SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
Bulaklak ng Lahing Kalinis-
linisan
(Balagtasan)
- Jose Corazon de Jesus
LAKAN-DIWA:
Yamang ako’y siyang Haring inihalal
Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.
Ang makasasali’y batikang makata
At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.
Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas
Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.
At sa gabing ito’y sa harap ng bayan
Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong dito’y pag-sapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.
Tinatawagan ko ang mga makata,
Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa Sariling Wika.
PARU-PARO:
Magandang gabi sa kanilang lahat
Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paru-parong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.
Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa,
Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,
Naging paru-paro sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.
Sa ulilang harding pinanggalingan ko
Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito
Ay may kabanguhang binubuhay ako.
May ilang taon nang nagtampo sa akin
Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.
Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo,
Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo,
At si Laka-ILaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong bango.
LAKAN-DIWA
Sa kapangyarihan na taglay ko na rin
Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
Magtuloy po kayo at ditto sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.
PARU-PARO:
Sa aking paglanghap ay laon nang patay
Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.
Ang bulaklak ko pong pinakaiirog
Ubod na ng ganda’t puti ang talulot,
Bulaklak poi to ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangala’y kampupot.
Kung kaya po naman di ko masansala
Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,
Matapos na siya’y diligan ng luha
Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!
Isang dapit-hapong palubog ang Araw
Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
- Paruparo, anya kita’y tatalian,
Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.
Isang panyong puting myay dagta ng lason
Ang sa aking mata’y itinakip noon,
At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at aking hinabol.
Hinabul-habol ko ang bango at samyo
Hanggang makarating ako sa malayo,
At nang alisin na ang takip na panyo
Wala si Kampupot, wala yaring puso.
Ang taguang biro’y naging totohanan
Hanggang tunay na ngang mawala sa
tanaw,
At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
Baliw na mistula sa pagsisintahan.
Sa lahat ng sulok at lahat ng panig
Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
Sa apat na sulok ng mundong payapa
Ang aking anino’y tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata’y may luha,
Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.
Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal,
Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay ayw po naman,
Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.
BUBUYOG:
Hindi mangyayari at ang puso niya’y
Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.
Pusong pinagtali ng isang pag-ibig
Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.
Ang dalawang ibon na magkasintahan,
Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,
Paruparong sawing may pakpak na itim
Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin.
Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo
At sa kasawia’y magkauri tayo,
Ako ma’y mayroong nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya naparito.
Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap
Bawat salita mo’y matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.
Ipahintulot mo, Paruparong luksa,
Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila,
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.
PARUPARO:
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay
Lalo’t magniningning ang isang katwiran,
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.
LAKAN-DIWA:
Magsalita kayo at ipaliwanang
Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,
Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinhanap?
BUBUYOG:
Sa isang malungkot at ulilang hardin
Ang binhi ng isang halama’y sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan naming
Ay kasabay akong isinisilang din.
Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,
Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko ako’y makalipad
Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.
Sa kanyang talulot unang isinangla
Ang tamis ng aking halik na sariwa,
At sa aking bulong na matalinghaga
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.
Nang mamukadkad na ang aking kampupot
Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho ko’y aking tinatapos.
Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan
Habang ako’y kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
Ang inyong taguan, akala ko’y biro,
Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso
Sa akin man pala ay nakapagtago.
Lumubog ang araw hanggang sa dumilim
Giliw kong bulaklak dir in dumarating,
Nang kinabukasa’t muling nangulimlim
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.
Nilipad ko halos ang taas ng langit
At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Kung dimakita’y din a magbabalik.
Sa malaong araw na nilipad-lipad
Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya namukadkad
Di ko papayagang mapaibang palad.
Luksang Paruparo, kampupot na iyan,
Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang balik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.
PARUPARO:
Hindi mangyayaring sa isang bulaklak
Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.
Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang
Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?
Una muna akong nag-uod sa sanga
Na ballot ng sapot ng pagkaulila,
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulo’t dahon naming ay magkasama na.
Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw
Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.
Sa kanyang talulot kung may dumadaloy
Na patak ng hamog, aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng Araw sa buong maghapon.
Paano ngang siya ay pagkakamalan
Sa kami’y lumaki sa iisang tangkay,
Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.
BUBUYOG:
Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig
Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.
Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot
Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.
Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;
Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.
PARUPARO:
Akong malapit na’y napipintasan mo,
Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.
Bubuyog na laging may ungol at bulong
Ay nakayayamot saanman pumaroon,
At ang katawan mo’y mayrong karayom
Pano kang lalapit, di naduro tuloy?
Di ka humahalik sa mga bulaklak,
Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintana’y iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.
Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,
Iyong mgabulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
BUBUYOG:
Kundi iniibig ang nakikiusap
Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,
Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di makapangusap.
Lilipad-lipad ka na payao’t ditto
Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pagligaw-matandang sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng liligawan mo.
Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog
Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Nguni’t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?
Saka, Paruparo, dapat mong malamang
Sa mula’t mula pa’y di ka minamahal,
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may lason pang
taglay.
PARUPARO:
Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib,
Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.
BUBUYOG:
Dadayain ka nga’t taksil kang talaga
At sa mga daho’y nagtatago ka pa.
PARUPARO:
Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa
Sa taglay kong bulo nilason na kita.
BUBUYOG:
Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.
BUBUYOG:
Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.
PARUPARO:
Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod.
LAKAN-DIWA:
Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,
Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malan ang may-ari nito,
Kampupot na iya’y paghatian ninyo.
BUBUYOG:
Kapag hahatiin ang aking bulaklak
Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya ang malagas.
PARUPARO:
Kung hahatiin po’y ayoko rin naman
Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
O buo wala nguni’t akin lamang.
LAKAN-DIWA:
Maging si Solomong kilabot sa dunong
Dito’y masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.
Ipahintulot pong sa mutyang narito
Na siyang kampupot sabihin kung sino,
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.
KAMPUPOT:
Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.
PARUPARO:
Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong
Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.
BUBUYOG:
At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyo’y di mo ba narinig?
KAMPUPOT:
Tila nga, tila nga ako’y may napansing
Daing at panaghoy na kung saan galing,
Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hangin
At di inakala na sinuma’t alin.
BUBUYOG:
Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
PARUPARO:
Dito natunayan yaong kawikaan
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.
SABAY: BUBYOG AT PARUPARO:
Ang isang sanglang naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang libing.
LAKAN-DIWA:
Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kaya’t nararapat na maparusahan.
Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro,
Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,
At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.
(Pagkatapos makatula ni Paruparo)
LAKAN-DIWA:
Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.
(Pagkatapos makatula ni Bubuyog)
Minamahal nami’t sinisintang bayan,
Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,

