SlideShare a Scribd company logo
Yunit 1 Mga konseptong Pangwika
 Nauunawaan ang mga konsepto ng wika
Sa lipunanng Pilipino
 Nasusuri ang kalikasan ng wikang Pambansa ng Pilipinas
Ang ikinagaganda ng wika ay wala sa tunog o tinig ng mga salita . Ito’y nasa sariling isip at pamamalagay
ng may wika .
-Julian Cruz Balmaceda
Daloy ng Wika
Aralin 1
Etimolohiya ng Wika
Layunin
Natutukoy ang pinagmulan ng wika.
Naisasalaysay sa sariling pangungusap ang pinagmulan ng sariling lugar.
Panimula
Ano ang iyong pangalan? Saan nagmula ang iyong pangalan? Hango ba ito sa pangalan ng iyong mga
Lolo at Lola? Junior ka ba ng iyong ama o ina?
Likas sa mga Pilipino ang pagmamahal sa alaala ng mga kapamilya, kaya't kadalasan ang pangalan ng
kanilang mga anak ay isinusunod sa pangalan ng mga ninuno o iba pang kaanak. Kapag Maria ang
isang lola at Cristina ang isa pang lola, ang bata ay maaaring bigyan ng pangalang Maria Cristina. Kapag
Alejandro ang Lolo, at ang ama ay Benjamin, ang bata ay maaaring pangalanan ng Ben Alexander.
Noong araw, bunga na rin ng pagpapatupad ng Claveria Decree noong 1849, ang bawat bata ay
nakagawiang bigyan ng kapangalang santo o santa. Dahil dito, may pangalang Michael buhat kay St.
Michael, Cecille buhat kay Santa Cecilia, Therese o Teresa buhat kay St. Therese, at marami pang iba.
Sa kasalukuyang panahon naman, dala ng marami nating mga kababayang malayang
nakapangingibang-bansa, marami na rin ang mga pangalang nanggaling sa iba't ibang bansa tulad ng
Sajid, Barbie, Yoko, Lee, Mumu, at marami pang iba.
Kung minsan, binibigyan ang isang bagong silang na sanggol ng pangalan hango sa napapanahong
sikat na personalidad. Noong dumalaw sa bansa ang Santo Papa St. John Paul II, naging popular na
pangalan ng mga sanggol ang John, Paul, John Paul, Paul John, at kung babae naman ay Joanna, Pauline,
o Paula.
May ilang mga magulang din na gumagamit ng tema sa pagbibigay ng pangalan sa mga anak.
Halimbawa, may ilan na pulos pangalan ng kotse ang pangalan ng mga anak tulad ng FX, XL, Kia, at
Mercedes. May mga magkakapatid rin na pinangalanan ayon sa panahon, tulad ng Sunshine at Rain.
Mayroon ding panay pangalang Filipino ang ginamit, tulad ng Dakila, Sampaguita, Filipino, o Bayani.
May mga pangalan ding hango sa pangalan ng mga hari at reyna, tulad ng Richelieu, Isabel, George, at
Alexander.
May ilang Baby Book din na nagbibigay ng suhestiyon tungkol sa mga pangalan, at ibinabatay ito sa
mga katangiang nais na palutangin ng mga magulang sa kanilang mga supling. Ang Mercy ay awa o
maawain; ang Charity ay mapagbigay; ang Honesto ay pagiging matapat; ang Paz ay kapayapaan.
Ikaw, ano kaya ang pinagmulan ng iyong pangalan? Bakit iyan ang ibinigay sa iyo ng iyong mga
magulang?
Talakayin sa klase ang paksang ito.
Pagtalakay
Kahulugan ng Etimolohiya
Katulad ng pagtunton sa kahulugan at pinanggalingan ng mga pangalan, mahalaga rin na tuntunin ang
kahulugan at pinanggalingan ng ating wika. Ito ang tinatawag nating etimolohiya. Ang etimolohiya ay
masasabi nating isang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita, ang pinagmulan nito, at kung paano ito
nabuo at nagbago ng kahulugan sa pagdaan ng panahon. Sa mga wikang may mahaba nang nasusulat
na kasaysayan, gumagamit ang mga etimolohista ng mga teksto o aklat upang maunawaan kung
paanong ginamit ang isang salita noong mga unang panahon at kung paanong naipasok ito bilang
isang wika. Gumagamit din sila ng komparatibong lingguwistika upang mabuong muli ang
impormasyon ukol sa mga wika kung wala itong tiyak na mapagkukunang impormasyon.
May ilang mga pangunahing mekanismo sa pagbuo ng mga bagong salita tungo sa pagiging isang
wika, tulad ng panghihiram, pagbubuo ng salita, at sa pamamagitan ng simbolismo ng mga tunog.
Tingnan ang pagsasama-sama ng mga mekanismong ito sa sumusunod na pagtalakay.
A. Panghihiram
Batid ng maraming mga lingguwista na hiram lamang mula sa Pranses at Latin ang halos kalahati ng
kabuuan ng mga salitang Ingles. Marami nang mga salitang Tsino na humalo na at naging bahagi ng
mga wikang Hapones, Koreano, at salitang Vietnamese.
Ganito rin ang ating wika na mayaman sa mga salitang Espanyol, Ingles, at Hapones bunga ng ilang
panahon ng pananakop ng mga bansang ito. O kaya, marami rin tayong mga salita na hawig sa mga
salitang Malayo, Tsino, at maging Koreano.
Paano hinihiram ang mga salita?
1. Kadalasang iniaangkop ang mga hiram na salita sa ponolohiya at baybay ng mga bansang
nanghihiram ng wika.
Halimbawa nito ang salitang Hapones na バレーボール (borēboru) na hinango sa salitang Ingles na
