Ang ponema ay isang yunit ng tunog na nag-uugnay sa pagkakaiba ng mga salita sa isang wika. Nahahati ito sa dalawang klase: ponemang segmental, na kinakatawan ng mga titik at ginagamit sa pagbuo ng mga salita, at ponemang suprasegmental, na hindi nakikita sa ortograpiya at tumutokoy sa diin, tono, at antala sa pagbikas. Ang pagkakaunawa sa mga ponema ay mahalaga sa mas epektibong pakikipagtalastasan.