More Related Content

What's hot

Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig
Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng DaigdigMga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig
Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng DaigdigAriel Gilbuena
 
Ang ating kalikasan
Ang ating kalikasanAng ating kalikasan
Ang ating kalikasanjuvelyn19
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesAnsabi
 
Dalawang uri ng paghahambing
Dalawang  uri ng paghahambingDalawang  uri ng paghahambing
Dalawang uri ng paghahambingPRINTDESK by Dan
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauralorelyn ortiza
 
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng CanaoIsang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canaoentershiftalt
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonJenita Guinoo
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2yette0102
 
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboPagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboArlyn Duque
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalshekainalea
 
Sarsuwela
SarsuwelaSarsuwela
SarsuwelaAnsabi
 
Iba't ibang paraan ng pagpapahayag
Iba't ibang paraan ng pagpapahayagIba't ibang paraan ng pagpapahayag
Iba't ibang paraan ng pagpapahayagJocelle
 

What's hot (20)

Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig
Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng DaigdigMga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig
Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig
 
Ang ating kalikasan
Ang ating kalikasanAng ating kalikasan
Ang ating kalikasan
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
 
Dalawang uri ng paghahambing
Dalawang  uri ng paghahambingDalawang  uri ng paghahambing
Dalawang uri ng paghahambing
 
Kay sleya
Kay sleyaKay sleya
Kay sleya
 
Eupemistikong Pahayag
Eupemistikong PahayagEupemistikong Pahayag
Eupemistikong Pahayag
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at laura
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng CanaoIsang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
Isang Matandang Kuba Sa Gabi Ng Canao
 
Kontra Repormasyon
Kontra RepormasyonKontra Repormasyon
Kontra Repormasyon
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyon
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
balagtasan
 balagtasan balagtasan
balagtasan
 
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboPagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
 
Kay estella zeehandelaar
Kay  estella  zeehandelaarKay  estella  zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmental
 
Sarsuwela
SarsuwelaSarsuwela
Sarsuwela
 
Iba't ibang paraan ng pagpapahayag
Iba't ibang paraan ng pagpapahayagIba't ibang paraan ng pagpapahayag
Iba't ibang paraan ng pagpapahayag
 
