SlideShare a Scribd company logo
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Paksang-Aralin: Pagbuo ng Konseptong Papel
I. MGA LAYUNIN:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananalikisk
F11PT-IVcd-89
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng konseptong papel;
Nakasusulat ng isang konseptong papel na may paksang Ang Kabataang
Pilipino sa Makabagong Teknolohiya.
Paksang Aralin
PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL
Mga Sanggunian/Sanggunian:
Javier, Nina Lilia R. et al.,PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK. Quezon City:
St. Andrew Publishing House. ph. 165-168.
 www.slideshare.net/mobile/iharrtdenzelflores/konseptong-papel-
filipino
 www.Scribd.com/mobile/doc/78237317/Pagbuo-Ng-Konseptong-
Papel
Mga Kagamitan:
 powerpoint presentation,
 projector
 laptop
 kopya ng teksto
II. PAGPAPALAWAK NG ARALIN:
A. PAGGANYAK
Ang guro ay magpapakita ng iba’t ibang napapanahong isyu gamit
ang concept map.
Tanong:
1. Anong apat na letrang salita ang maiiugnay sa mga nakasulat sa bilog
ng concept map?
 Iuugnay ng guro ang kasagutan ng mag-aaral sa araling
tatalakayin.
 Hihingan ng ideya ng guro ang mag-aaral tungkol sa
konseptong papel.
Maagang
pagbubuntis
EJK
korupsyon
kriminalidad
droga
kahirapan
Matinding
trapiko
E. Malayang Talakayan
Sa pamamagitan ng power point presentation tungkol sa “Konseptong Papel”
bilang bahagi ng pagsulat ng pananaliksik magkakaroon ng malayang talakayan ang
klase. (Guro=mag-aaral=kapwa-mag-aaral)
PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL
Mula sa iyong nabuong paksa, pahayag ng tesis, at balangkas ay maaari ka na ngayong
bumuo ng iyong konseptong papel. Sa pamamagitan nito’y mailalahad mo ang magagawa mo
upang mapatunayan ang iyong paksa at pahayag ng tesis. Samakatwid, ito ang magsisilbing
proposal para sa gagawin mong pananaliksik.
Makatutulong ang konseptong papel upang lalong magabayan o mabigyang-direksiyon ang
mananaliksik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa gawaing ito. Bago pa man kasi niya gawin
ang malalimang pagsisiyasat o pagpapatunay sa pamamagitan ng mga nakalap na ebidensya ay
magkakaroon na siya ng pagkakataong maipakita o mailahad kung ano ang mangyayari. Sa
pamamagitan nito’y maalaman agad ng guro ang tunguhin o direksiyon na ninanais niya para sa
sulatin. Makapagbibigay agad ng feedback, mungkahi o suhestiyon ang guro kung sakaling may
mga bahagi sa konseptong papel na kailangang maisaayos pa.
Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may apat na bahagi ang konseptong papel na
buinubuo ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o resulta.
1. Rationale- Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysyan o dahilan kung bakit napiling talakayin
ang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
2. Layunin- Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
3. Metodolohiya- Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng
datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na
impormasyon.
May iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon. Ang pinakakaraniwang
paraan ay ang tinatawag na literature search kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng
impormasyon o datos sa mga kagamitan nasa aklatan at internet. Gayunpama’y madalas hindi
sapat ang impormasyon o datos na makukuha sa nasabing paraan depende sa layunin, uri, gamit, at
larangan kung saan kabilang ang paksang sinasalikisik. Kaya naman, may mga mananaliksik na