volleyball. Mapapansing pinalitan ng tunog na /b/ at /r/ ang mga tunog na /v/ at /1/ sapagkat walang
/v/ at /1/ sa wikang Hapones. Gayundin, dinagdagan ng patinig na /u/ ang hulihang tunog sapagkat sa
kanilang wika, walang salitang nagtatapos sa katinig, maliban sa tunog na /n/. Masasabi nating hindi
sinasadya ang pagbabago mula volleyball na naging borēboru. Ang pagbabago ay naganap ayon sa
mga tuntunin ng palabigkasan ng wikang Hapones.
2. Maaari rin namang magkaroon ng kahawig ngunit ibang kahulugan ang isang hiniram na salita.
Halimbawa, ang salitang French na portefeuille ay nangangahulugan ng wallet sa salitang Ingles. Sa
ating wika, naging portpolyo ito na nangangahulugang isang bag na karaniwang pinaglalagyan ng mga
dokumento.
Sa salitang Espanyol naman, ang querida ay may kahulugang mahal o minamahal, subalit sa ating
pagpapakahulugan sa ngayon, ito'y nangangahulugan din ng mahal, subalit may konotasyon ng bawal
na pagmamahal na tulad ng isang kabit.
3. Karaniwan din ang pseudo-anglicism sa maraming mga wika. Tinutukoy nito ang mga salitang
hiniram sa ibang wika, na nagkakaroon na ng ibang kahulugan kapag ginamit ng mga nanghiram.
Kadalasan itong binubuo ng dalawang salitang pinagsama na nagkakaroon na ng ibang kahulugang
malayo sa orihinal.
Halimbawa
a. bad trip
b. bold film
(pangyayaring di-mainam)
(pelikulang sensitibo at di-angkop sa mga bata)
B. Pagbubuo ng Salita
(mga inuming carbonated)
May iba't ibang paraan ng pagbuo ng mga bagong salita.
1. sa pamamagitan ng paglalapi
Dinurugtungan ng panlapi ang mga bagong salita na kadalasang hinihiram sa banyagang salita.
(-in-) + text
=
tinext
=
i-email
(i-) + email
=
(mag-) + selfie magselfie
2. sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga salita
tapsilog
=
tapa + sinangag + itlog
=
altanghap almusal + tanghalian + hapunan
kundirana
=
kundiman + harana
3. sa pamamagitan ng pagpapaikli ng mga salita o clipping
condo,
ref, demo,
mula sa salitang condominium
mula sa salitang refrigerator
mula sa salitang demonstrasyon
4. sa paggamit ng mga akronim
chief executive officer o boss
CEO
=
FB
=
facebook
KKB
=
BFF
=
best friend forever
kanya-kanyang bayad
C. Simbolismo ng Tunog
May mga salitang hinango mula sa tunog na nililikha ng mga bagay. Dahilan marahil sa kakapusan ng
angkop na katawagan sa mga bagay-bagay, ginagamit na lamang ang tunog na naririnig.
Halimbawa
1. Kumikiriring ang telepono. Sagutin mo, anak.
2. Kay sayang pakinggan ang tiririt ng mga ibon.
3. Nagising si Andy nang marinig ang sagitsit ng kawali. Nagluluto na ang kanyang ina.
4. Malakas na kalabog ang narinig mula sa ikalawang palapag.
5. Ginulat si Anding ng sunod-sunod na kalembang ng kampana.
Gawain 1
A. Magpangkat-pangkat. Maglista ng mga salitang ating minana sa bansang nagkaroon ng kaugnayan
sa ating bansa.
1. Espanya
5. Tsina
2. Amerika
3. Hapon
4. Malay
6. Korea
7. Saudi Arabia
B. Pag-usapan sa pangkat ang ilang mga makabagong salitang nabuo at kasalukuyang ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Ipaliwanag ang kahulugan nito.
Halimbawa
FYI-
BTW
ATM
TY
LOL
OTW
C. Talakayin din sa pangkat ang katawagan sa mga salitang hinango sa tunog. Mag-isip ng iba pang
mga halimbawa. Halimbawa
tsug-tsug ng tren
lagaslas ng tubig
pag-crash ng eroplano
ang piririt ng pito ng pulis
Pag-uugnay
Kung ang wika ay may etimolohiya, masasabing mayroon ding kasaysayan o pinagmulan ang pangalan
ng iba't ibang lugar sa ating
bansa.
Ang Etimolohiya ng Pangalan ng mga Lugar sa Carmona, Cavite
Taga-Cavite ka ba? O kaya, pamilyar ka ba sa iba't ibang lugar sa Carmona, Cavite? Magandang pag-
aralan ang kasaysayan ng mga pangalan ng lugar na ito. Alin sa mga kasaysayang ito ang narinig mo
na?
Mapa ng Carmona, Cavite
Manila Southwoods
Cabilang
Baybay
Golf and Country Club
General
Mariano
Alvarez
Mabuhay
Sugar Rd.
Splash Island Waterpark
Governor's Dr
Loyola St.
Milagrosa
Maduya
Washington St.
Kaong
Pili St.
Bancal.
Carmona
Lantic
Carmona Timbao Rd.
Carmona
Ang pangalang Carmona ay hango sa pangalan ng opisyal na nakaimpluwensya sa Pamahalaang Sentral
upang tuluyang paghiwalayin ang mga bayan ng Latag at Silang.
Baryo Cabilang Baybay
Noong panahon ng Espanyol, isa lamang maliit na sityo na pinaninirahan ng ilang pamilya ang baryo
Cabilang Baybay, na matatagpuan sa baybayin ng ilog. Kubo lamang ang mga kabahayan at pagsasaka
ang ikinabubuhay ng mga tao. Sa kapayakan ng lugar, walang itinalagang pangalan ang pook na ito
noon. Kapag may naghahanap sa lugar, ang karaniwang sinasabi ng mga tao ay sa "kabilang baybay,"