Hinagpis ni florante
Hinagpis ni floranteHinagpis ni florante
Hinagpis ni florante
 
KARUNUNGANG-BAYAN
KARUNUNGANG-BAYANKARUNUNGANG-BAYAN
KARUNUNGANG-BAYAN
 

Similar to Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxKimberlyLaluan
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10sarahruiz28
 
Florante at luara
Florante at luaraFlorante at luara
Florante at luarashekainalea
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxrommel geanga
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Liezel Ann Aguilar
 
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)HUDCC
 
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Omegaxis26
 
Religion Education - Sa kabataang Pilipino - A La Juventud Filipina
Religion Education - Sa kabataang Pilipino - A La Juventud FilipinaReligion Education - Sa kabataang Pilipino - A La Juventud Filipina
Religion Education - Sa kabataang Pilipino - A La Juventud FilipinaJohn Paul Espino
 

Similar to Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan (20)

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
MODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptxMODYUL 4.pptx
MODYUL 4.pptx
 
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdfFIL10.M3-4. W3-4.pdf
FIL10.M3-4. W3-4.pdf
 
grade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptxgrade 9 module 4.pptx
grade 9 module 4.pptx
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Florante at luara
Florante at luaraFlorante at luara
Florante at luara
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
 
Kay selya week 3.pptx
Kay selya week 3.pptxKay selya week 3.pptx
Kay selya week 3.pptx
 
Dr
DrDr
Dr
 
Kopya ng huling paalam
Kopya ng huling paalamKopya ng huling paalam
Kopya ng huling paalam
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
 
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
In the realm of thought (Sa Nasasaklaw ng Isip) - Alvin T. Claridades (c. 1983)
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
 
Religion Education - Sa kabataang Pilipino - A La Juventud Filipina
Religion Education - Sa kabataang Pilipino - A La Juventud FilipinaReligion Education - Sa kabataang Pilipino - A La Juventud Filipina
Religion Education - Sa kabataang Pilipino - A La Juventud Filipina
 
Bago aplaya
Bago aplayaBago aplaya
Bago aplaya
 

More from DepEd

VS: BODY TEMPERATURE (THERMOMETER, THERMORECEPTORS)
VS: BODY TEMPERATURE (THERMOMETER, THERMORECEPTORS)VS: BODY TEMPERATURE (THERMOMETER, THERMORECEPTORS)
VS: BODY TEMPERATURE (THERMOMETER, THERMORECEPTORS)DepEd
 
VS- TEMPERATURE (NORMAL,FORMULA, TYPES OF THERMOMETER, THERMORECEPTORS
VS- TEMPERATURE (NORMAL,FORMULA, TYPES OF THERMOMETER, THERMORECEPTORSVS- TEMPERATURE (NORMAL,FORMULA, TYPES OF THERMOMETER, THERMORECEPTORS
VS- TEMPERATURE (NORMAL,FORMULA, TYPES OF THERMOMETER, THERMORECEPTORSDepEd
 
Bandaging and dressing
Bandaging and dressingBandaging and dressing
Bandaging and dressingDepEd
 
Shock
ShockShock
ShockDepEd
 
Wounds
WoundsWounds
WoundsDepEd
 
Human anatomy
Human anatomyHuman anatomy
Human anatomyDepEd
 
Shock -kinds of schock and how to prevent
Shock -kinds of schock and how to preventShock -kinds of schock and how to prevent
Shock -kinds of schock and how to preventDepEd
 
INTRODUCTION TO BASIC FIRST AID AND LIFE SUPPORT
INTRODUCTION TO BASIC FIRST AID AND LIFE SUPPORTINTRODUCTION TO BASIC FIRST AID AND LIFE SUPPORT
INTRODUCTION TO BASIC FIRST AID AND LIFE SUPPORTDepEd
 
Grading sheet PREPARING PATIENT'S MEAL
Grading sheet PREPARING PATIENT'S MEALGrading sheet PREPARING PATIENT'S MEAL
Grading sheet PREPARING PATIENT'S MEALDepEd
 