nangangailangang magsagawa ng oserbasyon at pagdodokumento ng mga naobserbahan, surbey
sa pamamagitan ng pag-iinterview o sa pamamagitan ng survey form o questionnaire, one-on- one
interview sa mga taong may awtoridad at primaryang makapagbibigay ng impormasyong
kinakailangang makuha, o focused group discussion, at iba pa o kombinasyon dalawa o higit pang
paraan upang higit pang mapagtibay ang kanilang argumento o pagpapatunay sa kanilang tesis.
Kapag nakalap na ang mga datos ay may iba’t ibang paraan ng pagsusuri o pagbibigay-
kahulugan o interpretasyon sa mga ito. Maaaring magamit dito ang mga paraang tulad ng
empirical, komparatibo, interpretasyon, pagsusuri sa kahulugan, at iba pa.
4. Inaasahang output o resulta- Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng
pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring
magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa
kalalabasan ng pagkalap ng datos.
-Halaw mula sa PLUMA ni Alma M. Dayag
Halimbawa ng Konseptong Papel
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.
1. Ano ang konseptong papel? Bakit mahalaga ang konseptong papel sa isang
pananaliksik?
2. Ano-ano ang mga hakbang sa pagbuo ng konseptong papel?
3. Bakit mahalaga ang konseptong papel sa isang pananaliksik?
4. Dapat bang isaalang-alang ang pagpaplano ng metodolohiya sa
pananaliksik?Bakit?
5. Tukuyin ang mga sumusunod batay sa binasang teksto:
5.1 Rationale
5.2 Layunin
5.3 Metodolohiya
“PANAGBENGA: ISANG KULTURA AT EKONOMIKONG PAGSUSURI”
(Konseptong Papel)
Ni Crisanto S. Salamat
U.P. Baguio
Hindi lingid sa ating kaalaman ang malawakang paglaganap ng globalisasyon at
komersyalisasyon sa ating bansa. Ito ay mararamdaman sa halos lahat ng panig ng Pilipinas,
particular na ang Baguio na isa sa mga maunlad na lungsod sa bansa. Ang Baguio ay isa sa mga
paboritong bakasyunan ng mga turista dahil sa magnada nitong klima. Tinagurian din itong
“Summer Capital” ng Pilipinas. Ipinagmamalaki rin ng Baguio ang Panagbenga o “Flower
Festival” na dinarayo ng mga turista. Tampok ditto Ang parade ng iba’t ibang bulaklak na tanim
sa Baguio. Ngunit nababahiran ito ng komersyalisasyon na lagging dala ng turismo sa ibang
lugar. Sa halip na isang cultural na pagdiriwang ay nagiging isang komersyal na Gawain ito. Sa
ganitong pangyayari ay unti-unting namulat ang tradisyon kasama ang kultura sa oryentasyong
pagkamal ng salapi kapalit ng pananatili ng katutubong kultura. Ang panagbenga ay isang
malinaw na resulta ng komersyalisasyon.
Pangunahing layunin ng papel na ito, na ipakita sa mga mamamayan ang tunay na
kaganapan at kalagayan ng Cordillera (sa perspektiba ng lungsod ng Baguio) na ikinukubli ng
Masaya at magarbong pagdiriwang ng Panagbenga . pangalawa, ay upang bigyang katwiran kahit
na ito sa konteksto ng naabuso at nabubusabos na katutubong kultura ng mga Cordillera na
minana pa nila sa kanilang ninuno.
Tiyak na layunin ng papel na (a) Tukuyin ang pag-unlad ng Baguio mula sa panahon ng
Kastila hanggang sa kasalukuyan; (b) Tiyakin ang kasaysayn ng Panagbenga at komersyalismong
nangyayari rito; (c) Suriin ang epekto ng komersyalisasyong ito at lungsod; (d) Tukuyin ang mga
maaaring hakbang para lutasin ang problema.
Magpopokus ang papel na ito sa kultura at ekonomikal na aspekto ng Baguio kasama ng
Panagbenga at ang epekto ng lumalaganap na komersyalisasyon. Mithiin ng pag-iinterbyu,
pagsasalikisik sa aklatan, mga artikulo at pahayagan, pagkuha ng opinion at pananaw ng iba,
kasama ang kaunting paghahanap ng datos sa internet, na maipakita at malinawan ang tunay na
