TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
1. KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING
BAYAN
Amado V. Hernandez
Lumuha ka, aking Bayan; buong
lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng
lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y
lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos
ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka
ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang
saklutin ang Maynila,
Lumuha ka, habang sila ay
palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang
malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping
bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng
kahirapan;
Walang lakas na magtanggol,
walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin;
tumatangis, kung nakawan!
Iluha mo ang sambuntong
kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa
banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y
kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-
sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa,
dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat,
dayong bapor, nasa laot!
Lumuha ka kung sa puso ay
nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay
lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay
ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay
hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa
gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang
laya mo’y nakaburol.
May araw ding ang luha mo’y
masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata
mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy
na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay
aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa
liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y
lalagutin mo ng punglo!
Pamana ng Lahi
Patrocinio V. Villafuerte
Di mo man sabihin, aking nababatid,
Ikaw'y naglalakbay sa Bagong Daigdig;
Paraisong dati'y hinanap, inibig,
Alaala na lang na di magbabalik
Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga,
Naglaho nang ganap ang pangungulila;
Hungkag na buhay mo'y mabigyan ng pag-asa,
Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya.
Ngunit ang lipuna'y hindi nagwawakas,
Sa mga pangako at mga pangarap;
Damdaming dakila at diwang matalas,
Siyang magbubukas sa malayang pugad.
Pag-unlad ng bansa'y may hatid-pangako,
Na ang kalinanga'y dapat na mabuo;
2. Kulturang pambansa'y di dapat isuko,
Hayaang magbunga't mabusog sa puso.
Ngunit tila yata nalilimutan mo,
Mga kaugaliang buhay-Pilipino,
Ang lahat ng ito ay pagyamanin mo,
Ay nasyonalismo'y mapapasaiyo.
Ang pagkakaisa'y pagbabayanihan,
Nag-usbong sa diwa't lahing makabayan,
Kung sasariwain at pagbabalikan,
Ang pagkakabuklod ay masisilayan.
Sa pistang-bayan masasaksihan mo,
May perya't pabitin saka palo-sebo,
At ang santakrusan ay pinagdarayo.
Sa mga tahana't pook na dakila,
Ang tanging biyaya'y moral na adhika;
Payo ng magulang ay banal na wika,
Sa mabuting anak ay buhay na nasa.
Ang lahat ng ito'y pamana ng lahi,
Gabay nitong bansa't dangal nitong lipi;
Kaya't magsikap ka, tuwa'y magbibinhi,
Ikaw'y Pilipinong dapat na maghari.
Ako’y Wika
Tula ni Kiko Manalo
Wikang Filipino ang aking pangalan,
Ipinanganak ko itong kalayaan,
Ako ang ina at siyang dahilan,
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!
Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw
Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!
Ako rin ang ama at naging haligi,
Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!
Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa
Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!
Sinalita ako at gamit ng lahat,
Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!
At nakamit mo na ang hangad na laya,
Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!
Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,
Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas!
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Tula ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpupuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
3. na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.
Ang nangakaraang panahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sa ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaka aliw sa pusong may lungkot.
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
wari ay masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap. O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ano ang bayan ng ka-
Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa kaalipinan?
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumugol ng dugo at buhay.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.
Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
4. Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Kayong mga pusong kusang inuusal
ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging sikap
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ito’y kapalaran at tunay na langit.