MEAL PLANNING (5COURSE MEAL)
MEAL PLANNING (5COURSE MEAL)MEAL PLANNING (5COURSE MEAL)
MEAL PLANNING (5COURSE MEAL)DepEd
 
5 course meal (COCLTAIL, APPETIZZER, SOUP, MAIN C., DESSERT)
5 course meal (COCLTAIL, APPETIZZER, SOUP, MAIN C., DESSERT)5 course meal (COCLTAIL, APPETIZZER, SOUP, MAIN C., DESSERT)
5 course meal (COCLTAIL, APPETIZZER, SOUP, MAIN C., DESSERT)DepEd
 
Food Pyramid
Food PyramidFood Pyramid
Food PyramidDepEd
 
Chapter 6: nutritional cycle
Chapter 6: nutritional cycleChapter 6: nutritional cycle
Chapter 6: nutritional cycleDepEd
 
MODULE IV:BNMP-FAT-SOLUBLE VITAMINS AND MINERALS
MODULE IV:BNMP-FAT-SOLUBLE VITAMINS AND MINERALSMODULE IV:BNMP-FAT-SOLUBLE VITAMINS AND MINERALS
MODULE IV:BNMP-FAT-SOLUBLE VITAMINS AND MINERALSDepEd
 
module 4: Basic NUTRI Vitamin b5, b6, b8, b12
module 4: Basic NUTRI Vitamin b5, b6, b8, b12module 4: Basic NUTRI Vitamin b5, b6, b8, b12
module 4: Basic NUTRI Vitamin b5, b6, b8, b12DepEd
 
Lesson plain in physical education- WHAT PREVENTS WORK OUT
Lesson plain in physical education- WHAT PREVENTS WORK OUTLesson plain in physical education- WHAT PREVENTS WORK OUT
Lesson plain in physical education- WHAT PREVENTS WORK OUTDepEd
 
Aerobic leg movements grade 11 cookery
Aerobic leg movements grade 11 cookeryAerobic leg movements grade 11 cookery
Aerobic leg movements grade 11 cookeryDepEd
 
AEROBIC AND ANAEROBIC EXERCISE BENEFITS
AEROBIC AND ANAEROBIC EXERCISE BENEFITSAEROBIC AND ANAEROBIC EXERCISE BENEFITS
AEROBIC AND ANAEROBIC EXERCISE BENEFITSDepEd
 
DESIGNING WORK OUT PROGRAM
DESIGNING WORK OUT PROGRAMDESIGNING WORK OUT PROGRAM
DESIGNING WORK OUT PROGRAMDepEd
 
Mga bhagi ng liham
Mga bhagi ng lihamMga bhagi ng liham
Mga bhagi ng lihamDepEd
 

More from DepEd (20)

VS: BODY TEMPERATURE (THERMOMETER, THERMORECEPTORS)
VS: BODY TEMPERATURE (THERMOMETER, THERMORECEPTORS)VS: BODY TEMPERATURE (THERMOMETER, THERMORECEPTORS)
VS: BODY TEMPERATURE (THERMOMETER, THERMORECEPTORS)
 
VS- TEMPERATURE (NORMAL,FORMULA, TYPES OF THERMOMETER, THERMORECEPTORS
VS- TEMPERATURE (NORMAL,FORMULA, TYPES OF THERMOMETER, THERMORECEPTORSVS- TEMPERATURE (NORMAL,FORMULA, TYPES OF THERMOMETER, THERMORECEPTORS
VS- TEMPERATURE (NORMAL,FORMULA, TYPES OF THERMOMETER, THERMORECEPTORS
 
Bandaging and dressing
Bandaging and dressingBandaging and dressing
Bandaging and dressing
 
Shock
ShockShock
Shock
 
Wounds
WoundsWounds
Wounds
 
Human anatomy
Human anatomyHuman anatomy
Human anatomy
 
Shock -kinds of schock and how to prevent
Shock -kinds of schock and how to preventShock -kinds of schock and how to prevent
Shock -kinds of schock and how to prevent
 
INTRODUCTION TO BASIC FIRST AID AND LIFE SUPPORT
INTRODUCTION TO BASIC FIRST AID AND LIFE SUPPORTINTRODUCTION TO BASIC FIRST AID AND LIFE SUPPORT
INTRODUCTION TO BASIC FIRST AID AND LIFE SUPPORT
 
Grading sheet PREPARING PATIENT'S MEAL
Grading sheet PREPARING PATIENT'S MEALGrading sheet PREPARING PATIENT'S MEAL
Grading sheet PREPARING PATIENT'S MEAL
 
