Photograph your local culture, help Wikipedia and win! Itago Mga nilalaman Simula Uri ng Pang-abay Pamanahon Panlunan Pamaraan Pang-agam Ingklitik Benepaktibo Kusatibo Kondisyonal Panang-ayon Pananggi Panggaano o pampanukat Pamitagan Mga sanggunian Mga Sipi Mga Pinagkukunan Pang-abay Artikulo Usapan Basahin Baguhin Baguhin ang wikitext Tingnan ang kasaysayan Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Wikibooks Mayroon sa Wikibooks ng patungkol sa Pang-abay. Ang pang-abay o lampibadyâ [1] ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Uri ng Pang-abay Mayroong labing-dalawa na uri ang pang-abay ito ay: Pamanahon Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap,ginaganap o gaganapin ang isang pangyayari o kilos. Mayroon itong tatlong uri: May pananda - nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang Halimbawa: "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?" Walang pananda - kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa Halimbawa: "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Nagsasaad ng dalas - araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa Halimbawa: "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan." Panlunan Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang mga pariralang may sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao. Halimbawa: "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." ; "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan." Pamaraan Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait, maganda at iba pa. Halimbawa: "Sinakal niya ako nang mahigpit." Pang-agam Ito ay nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa. Halimbawa: "Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan." Ingklitik Ito ay mga kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. Ito ay ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman at daw/raw. Halimbawa: "Lasing na yata siya." Benepaktibo Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng pariralang pinangungunahan ng para sa. Halimbawa: "Ang ikinokolek