na ang ibig sabihin ay iyong lugar na matatagpuan sa baybayin ng ilog. Nang lumaon, nakagawian na
ng mga tao ang gayong pangalan kaya't nagpanukala ang Kabesa ng Barangay noon na tawagin ang
lugar na "Baryo Cabilang Baybay." Mapapansing ang titik C ay dulot ng impluwensyang Kastila sa ating
pagbabaybay.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 7
Baryo Bancal
Noong araw daw, magubat at mapuno ang lugar na ito. Karaniwang makikita sa paligid ang puno ng
bangkal, isang uri ng punongkahoy na karaniwang ginagamit sa konstruksyon ng mga kabahayan. Kung
hindi man para pagbubuo ng mga bahay, naging popular din ang punong bangkal sapagkat mainam
na gawing panggatong ang kahoy nitong kulay dilaw. Nang wala nang mapagkunan ng ikabubuhay
ang mga tao noong panahon ng Hapon, naging pang-agdong buhay nila ang pangunguha ng mga
sanga at puno ng bangkal upang ipagbili sa mga panaderya bilang panggatong. Dahil sa kahalagahang
idinulot ng kahoy na ito para sa pook na iyon, tinawag ang sityo na "Baryo Bancal." Muli, mapapansin
ang impluwensyang Espanyol sa pagbabaybay, sapagkat walang /ng/ sa alpabeto nito.
Baryo Maduya
Ang Baryo Maduya ang pinakamalaking baryo sa munisipyo ng Carmona. Ang katawagang "Maduya"
ay hinango sa salitang "maruya" o isang uri ng kakanin na may sangkap na giniling na bigas (galapong)
at hiniwang saging na saba. Piniprito ito at inihahain bilang masarap na meryenda. Maraming mga
naninirahan ang nagluluto nito at maririnig ang mga sigaw ng mga naglalako ng paninda "Maruya!" Sa
lumang alpabeto, matatandaan na ang tunog /d/ at /r/ ay maaaring magkapalitan nang hindi
nagbabago ang kahulugan ng salita. Samakatuwid, pareho lamang ng kahulugan ang “maruya” at
"maduya." Dahil sa kahalagahan ng kakaning ito sa kabuhayan ng mga tao, kinilala ang pook na "Baryo
Maduya."
Baryo Lantik
Sa gawing kanluran ng kabayanan ng Carmona matatagpuan ang Baryo Lantik. Dating madawag ang
lugar na ito na pinagpasyahang linisin ng mga naninirahan doon. Nang mahawan ang lugar, napansin
ng mga tao ang hugis "L" na anyo ng lugar. Kung ilalarawan sa masining na pananalita ang hugis ng
lugar, tila ito malantik na guhit ng pinsel ng kalikasan. Dahilan dito naisip ng mga tao na bigyan ito ng
pangalang "Lantik" o kaya'y "Pinaglantikan." Sa wakas, ipinasya nilang tawagin ito na "Baryo Lantik."
Baryo Milagrosa
Noong araw, ang may pitong ektaryang lupa sa gawing timog- kanluran ng kabayanan ay dating bahagi
ng malawak na lupain ng mga Yaptinchay ng Biñan, Laguna.
8
| Yunit I
Sa mga nakaaalala, bahagi ng Carmona ang asyendang ito noon pa mang 1935. Sa paniniwalang ang
lupaing naturan ay para sa taong bayan, binuo ng mga naninirahan ang "Samahang Pagkakataon Na"
sa ilalim ng pamumuno ng noo'y Alkalde Marciano Mapanoo. Ipinaglaban nila ang kanilang mga
karapatan sa lupain. Sa pangunguna ni Alkalde Mapanoo at G. Juan Alumia, kasama ang may tatlong
trak na mga mamamayan, nagtungo sila sa Malakanyang upang iparating kay Pangulong Quezon ang
kanilang mga kahilingan. Pinag-aralang mabuti ng Pangulo ang kanilang iniluluhog, at nagbunga ito
nang maganda pagkalipas ng ikalawang digmaang pandaigdig. Ang lupa ay pinaghati- hati at
ipinagkaloob sa mga walang lupa.
Ang pagkakapangalan dito ng "Milagrosa" ay isang pag-alala ng mga tao sa tila himalang pagkakabalik
ng kanilang karapatan sa lupaing akala nila'y hindi na muling mapapasakanila.
Baryo Mabuhay
20
Baryo Bagong Buhay ang dating pangalan ng Baryo Mabuhay, na naitatag noong panahon ng
Commonwealth. Halos kasabay ng pagkakayari ng lansangang panlalawigan noong 1938, naganyak na
ang mga tao na manirahan sa baryong ito. Pinaunlad nila ang pagsasaka ng bukirin at ng kalapit na
burol. Umunlad ang buhay ng mga mamamayan, at naisip nilang isang magandang simula ito ng
bagong buhay. Kung kaya, binago ng mga mamamayan ang pangalan ng baryo at tinawag itong "Baryo
Mabuhay."
Gawain 2
1. Isa-isahin ang mga lugar sa bayan ng Carmona, Cavite. Sa isang pangungusap, isulat ang pinagkunan
ng pangalan ng bawat baryo.
2. Paano maipakikita sa mga pangalan ng lugar na ito ang iba't ibang uri ng pagsibol ng salita?
a. paghihiram
pang-umpay kuny
2nd
b. pagbubuo ng salita o adaptasyon -
c. simbolismo
and any kinalaman
any
me back man.
слёзы на разверну
при ретр 3. Magsaliksik tungkol sa lugar na iyong tinitirhan. Saan nanggaling ang pangalan ng inyong
lugar? Gumawa ng isang write-up tungkol sa kasaysayan ng inyong komunidad. Anong uri ng pagsibol
ng salita ang mababakas mo sa
kuwento?
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 9