MEAL PLANNING (5COURSE MEAL)
MEAL PLANNING (5COURSE MEAL)MEAL PLANNING (5COURSE MEAL)
MEAL PLANNING (5COURSE MEAL)
 
5 course meal (COCLTAIL, APPETIZZER, SOUP, MAIN C., DESSERT)
5 course meal (COCLTAIL, APPETIZZER, SOUP, MAIN C., DESSERT)5 course meal (COCLTAIL, APPETIZZER, SOUP, MAIN C., DESSERT)
5 course meal (COCLTAIL, APPETIZZER, SOUP, MAIN C., DESSERT)
 
Food Pyramid
Food PyramidFood Pyramid
Food Pyramid
 
Chapter 6: nutritional cycle
Chapter 6: nutritional cycleChapter 6: nutritional cycle
Chapter 6: nutritional cycle
 
MODULE IV:BNMP-FAT-SOLUBLE VITAMINS AND MINERALS
MODULE IV:BNMP-FAT-SOLUBLE VITAMINS AND MINERALSMODULE IV:BNMP-FAT-SOLUBLE VITAMINS AND MINERALS
MODULE IV:BNMP-FAT-SOLUBLE VITAMINS AND MINERALS
 
module 4: Basic NUTRI Vitamin b5, b6, b8, b12
module 4: Basic NUTRI Vitamin b5, b6, b8, b12module 4: Basic NUTRI Vitamin b5, b6, b8, b12
module 4: Basic NUTRI Vitamin b5, b6, b8, b12
 
Lesson plain in physical education- WHAT PREVENTS WORK OUT
Lesson plain in physical education- WHAT PREVENTS WORK OUTLesson plain in physical education- WHAT PREVENTS WORK OUT
Lesson plain in physical education- WHAT PREVENTS WORK OUT
 
Aerobic leg movements grade 11 cookery
Aerobic leg movements grade 11 cookeryAerobic leg movements grade 11 cookery
Aerobic leg movements grade 11 cookery
 
AEROBIC AND ANAEROBIC EXERCISE BENEFITS
AEROBIC AND ANAEROBIC EXERCISE BENEFITSAEROBIC AND ANAEROBIC EXERCISE BENEFITS
AEROBIC AND ANAEROBIC EXERCISE BENEFITS
 
DESIGNING WORK OUT PROGRAM
DESIGNING WORK OUT PROGRAMDESIGNING WORK OUT PROGRAM
DESIGNING WORK OUT PROGRAM
 
Mga bhagi ng liham
Mga bhagi ng lihamMga bhagi ng liham
Mga bhagi ng liham
 

Recently uploaded

Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 

Recently uploaded (20)

Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 

Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan

  • 1. Bulaklak ng Lahing Kalinis- linisan (Balagtasan) - Jose Corazon de Jesus LAKAN-DIWA: Yamang ako’y siyang Haring inihalal Binubuksan ko na itong Balagtasan, Lahat ng makata’y inaanyayahang Sa gawang pagtula ay makipaglaban. Ang makasasali’y batikang makata At ang bibigkasi’y magagandang tula, Magandang kumilos, may gata sa dila At kung hindi ay mapapahiya. Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas Na Hari ng mga Manunulang lahat, Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag Balagtasan ngayon ang ipinamagat. At sa gabing ito’y sa harap ng bayan Binubuksan ko na itong Balagtasan Saka ang ibig kong dito’y pag-sapan: BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN. Tinatawagan ko ang mga makata, Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna At magbalagtasan sa Sariling Wika. PARU-PARO: Magandang gabi sa kanilang lahat Mga nalilimping kawal ni Balagtas, Ako’y paru-parong may itim na pakpak At nagbabalita ng masamang oras. Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa, Ang uod na dating ngayo’y nagmakata, Naging paru-paro sa gitna ng tula At isang bulaklak ang pinipithaya. Sa ulilang harding pinanggalingan ko Laon nang panahong nagtampo ang bango, Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito Ay may kabanguhang binubuhay ako. May ilang taon nang nagtampo sa akin Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim. Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo, Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo, At si Laka-ILaw ang gagamitin ko Upang matalunton ang naglahong bango. LAKAN-DIWA Sa kapangyarihan na taglay ko na rin Ikinagagalak na kayo’y tanggapin, Magtuloy po kayo at ditto sa hardin, Tingnan sa kanila kung sino at alin. PARU-PARO: Sa aking paglanghap ay laon nang patay Ang bango ng mga bulaklak sa parang, Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang Bulaklak ng lahing kalinis-linisan. Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Ubod na ng ganda’t puti ang talulot, Bulaklak poi to ng lupang Tagalog, Kapatak na luhang pangala’y kampupot. Kung kaya po naman di ko masansala Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya, Matapos na siya’y diligan ng luha Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala! Isang dapit-hapong palubog ang Araw Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan, - Paruparo, anya kita’y tatalian, Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan. Isang panyong puting myay dagta ng lason Ang sa aking mata’y itinakip noon, At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon, Nagtago pa mandin at aking hinabol. Hinabul-habol ko ang bango at samyo Hanggang makarating ako sa malayo, At nang alisin na ang takip na panyo Wala si Kampupot, wala yaring puso. Ang taguang biro’y naging totohanan Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
  • 2. At ang hinagpis ko noong ako’y iwan, Baliw na mistula sa pagsisintahan. Sa lahat ng sulok at lahat ng panig Ay siya ang laging laman niring isip, Matulog man ako’y napapanaginip, Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib. Sa apat na sulok ng mundong payapa Ang aking anino’y tulang nabandila, Paruparo akong sa mata’y may luha, Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa. Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal, Ibalik sa akin, puso kong ninakaw, At kung si Kampupot ay ayw po naman, Ay ang puso niya sa aki’y ibigay. BUBUYOG: Hindi mangyayari at ang puso niya’y Karugtong ng aking pusong nagdurusa, Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ang lalagutin mo’y dalawang hininga. Pusong pinagtali ng isang pag-ibig Pag pinaghiwalay kapanga-panganib, Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig, Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik. Ang dalawang ibon na magkasintahan, Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay, Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, Bangkay ang umalis, patay ang nilisan, Paruparong sawing may pakpak na itim Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim, At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin. Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo At sa kasawia’y magkauri tayo, Ako ma’y mayroong nawawalang bango Ng isang bulaklak kaya naparito. Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap Bawat salita mo’y matulis na sibat, Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, Luksang paruparo, siya ko ring hanap. Ipahintulot mo, Paruparong luksa, Dalitin ko yaring matinding dalita. Itulot mo rin po, Hukom na dakila, Bubuyog sa sawi’y makapagsalita. PARUPARO: Di ko pinipigil ang pagsasalaysay Lalo’t magniningning ang isang katwiran, Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan. LAKAN-DIWA: Magsalita kayo at ipaliwanang Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, Paano at saan ninyo napagmalas Na ito ang siya ninyong hinhanap? BUBUYOG: Sa isang malungkot at ulilang hardin Ang binhi ng isang halama’y sumupling, Sa butas ng bakod na tahanan naming Ay kasabay akong isinisilang din. Nang iyang halama’y lumaki, umunlad, Lumaki ako’t tumibay ang pakpak, At nang sa butas ko ako’y makalipad Ang unang hinagka’y katabing bulaklak. Sa kanyang talulot unang isinangla Ang tamis ng aking halik na sariwa, At sa aking bulong na matalinghaga Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya. Nang mamukadkad na ang aking kampupot Sa araw at gabi ako’y nagtatanod, Langgam at tutubing dumapo sa ubod Sa panibugho ko’y aking tinatapos. Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan Habang ako’y kanlong sa isang halaman, Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw Ang aking halakhak ay nakabulahaw. Ang inyong taguan, akala ko’y biro, Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo, Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso Sa akin man pala ay nakapagtago. Lumubog ang araw hanggang sa dumilim Giliw kong bulaklak dir in dumarating, Nang kinabukasa’t muling nangulimlim Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.