kalagayan ng Panagbenga sa aspektong cultural at ekonomikal. At upang Makita rin ang epekto
bng komersyalisasyobn sa lungsod ng Baguio, kultura at sa mga taong nakakasaksi ng
“Commercialiazed Panagbenga”.
Isang 20-25 pahinang papel, double-spaced, ang inaasahang mabubuo ng pananaliksik na
tutukoy sa huli sa mga hakbang tungo sa paglutas sa problema ng komersyalisasyon ng
Panagbenga. Lalagyan din ito ng 2-3 apendiks na bubuuin ng mga litrato at ilang dokumento.
-Halaw mula sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (Batay sa K-12 Kukulum)
5.4 Awtput
III. MGA GAWAIN
A. PANGKATANG GAWAIN
Panuto: Ipapangkat ang klase sa apat. Mula sa pangganyak, pumili ng isang
isyung panlipunan at punan ang talahanayan sa ibaba upang makabuo ng
isang konseptong papel. Ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang ginawa.
PAKSA:
BAHAGI NG
KONSEPTONG PAPEL
TARGET NA NAPALOOB
RATIONALE
LAYUNIN
METODOLOHIYA
INAASAHANG AWTPUT
O RESULTA
MGA PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN
Puntos
Pag-uulat o Presentasyon =10
Kaisahan =10
Nilalaman =15
Kaayusan =15
Kabuuan: =50
B. PAGLALAHAT (Journal Notebook)
Panuto: Isulat sa journal notebook ang sagot sa tanong na ito:
Kung ikaw ang guro ng mga bagong mananaliksik, pabubuoin mo pa
ba ng konseptong papel ang iyong mga mag-aaral bago ang malawakang
pangangalap ng datos at pagsulat sa kabuoan ng papel? Bakit oo o bakit
hindi?
 Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang
kasagutan.
PAGLALAPAT
Panuto: Sumulat ng isang konseptong papel na may paksang “Ang
Kabataang Pilipino sa Makabagong Teknolohiya”. Ipakita muna ang
balangkas ng pagkakabuo nito batay sa mga bahagi ng konseptong papel.
Mga Pamantayan: Puntos
 Nilalaman =10
 Organisado =10
 Taglay ang bawat bahagi ng KP =10
Kabuuan=30
C. PAGTATAYA (FACT O BLUFF)
Sa isang kapat na papel, tukuyin ang kawastuhan o kamalian ng
bawat pahayag. Isulat sa linya ang FACT kung ito’y wasto at ang
BLUFF kung hindi.
_________1. Ang konseptong papel ay nagsisilbi ring proposal ng sulating
papel.
_________2. Sa layunin mababasa ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
_________3. Iisang metodo lamang ng pagkalap ng impormasyon ang
maaaring gamitin para sa konseptong papel.
_________4. May iba’t ibang paraan sa pagsusuri o pagbibigay kahulugan o
interpretasyon sa makakalap na datos.
_________5. Ang bahagi ng konseptong papel kung saan mababasa ang
hangarin o tunguhin ng pananaliksik batay sa paksa ay ang layunin.
_________6. Ang pansamantalang balangkas ay isang istriktong gabay na
dapat sundin sa pagbuo ng konseptong papel hanggang sa ito ay matapos.
_________7. Sa pamamagitan ng impormasyong taglay ng konseptong
papel ay maaari ng magbigay ng paunang feedback, mungkahi o suhestiyon
ang guro.
_________8. Ang bahagi ng konseptong papel na nagsasabi tungkol sa
kasaysayan o dahilan kung napiling talakayin ang isang paksa ay tinatawag
na metodolohiya.
_________9. Ang rationale na bahagi ng konseptong papel ay naglalaman
ng kalalabasan ng pag-aaral batay sa pangangalap na ginawa ng
mananalikisk tungkol sa paksang kaniyang tatalakayin.
_________10. Mula sa iyong nabuong paksa, pahayag ng tesis, at balangkas
ay maaari ka na ngayong bumuo ng iyong konseptong papel.
Mga sagot:
1. FACT
2. BLUFF
3. BLUFF
4. FACT
5. FACT
6. BLUFF
7. FACT
8. BLUFF
9. BLUFF
10. FACT
Inihanda nina:
Loida B. Espinosa (Division of Tarlac City)
Danilo V. del Mundo (Division of Bulacan)
Joselle M. Galang (Division of Nueva Ecija)

