng baril na tinamo, ipinakita ang
isang babaeng nasa bintana ng kumbento at nagsalita: “Nagalaw pa
ba iyan?”
Iba pang halimbawa:
Salitang ugat: bili
Panlapi: -um- mag-
Nabuong salita: bumili (sa Ingles, to buy) magbili (sa Ingles, to
12. /i-/ /-in/
iluto lutuin
iihaw ihawin
iinit initin
igisa gisahin
iakyat akyatin
Maging maingat sa paggamit ng panlapi. Kung minsan, hindi
lamang varayti o magkaibang anyo ng salita ang sangkot sa
usapan; maaari ding maging iba ang kahulugan.
Ngayon, dahil marami nang gumagamit ng wikang Filipino na
may iba’t ibang unang wika, nagkakaroon ng iba’t ibang anyo ang
mga salita batay sa mga panlaping ginamit.
[makialam>mangialam]
Tandaan lagi ang wastong pagpili ng panlapi upang wastong
maipahayag ang gusting sabihin. [Kainan ang pinggan. > Kainin
13. American English British English
acknowledgment acknowledgement
airplane aeroplane
analog analogue
characterize characterise
armor armour
fiber fibre
fulfill fulfil
Kasama sa mga varayti ng isang wika ang ispeling o baybay ng
salita.
14. Ponolohikal na varayti ng wika
~Pagbabago sa bigkas at tunog ng mga salita ayon sa
pangkat ng mga taong gumagamit nito.
~Sa paglikha ng kani-kaniyang wika, hindi maiiwasang
malikha rin ang magkakaibang tunog at bigkas (dialectal
accent) ng mga salita.
Halimbawa, sa Bisaya, nagkakapaletan ang begkas ng
/e/ at /i/ at ng /o/ at /u/.
Ang ganitong varayti sa ponolohiya ay hindi ekslusibo sa
Pilipinas. Nangyayari rin ang mga ganitong pagkakaiba sa
bigkas at tunog sa mga wika sa daigdig.
15. American Accent British Accent
often /o-fen/ /of-ten/
Nike /nayk/ /nay-ki/
accurate /a-kyu-reyt/ /a-kyu-rit/
today /tu-dey/ /tu-day/
Porsche /por-sha/ /porsh/
16. Tandaan: Sa heograpikal na varayti, nasa
katawagan at kahulugan ng salita ang
pagkakaiba. Sa morpolohikal na varayti,
ang pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling ng
salita at hindi sa taglay na kahulugan nito.
Samantala, sa ponohikal na varayti, nasa
bigkas at tunog ng salita ang pagkakaiba.