  • 3. Nilipad ko halos ang taas ng langit At tinalunton ko ang bakas ng ibig, Ang kawikaan ko sa aking pag-alis Kung dimakita’y din a magbabalik. Sa malaong araw na nilipad-lipad Dito ko natunton ang aking bulaklak, Bukong sa halik kokaya namukadkad Di ko papayagang mapaibang palad. Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Ang unang balik kong katamis-tamisan Sa talulot niya ay nakalarawan. PARUPARO: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak Kapwa mapaloob ang dalawang palad. Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap Nagkasagi sana ang kanitang pakpak. Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan: Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay, Sino ang malapit sa pagliligawan? Una muna akong nag-uod sa sanga Na ballot ng sapot ng pagkaulila, Nang buksan ng Diyos yaring mga mata Bulo’t dahon naming ay magkasama na. Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay, At kung bumabagyo’t malakas ang ulan, Ang kanya ring dahon ang aking balabal. Sa kanyang talulot kung may dumadaloy Na patak ng hamog, aking iniinom; Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Sa init ng Araw sa buong maghapon. Paano ngang siya ay pagkakamalan Sa kami’y lumaki sa iisang tangkay, Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay Ibig ko rin namang sa kanya mamatay. BUBUYOG: Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig Niyaring bulaklak na inaaring langit, Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig Malayo ma’t ibig, daig ang malapit. Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot Nakikiinom ka ng patak ng hamog, Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok. Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay; Sa isang bulaklak laso’t kamatayan, At akong bubuyog ang dala ko’y buhay Bulong ng hiningang katamis-tamisan. PARUPARO: Akong malapit na’y napipintasan mo, Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no? Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, Ay ubos na pala ang tamis sa bao. Bubuyog na laging may ungol at bulong Ay nakayayamot saanman pumaroon, At ang katawan mo’y mayrong karayom Pano kang lalapit, di naduro tuloy? Di ka humahalik sa mga bulaklak, Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Ang mga bintana’y iyong binubutas, Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo, Iyong mgabulong ay naririnig ko; Kung dinig ng lahat ang panambitan mo Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo. BUBUYOG: Kundi iniibig ang nakikiusap Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat, Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad Lalo na ang dungong di makapangusap. Lilipad-lipad ka na payao’t ditto Pasagilang-bingit, at patanaw-tao, Pagligaw-matandang sa panahong ito Pagtatawanan ka ng liligawan mo. Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, Nguni’t saang panig nitong sansinukob Nakakatuwaan ang paris mong uod? Saka, Paruparo, dapat mong malamang
  • 4. Sa mula’t mula pa’y di ka minamahal, Ang panyong panali nang ikaw ay takpan Ikaw ang may sabing may lason pang taglay. PARUPARO: Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib, Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid, Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig. BUBUYOG: Dadayain ka nga’t taksil kang talaga At sa mga daho’y nagtatago ka pa. PARUPARO: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa Sa taglay kong bulo nilason na kita. BUBUYOG: Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot. BUBUYOG: Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod. PARUPARO: Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod. LAKAN-DIWA: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, Inyo nang wakasan iyang pagtatalo; Yamang di-malan ang may-ari nito, Kampupot na iya’y paghatian ninyo. BUBUYOG: Kapag hahatiin ang aking bulaklak Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat; Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap Kaya ang talulot niya ang malagas. PARUPARO: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan O buo wala nguni’t akin lamang. LAKAN-DIWA: Maging si Solomong kilabot sa dunong Dito’y masisira sa gawang paghatol; Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol, Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol. Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang kampupot sabihin kung sino, Kung sino ang kanyang binigyan ng oo, O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo. KAMPUPOT: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit, Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, At si Bubuyog po’t paruparong bukid, Ay kapwa hindi ko sila iniibig. PARUPARO: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak, Limot mo na baga ang aking pagliyag? Limot mo na bagang sa buong magdamag Pinapayungan ka ng dalawang pakpak? KAMPUPOT: Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong, Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy At di inakala na sinuman yaon. BUBUYOG: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig, Ang akin bang samo at mga paghibik Na bulong sa iyo’y di mo ba narinig? KAMPUPOT: Tila nga, tila nga ako’y may napansing Daing at panaghoy na kung saan galing, Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hangin At di inakala na sinuma’t alin. BUBUYOG: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod, Makapitong lumbay o hanggang matapos. PARUPARO: Dito natunayan yaong kawikaan Na ang paglililo’y nasa kagandahan. SABAY: BUBYOG AT PARUPARO: Ang isang sanglang naiwan sa akin Ay di mananakaw magpahanggang libing. LAKAN-DIWA: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang
  • 5. Nabaliw nang hindi kinababaliwan: Yamang ang panahon ay inyong sinayang Kaya’t nararapat na maparusahan. Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro, Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo, At ang “Pasalubong” sa babaing lilo, Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko. (Pagkatapos makatula ni Paruparo) LAKAN-DIWA: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol, Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon; Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong” Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong. (Pagkatapos makatula ni Bubuyog) Minamahal nami’t sinisintang bayan, Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan; At kung ibig ninyong sila ay hatulan, Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,