More Related Content

Similar to ARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docx

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).pptKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
MichellePlata4
 
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipinoMaikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
ssuser982c9a
 
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptxWeek 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
AntonetteAlbina3
 
Antas ng Wika at Pang-uri.pptx
Antas ng Wika at Pang-uri.pptxAntas ng Wika at Pang-uri.pptx
Antas ng Wika at Pang-uri.pptx
ClaudeneGella2
 
pagsasaling-wika grde 10.pptx
pagsasaling-wika grde 10.pptxpagsasaling-wika grde 10.pptx
pagsasaling-wika grde 10.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptxPAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
johndavecavite2
 
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docxDLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docx
MichelleCapendingDeb
 
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptxppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
AnnahojSucuanoTantia
 
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptxBAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
evafecampanado1
 
Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungay...
Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungay...Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungay...
Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungay...
JoaquinKarlosQuidill
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Lerma Sarmiento Roman
 
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1.docxDLL_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
MariaGvlennMacanas
 
Daily Lesson Log in_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
Daily Lesson Log in_FIILIPINO 6_Q2_W1.docxDaily Lesson Log in_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
Daily Lesson Log in_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
GENEVADPAGALLAMMAN
 
pagsasaling-wika-120818044513-phpapp01.pptx
pagsasaling-wika-120818044513-phpapp01.pptxpagsasaling-wika-120818044513-phpapp01.pptx
pagsasaling-wika-120818044513-phpapp01.pptx
JanBaje
 
Pagsasaling-Wika.pptx
Pagsasaling-Wika.pptxPagsasaling-Wika.pptx
Pagsasaling-Wika.pptx
JanBaje
 
