Ang maikling kwento o katha ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa onakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod nito. Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para matapos. Mga Uri ng Maikling Kwento Ang maikling kwento ay may mga sumusunod na uri: Kuwentong Nagsasalaysay - masaklaw, timbang na timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan ang paglalahad. Kuwentong Tauhan- binibigayng diin nito ang tauhan ng mga tauhang gumagalaw sa kuwento. Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang diin nito ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook. Masusing inilalarawan ang mga tao sa isang pook, pamumuhay nila, ang kanilang mga kaugalian at gawi na napapaloob sa kuwento. Kuwentong Sikolohiko - nilalarawang mabuti nito ang mga tauhan sa isipan ng mga mambabasa upang maipadama ang damdamin at nararanasan ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o sitawasyon. Kuwentong Talino - mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito. Kailangang lumikha ang may akda ng makasuliraning kalagayan upang mamahay sa pag-aalinlangan hanggang ang takdang oras ay sumapit ang paglalahad ng kalutasan Kuwento ng Katatawanan- ang takbo ng pangyayari ay may kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas at galaw ng mga pangyayari. Kuwento ng Katatakutan - pinupukaw nito ang kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa kuwento. Binibigyang diin ang mga simulaing kaisahan at bias. Kuwento ng kababalaghan - binibigyang diin nito amg mga bagay na kapana-panabik, hindi kapani-paniwala at salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng tao. Kataka-taka ang mga pangyayari subalit magbibigay ito ng kasiyahan sa mambabasa. Kuwento ng Madulang Pangyayari - ang mga pang-yayari ay kapansin-pansin, lubahang mahalaga, nagbunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan. Kuwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa - nasa balangkas ang kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang bumabalot sa pangunahing tauhan. Ang maikling kwento o katha ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa onakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod nito. Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'