More Related Content

What's hot

Talumpati
Talumpati Talumpati
Talumpati
Allan Ortiz
 
Mga hakbang sa pananaliksik
Mga hakbang sa pananaliksikMga hakbang sa pananaliksik
Mga hakbang sa pananaliksik
Christopher E Getigan
 
TEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIBTEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIB
RONELMABINI
 
pagbuo_ng_manwal.pptx.pptx
pagbuo_ng_manwal.pptx.pptxpagbuo_ng_manwal.pptx.pptx
pagbuo_ng_manwal.pptx.pptx
MerieGraceRante1
 
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptxQ4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
RamjenZyrhyllFrac
 
Pakikipagpanayam
PakikipagpanayamPakikipagpanayam
Pakikipagpanayam
eiramespi07
 
Pagsulat ng balita ppt
Pagsulat  ng balita pptPagsulat  ng balita ppt
Pagsulat ng balita ppt
Divine Garcia-Sarmiento
 
Tekstong naratibo
Tekstong naratiboTekstong naratibo
Tekstong naratibo
Joevell Albano
 
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docxDLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
MARICELMAGDATO2
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
Ruppamey
 
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptxREPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
LlemorSoledSeyer1
 
Filipino sa Piling Larang akademik
Filipino sa Piling Larang akademikFilipino sa Piling Larang akademik
Filipino sa Piling Larang akademik
Airam Viñas
 
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptxPagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
CherryLaneLepura1
 
Aralin 5 Promo Materials
Aralin 5 Promo MaterialsAralin 5 Promo Materials
Aralin 5 Promo Materials
Princess Joy Revilla
 
Deskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produktoDeskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produkto
norm9daspik8
 
Aralin 1-14 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
Aralin 1-14  Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...Aralin 1-14  Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
Aralin 1-14 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
JARLUM1
 
Modyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikaModyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wika
dionesioable
 
What's hot (20)

Talumpati
Talumpati Talumpati
Talumpati
 
Mga hakbang sa pananaliksik
Mga hakbang sa pananaliksikMga hakbang sa pananaliksik
Mga hakbang sa pananaliksik
 
TEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIBTEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIB
 
Anapora at katapora
Anapora at kataporaAnapora at katapora
Anapora at katapora
 
pagbuo_ng_manwal.pptx.pptx
pagbuo_ng_manwal.pptx.pptxpagbuo_ng_manwal.pptx.pptx
pagbuo_ng_manwal.pptx.pptx
 
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptxQ4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
Q4- Module 2-Pagbibigay Kahulugan sa mga konseptong kaugnay ng Pananaliksik.pptx
 
Pakikipagpanayam
PakikipagpanayamPakikipagpanayam
Pakikipagpanayam
 
Pagsulat ng balita ppt
Pagsulat  ng balita pptPagsulat  ng balita ppt
Pagsulat ng balita ppt
 
Editorial writing
Editorial writingEditorial writing
Editorial writing
 
Tekstong naratibo
Tekstong naratiboTekstong naratibo
Tekstong naratibo
 
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docxDLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptxREPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
 
Lathalain
LathalainLathalain
Lathalain
 
Filipino sa Piling Larang akademik
Filipino sa Piling Larang akademikFilipino sa Piling Larang akademik
Filipino sa Piling Larang akademik
 
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptxPagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
 
Aralin 5 Promo Materials
Aralin 5 Promo MaterialsAralin 5 Promo Materials
Aralin 5 Promo Materials
 
Deskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produktoDeskripsyon ng produkto
Deskripsyon ng produkto
 
Aralin 1-14 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
Aralin 1-14  Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...Aralin 1-14  Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
Aralin 1-14 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik...
 
Modyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikaModyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wika
 
Viewers also liked

Case study
Case studyCase study
Case study
janice irinco
 
Mga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyonMga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyon
njoy1025
 
Baylingwalismo
BaylingwalismoBaylingwalismo
Baylingwalismo
Grasya Hilario
 
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cgShs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Rickson Saydoquen
 
Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
Avigail Gabaleo Maximo
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
Mi L
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
Nico Granada
 
Viewers also liked (11)

Mga batas pangwika
Mga batas pangwikaMga batas pangwika
Mga batas pangwika
 
Case study
Case studyCase study
Case study
 
Mga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyonMga konseptong pangkomunikasyon
Mga konseptong pangkomunikasyon
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Baylingwalismo
BaylingwalismoBaylingwalismo
Baylingwalismo
 
Teoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanTeoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikan
 
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cgShs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
Shs core pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik cg
 
Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONTHESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
 
Similar to Lesson Exemplar sa Filipino 11

DLL OKT 16 -20, 2023.docx
DLL OKT  16 -20, 2023.docxDLL OKT  16 -20, 2023.docx
DLL OKT 16 -20, 2023.docx
DivineGraceCarreon
 
