Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Pagsulat ng komposition

16,464 views

Published on

Filipino 3
Pagsulat ng Komposition

Published in: Education
  • Be the first to comment

Pagsulat ng komposition

  1. 1. PAGSULAT NG KOMPOSISYON Jessica Denise Barangan Wimpsy Darrajh Cervantes
  2. 2. Ang Komposisyon Ito ay itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat. Ang pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.
  3. 3. Ang Teorya sa Pagsulat Walang pag-aalinlangang masasabi na ang pagsulat ay isang aktibong gawain. Hindi basta na lamang nangyayari. Nasasangkot ito ng marubdob na partisipasyon at imersyon na proseso. Ang imersyong ito sa pagsulat ay kadalasang: 1. Solitari at Kolaboratibo 2. Pisikal at Mental 3. Konsyus at Subkonsyus
  4. 4. • Ipinaliwanag ni W. Ross Winterowd (1985) ang mga lebel na ito. Ayon sa kanya, ang proseso ng pagsulat ay kinasasangkutan ng ilang lebel ng gawain na nagaganap nang daglian at maaaring kaugnay o kasalungat ng bawat isa.
  5. 5. • Ayon kay Donald Murray (2003) na ang pagsulat ay isang eksplorasyon pagtuklas sa kahulugan ,pagtuklas sa porma at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente. Idinagdag pa ni Murray na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsibo o paulit-ulit. Writing is rewriting, wika niya.
  6. 6. Samantala , sinabi ni Ben Lucian Burman na I am a demon on the subject of revision. I revise, revise, revise, until every word is what I want.
  7. 7. Ang Talata Ang komposisyon ay binubuo ng mga talata. Mahalagang malaman, kung gayon, kung ano ang talata at uri ng katangian nito para sa epektibong pagsulat ng komposisyon. Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang-diwa. Ang mga balita ay karaniwang isunusulat sa talatang iisahing pangungusap. Makakatagpo rin ng mga talatang iisahing pangungusap sa maikling kuwento.
  8. 8. Samantala, ang editoryal at mga sanaysay ay karaniwang nagtataglay ng mga talatang binubuo ng ilang mga pangungusap. Ang isang talata ay mauuri ayon sa lokasyong katatagpuan nito sa loob ng isang komposisyon. Kung gayon, ang talata ay maaaring mauring Panimulang Talata, Talatang Ganap, Talata ng Paglilipat-diwa at Talatang Pabuod. Para sa layunin ng epektibong pagsulat ng komposisyon, balik-aralan natin ang kalikasan at katangian ng bawat uri ng talata.
  9. 9. Panimulang Talata- Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon. Layunin nito ang ilahad ang paksa ng komposisyon. Sinasabi rito kung ano ang ipinaliliwanag , ang isasalaysay, ang ilalarawan o bibigyang katuwiran. Kung maikli ang komposisyon ,ito’y isa lamang maikling talata rin. Subalit kung mahaba ang akda, maaring ang panimulang talata ay buuin ng mahigit isang talata.
  10. 10. Talatang Ganap- Matatagpuan ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nito ang idebelop ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng paksang pangungusap at mga pangungusap na tumutulong upang matalakay nang ganap ang bahagi ng pangunahing paksa ng komposisyon na nililinaw ng talata.
  11. 11. Talata ng Paglilipat-diwa - Mahalaga ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon. Ginagamit ang talatang ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.
  12. 12. Talatang Pabuod – Kadalasan, ito ang pangwakas na talata o talata ng komposisyon. Inilalagay rito ang mahahalagang kaisipan o pahayayag na tinatalakay na gitna ng komposisyon. Maari ring gamitin ang talatang ito upang bigyan ng higit na linaw ang layunin ng awtor ng isang komposisyon