Modyul 6.pptx
Modyul 6.pptxModyul 6.pptx
Modyul 6.pptx
LouieJayGallevo1
 
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
AnnalynModelo
 
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptxFIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
MaryGraceYgotParacha
 

Similar to ARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docx (20)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).pptKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
 
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipinoMaikling salaysay ng alfabetong filipino
Maikling salaysay ng alfabetong filipino
 
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptxWeek 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
Week 3 Mga Panandang Kohesyong Gramatikal.pptx
 
Antas ng Wika at Pang-uri.pptx
Antas ng Wika at Pang-uri.pptxAntas ng Wika at Pang-uri.pptx
Antas ng Wika at Pang-uri.pptx
 
pagsasaling-wika grde 10.pptx
pagsasaling-wika grde 10.pptxpagsasaling-wika grde 10.pptx
pagsasaling-wika grde 10.pptx
 
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptxPAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
 
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docxDLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1 (1).docx
 
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptxppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
ppt demo q Antas ng Wika 2022.pptx
 
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptxBAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
BAITANGRADE 8 -FILIPINO- ANTAS NG WIKA.pptx
 
Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungay...
Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungay...Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungay...
Kilat karon, Dalogdog sa kaugmaon: Isang masinsinang pagsusuri sa pagtutungay...
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
 
Owmabells
OwmabellsOwmabells
Owmabells
 
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
Teachingofliteraturedrama 120114030719-phpapp02
 
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1.docxDLL_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
DLL_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
 
Daily Lesson Log in_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
Daily Lesson Log in_FIILIPINO 6_Q2_W1.docxDaily Lesson Log in_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
Daily Lesson Log in_FIILIPINO 6_Q2_W1.docx
 
pagsasaling-wika-120818044513-phpapp01.pptx
pagsasaling-wika-120818044513-phpapp01.pptxpagsasaling-wika-120818044513-phpapp01.pptx
pagsasaling-wika-120818044513-phpapp01.pptx
 
Pagsasaling-Wika.pptx
Pagsasaling-Wika.pptxPagsasaling-Wika.pptx
Pagsasaling-Wika.pptx
 
Modyul 6.pptx
Modyul 6.pptxModyul 6.pptx
Modyul 6.pptx
 
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
 
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptxFIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
 