Filipino sa piling larang.pptx
Filipino sa piling larang.pptxFilipino sa piling larang.pptx
Filipino sa piling larang.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
Filipino sa piling larang.pptx
Filipino sa piling larang.pptxFilipino sa piling larang.pptx
Filipino sa piling larang.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
HASDINABKARIANEBRAHI
 
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.docPagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
JONALIZA BANDOL
 
pananalksik.pptx
pananalksik.pptxpananalksik.pptx
pananalksik.pptx
JEANELLEBRUZA
 
Sipag grade-7-w1-w2-revised
Sipag grade-7-w1-w2-revisedSipag grade-7-w1-w2-revised
Sipag grade-7-w1-w2-revised
GLYDALESULAPAS1
 
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng PananaliksikPagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
KokoStevan
 
grade 8.pptx
grade 8.pptxgrade 8.pptx
grade 8.pptx
AbegailDacanay
 
LESSON 8 FINAL.ppt
LESSON 8 FINAL.pptLESSON 8 FINAL.ppt
LESSON 8 FINAL.ppt
Marife Culaba
 
Aralin-4-5.pptx
Aralin-4-5.pptxAralin-4-5.pptx
Aralin-4-5.pptx
PrincessRicaReyes
 
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
ChristineJaneOrcullo
 
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
KarinaDelaCruz36
 
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
Maui Taylor
 
Disenyo ng Pananaliksik sa Pagbasa at Pagsusuri
Disenyo ng Pananaliksik sa Pagbasa at PagsusuriDisenyo ng Pananaliksik sa Pagbasa at Pagsusuri
Disenyo ng Pananaliksik sa Pagbasa at Pagsusuri
RachelleQuinto4
 
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa PananaliksikFILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
AprilLumagbas
 
Disenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikDisenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
John Lester
 
COT-2-Aralin-5 (1).pptx
COT-2-Aralin-5 (1).pptxCOT-2-Aralin-5 (1).pptx
COT-2-Aralin-5 (1).pptx
MariaLizaCamo1
 
Similar to Lesson Exemplar sa Filipino 11 (20)

DLL OKT 16 -20, 2023.docx
DLL OKT  16 -20, 2023.docxDLL OKT  16 -20, 2023.docx
DLL OKT 16 -20, 2023.docx
 
Filipino sa piling larang.pptx
Filipino sa piling larang.pptxFilipino sa piling larang.pptx
Filipino sa piling larang.pptx
 
Filipino sa piling larang.pptx
Filipino sa piling larang.pptxFilipino sa piling larang.pptx
Filipino sa piling larang.pptx
 
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
4Q-2S_ REVIEWER-PAGBASA AT PAGSUSURI.docx
 
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.docPagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
 
pananalksik.pptx
pananalksik.pptxpananalksik.pptx
pananalksik.pptx
 
Sipag grade-7-w1-w2-revised
Sipag grade-7-w1-w2-revisedSipag grade-7-w1-w2-revised
Sipag grade-7-w1-w2-revised
 
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng PananaliksikPagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
 
grade 8.pptx
grade 8.pptxgrade 8.pptx
grade 8.pptx
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Pananaliksik2
Pananaliksik2Pananaliksik2
Pananaliksik2
 
LESSON 8 FINAL.ppt
LESSON 8 FINAL.pptLESSON 8 FINAL.ppt
LESSON 8 FINAL.ppt
 
Aralin-4-5.pptx
Aralin-4-5.pptxAralin-4-5.pptx
Aralin-4-5.pptx
 
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
PPIITTP_Q4_M1_Pagsusuri-ng-ilang-halimbawang-pananaliksik-sa-Filipino-batay-s...
 
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
 
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
 
Disenyo ng Pananaliksik sa Pagbasa at Pagsusuri
Disenyo ng Pananaliksik sa Pagbasa at PagsusuriDisenyo ng Pananaliksik sa Pagbasa at Pagsusuri
Disenyo ng Pananaliksik sa Pagbasa at Pagsusuri
 
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa PananaliksikFILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
 
Disenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikDisenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
 
COT-2-Aralin-5 (1).pptx
COT-2-Aralin-5 (1).pptxCOT-2-Aralin-5 (1).pptx
COT-2-Aralin-5 (1).pptx
 
More from Albertine De Juan Jr.

Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Mga uri ng pagsusulit ayon sa pamamaraan
Albertine De Juan Jr.
 
Mga uri ng pagtatanong
Mga uri ng pagtatanongMga uri ng pagtatanong
Mga uri ng pagtatanong
Albertine De Juan Jr.
 
Mga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipinoMga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipino
Albertine De Juan Jr.
 
Deped order 42 policy guidelines dll
Deped order 42 policy guidelines dllDeped order 42 policy guidelines dll
Deped order 42 policy guidelines dll
Albertine De Juan Jr.
 
Estratehiya sa filipino
Estratehiya sa filipino Estratehiya sa filipino
Estratehiya sa filipino
Albertine De Juan Jr.
 
Lesson Exemplar sa Filipino 11
Lesson Exemplar sa Filipino 11Lesson Exemplar sa Filipino 11

Halimbawa ng instruksyun teknik
Halimbawa ng instruksyun teknikHalimbawa ng instruksyun teknik
Halimbawa ng instruksyun teknik
Albertine De Juan Jr.
 
More from Albertine De Juan Jr. (12)

  • 1. LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Paksang-Aralin: Pagbuo ng Konseptong Papel I. MGA LAYUNIN: Ang mga mag-aaral ay inaasahang: Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananalikisk F11PT-IVcd-89 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng konseptong papel; Nakasusulat ng isang konseptong papel na may paksang Ang Kabataang Pilipino sa Makabagong Teknolohiya. Paksang Aralin PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL Mga Sanggunian/Sanggunian: Javier, Nina Lilia R. et al.,PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK. Quezon City: St. Andrew Publishing House. ph. 165-168.  www.slideshare.net/mobile/iharrtdenzelflores/konseptong-papel- filipino  www.Scribd.com/mobile/doc/78237317/Pagbuo-Ng-Konseptong- Papel Mga Kagamitan:  powerpoint presentation,  projector  laptop  kopya ng teksto II. PAGPAPALAWAK NG ARALIN: A. PAGGANYAK Ang guro ay magpapakita ng iba’t ibang napapanahong isyu gamit ang concept map. Tanong: 1. Anong apat na letrang salita ang maiiugnay sa mga nakasulat sa bilog ng concept map?  Iuugnay ng guro ang kasagutan ng mag-aaral sa araling tatalakayin.  Hihingan ng ideya ng guro ang mag-aaral tungkol sa konseptong papel. Maagang pagbubuntis EJK korupsyon kriminalidad droga kahirapan Matinding trapiko
  • 2. E. Malayang Talakayan Sa pamamagitan ng power point presentation tungkol sa “Konseptong Papel” bilang bahagi ng pagsulat ng pananaliksik magkakaroon ng malayang talakayan ang klase. (Guro=mag-aaral=kapwa-mag-aaral) PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL Mula sa iyong nabuong paksa, pahayag ng tesis, at balangkas ay maaari ka na ngayong bumuo ng iyong konseptong papel. Sa pamamagitan nito’y mailalahad mo ang magagawa mo upang mapatunayan ang iyong paksa at pahayag ng tesis. Samakatwid, ito ang magsisilbing proposal para sa gagawin mong pananaliksik. Makatutulong ang konseptong papel upang lalong magabayan o mabigyang-direksiyon ang mananaliksik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa gawaing ito. Bago pa man kasi niya gawin ang malalimang pagsisiyasat o pagpapatunay sa pamamagitan ng mga nakalap na ebidensya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong maipakita o mailahad kung ano ang mangyayari. Sa pamamagitan nito’y maalaman agad ng guro ang tunguhin o direksiyon na ninanais niya para sa sulatin. Makapagbibigay agad ng feedback, mungkahi o suhestiyon ang guro kung sakaling may mga bahagi sa konseptong papel na kailangang maisaayos pa. Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may apat na bahagi ang konseptong papel na buinubuo ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o resulta. 