  13. 13. Mga Katangian ng Mabuting Talata 1. May isang paksang-diwa- Masasabing may isang paksang-diwa ang isang talata kapag ito ay nagtataglay ng isa lamang paksang pangungusap. Ang pangungusap ay pangungusap sa talata na nagsasaad ng buod ng nilalaman niyon. Nagsisilbi itong patnubay upang hindi malihis sa paksa ng talata ang mga pangungusap na napakaloob sa talata at nang sa gayo’y maiwasan ang pagpasok ng mga bagay na hindi kailangan sa talata. Maaaring makita ang paksang pangungusap sa iba’t ibang bahagi ng talata .
  14. 14. Madalas, ito ang unang pangungusap ng talata. Gayon din nilalagay rin ito sa huling pangungusap ng talata at paminsan- minsan ay sa gitna ng talata. Ang anyo ng paksang pangungusap ay maaaring patanong o paturol. Pangungusap ito na maaaring nagbubuod o naglalahad ng diwa ng talata.
  15. 15. 2. May Kaisahan ng Diwa- Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap.
  16. 16. 3. May Wastong paglilipat-diwa- Nagiging malinaw ang mga pangungusap ng talata kapag may wastong paglilipat-diwa. May mga salita at pariralang ginagamit sa paglilipat-diwa. Makakatulong ang mga ito upang maunawaan ang tamang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na bumubuo sa talata. Sa bawat isipang ililipat, may angkop na salita o pariralang ginagamit. Pansinin ang mga kasunod na halimbawa: a. Pagdaragdag- at, saka, gayon din b. Pagsalungat- ngunit, subalit, datapwat, bagaman, kahiman, sa kabilang dako
  17. 17. c. Paghahambing- katulad ng, kawangis ng, animo’y, anaki’y d. Pagbubuod- sa madaling sabi, kaya nga e. Pagkokongklud- samakatuwid, kung gayon Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang bawat pangungusap niyon ay tumutulong sa pagsulong ng diwa ng talata at kapag ang bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap niyon.
  18. 18. 4.) May Kaayusan- Bagama’t walang tiyak na panuntunang sinusunod ukol sa pagsasaayos ng talaan, mabuting ayusin ang mga pangungusap sa talata sa paraang papaunlad ang galaw ng mga pangyayari o ang kaisipang tinatalakay. Kumpletuhin muna ang kaisipan ng isang talata bago lumipat o gumawa ng bagong talata. a.) Ayusin nang kronolohikal ayon sa pagkakahanap ng mga pangyayari. Karaniwan ang ayos na ito sa mga komposisyong pasalaysay o palahad.
  19. 19. b.) Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o pangyayari, gaya halimbawa ng malapit-palayo o kabalikan nito, mula sa loob- palabas o kabalikan nito o mula sa kanan-pakaliwa o kabalikan nito.
  20. 20. c.) Iayos na mula sa masaklaw patungo sa ispesipiko. Ito ang karaniwang ayos na ang paksang pangungusap ang unang pangungusap ng talata. Maari ring ayusin sa kabalikan nito na mula sa mga pangungusap na ispesipiko tungo na masaklaw na pangungusap. Sa ganito, ang paksang pangungusap ang huling pangungusap ng talata.
  21. 21. Proseso ng Pagsulat Ang pagsulat ay isang komplikadong gawain. Hindi ito madaling mailarawan. Wala kasing tiyak na pormula sa pagsulat. Wika nga, ang dami ng pamamaraan o teknik sa pagsulat ay sinadami ng bilang ng mga manunulat. Idagdag pa na ang pamamaraan o teknik ng isang manunulat ay, ay maaaring mag iba-iba depende sa mood, layunin, genre, panahon at iba pang salik.
  22. 22. Pre-Writing Activities Walang manunulat ang walang ano-ano’y bigla na lamang na nagsusulat. Lahat ay may kinapapalooban o kinakasangkutan gawain, sinasadya man o hindi, bago siya magsulat. Ang gawaing ito ang maaaring pinagmumulan ng kanyang inspirasyon o motibasyon o di kaya’y pinaghahanguan niya ng mga ideya o kaalaman na nagsisilbing puwersa upang itulak siyang magsulat at bigyang-direksyon ang kanyang pagsusulat.
  23. 23. 1. Pagsulat sa Dyornal- Ang dyornal ay talaan ng mga ideya, ngunit ito ay mula sa araw-araw na pangyayari ng pagsulat. Nagsisilbi rin itong imbakan ng mga ideya para sa maraming manunulat. 2. Brainstorming- Mabisa itong magagamit pangangalap ng opinyon at katuwiran ng ibang tao. 3. Questioning- Binabagsakan ng mga tanong sa gawaing ito ang isang posibleng paksa.Madalas gamitin dito ang limang W’s