ARALIN1 ETIMOLOHIYA FIL 11.docx

  • 1. Yunit 1 Mga konseptong Pangwika  Nauunawaan ang mga konsepto ng wika Sa lipunanng Pilipino  Nasusuri ang kalikasan ng wikang Pambansa ng Pilipinas Ang ikinagaganda ng wika ay wala sa tunog o tinig ng mga salita . Ito’y nasa sariling isip at pamamalagay ng may wika . -Julian Cruz Balmaceda Daloy ng Wika Aralin 1 Etimolohiya ng Wika Layunin Natutukoy ang pinagmulan ng wika. Naisasalaysay sa sariling pangungusap ang pinagmulan ng sariling lugar. Panimula Ano ang iyong pangalan? Saan nagmula ang iyong pangalan? Hango ba ito sa pangalan ng iyong mga Lolo at Lola? Junior ka ba ng iyong ama o ina? Likas sa mga Pilipino ang pagmamahal sa alaala ng mga kapamilya, kaya't kadalasan ang pangalan ng kanilang mga anak ay isinusunod sa pangalan ng mga ninuno o iba pang kaanak. Kapag Maria ang isang lola at Cristina ang isa pang lola, ang bata ay maaaring bigyan ng pangalang Maria Cristina. Kapag Alejandro ang Lolo, at ang ama ay Benjamin, ang bata ay maaaring pangalanan ng Ben Alexander. Noong araw, bunga na rin ng pagpapatupad ng Claveria Decree noong 1849, ang bawat bata ay nakagawiang bigyan ng kapangalang santo o santa. Dahil dito, may pangalang Michael buhat kay St. Michael, Cecille buhat kay Santa Cecilia, Therese o Teresa buhat kay St. Therese, at marami pang iba. Sa kasalukuyang panahon naman, dala ng marami nating mga kababayang malayang nakapangingibang-bansa, marami na rin ang mga pangalang nanggaling sa iba't ibang bansa tulad ng Sajid, Barbie, Yoko, Lee, Mumu, at marami pang iba. Kung minsan, binibigyan ang isang bagong silang na sanggol ng pangalan hango sa napapanahong sikat na personalidad. Noong dumalaw sa bansa ang Santo Papa St. John Paul II, naging popular na pangalan ng mga sanggol ang John, Paul, John Paul, Paul John, at kung babae naman ay Joanna, Pauline, o Paula.
  • 2. May ilang mga magulang din na gumagamit ng tema sa pagbibigay ng pangalan sa mga anak. Halimbawa, may ilan na pulos pangalan ng kotse ang pangalan ng mga anak tulad ng FX, XL, Kia, at Mercedes. May mga magkakapatid rin na pinangalanan ayon sa panahon, tulad ng Sunshine at Rain. Mayroon ding panay pangalang Filipino ang ginamit, tulad ng Dakila, Sampaguita, Filipino, o Bayani. May mga pangalan ding hango sa pangalan ng mga hari at reyna, tulad ng Richelieu, Isabel, George, at Alexander. May ilang Baby Book din na nagbibigay ng suhestiyon tungkol sa mga pangalan, at ibinabatay ito sa mga katangiang nais na palutangin ng mga magulang sa kanilang mga supling. Ang Mercy ay awa o maawain; ang Charity ay mapagbigay; ang Honesto ay pagiging matapat; ang Paz ay kapayapaan. Ikaw, ano kaya ang pinagmulan ng iyong pangalan? Bakit iyan ang ibinigay sa iyo ng iyong mga magulang? Talakayin sa klase ang paksang ito. Pagtalakay Kahulugan ng Etimolohiya Katulad ng pagtunton sa kahulugan at pinanggalingan ng mga pangalan, mahalaga rin na tuntunin ang kahulugan at pinanggalingan ng ating wika. Ito ang tinatawag nating etimolohiya. Ang etimolohiya ay masasabi nating isang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita, ang pinagmulan nito, at kung paano ito nabuo at nagbago ng kahulugan sa pagdaan ng panahon. Sa mga wikang may mahaba nang nasusulat na kasaysayan, gumagamit ang mga etimolohista ng mga teksto o aklat upang maunawaan kung paanong ginamit ang isang salita noong mga unang panahon at kung paanong naipasok ito bilang isang wika. Gumagamit din sila ng komparatibong lingguwistika upang mabuong muli ang impormasyon ukol sa mga wika kung wala itong tiyak na mapagkukunang impormasyon. May ilang mga pangunahing mekanismo sa pagbuo ng mga bagong salita tungo sa pagiging isang wika, tulad ng panghihiram, pagbubuo ng salita, at sa pamamagitan ng simbolismo ng mga tunog. Tingnan ang pagsasama-sama ng mga mekanismong ito sa sumusunod na pagtalakay. A. Panghihiram Batid ng maraming mga lingguwista na hiram lamang mula sa Pranses at Latin ang halos kalahati ng kabuuan ng mga salitang Ingles. Marami nang mga salitang Tsino na humalo na at naging bahagi ng mga wikang Hapones, Koreano, at salitang Vietnamese. Ganito rin ang ating wika na mayaman sa mga salitang Espanyol, Ingles, at Hapones bunga ng ilang panahon ng pananakop ng mga bansang ito. O kaya, marami rin tayong mga salita na hawig sa mga salitang Malayo, Tsino, at maging Koreano. Paano hinihiram ang mga salita? 1. Kadalasang iniaangkop ang mga hiram na salita sa ponolohiya at baybay ng mga bansang nanghihiram ng wika.
  • 3. Halimbawa nito ang salitang Hapones na バレーボール (borēboru) na hinango sa salitang Ingles na volleyball. Mapapansing pinalitan ng tunog na /b/ at /r/ ang mga tunog na /v/ at /1/ sapagkat walang /v/ at /1/ sa wikang Hapones. Gayundin, dinagdagan ng patinig na /u/ ang hulihang tunog sapagkat sa kanilang wika, walang salitang nagtatapos sa katinig, maliban sa tunog na /n/. Masasabi nating hindi sinasadya ang pagbabago mula volleyball na naging borēboru. Ang pagbabago ay naganap ayon sa mga tuntunin ng palabigkasan ng wikang Hapones. 2. Maaari rin namang magkaroon ng kahawig ngunit ibang kahulugan ang isang hiniram na salita. Halimbawa, ang salitang French na portefeuille ay nangangahulugan ng wallet sa salitang Ingles. Sa ating wika, naging portpolyo ito na nangangahulugang isang bag na karaniwang pinaglalagyan ng mga dokumento. Sa salitang Espanyol naman, ang querida ay may kahulugang mahal o minamahal, subalit sa ating pagpapakahulugan sa ngayon, ito'y nangangahulugan din ng mahal, subalit may konotasyon ng bawal na pagmamahal na tulad ng isang kabit. 3. Karaniwan din ang pseudo-anglicism sa maraming mga wika. Tinutukoy nito ang mga salitang hiniram sa ibang wika, na nagkakaroon na ng ibang kahulugan kapag ginamit ng mga nanghiram. Kadalasan itong binubuo ng dalawang salitang pinagsama na nagkakaroon na ng ibang kahulugang malayo sa orihinal. Halimbawa a. bad trip b. bold film (pangyayaring di-mainam) (pelikulang sensitibo at di-angkop sa mga bata) B. Pagbubuo ng Salita (mga inuming carbonated) May iba't ibang paraan ng pagbuo ng mga bagong salita. 1. sa pamamagitan ng paglalapi Dinurugtungan ng panlapi ang mga bagong salita na kadalasang hinihiram sa banyagang salita. (-in-) + text = tinext =
  • 4. i-email (i-) + email = (mag-) + selfie magselfie 2. sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga salita tapsilog = tapa + sinangag + itlog = altanghap almusal + tanghalian + hapunan kundirana = kundiman + harana 3. sa pamamagitan ng pagpapaikli ng mga salita o clipping condo, ref, demo, mula sa salitang condominium mula sa salitang refrigerator mula sa salitang demonstrasyon 4. sa paggamit ng mga akronim chief executive officer o boss CEO = FB = facebook KKB =
  • 5. BFF = best friend forever kanya-kanyang bayad C. Simbolismo ng Tunog May mga salitang hinango mula sa tunog na nililikha ng mga bagay. Dahilan marahil sa kakapusan ng angkop na katawagan sa mga bagay-bagay, ginagamit na lamang ang tunog na naririnig. Halimbawa 1. Kumikiriring ang telepono. Sagutin mo, anak. 2. Kay sayang pakinggan ang tiririt ng mga ibon. 3. Nagising si Andy nang marinig ang sagitsit ng kawali. Nagluluto na ang kanyang ina. 4. Malakas na kalabog ang narinig mula sa ikalawang palapag. 5. Ginulat si Anding ng sunod-sunod na kalembang ng kampana. Gawain 1 A. Magpangkat-pangkat. Maglista ng mga salitang ating minana sa bansang nagkaroon ng kaugnayan sa ating bansa. 1. Espanya 5. Tsina 2. Amerika 3. Hapon 4. Malay 6. Korea 7. Saudi Arabia B. Pag-usapan sa pangkat ang ilang mga makabagong salitang nabuo at kasalukuyang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ipaliwanag ang kahulugan nito. Halimbawa FYI- BTW
  • 6. ATM TY LOL OTW C. Talakayin din sa pangkat ang katawagan sa mga salitang hinango sa tunog. Mag-isip ng iba pang mga halimbawa. Halimbawa tsug-tsug ng tren lagaslas ng tubig pag-crash ng eroplano ang piririt ng pito ng pulis Pag-uugnay Kung ang wika ay may etimolohiya, masasabing mayroon ding kasaysayan o pinagmulan ang pangalan ng iba't ibang lugar sa ating bansa. Ang Etimolohiya ng Pangalan ng mga Lugar sa Carmona, Cavite Taga-Cavite ka ba? O kaya, pamilyar ka ba sa iba't ibang lugar sa Carmona, Cavite? Magandang pag- aralan ang kasaysayan ng mga pangalan ng lugar na ito. Alin sa mga kasaysayang ito ang narinig mo na? Mapa ng Carmona, Cavite Manila Southwoods Cabilang Baybay Golf and Country Club General Mariano Alvarez Mabuhay Sugar Rd.
  • 7. Splash Island Waterpark Governor's Dr Loyola St. Milagrosa Maduya Washington St. Kaong Pili St. Bancal. Carmona Lantic Carmona Timbao Rd. Carmona Ang pangalang Carmona ay hango sa pangalan ng opisyal na nakaimpluwensya sa Pamahalaang Sentral upang tuluyang paghiwalayin ang mga bayan ng Latag at Silang. Baryo Cabilang Baybay Noong panahon ng Espanyol, isa lamang maliit na sityo na pinaninirahan ng ilang pamilya ang baryo Cabilang Baybay, na matatagpuan sa baybayin ng ilog. Kubo lamang ang mga kabahayan at pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga tao. Sa kapayakan ng lugar, walang itinalagang pangalan ang pook na ito noon. Kapag may naghahanap sa lugar, ang karaniwang sinasabi ng mga tao ay sa "kabilang baybay," na ang ibig sabihin ay iyong lugar na matatagpuan sa baybayin ng ilog. Nang lumaon, nakagawian na ng mga tao ang gayong pangalan kaya't nagpanukala ang Kabesa ng Barangay noon na tawagin ang lugar na "Baryo Cabilang Baybay." Mapapansing ang titik C ay dulot ng impluwensyang Kastila sa ating pagbabaybay. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 7 Baryo Bancal Noong araw daw, magubat at mapuno ang lugar na ito. Karaniwang makikita sa paligid ang puno ng bangkal, isang uri ng punongkahoy na karaniwang ginagamit sa konstruksyon ng mga kabahayan. Kung hindi man para pagbubuo ng mga bahay, naging popular din ang punong bangkal sapagkat mainam na gawing panggatong ang kahoy nitong kulay dilaw. Nang wala nang mapagkunan ng ikabubuhay ang mga tao noong panahon ng Hapon, naging pang-agdong buhay nila ang pangunguha ng mga sanga at puno ng bangkal upang ipagbili sa mga panaderya bilang panggatong. Dahil sa kahalagahang
  • 8. idinulot ng kahoy na ito para sa pook na iyon, tinawag ang sityo na "Baryo Bancal." Muli, mapapansin ang impluwensyang Espanyol sa pagbabaybay, sapagkat walang /ng/ sa alpabeto nito. Baryo Maduya Ang Baryo Maduya ang pinakamalaking baryo sa munisipyo ng Carmona. Ang katawagang "Maduya" ay hinango sa salitang "maruya" o isang uri ng kakanin na may sangkap na giniling na bigas (galapong) at hiniwang saging na saba. Piniprito ito at inihahain bilang masarap na meryenda. Maraming mga naninirahan ang nagluluto nito at maririnig ang mga sigaw ng mga naglalako ng paninda "Maruya!" Sa lumang alpabeto, matatandaan na ang tunog /d/ at /r/ ay maaaring magkapalitan nang hindi nagbabago ang kahulugan ng salita. Samakatuwid, pareho lamang ng kahulugan ang “maruya” at "maduya." Dahil sa kahalagahan ng kakaning ito sa kabuhayan ng mga tao, kinilala ang pook na "Baryo Maduya." Baryo Lantik Sa gawing kanluran ng kabayanan ng Carmona matatagpuan ang Baryo Lantik. Dating madawag ang lugar na ito na pinagpasyahang linisin ng mga naninirahan doon. Nang mahawan ang lugar, napansin ng mga tao ang hugis "L" na anyo ng lugar. Kung ilalarawan sa masining na pananalita ang hugis ng lugar, tila ito malantik na guhit ng pinsel ng kalikasan. Dahilan dito naisip ng mga tao na bigyan ito ng pangalang "Lantik" o kaya'y "Pinaglantikan." Sa wakas, ipinasya nilang tawagin ito na "Baryo Lantik." Baryo Milagrosa Noong araw, ang may pitong ektaryang lupa sa gawing timog- kanluran ng kabayanan ay dating bahagi ng malawak na lupain ng mga Yaptinchay ng Biñan, Laguna. 8 | Yunit I Sa mga nakaaalala, bahagi ng Carmona ang asyendang ito noon pa mang 1935. Sa paniniwalang ang lupaing naturan ay para sa taong bayan, binuo ng mga naninirahan ang "Samahang Pagkakataon Na" sa ilalim ng pamumuno ng noo'y Alkalde Marciano Mapanoo. Ipinaglaban nila ang kanilang mga karapatan sa lupain. Sa pangunguna ni Alkalde Mapanoo at G. Juan Alumia, kasama ang may tatlong trak na mga mamamayan, nagtungo sila sa Malakanyang upang iparating kay Pangulong Quezon ang kanilang mga kahilingan. Pinag-aralang mabuti ng Pangulo ang kanilang iniluluhog, at nagbunga ito nang maganda pagkalipas ng ikalawang digmaang pandaigdig. Ang lupa ay pinaghati- hati at ipinagkaloob sa mga walang lupa. Ang pagkakapangalan dito ng "Milagrosa" ay isang pag-alala ng mga tao sa tila himalang pagkakabalik ng kanilang karapatan sa lupaing akala nila'y hindi na muling mapapasakanila. Baryo Mabuhay 20
  • 9. Baryo Bagong Buhay ang dating pangalan ng Baryo Mabuhay, na naitatag noong panahon ng Commonwealth. Halos kasabay ng pagkakayari ng lansangang panlalawigan noong 1938, naganyak na ang mga tao na manirahan sa baryong ito. Pinaunlad nila ang pagsasaka ng bukirin at ng kalapit na burol. Umunlad ang buhay ng mga mamamayan, at naisip nilang isang magandang simula ito ng bagong buhay. Kung kaya, binago ng mga mamamayan ang pangalan ng baryo at tinawag itong "Baryo Mabuhay." Gawain 2 1. Isa-isahin ang mga lugar sa bayan ng Carmona, Cavite. Sa isang pangungusap, isulat ang pinagkunan ng pangalan ng bawat baryo. 2. Paano maipakikita sa mga pangalan ng lugar na ito ang iba't ibang uri ng pagsibol ng salita? a. paghihiram pang-umpay kuny 2nd b. pagbubuo ng salita o adaptasyon - c. simbolismo and any kinalaman any me back man. слёзы на разверну при ретр 3. Magsaliksik tungkol sa lugar na iyong tinitirhan. Saan nanggaling ang pangalan ng inyong lugar? Gumawa ng isang write-up tungkol sa kasaysayan ng inyong komunidad. Anong uri ng pagsibol ng salita ang mababakas mo sa kuwento? Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino | 9