1. Rationale- Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysyan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa. 2. Layunin- Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa. 3. Metodolohiya- Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon. May iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang tinatawag na literature search kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng impormasyon o datos sa mga kagamitan nasa aklatan at internet. Gayunpama’y madalas hindi sapat ang impormasyon o datos na makukuha sa nasabing paraan depende sa layunin, uri, gamit, at larangan kung saan kabilang ang paksang sinasalikisik. Kaya naman, may mga mananaliksik na nangangailangang magsagawa ng oserbasyon at pagdodokumento ng mga naobserbahan, surbey sa pamamagitan ng pag-iinterview o sa pamamagitan ng survey form o questionnaire, one-on- one interview sa mga taong may awtoridad at primaryang makapagbibigay ng impormasyong kinakailangang makuha, o focused group discussion, at iba pa o kombinasyon dalawa o higit pang paraan upang higit pang mapagtibay ang kanilang argumento o pagpapatunay sa kanilang tesis. Kapag nakalap na ang mga datos ay may iba’t ibang paraan ng pagsusuri o pagbibigay- kahulugan o interpretasyon sa mga ito. Maaaring magamit dito ang mga paraang tulad ng empirical, komparatibo, interpretasyon, pagsusuri sa kahulugan, at iba pa. 4. Inaasahang output o resulta- Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos. -Halaw mula sa PLUMA ni Alma M. Dayag
  • 3. Halimbawa ng Konseptong Papel Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. 1. Ano ang konseptong papel? Bakit mahalaga ang konseptong papel sa isang pananaliksik? 2. Ano-ano ang mga hakbang sa pagbuo ng konseptong papel? 3. Bakit mahalaga ang konseptong papel sa isang pananaliksik? 4. Dapat bang isaalang-alang ang pagpaplano ng metodolohiya sa pananaliksik?Bakit? 5. Tukuyin ang mga sumusunod batay sa binasang teksto: 5.1 Rationale 5.2 Layunin 5.3 Metodolohiya “PANAGBENGA: ISANG KULTURA AT EKONOMIKONG PAGSUSURI” (Konseptong Papel) Ni Crisanto S. Salamat U.P. Baguio Hindi lingid sa ating kaalaman ang malawakang paglaganap ng globalisasyon at komersyalisasyon sa ating bansa. Ito ay mararamdaman sa halos lahat ng panig ng Pilipinas, particular na ang Baguio na isa sa mga maunlad na lungsod sa bansa. Ang Baguio ay isa sa mga paboritong bakasyunan ng mga turista dahil sa magnada nitong klima. Tinagurian din itong “Summer Capital” ng Pilipinas. Ipinagmamalaki rin ng Baguio ang Panagbenga o “Flower Festival” na dinarayo ng mga turista. Tampok ditto Ang parade ng iba’t ibang bulaklak na tanim sa Baguio. Ngunit nababahiran ito ng komersyalisasyon na lagging dala ng turismo sa ibang lugar. Sa halip na isang cultural na pagdiriwang ay nagiging isang komersyal na Gawain ito. Sa ganitong pangyayari ay unti-unting namulat ang tradisyon kasama ang kultura sa oryentasyong pagkamal ng salapi kapalit ng pananatili ng katutubong kultura. Ang panagbenga ay isang malinaw na resulta ng komersyalisasyon. Pangunahing layunin ng papel na ito, na ipakita sa mga mamamayan ang tunay na kaganapan at kalagayan ng Cordillera (sa perspektiba ng lungsod ng Baguio) na ikinukubli ng Masaya at magarbong pagdiriwang ng Panagbenga . pangalawa, ay upang bigyang katwiran kahit na ito sa konteksto ng naabuso at nabubusabos na katutubong kultura ng mga Cordillera na minana pa nila sa kanilang ninuno. Tiyak na layunin ng papel na (a) Tukuyin ang pag-unlad ng Baguio mula sa panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan; (b) Tiyakin ang kasaysayn ng Panagbenga at komersyalismong nangyayari rito; (c) Suriin ang epekto ng komersyalisasyong ito at lungsod; (d) Tukuyin ang mga maaaring hakbang para lutasin ang problema. Magpopokus ang papel na ito sa kultura at ekonomikal na aspekto ng Baguio kasama ng Panagbenga at ang epekto