6. Ang AKADEMIYA ay itinuturing na isang
institusyon ng kinikilala at respetadong mga
iskolar, artista, at siyentista na ang layunin
ay isulong, paunlarin, palalimin, palawakin
ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan
upang mapanatili ang mataas na
pamantayan ng partikular na larangan. Isa
itong komunidad ng mga iskolar.
7. Nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang
mga kasanayang kaugnay ng larangang
pinagkakadalubhasaan: kasanayan sa pagbasa,
pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat.
Napapaunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa
larangan, analisis, panunuring kritikal,
pananaliksik at eksperimentasyon ang mga
isinasagawa rito.
Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga,
katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsusuri.
8. 8
Ang DI-AKADEMIKONG GAWAIN ay ginagabayan
naman ng KARANASAN, KASANAYAN, at COMMON
SENSE
Uy, mare! May
chika ako sa ‘yo?
Ano ‘yun mare?
Mukhang
mayaman yung
naka-eyeglasses.
Nagchat ng “Hi” sa
akin kagabi. Bet
na bet kaya ako.
Sure ka ba,
mare? Baka
scammer ‘yan?
Ano ka ba
mare? Sa gut
feeling ko lang,
may gusto ‘yun
sa akin. Hihihi.
Bahala ka d’yan!
10. 10
Ang AKADEMIKONG PAGSULAT ay isang
pagsulat na naglalayong linangin ang mga
kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito
tinatawag din na INTELEKTWAL NA
PAGSULAT.
11. 11
Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon.
May layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o
pananaliksik na ginawa. Ito ay isinasagawa sa isang
akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang
mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng
akademikong pagsulat ang magbigay ng
makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang
lamang.
12. 12
MAHAHALAGANG KONSEPTO NG AKADEMIKONG
PAGSULAT AYON KAY KARENGOCSIK (2004)
1. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga
iskolar at para sa mga iskolar.
2. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga
paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng
akademikong komunidad.
3. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng
importanteng argumento.
15. 15
Abstrak
Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
akademikong papel para sa tesis, papel
siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod
ang mga akademikong papel.
Layunin at Gamit
Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa
pagkakasunod-sunod ng nilalaman.
Katangian
Anyo
16. 16
Sintesis
Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong
naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng
maikling kwento.
Layunin at Gamit
Anyo
Kinapapalooban ng overview ng akda.
Organisado ayon sa sunod-sunod na
pangyayari sa kwento.
Katangian
17. 17
Bionote
Ginagamit para sa personal profile ng isang tao,
tulad ng kanyang academic career at iba pang
impormasyon ukol sa kanya.
Layunin at Gamit
May makatotohanang paglalahad sa isang tao.
Katangian
Anyo
18. 18
Memorandum
Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa
gaganaping pagpupulong o pagtitipon.
Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng
gaganaping pagpupulong.
Layunin at Gamit
Organisado at malinaw para maunawaan ng
mabuti.
Katangian
Anyo
19. 19
Agenda
Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang
tatalakayin sa pagpupulong na magaganap
para sa kaayusan at organisadong
pagpupulong.
Layunin at Gamit
Pormal at organisado para sa kaayusan ng
daloy ng pagpupulong.
Katangian
Anyo
20. 20
Panukalang
Proyekto
Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais
ipatupad. Naglalayong mabigyan ng resolba
ang mga problema at suliranin.
Layunin at Gamit
Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig
at may malinaw ang ayos ng ideya.
Katangian
Anyo
21. 21
Talumpati
Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang
paksang naglalayong manghikayat, tumugod,
mangatwiran at magbigay ng kabatiran o
kaalaman.
Layunin at Gamit
Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig
at may malinaw ang ayos ng ideya.
Katangian
Anyo
22. 22
Katitikan
ng Pulong
Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng
mga mahahalagang puntong nailahad sa isang
pagpupulong.
Layunin at Gamit
Ito ay dapat na organisado ayon sa
pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-
usapan at makatotohanan.
Katangian
Anyo
23. 23
Posisyong
Papel
Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang
alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng
kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
Layunin at Gamit
Ito ay nararapat na maging pormal at
organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya.
Katangian
Anyo
24. 24
Replektibong
Sanaysay
Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik-
tanaw ang manunulat at nagrereplek.
Nangangailangan ito ng reksyon at opinyon ng
manunulat.
Layunin at Gamit
Isang replektib na karanasang personal sa
buhay o sa mga binasa at napanood.
Katangian
Anyo
25. 25
Pictorial
Essay
Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato
kaysa sa mga salita.
Layunin at Gamit
Organisado at may makabuluhang
pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na
pangungusap.
Katangian
Anyo
26. 26
Lakbay
Sanaysay
Ito ay isang uri ng sanaysay na
makapagbabalik-tanaw sa paglalakbay na
ginawa ng manunulat.
Layunin at Gamit
Mas madami ang teksto kaysa sa mga larawan.
Katangian
Anyo