  24. 24. 4. Pagbabasa at Pananaliksik- Mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang paksang isusulat at pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang kaalaman 5. Sounding –out Friends- Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kasambabahay,kaibigan,kapitbahay o kasama sa trabaho at pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang paksa.
  25. 25. 6. Pag-iinterbyu – Ito ay pakikipanayam sa isang tao o pangkat ng mga tao sa ipinalalagay na awtoridad hinggil sa isang paksa. 7. Pagsasarbey- Ito ay paraan ng panggalap ng mga impormasyon hinggil sa ano mang paksa sa pamamagitan ng pagpapasagot sa isang talatanungan sa isang pangkat ng respondente. 8. Obserbasyon- Pagmamasid ito sa mga bagay- bagay, tao o pangkat . Inaalam dito ang mga gawi at distinksyon ng inoobserbahan paksa.
  26. 26. 9.Imersyon- Ito ay sadyang pagpapaloob sa isang karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa karanasan o gawaing iyon. 10. Pag-eeksperimento- Dito, sinusubukan ang isang bagay bago sumulat ng tungkol dito. Madalas itong gawin sa pagsusulat ng mga sulating siyentipiko
  27. 27. Writing Stage Kapag may paksa na at may mga datos o ideya na ang mga manunulat, ang susunod niyang lohikal na tanong ay ang mag sumusunod: Paano ko sisimulan ang komposisyon? Paano ko aayusin ang katawan? Paano ko wawakasan ang komposisyon? Narito ang ilang mungkahing kasagutan para sa bawat katanungan:
  28. 28. Pagsisimula Maraming nagpapalagay na sa simula ang buhay ng ano mang komposisyon o akda. Sa ganitong palagay, nararapat lamang na maging maganda ang simula upang mapagpasyahan ng mambabasa kung itutuloy o hindi ang nasimulang pagbasa. Sa simula pa lamang dapat nang makuha ang interes at kawilihan ng mambabasa . May ilang paraan na maaring gamitin sa pagsisismula ng paglalahad upang makaakit ng atensyon.
  29. 29. 1.Gumamit ng isang serye ng mga tanong retorikal. 2. Gumamit ng isang pangungusap na sukat makatawag-pansin. 3. Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay. 4. Gumamit ng salitaan. 5. Gumamit ng isang sipi. 6. Banggitin ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa likuran ng isang paksa. 7. Tahasang ipaliwanag ang suliraning ipapaliwanang. 8. Gumamit ng salawikain o kawikaan. 9. Gumamit ng pansaklaw o panlahat na pahayag. 10. Magsimula sa pamamagitan ng buod
  30. 30. 11. Gumamit ng tuwirang sabi. 12. Maglarawan ng tao o pook 13. Gumamit analohiya 14. Gumamit ng isang salitang makatatawag ng kuryosidad
  31. 31. Pagsasaayos ng Katawan Sa pagbuo ng pinakakatawan ng komposisyon, may iba’t ibang paraang maaaring gamitin sa paghahanay ng mga kaisipan, alinsunod sa paksa, layunin at sa pinag uukulan. 1. Iayos ang mga datos nang pakronolohikal 2. Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas o pababa,papasok o palabas 3. Iayos ang mga datos nang pasahol 4. Iayos ang mga datos nang pasaklaw. 5. Paghambingin ang mga datos 6. Isa-isahin ang mga datos. 7.Suriin ang mga datos
  32. 32. Pagwawakas Gaya rin naman ng simula, ang haba ng wakas ay dapat ibagay sa haba ng buong katha. Ang wakas ay maaaring isang kabanata, isang talataan, isang pangungusap o isa lamang “ pakiramdam sa pagsapit sa katapusan ng akda” na nililikha ng mga pangunahing salita. Ito’y magagawa sa iba’t ibang paraan.
  33. 33. 1. Ibuod ang paksa. 2. Mag-iwan ng isa o ilang tanong. 3. Mag-iwan ng hamon. 4. Bumuo ng Kongklusyon. 5. Gumawa ng prediksyon. 6. Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan. 7. Sariwain ang suliraning binanggit sa simula. 8. Mag-iwan ng isang pahiwatig o simbolo.

×