ng lumalaganap na komersyalisasyon. Mithiin ng pag-iinterbyu, pagsasalikisik sa aklatan, mga artikulo at pahayagan, pagkuha ng opinion at pananaw ng iba, kasama ang kaunting paghahanap ng datos sa internet, na maipakita at malinawan ang tunay na kalagayan ng Panagbenga sa aspektong cultural at ekonomikal. At upang Makita rin ang epekto bng komersyalisasyobn sa lungsod ng Baguio, kultura at sa mga taong nakakasaksi ng “Commercialiazed Panagbenga”. Isang 20-25 pahinang papel, double-spaced, ang inaasahang mabubuo ng pananaliksik na tutukoy sa huli sa mga hakbang tungo sa paglutas sa problema ng komersyalisasyon ng Panagbenga. Lalagyan din ito ng 2-3 apendiks na bubuuin ng mga litrato at ilang dokumento. -Halaw mula sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (Batay sa K-12 Kukulum)
  • 4. 5.4 Awtput III. MGA GAWAIN A. PANGKATANG GAWAIN Panuto: Ipapangkat ang klase sa apat. Mula sa pangganyak, pumili ng isang isyung panlipunan at punan ang talahanayan sa ibaba upang makabuo ng isang konseptong papel. Ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang ginawa. PAKSA: BAHAGI NG KONSEPTONG PAPEL TARGET NA NAPALOOB RATIONALE LAYUNIN METODOLOHIYA INAASAHANG AWTPUT O RESULTA MGA PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN Puntos Pag-uulat o Presentasyon =10 Kaisahan =10 Nilalaman =15 Kaayusan =15 Kabuuan: =50 B. PAGLALAHAT (Journal Notebook) Panuto: Isulat sa journal notebook ang sagot sa tanong na ito: Kung ikaw ang guro ng mga bagong mananaliksik, pabubuoin mo pa ba ng konseptong papel ang iyong mga mag-aaral bago ang malawakang pangangalap ng datos at pagsulat sa kabuoan ng papel? Bakit oo o bakit hindi?  Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang kasagutan.
  • 5. PAGLALAPAT Panuto: Sumulat ng isang konseptong papel na may paksang “Ang Kabataang Pilipino sa Makabagong Teknolohiya”. Ipakita muna ang balangkas ng pagkakabuo nito batay sa mga bahagi ng konseptong papel. Mga Pamantayan: Puntos  Nilalaman =10  Organisado =10  Taglay ang bawat bahagi ng KP =10 Kabuuan=30 C. PAGTATAYA (FACT O BLUFF) Sa isang kapat na papel, tukuyin ang kawastuhan o kamalian ng bawat pahayag. Isulat sa linya ang FACT kung ito’y wasto at ang BLUFF kung hindi. _________1. Ang konseptong papel ay nagsisilbi ring proposal ng sulating papel. _________2. Sa layunin mababasa ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa. _________3. Iisang metodo lamang ng pagkalap ng impormasyon ang maaaring gamitin para sa konseptong papel. _________4. May iba’t ibang paraan sa pagsusuri o pagbibigay kahulugan o interpretasyon sa makakalap na datos. _________5. Ang bahagi ng konseptong papel kung saan mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik batay sa paksa ay ang layunin. _________6. Ang pansamantalang balangkas ay isang istriktong gabay na dapat sundin sa pagbuo ng konseptong papel hanggang sa ito ay matapos. _________7. Sa pamamagitan ng impormasyong taglay ng konseptong papel ay maaari ng magbigay ng paunang feedback, mungkahi o suhestiyon ang guro. _________8. Ang bahagi ng konseptong papel na nagsasabi tungkol sa kasaysayan o dahilan kung napiling talakayin ang isang paksa ay tinatawag na metodolohiya. _________9. Ang rationale na bahagi ng konseptong papel ay naglalaman ng kalalabasan ng pag-aaral batay sa pangangalap na ginawa ng mananalikisk tungkol sa paksang kaniyang tatalakayin. _________10. Mula sa iyong nabuong paksa, pahayag ng tesis, at balangkas ay maaari ka na ngayong bumuo ng iyong konseptong papel. Mga sagot: 1. FACT 2. BLUFF 3. BLUFF 4. FACT 5. FACT 6. BLUFF 7. FACT 8. BLUFF 9. BLUFF 10. FACT Inihanda nina: Loida B. Espinosa (Division of Tarlac City)
  • 6. Danilo V. del Mundo (Division of Bulacan) Joselle M. Galang (Division of Nueva Ecija)