Jump to content Toggle sidebar Wikipedia Ang Malayang Ensiklopedya Gumawa ng account Mga pansariling kagamitan Contents Beginning Tatlong anyo ng Sikolohiyang Pilipino Mga konsepto ng Sikolohiyang Pilipino Apat na piliyasyon ng Sikolohiyang Pilipino Tingnan din Talasanggunian Sikolohiyang Pilipino Artikulo Usapan Basahin Baguhin Baguhin ang source Tingnan ang nakaraan Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Ang artikulo na ito ay kinabibilangan ng isang tala ng pangkalahatang sanggunian, subalit kulang sa kaukulang pagbanggit sa loob ng mga pangungusap. Pakitulungang mapabuti ang artikulong ito sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mas tumpak na mga pagbanggit. (Setyembre 2022) (Alamin kung paano o kailan matatanggal ang mensaheng ito) Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. ito ay para mas higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang kanyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad niya ang kanyang buhay. Isang alternatibong perspektibo kung paano ipapaliwanagnag pag-iisip, pagkilos at damdaming Pilipino, na malakiang kaibahan sa mga pananaw ng iba pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas. Noong 1960s pa lamang ay tinuturo na ang sikolohiya sa mga paaralan na may bahid ng mga Kanluranin. Sinabi ni Dr. Rogelia Pe-Pua na kahit na ang mga illustrados na pinagpalang mag-aral ng sikolohiya noong nasa ilalim pa ng mga Kastila, gaya ng ating mga pambansang bayaning sina Dr. José Rizal at Apolinario Mabini, ay nagpahayag ng pagkadismaya sa paraan ng pagkakaturo nito. Nakita noon ng tagapangulo noon ng Departamento ng Sikolohiya na si Dr. Virgilio Enriquez na may kailangang baguhin para mas madaling maunawaan ito ng mga Pilipino. Tatlong anyo ng Sikolohiyang Pilipino Ayon kay Dr. Virgilio Enriquez, mayroong tatlong anyo ang Sikolohiyang Pilipino: Sikolohiya sa Pilipinas, Sikolohiya ng Pilipino, at Sikolohiyang Pilipino. Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o makapilipino. Ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino. Ang panghuling anyo ng Sikolohiyang Pilipino ay walang iba kundi ang Sikolohiyang Pilipino, mismo. Ayon dito, ang Sikolohiyang Pilipino ay bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng sa Pilipinas. Samakatuwid, mga Pilipino lamang ang makakasulat tungkol dito. Sa maikling salita, Ang sikolohiya sa Pilipinas ay "bisita sa bahay", Sikolohiya ng mga Pilipino ay "tao sa bahay, at Sikolohiyang Pilipino ay "ang maybahay" Mga konsepto ng Sikolohiyang Pilipino Kinikilala ng maraming sikolohista sa akademiya na mayroong pangangailangang isalin ang ibang mga salita sa Filipino upang mas maigi silang talakayin. Ang anim na konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang mga sumusunod: • Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga